Lahat ng Kabanata ng Isa pala akong rich kid?!: Kabanata 1281 - Kabanata 1290

2513 Kabanata

Kabanata 1283

“Lumuhod ka at yumuko sa harap ni Miss Sime! Baka patatawarin ka ni Miss Sime kung siya matuwa siya sayo!" Malamig na sinabi ng bodyguard.“Kuya, dapat maging mapagpasensya ka kung kaya mong maging mapagpasensya. Hindi mo kailangang lumampas sa limitasyon mo. Hindi namin sinasadyang saktan ka sa anumang paraan!" Sabi ni Gerald.Pagkatapos nito ay naglakad siya at kinuha ang kanyang bagahe na hinagis ng bodyguard bago siya muling naghanda na umalis.“Pfft! Sinabi ko bang pinapayagan ka nang umalis?! Sino ba ang nagsabing wala siyang pakialam kung ako si Miss Sime o si Miss Some kanina lang? Dave, basagin mo ang ngipin ng taong ito!" Sabi ng babaeng umiinom ng tsaa habang nakatayo siya.Galit na galit si Chester sa sandaling ito at tanging galit na lang ang napigilan niya.Nang marinig ng isa sa mga bodyguard ang sinabi ni Miss Sime, sinipa niyang muli ang mga bagahe na kinuha ni Gerald."Kasalanan mo ito!" Sabay-sabay na sumigaw ang apat na bodyguard.Habang nagsasalita sila, nag
Magbasa pa

Kabanata 1284

Kasama ni Aiden ang isang grupo ng mga lalaki at babae.Tumingin si Gerald sa kanila ng ilang beses dahil may mahinang inner-strength na bumabalot sa kanilang lahat.Masasabi niya na silang lahat ay martial arts practitioners.“Maaga akong dumating ngayon, Kuya! Bakit ka nandito? Nandito ka rin ba para mag-training?" Nagtatakang tinanong ni Aiden."Anong training?" tanong ni Gerald.“Ehem! Ugh!”Sa pagkakataong ito, may isang babae na nasa tabi ni Aiden ang umubo habang sumesenyas kay Aiden na huwag ituloy ang kanyang sasabihin.“Kuya ko ito. Mag-uusap lang kaming dalawa ng saglit. Mauna na kayo!" Sabi ni Aiden habang nakatingin sa kanila.Plano sana ni Gerald na tumango muna sa kanila bago sila batiin.Kung tutuusin, hindi ba sila kaibigan ni Aiden?Gayunpaman, wala ni isa sa kanila ang tumingin kay Gerald o nag-hello man lang sa kanya.Dire-diretso lang silang pumasok sa elevator."Sino sila? Sila ba ay mula sa military region?"Tanong ni Gerald nang makarating sila sa k
Magbasa pa

Kabanata 1285

“Hoy! Aiden, nandito kami!"Hindi nagtagal, bumaba sina Gerald, Aiden, at Chester.Ilang babae din ang nakakita sa kanila at nagmamadali nilang binati si Aiden.Ang babaeng nagsasalita ang leader ng grupo na ito at ang pangalan niya ay Lijane. Parehong nagtapos sina Lijane at Aiden sa Sunnydale University.Pagkatapos ng graduation, bumalik si Lijane para magtrabaho sa kanyang hometown at ito ang Qerton City.Gayunpaman, lagi pa rin niyang kinokontak si Aiden.Mahuhusay ang mga grupo ng babaeng ito at pwede silang hatiin sa iba’t ibang ranggo o class.Si Lijane ay halos pumapangalawa lang sa grupo na ito.Ito ay dahil may isang babae na may napakahabang buhok sa gitna ng grupo ng mga babae. Napakaganda at maganda ang kanyang pangangatawan, matangkad siya at maganda ang kutis niya, ang kanyang makeup ay light lang rin.Sa tuwing ngumingiti siya, para bang bumabagal ang lahat ng mga gumagalaw sa paligid niya.Ilan sa mga lalaki na naghihintay ng bus sa bus stop sa tabi nila ay n
Magbasa pa

