Home / Urban / Realistic / Nagkakamali kayo ng Inapi / Kabanata 1831 - Kabanata 1840

Lahat ng Kabanata ng Nagkakamali kayo ng Inapi: Kabanata 1831 - Kabanata 1840

4943 Kabanata

Kabanata 1831

Bihirang maatasan ng kahit na ano si Elias. Kahit na isa siya sa Anim na Prinsipe ng Mordu, siya naman ang pinaka mahinahon sa kanila. Walang sinuman ang nangahas na gumulo sa kanya habang nagsasanay siya sa chess, piano, pagpipinta, o martial arts. Ngunit tumunog ang kanyang phone habang naglalaro siya ng chess. Sapat na ito para patunayan na may malaking nangyari. Tumayo si Elias upang sagutin ang tawag. Mahinahon niyang sinabi, "Magsalita ka." Nang marinig ang medyo garalgal na boses ni Elias, mabilis na sinagot ng sekretarya sa kabilang linya, "Prince, may nangyari sa kanila Director Jean, Larry Chambers, at sa iba pa!" “Habang ginugulo nila si Harvey sa ospital, pumunta sila Benjamin at Yona Lynch doon!”“Dahil dito kaya natanggal si Director Jean sa kanyang posisyon, at nakulong naman si Mr. Xander!” “May hinaharap din ngayon na hindi inaasahan na problema ang Hengdian World Studios. Kung hindi mapipigilan ang kalaban, baka malugi ang kumpanya.” “Bukod dito, may
Magbasa pa

Kabanata 1832

“Bastardo!”“Ang lakas naman ng loob mo na pasukin ang Sentro ng Mordu ng ganito?!” “Hinahanap mo ang iyong kamatayan!” Maraming security guards ang pumalibot sa buong lugar. Pinatay nila ang safety sa kanilang mga baril at tinutok ang mga ito kay Harvey. Sa likuran, maririnig ang mga unggol ng sakit. Kahit na mukhang matapang ang mga guwardiya, tinignan nila si Harvey ng may takot sa kanilang mga mata. Natural lang na pinagbayad na sila ng malaking halaga ni Harvey habang papunta siya dito. Ng hindi pinapansin ang mga guwardiya, walang bahalang naglakad si Harvey papunta sa chessboard ni Elias at pinulot ang isang puting piyesa. Sa isang galaw lang, epektibo na niyang nasilayahan ang galaw ng lahat ng mga itim na piyesa sa kanilang katapusan. Pagkatapos ay hinawakan ni Harvey ang parehong puting piyesa at mahinahon na sinabi, “Ang sabi ng lahat ay si Elias Patel ay ang bayani ng henerasyon, at siya ang pinakamagaling sa larangan ng chess.” “Ngayon na nakita ko na i
Magbasa pa

Kabanata 1833

Nagkibit balikat si Elias at mahinahon na sinagot, “Ano naman ang gusto mo?”Mahinahon na sabi ni Harvey, “Hindi naman kasing labis ng sayo ang sa akin. Kapag natalo ka, ikaw ay magiging batang kapatid ko simula ngayon.” “Bilang kuya mo, ako ang magdedesisyon kung mabubuhay ka o mamamatay.” Tinignan ni Elias si Harvey ng may naniningkit na mga mata ng mahabang oras. Pagkatapos, pumalakpak siya para senyasan ang isa sa kanyang tauhan na lumapit. “Gawin mo na ang kontrata.” Isang magandang babaeng sekretarya ang lumapit. Nawala na ang lahat ng kulay sa kanyang mukha. Sinimulan niyang gawin ang tinaguriang hand-over contract. Kaagad na nagbago ang itsura ng kanyang mukha nang mabasa niya ang nilalaman ng kontrata. Hindi siya makapaniwala sa kanyang nakikita. Ang isa sa Anim na Prinsipe ng Mordu, si Prince Patel pa mismo, ay talagang nakipagpustahan sa isang probinsyano. Subalit, ang isang tauhan na kagaya niya ay walang lakas para pigilan na mangyari ito. Pagkatapos na
Magbasa pa

