Home / Urban / Realistic / Isa pala akong rich kid?! / Kabanata 1981 - Kabanata 1990

Lahat ng Kabanata ng Isa pala akong rich kid?!: Kabanata 1981 - Kabanata 1990

2513 Kabanata

Kabanata 1981

Napahinto si Fayth sa kanyang narinig bago niya sinabing, “...Elaborate.” “Habang papunta siya sa Heavenstar Town para kumuha ng mga halamang gamot, siya ay sinugod ng ilang mga lalaki mula sa Whitehaar Abbey! Kung hindi ako sumugod para iligtas siya, matatanggap ng iyong sect ang balita tungkol sa inyong namatay sa head disciple!" paliwanag ni Gerald. Nanlaki ang mga mata ni Fayth nang lumingon siya para tingnan si Zianne bago nagtanong, "Nagsasabi ba siya ng totoo?" “Oo, totoo ang sinasabi niya! Ang mga salarin ay si Johnny at apat sa kanyang mga kaibigan sa Whitehaar Abbey! Kung kailangan mo ng ebidensya, tingnan mo lang ang mga sugat na ginawa nila sa akin! Ako ang nag-imbita kay Warrior Crawford na pumunta dito upang ipakita ang aking pagpapahalaga sa kanyang pagligtas sa akin! Alam kong mali ang ginawa ko, kaya parusahan mo ako kung kailangan mo!" sagot ni Zianne. Kumalma si Fayth nang marinig niya iyon bago siya lumapit kay Zianne at tinulungan itong tumayo... Tumaliko
Magbasa pa

Kabanata 1982

“…Ah… Sinabi sa akin ng aking master na huwag ibunyag ang kanyang tunay na pagkatao sa sinuman… Dahil doon, pasensya na pero hindi ko maibubunyag sayo ang kanyang pangalan!” sagot ni Gerald habang nag-iisip ng dahilan on the spot. Kung tutuusin, hindi naman niya pwedeng sabihin na mula siya sa ibang mundo, hindi ba? At kahit pa sabihin niya ito, malamang na hindi siya maniniwala sa kanya ... “Naiintindihan ko... Zianne! Dalhin mo si Warrior na si Crawford sa isa sa ating mga kwarto para makapagpahinga siya…” sabi ni Fayth nang hindi na sinusubukang mag-isip pa. Mabilis na tumango si Zianne nang marinig niya iyon bago inakay si Gerald palabas ng malaking hall... Maya-maya pa, dumating ang dalawa sa isang maliit na bahay at dito muna tutuloy si Gerald. Ito ang unang pagkakataon na pinahintulutan ang isang lalaki na manatili ng isang gabi sa abbey, kaya talagang nagulat ang mga disciple ng Purplefog sa desisyon ng kanilang master. Gayunpaman, hindi nila pwedeng pagdudahan ang de
Magbasa pa

Kabanata 1983

Nang wala na ang tatlo, lumapit si Gerald sa payat na lalaki at tinulungan siyang tumayo. “S-salamat sa pagligtas mo sa akin...! Ako, si Yale Zachrey, malaki ang utang na loob ko sayo!” sabi ng lalaki. “Huwag mo itong alalahanin. Nakita ko lang na binubully ka habang dumadaan ako at hindi pwede na hindi ako tumulong! Kung sa tingin mo ay may utang na loob ka sa akin, bakit hindi mo na lang ako ilibre ng almusal?” nakangiting sinabi ni Gerald habang tinatapik ang likod ni Yale. Nagulat ng sandali si Yale bago siya natauhan ng tuluyan at sinabi, "Sige ba! Ano palang pangalan mo kuya?” "Tawagin mo na lang akong Gerald!" "Okay! Kuya Gerald ang itatawag ko sayo! At saka... Parang hindi ka isang lokal... Saan ka ba galing, kuya Gerald...?" tanong ni Yale nang mapansin niya na hindi ordinaryong tao si Gerald. Naiiba ang itsura niya sa mga lokal dito at dagdag pa dito ang kanyang pambihirang lakas. Tumawa ng sandali si Gerald bago siya sumagot, “Oo! Sabihin na nating traveller ako
Magbasa pa