Kabanata 1286

Kaya ang ilan sa kanila ay nakaupo sa pinaka-liblib na mesa.Hindi napansin ni Gerald na nakuha ang atensyon ng isang waiter ang pagdating niya doon. Palihim na tiningnan ng waiter si Gerald ng ilang beses.Matapos makumpirma ng waiter na nandoon nga si Gerald, inilapag niya ang plato sa kanyang kamay bago siya tumalikod at umalis. Sa oras rin na iyon, may sinabi rin siya sa kanyang walkie-talkie.Kasabay nito, isang magandang babae na nakadamit ng napaka-marangal at matikas na paraan ang nagpakita rin sa venue, agad niyang nakuha ang atensyon ng maraming tao.Maganda ang kanyang ngiti habang siya ay direktang naglalakad patungo sa mesa na nasa harapan, puno ito ng mga tao mula sa training groups.“Fernando! Nandito ka na pala!"Nakangiti siya nang kausapin siya ng isang lalaking singkit ang mga mata na nakaupo sa mesa sa gitna ng grupo ng mga tao.Pagkatapos nito ay namula ang maganda niyang mukha nang makita niya ang lalaking nagngangalang Fernando."Matilda, matagal na tayon
Magbasa pa

Kabanata 1287

Sa pagkakataong ito, nakita rin ni Fernando ang dalawang lalaki nang tumingin siya sa direksyon kung saan nakaturo ang bodyguard.Dose-dosenang bodyguards na ang nakapaligid sa dalawang lalaki sa oras na ito.“T*ng-ina! Tapos na kayo ngayon! Fernando, dukutin mo ang mga mata niya at baliin ang lahat ng kanyang mga paa!" Galit na sinabi ni Matilda habang nakasara ng mahigpit ang kanyang mga kamao.Tumango si Fernando bilang pagsang-ayon.Samantalang sina Gerald, Chester, at Aiden, ay nakatutok sa mga laban na nagaganap sa loob ng arena.Sa katunayan, ang dalawang manlalaban na ito ay nagsasanay nang husto sa loob ng mahabang panahon. Napakalakas nila at matindi ang kanilang abilidad. Samakatuwid, totoong entertaining ang kanilang laban."Mr. Crawford, parang may mali. Sa tingin ko ay papunta sa atin ang mga bodyguard na iyon. At saka, nakita ko rin ang babae na nakita natin kahapon!”Sabi ni Chester habang umiinom ng juice at nakatutok ang kanyang mga mata sa away na nagaganap sa
Magbasa pa

Kabanata 1288

Pagkatapos niyang sabihin ito, ang lahat ng nakarinig nito ay biglang nanginig dahil sa takot.Ang mga skills at cultivation base ni Fernando ay sikat at kilala sa buong Martial Arts Association. Mula pa noong teenager si Fernando, kahit ang isa nang top master ay hindi siya kayang kalabanin.Napakatalino si Fernando at siya ay isang nakakatakot na tao!Bukod pa dito, nakikita ng lahat na ang isang lalaki na dahan-dahan na umaakyat sa mataas na plataporma ay may majestic aura, habang kinukusot niya ang kanyang mga mata.Pagkatapos nito, tinuro niya si Gerald at sinabi, “Narinig ko kay Matilda na magaling ka raw sa labanan. Bakit hindi mo tanggapin ang hamon ko? Gusto kong makita mismo kung gaano ka kalakas!" Umiling lang si Fernando at pilit na ngumifi habang pinagmamasdan ang masigasig na mata ng audience.Sa oras na ito, hindi inaasahan ni Aiden na makukuha ni Matilda si Fernando na lumaban sa ngalan niya.Kaya naman makikitang pinagpawisan na ang buong noo niya sa mga oras na
Magbasa pa

Kabanata 1289

"Mr. Crawford mula sa Mayberry City?" Pati si Matilda ay natigilan din."Imposible! Hmph! Nagpapanggap ka lang na si Mr. Crawford mula Mayberry City kasi alam mong mamamatay ka na dito, di ba?” nagmamadaling sinabi ni Matilda pagkatapos niyang makapag-desisyon.Ang mga babaeng kasama ni Aiden ngayon ay nagkaroon ng bagong tingin kay Gerald.“Sa tingin ko, napilitan siyang magpanggap bilang si Mr. Crawford mula sa Mayberry dahil nasaktan niya si Miss Sime. Iyon lang siguro ang paraan para mailigtas niya ang sarili niyang buhay ngayon. Kung hindi, sa malamang ay pilay na siya ngayon!"Napakaraming talakayan ang nagaganap sa oras na ito.Habang paalis na si Gerald, si Yuno ang nanguna sa paglalakad at tumayo siya sa mataas na plataporma habang nakatingin siya ng masama kay Gerald.“Bata! Kung lalaban ka ngayon, sisiguraduhin kong tatalsik ang mga dugo mo sa buong lugar!" Malamig na sumigaw si Yuno.“Si Yuno ay master din ng Martial Arts Association. Malamang ay hindi niya hahayaan
Magbasa pa

