Lahat ng Kabanata ng Isa pala akong rich kid?!: Kabanata 1601 - Kabanata 1610

2513 Kabanata

Kabanata 1601

Pagkatapos magsalita ni Gerald, isang malutong na crack ang maririnig. Kasunod nito, napuno ng hangin ng mga masasakiy na hiyaw ni Yesirn! Pinisil ni Gerald ang isang braso ni Yesirn at makikita sa mukha niya ang matinding sakit na nararamdaman ng young master. Lalong nagalit si Henrick nang makita niya iyon at tinititigan niya si Gerald habang sumisigaw ng, “Ikaw…!” “Tingnan mo ito, tanda! Nasa kamay ko ang anak mo at kung gusto mong mabuhay siya sa pagtatapos ng lahat ng ginawa ko sa kanya. Alam mong makakabuti sayo kung ibigay mo ang kapatid ko! I'm sure alam mo kung ano ang mangyayari sa kanya kapag hindi ka sumunod!" sagot ni Gerald, ayaw na niyang mag-aksaya pa ng oras kay Henrick. Ito ay isang malinaw na panukala na hindi pwedeng tanggihan ni Henrick maliban na lang kung wala siyang pakialam sa kanyang anak. Gayunpaman, ipinagpatuloy lang ni Henrick ang pagturo kay Gerald habang sumisigaw ng, "Makinig ka sa akin, kung mamatay man ang anak ko, hindi mo maaabutan ng buha
Magbasa pa

Kabanata 1602

"Ikaw…! Makinig ka! Hawak ko pa rin ang kapatid mo! Huwag mong subukan na gumawa ng trick, naririnig mo?!" sabi ni Henrick habang galit niyang hinawakan si Jessica sa leeg nito. “Tanda! Subukan mong magkamali sa kapatid ko at papatayin ko ang anak mo! Kung sa tingin mo nagbibiro lang ako, subukan mo ako!" sabi ni Gerald nang bigla niyang binuhat si Yesirn sa kanyang leeg. Nakita ni Henrick na umiikot na ang mga mata ng kanyang anak sa kanyang namumulang mukha, kaya alam ng master ng pamilyang Quartermain na ang kanyang mga banta ay walang kahulugan para kay Gerald. Hindi na nagdalawang isip si Henrick at agad niyang binitawan ang leeg ni Jessica bago siya sumagot, "...Okay! Makipagpalitan tayo ng mga hostage!" Nang marinig iyon, alam ni Gerald na kailangan niyang makipaglaro sa lalaking ito. Binitawan din niya ang leeg ni Yesirn at parehong dahan-dahang naglakad sina Gerald at Henrick patungo sa isa't isa. Mahigpit ang kanilang pagkakahawak sa likod ng kanilang mga hostage. N
Magbasa pa

Kabanata 1603

“Mag-ingat ka, Gerald, okay…?” sabi ni Jessica bago humiwalay ang kapatid. Alam niya kung gaano karaming problema ang pinasok ni Gerald para lamang iligtas siya. Dahil dito, nag-aatubili siyang makita ang kanyang kapatid na sumugod muli sa kaguluhan pagkatapos nilang makabalik ng ligtas. Kung may nangyaring masama kay Gerald dahil sa kanya, buong buhay siyang mapupuno ng pagsisisi... Pagkatapos nito ay ngumiti lamang si Gerald bago niya sinabing, “Hindi mo kailangang mag-alala sa akin, ate!” Pagkatapos nito ay tumalikod si Gerald at agad na umalis... Sa hindi kalayuan, pinangungunahan ni Henrick ang ilan sa kanyang mga tauhan para habulin si Gerald. Nakapasok na si Henrick sa Sage Realm kaya kasing bilis niya ang kidlat. Sa wakas ay nakita na ni Henrick si Gerald na tahimik na nakatayo sa kanyang kinalalagyan habang naghihintay ito sa kanyang pagdating, kaya hindi niya napigilan na sumigaw, "Mamamatay ka ngayon kung ito ang huling bagay na gagawin ko, Gerald...!" Kasunod n
Magbasa pa