Kabanata 1984

Hindi nagtagal ay nakarating ang dalawa sa napakasikip na casino... Lumalabas na inaabangan ng marami ang pagsusugal, kahit saang mundo pa sila galing... Matapos gumamit ng kaunting pagsisikap na sumiksik napakaraming tao, ang dalawa ay tuluyang nakarating sa isa sa mga gambling table. Pagkatapos nito ay sinimulan ni Gerald na obserbahan kung paano nilalaro ang laro na ito... Nagulat siya makalipas ang ilang sandali na kapareho ito ng laro sa lupa! Dahil doon, alam na ni Gerald na pwede na siyang magsimulang maglaro. Inilagay ang nag-iisang divine stone na mayroon siya sa mesa at tahimik na tumango sa may-ari ng casino, na nag-udyok sa may-ari na simulan ang pag-alog ng dice sa kanyang mga kamay... Para mapanalunan ang laro, kailangang pumili si Gerald sa pagitan ng high o low slot... Mayroon lamang siyang isang pagkakataon na gawin ito, kaya paniguradong mananalo siya ng malaki kung pipiliin niya ang tama. Pagkatapos tumigil sa pag-alog ng dice, inilagay ng dealer ang mga it
Magbasa pa

Kabanata 1985

Nang marinig iyon, sinenyasan ng lalaking may scar sa mukha ang kanyang mga tauhan na hawakan ang dalawa. Pero bago pa man sila makalapit sa kanya, kusang umatake sa kanila si Gerald! Sa loob ng ilang segundo, silang lahat ay nakahandusay sa lupa at hindi na nila kayang makabangon! Nabigla ang lalaking may scar nang makita niya na napakalakas ni Gerald! Kasunod nito, tiningnan ng masama ni Gerald ang lalaking may peklat at sa sobrang takot nito ay pumunta ito sa isang gilid. Hindi niya sila pipigilang umalis pagkatapos nilang masaksihan ang lahat ng iyon! Sa pamamagitan nito, matagumpay silang umalis sa casino… Maya-maya ay huminto sila sa tabing-ilog at si Gerald ay kumuha ng isang dakot ng mga divine stones bago niya ito binigay kay Yale. “Tulad ng pinangako ko sayo, ibinabalik ko ang divine stones na hiniram ko! Ituring mong pasasalamat ko sayo ang mga ibang bato na binigay ko!” sabi ni Gerald. Nakatitig ngayon si Yale sa lahat ng mga batong ibinibigay sa kanya ni Gera
Magbasa pa

Kabanata 1986

“Walang problema sa akin, kuya Gerald! Kung tutuusin, wala na akong pamilyang babalikan at palagi akong nag-iisa... Matagal na akong nabubuhay nang walang patutunguhan, pero binigyan mo ngayon ng pag-asa ang aking buhay! Sana ay hayaan mo akong sumunod sayo…!” pakiusap ni Yale. Dahil nakakaantig talaga ang itsura ni Yale, hindi maiwasan ni Gerald na maawa sa kanya... Matapos mag-isip ng ilang sandali, bumuntong-hininga si Gerald bago niya sinabing, “...Sige na! Pwede kang sumama sa isang kondisyon! Kailangan mong maging mas matapang! Hindi ko kayang buhatin ang isang duwag! Nililinaw ko ba ang sarili ko?" “…Masusunod, kuya Gerald!” sigaw ni Yale sa sobrang tuwa na nagbago ang isip ni Gerald. Para kay Yale, walang kwenta sa kanya ang pagbabago sa kanyang sarili kung pwede naman siyang maging tagasunod ni Gerald... "Final na ang desisyon na ito! Kung wala nang iba, humanap muna tayo ng matutuluyan at kumain habang nandito pa tayo!" sabi ni Gerald, at ito ang nag-udyok sa dalawa
Magbasa pa

Kabanata 1987

Hindi nagtagal ay nahanap na ng lalaking may scar ang inn na tinutuluyan nina Gerald at Yale. Sa kabutihang palad, lumabas si Yale sa bintana ng kanilang kwarto nang marinig niya ang kaguluhan sa labas... at agad niyang nakilala ang lalaking may scar! Namumutla na ang mukha niya sa takot na naramdaman niya at mabilis na nilingon ni Yale si Gerald—na nakahiga sa kama—bago siya bumulong, “Ku-kuya Gerald...! Nandito ang gang mula sa casino...! Nandito sila hinahanap tayo...! Anong dapat nating gawin...?!” Dumiretso si Gerald sa bintana para tingnan ito... at sakto namang nakita niya ang lalaking may scar na nagmamadaling pumasok sa inn kasama ang kanyang mga tauhan! Kumunot ang noo ni Gerald nang lumingon siya kay Yale habang nag-uutos, “Halika dali!” Nanlaki ang mga mata ni Yale nang makita niyang umakyat si Gerald sa bintana! Napakadali para kay Gerald na tumalon mula sa windowsill, ngunit mas mahina si Yale kaysa sa kanya. Nakarating si Yale sa windowsill, ngunit hindi siya
Magbasa pa