Kabanata 1834

Naging seryoso na din si Harvey pagkatapos niyang makita ang dalawang kamao na paparating sa kanya. Nakatayo pa din siya ng matuwid, pero nagawa niyang ilagan ang mga pamatay na galaw ni Elias sa pamamagitan ng paggewang ng kanyang ulo. Mukhang hindi nabigla si Elias, ang posisyon ng kanyang mga kamao ay papunta sa parehong lugar. Ng ginawa niya ang Cloud Step, parehong nag-iba ang angulo ng kanyang mga kamao, at dumiretso papunta sa sentido ni Harvey sa sandaling makalapit siya dito. Nanatiling kalmado si Harvey. Humakbang siya ng isang beses paatras at nailagan ang pamatay na atake. Boom!Dahil alam niya na lamang siya, hindi nagpakita ng anumang kahinaan si Elias. Muli nanaman lumipad ang dalawa niyang kamao; ngayon naman, papunta sa dibdib ni Harvey. Mahirap ilagan ang atakeng ito. Kapag tumma ito, ilan sa mga buto ni Harvey sa kanyang tadyang ang walang dudang mababasag. Kumilos na din si Harvey, pero hindi siya sumuntok. Diniinan niya ang dulo ng kamao ni Elias gam
Magbasa pa

Kabanata 1835

Bang!Nagpakita ng isang pangit na ekspresyon si Elias. Sa isang padyak ng kanyang binti, lumipad siya na kasing bilis ng kidlat. Ang marmol na lapag ay nagkaroon ng mga lamat dahil sa pwersa ng kanyang paggalaw. Naningkit ng bahagya ang mga mata ni Harvey.Sa sumunod na sandali, lumitaw si Elias sa harapan ni Harvey. Pinorma ni Elias ang kanyang kanang kamay na parang mga kuko, at pagkatapos ay hinampas ito sa mukha ni Harvey. Ito ay ang Eagle Claw Hand. Mahinahon lang na nakangiti si Harvey. Nagpakawala siya ng isang suntok para kontrahin ang atake ni Harvey. Bang, bang, bang!Kaagad na nagsalpukan ang kanilang mga katawan sa isang iglap. Sa sumunod na sandali, ang katawan ni Elias ay gumewang-gewang at kaagad na tumalsik. Pagkatapos niyang lumapag sa lupa, gumewang siya sandali bago siya nakatayo ng maayos. Si Harvey, sa kabilang banda naman, ay nanatiling mahinahon. “Natalo ka. Tandaan mo, ikaw na ngayon ang nakakabata kong kapatid.” Bahagyang sumimangot si Eli
Magbasa pa

Kabanata 1836

Isang lalaking nakaayos ang buhok at nakasuot ng itim na suit ang nakatayo sa tapat ng pintuan ng villa. Bago pa nakakibo si Harvey, binuksan na ni Kait ang pinto at pinapasok ang lalaki. "Senior, nandito ka na rin sa wakas." "Kanina pa kita hinihintay." Naglakad ang lalaki papasok ng villa at nagsabing, "Sinabi sa'kin ni Master ang lahat ng nangyari sa kapatid niyang babae." "Pagkatapos kong matanggap ang tawag mo ngayong araw, sinabihan niya ako na protektahan ka." "Hindi kita gustong guluhin tungkol dito, Junior. Dapat ay nagsasanay ka ng sinaunang martial arts." "Kapag ginawa mo yun, kahit papaano ay magkakaroon ka ng lugar sa Mordu." "Hindi ka rin tatratuhin ng tatay mo nang ganyan." "Sinabihan ako ni Master na protektahan ka para sa nanay mo." "Dapat mo siyang puntahan at pasalamatan pagkatapos ng lahat ng ito. Maraming taon na niyang sinasara ang sarili niya sa mundo." Tinignan ng lalaki ang villa hall nang may mapanghusgang mga mata. Nang lumapag ang tingi
Magbasa pa

Kabanata 1837

Naintindihan ni Harvey ang sitwasyon pagkatapos pakinggan ang paliwanag ni Kait. Iniwan niya si Kait nang mag-isa sa villa at umalis dahil aligaga siya sa maraming bagay. Hindi magiging ligtas ang pakiramdam ng isang babae kapag iniwan silang mag-isa sa bahay pagkatapos makaranas ng paghihirap kaya natural lang para kay Kait na kumuha ng taong malapit sa kanya para protektahan siya. Ngumiti si Harvey at iniunat ang kamay niya. "Brother Brennan, tama? Isa lang itong hindi pagkakaunawaan." "Ako si Harvey, ikinagagalak kitang makita." “Mmmm.”Nagpapakita pa rin ng aroganteng ekspresyon si Brennan habang nag-aalinlangang siyang nakipagkamay kay Harvey na para bang ayaw niyang lumapit kay Harvey. Naningkit ang mga mata ni Harvey, pero wala siyang sinabi. Binuksan niya ang mga takeaway box. "Brother Brennan, kung hindi ka pa kumakain, gusto mo ba kaming saluhan?" Namumuhing ngumisi si Brennan. "Harvey, tama? Wag kang mag-aalala, akong bahala sa kaligtasan ni Junior ngayong
Magbasa pa