Kabanata 1604

“Mukhang nakayanan mo ang unang atake ko! Magaling! Tingnan natin kung kaya mo itong labanan pa!" sabi ni Henrick habang umaatras ng dalawang hakbang. Kasunod nito, iwinagayway ni Henrick ang kanyang mga kamay bago siya sumigaw, "Holy Flaring Fist!" Pagkatapos nito, ang kanyang kanang kamao ay biglang nasunog! Hindi nag-aksaya ng oras ang master ng Quartermain at nagsimula siyang umatake kay Gerald! Nang makita iyon, mabilis na sumigaw si Gerald, "Herculean Armor!" Ngumisi si Henrick sa sheild na inilabas ni Gerald bago niya mapangasar na sinabi, “Sumuko ka na lang! Hindi mo mapipigilan ang atake na ito!" Makalipas ang ilang segundo, isang malakas na tunog ang umalingawngaw habang ang naglalagablab na apoy ay bumangga sa sheild ni Gerald! Nalampasan ng apoy ang Herculean Armor ni Gerald, kaya naramdaman ni Gerald ang sakit ng apoy sa kanyang balat! Hindi niya inaasahan na ganito kalakas ang atake ni Henrick! Kung hindi sapat ang essential qi sa katawan ni Gerald, alam ni Ge
Magbasa pa

Kabanata 1605

“Master... Master, pakiusap, gumising ka na…!” sigaw ni Jade Infused Blade. Nauna siyang lumabas sa katawan ni Gerald at umupo siya sa tabi ng binata. Pagkatapos nito ay nagpasya si Jade Infused Blade na subukang gisingin man lang si Gerald. Napabuntong-hininga na lamang si Jade Infused Blade nang makita niyang ang mga malalang sugat sa walang malay na lalaki. Kahit pa sira na ang barrier ng essential qi ni Gerald, sa totoo lang ay isang himala na buhay pa si Gerald. Kung hindi dahil sa Herculean Primordial Spirit sa kanyang katawan, patay na siya siguro ngayon... Sa sandaling iyon, kumibot ang mga tainga ni Jade Infused Blade. Kasunod nito, mabilis siyang muling pumasok sa katawan ni Gerald dahil naramdaman niyang may tao dito! Makalipas ang ilang segundo, ilang sanga ng puno ang nagsimulang maglakad patungo kay Gerald... Binalot siya ng mga ito at maingat siyang hinila ng mga sanga sa isang butas ng puno... Makalipas ang halos isang araw, sa wakas ay muling nagmulat na an
Magbasa pa

Kabanata 1606

“Oh? Bakit?” curious na tinanong ni Gerald "Hindi pa tapos si Henrick sa kanyang training ng Five Blazing Dragons! One level short pa siya! Ang tanging dahilan kung bakit ka nasaktan ng ganito ay dahil nakapasok na siya sa Sage Realm! Nakikita ko na malapit ka na sa dulo ng Rune Realm, pero sa tingin ko ay hindi ko na kailangang ipaalala sayo na ang kapangyarihan ng isang Ninth-rank Chakra King at isang Sage ay magkaiba pa rin!" ipinaliwanag ng tree spirit. “...Hindi ang atakeng iyon ang nagpabagsak sa akin? Nakuha ko lang ang lahat ng mga pinsalang ito dahil sa pagkakaiba ng lakas namin?" agad namang tinanong ni Gerald. "Tama iyan! Kung kailangan mo ng patunay, ang taong makakatanggap ng expert attack ng Five Blazing Dragon ay magiging mga alikabok! Marami kang masasabi dahil buhay at humihinga ka pa sa harap ko ngayon!" sagot ng tree spirit. "…Mukhang alam mo ang tungkol sa atakeng iyon at gayundin si Henrick... Sino ka ba talaga, kung walang problema sayo na malaman ko...?"
Magbasa pa

Kabanata 1607

Sa tulong ni Roman, inabot lamang ng kalahating araw para tuluyang gumaling ang mga sugat ni Gerald. Kasunod nito, sinimulan ni Roman na ibigay ang training sa Five Blazing Dragons kay Gerald at tinuruan rin ng tree spirit kay Gerald ang maraming iba pang martial arts na natutunan niya sa buong buhay niya. Dahil doon ay pumayag si Gerald sa terms ni Roman. Ang kondisyon ni Roman ay ang makuha ang isang bagay na noon pa man ay pinaplano nang gawin ni Gerald. Sa madaling salita, gusto ni Roman na tapusin ni Gerald ang buhay ni Henrick. Hindi nagtagal, nakabisado ni Gerald ang Five Blazing Dragons attack. Dahil ang kaalaman ay ibinahagi kay Gerald, hindi na kinailangang sumailalim pa ni Gerald sa anumang pagsasanay upang makabisado ang training. Magagamit na niya ngayon ang lahat ng training natutunan noon ni Roman! Pagkatapos maibigay ni Roman ang lahat ng kailangang malaman ni Gerald, ang boses ni Roman ay umalingawngaw sa huling pagkakataon sa butas ng puno habang sinasabi niya
Magbasa pa

