“Medyo malayo tayo sa kwarto ng tatay mo. Dahil doon ay malaki ang posibilidad na atakihin tayo habang nasa daan. Para sa iyong kaalaman, ang mga taong ito ay mas malakas kaysa sa taong umatake sayo noong gabing iyon. At saka, kung sasabihan mo ang iyong tatay tungkol dito, paniguradong magkakagulo ang buong manor. Masyadong mahirap ang kondisyon ng iyong pamilya, kaya malamang ay magiging malala ito kung malaman ito ng iba,” paliwanag ni Gerald. “…Kaya mo ba silang kalabanin ng mag-isa…?” tanong ni Fujiko. “Oo naman, hindi sila mahirap patumbahin, kaya mas gusto ko kung nakatuon ka sa pagtatanggol sa sarili mo. At saka, kapag kinalaban ko sila, malalaman ko kung sila ay mula sa pamilyang Kanagawa o Hanyu,” nakangiting sinabi ni Gerald habang inaangat niya ang kanyang manggas. Pagkatapos nito ay tuluyan na siyang tumahimik. Medyo relaxed ang itsura niya ngayon, pero kanina niya pa pinagmamasdan ang kanilang paligid. Kahit na si Fujiko ay may tiwala sa kanyang lakas, malaki ang po
Read more