Kabanata 1988

Pagkaraan ng ilang sandali ay sinabi ni Gerald, “…Huwag kang mag-alala, aalis tayo sa umaga!” Pumayag agad si Yale nang marinig niya iyon. Mababakuti para sa kanila kung maaga silang aalis… Pagsapit ng gabi, walang lakas ng loob na matulog sina Gerald at Yale dahil alam nilang may pagkakataon ang kalaban na umatake sa gabi. Gayunpaman, naramdaman ni Gerald na ito ay isang sinaunang lugar. Sa sandaling sumapit ang gabi, wala nang kahit sino ang makikita sa mga lansangan. Ang mga lokal sa Autremonde Realm ay wala talagang nightlife at talagang kakaiba ang gabi dito... Umalis agad silang dalawa ng madaling araw. Kapag maaga silang aalis, mas maliit ang tsansa na makasalubong nila ang lalaking may scar... Sa kabutihang palad, halos isang oras lang ang inabot para matagumpay na umalis sina Gerald at Yale sa bayan na iyon... Ngayong nakalabas na sila nang ligtas, nagtanong naman si Yale kay Gerald, "Saan tayo pupunta ngayon, kuya Gerald...?" Curious si Yale na malaman dahil sin
Magbasa pa

Kabanata 1989

Hindi gumalaw si Gerald at uminom lamang siya ng tsaa. Masyado nang normal para sa kanya ang mga ganitong eksena…Nasa harapan na nila ngayon ang halos isang dosenang kalalakihang may suot na itim na damit at ang mga bodyguards ay mukhang handang umatake sa kanila. Na-obserbahan ni Gerald na ang mga kalalakihang ito ay mukhang malalakas at skilled pagdating sa pakikipaglaban. Dahil doon ay nangangamba siya na kaya silang patumbahin ng mga bodyguards…. at makalipas ang ilang segundo, nagkatotoo ang hinala ni Gerald. Marami sa mga bodyguards ay nasa lapag na at malapit nang mamatay, at isa sa mga middle-aged na bodyguard ang tumingin sa mga lalaking naka-itim at sinabi, “Sino ba kayo?! Dapat niyong malaman na ako si Tanner Junas! Ako ang head ng Juans’ Bodyguard Institute sa Shontel! Gusto niyo bang mamatay matapos niyong patayin ang mga bodyguards ng Shontell?!”“Manahimik ka! Ibigay mo sa amin ang mga bato kung gusto mo pang mabuhay!” sabi ng mukhang leader ng grupo.Sumimangot
Magbasa pa

Kabanata 1990

Tumawa si Gerald bago niya sinabi, “Hindi mo kailangang maging mabait, captain Juans! Kailangan mong gamutin ang mga sugat mo!" Nang marinig iyon, napagtanto ni Tanner na sugatan pa rin pala siya. Pagkatapos nito ay umupo siya at sinimulang gamutin ang kanyang mga sugat... Maya-maya pa, dumating ang isang grupo ng horseback soldiers sa inn. Mukhang sila ang mga Armored guards ng Shontell na binanggit noon ni Tanner... Agad na tumayo si Tanner nang makita sila at binati ang isa sa mga lalaking may armour, "General Lucarl!" Si General Lucarl ang commander ng Shontell's Armored guards at namangha siya nang makita ang mga sugat ni Tanner, “Captain Juans! Ang lala ng mga sugat mo!" "Gasgas lang ito!" nakangiting sinabi ni Tanner. Sa halip na tumawa, bumaba lang si Kay sa kanyang kabayo at tiningnan ang lahat ng mga bangkay sa lupa... Sigurado siyang may matinding labanan dito ngunit napansin rin niya ang lahat ng patay na mga kalaban. Dahil diyan, si Kay ay naudyukan na magta
Magbasa pa
PREV
1
...
197198199200201
...
252
DMCA.com Protection Status