Kabanata 1608

Sa paraang sinabi ni Nori ay parang natatakot siya na baka babawiin ni Gerald ang sinabi niya. Nang maramdaman iyon, tinitigan siya ni Gerald nang may determinadong mga mata bago niya sinabing, “Huwag kang mag-alala, parati kong ginagawa ang mga sinasabi ko! Kung tutuusin, ang taong nagsisinungaling ay isa lamang duwag!” Kasunod nito, tiningnan ni Gerald ang kanyang kapatid at si Nori bago niya idinagdag, “May kailangan pa akong ayusin. Kailangan kong maghintay kayong dalawa sa akin dito nang ilang sandali. Huwag kang mag-alala, kapag bumalik ako ay sabay tayong aalis sa lugar na ito! Tandaan niyo na huwag kayong lalabas nang lahat at kung kinakailangan, maaari kang makipag-ugnay sa akin gamit ang tunog na anting-anting. Kapag na-activate na ito, babalik agad ako!" "…Ano? Aalis ka na naman, Gerald? Bakit?" nag-aalalang tinanong ni Jessica. Hindi niya inasahan na kinailangan nilang maghiwalay muli ng napakabilis pagkatapos nilang magsama ng maikling panahon! “Huwag kang mag-alal
Magbasa pa

Kabanata 1609

Kahit pa makikita na umaatake na si Henrick sa kanya, hindi makikitaan ng kahit kaunting takot sa mukha ni Gerald. Pagkatapos nito ay sumigaw siya, "Weakening Strike, ang first move ng Judge Swift Sword Technique!" Pagkatapos niyang magsalita, ang Jade Infused blade ay lumabas sa katawan ni Gerald at nag-transform ito sa isang espada! Inilabas niya ang blade mula sa scabbard nito at isang nakabulag na puting liwanag ang kumislap at sinundan ng malalakas na tunog na parang may pinupunit. Takot na takot si Henrick nang ginamit niya ang kanyang essential qi upang harangan ang atake! Pagkatapos ng malakas na putok, napagtanto ni Henrick na pinatumba siya ng atakeng ito sa lupa kahit pa napigilan niya ito! Nang bumangga siya dito, ang Quartermain head ay agad na sumuka ng dugo... Umuubo siya habang nakatitig kay Gerald na parang hindi makapaniwala sa mga pangyayari, “Ikaw…! Paano… Paano mo ginawa ang Judge Swift Sword Technique?!” Sa pagkakaalam ni Henrick, iisa lang ang taong m
Magbasa pa

Kabanata 1610

Pagkatapos itong ideklara ni Gerald, maririnig ang matinding ungol mula sa kanya habang si Gerald ay tumawag ng limang blazing dragon. Ang bawat isa sa kanila ay nagniningning na may nakakabulag na gintong liwanag! Gayunpaman, hindi pa tapos si Gerald. Kasunod nito, ang mga limang dragon ay nagsanib upang bumuo ng isang pasabog na apoy at liwanag bago ito dumiretso patungo kay Henrick! Hindi naiwasan ni Henrick ang atake kaya bigla siyang naging abo matapos lamunin ng apoy! Takot na takot ang iba pang pamilyang Quartermain at halos wala na silang oras para mag-react nang magsimula na rin ang pag-atake sa kanila! Hindi nagtagal, nasunog ang buong manor at ang natira na lamang sa pamilyang Quartermain ay ang kanilang mga abo... Ito ang tunay na kapangyarihan ng finalized Five Blazing Dragon... Ang lahat within thirty feet ay nasira na lamang! Pagkatapos niyang patayin ang buong pamilyang Quartermain, nagsimula nang umalis si Gerald sa Bario City. Masaya siya dahil natulungan
Magbasa pa
PREV
1
...
159160161162163
...
252
DMCA.com Protection Status