Kabanata 1838

Umatras si Harvey ng kalahating hakbang at iniwasan ang palad ni Brennan nang napakadali. Swoosh, swoosh, swoosh!Bahagyang nagulat si Brennan. Nagsimula siyang ihampas ang pareho niyang braso nang sunod-sunod para harangan ang dadaanan ni Harvey sa dalawang direksyon. Kalmadong iniwasan ni Harvey ang atake niya, pagkatapos ay sinampal nang malakas ang mukha ni Brennan. Pak! Umalingawngaw ang isang malakas na tunog sa buong lugar. Walang kagalos-galos si Harvey habang may bakas ng palad si Brennan sa pisngi niya. Natulala si Brennan sa pag-atake sa kanya ni Harvey. Tinuturing niya ang sarili niya na isang propesyonal sa mga nakababatang henerasyon. Nang sinubukan niya si Harvey kanina, ginamit niya ang animnapung porsyento ng lakas niya. Hindi niya inakala na maiiwasan siya ni Harvey, lalo na ang masampal sa mukha. Kinaway ni Harvey ang kanang kamay niya at kalmadong nagsabi, "Brother Brennan, tama na." "Senior, kakampi natin si Harvey!" Ngayon, hindi natuwa si Kai
Magbasa pa

Kabanata 1839

"Pambihira talaga si Lebron." Kalmado ang tono ni Harvey. "Pero hindi mo kailangang mag-alala tungkol dito. Akong bahala sa kanya kapag lumitaw talaga siya." "Tama na!" "Tama na to!" Naging kasing lamig ng yelo ang ekspresyon ni Brennan. "Kung hindi lang nanghingi ng tulong ang junior ko sa Master ko, hindi sana ako pupunta rito kahit na lumuhod ka pa!" "Sinasabi ko to sa'yo para balaan ka sa kung anong mangyayari!" "At sinasabi ko sa'yo ang dapat mong gawin para iligtas ang sarili mo!" "Alam mo dapat kung anong makakabuti sa'yo!" Sa mga mata ni Brennan, tapos na ang buhay ni Harvey nang nilabanan niya sina Lucas at Justin para kay Kait. Iyon ay maliban na lang kung nagmakaawa si Harvey na humingi ng tulong kay Brennan para protektahan siya sa ngalan ng Bray Temple. Kung hindi iyon gagawin ni Harvey, walang duda na mamamatay siya. Bago makasagot si Harvey, kinakabahang sumingit si Kait, "Senior, sinasabi mo ba na kikilos si Lebron nang dahil sa'kin?" Sumingh
Magbasa pa

Kabanata 1840

Simple at diretso ang mga salita ni Harvey. Wala siyang pakialam kay Brennan, lalo na kay Leonard Bray na kilala sa Mordu. "Anong sabi mo?" Nanigas si Brennan, na nakadekwatro sa sofa habang hinihintay si Harvey na lumuhod. Nagtataka siya kung mali ang pagkakarinig niya. Maraming mayayamang young master ang hihiyaw at sisigaw kapag tinanggap niya sila kahit na walang pakialam si Brennan sa kanila. Binigyan niya ng pagkakataon ang batang ito para sa junior niya, pero tinanggihan ng batang to ang alok niya? Akala talaga ni Brennan ay nagkamali lang siya ng dinig. "Malinaw ang pagkakasabi ko. Hindi ka nararapat." "Kahit ang master mo ay walang karapatan." "Para naman kina Lucas, Justin, at sa Lebron na yun." "Kaya ko to." "Hindi mo kailangang mag-alala." Malinaw na sinabi ni Harvey ang bawat isang salita. Mas lalong kinabahan si Kait habang nakikinig sa kanya. "Harvey, hindi ngayon ang oras para maging mapagmataas!" "Alam ko na malakas ka, na may kakayahan k
Magbasa pa
PREV
1
...
182183184185186
...
495
DMCA.com Protection Status