Kabanata 1290

Importante para sa kahit sinong tao na magkaroon ng self-awareness. Hindi naging maingat si Gerald sa kanyang mga salita ngayon, kaya talagang bumaba ang tingin sa kanya ng maraming tao.“Simulan ang laban! Turuan mo siya ng leksyon!" May sumigaw mula sa gitna ng mga manonood."Mukhang gusto mo nang mamatay!" Galit na sumigaw si Yuno bago siya sumugod kay Gerald.Ang skills ni Yuno ay talagang napakatalas kumpara sa isang ordinaryong tao. Kahit pa ito ay isang flying kick o isang side kick, lahat ng kanyang mga galaw ay napaka-simple ngunit masyadong malakas. Kung tamaan niya ang isang tao nang direkta sa kanyang ulo, ang taong iyon ay paniguradong mako-comatose.Mabilis na nagtago at umiwas ang mga tao dahil natatakot sila na masaktan sila ni Yuno.Gayunpaman, kalmadong ipinasok ni Gerald ang kanyang mga kamay sa kanyang mga bulsa habang ilang beses niyang iniiwasan ang maraming flying kicks at side kicks ni Yuno.Nakita ni Gerald na todo ang mga atake ni Yuno, kaya hindi niya n
Magbasa pa

Kabanata 1291

"Ikaw…! Magsimula na tayo! Patutumbahin kita sa unang sampung suntok mo!" Sigaw ni Fernando habang nakatingin siya kay Gerald bago siya nakangiting umiiling. Pagkatapos nito, ipinatong ni Fernando ang kanyang mga braso sa kanyang likuran at ipinikit pa ang kanyang mga mata bago siya humarap kay Gerald. Nakikita sa kanyang aksyon na ito na siya ay nasa isang uri ng kakaibang kapaligiran. Ang lahat ng iba pang tao sa buong mundo ay walang kabuluhan sa kanya. “…Wala bang plano si Fernando na umatake…? Masyadong masama ang mga lumabas sa labi ng lalaking iyon! Sa palagay ko, ito ang paraan ni Fernando para harapin siya!" "Ginagawa niya iyon dahil may dahilan siya! Alam mo bang eksperto ang pamilyang Dawson sa isang sikretong martial art technique na tinatawag na Art of Counter Injury?" “Ano? Anong ginagawa nito?” "Mula sa narinig ko, ang mga practitioner ng martial art na iyon ay hahayaan kang umatake sa abot ng makakaya mo. Para sa tuwing bumibigat ang bawat atake nila, mas bu
Magbasa pa

Kabanata 1292

Nang makalabas sila sa malaking hall, may ilang mga babae na nagsimulang pumalibot kay Gerald at medyo excited sila. Naging kaakit-akit siya sa kanila, kaya ilan sa kanila ay masigasig na tinanong siya tungkol sa ilang bagay para mas makilala siya. "Napakalakas mo, Gerald!" “Oo nga! Gerald, ikaw ba talaga ang legendary Mr. Crawford na mula sa Mayberry...? Hindi ito sinabi sa amin ni Aiden!" “Paano kung ako nga? Importante ba yun?" kaswal na tinanong ni Gerald. Bumuka ang bibig ng mga babae nang sabihin niya iyon. Makikita na hindi interesado si Gerald sa kanila kahit kaunti. Gamit lamang ang isang sipa ni Gerald, naging paralisado na si Fernando. Sa madaling salita, napagtanto ni Fernando na hindi niya magagamit ang kanyang braso nang magising siya. Ilanh henerasyon nang may magandang relasyon ang pamilyang Sime at Dawson, kaya paniguradong nagdulot ng malaking kaguluhan sa pamilyang Sime ang insidente. Kung tutuusin, si Fernando ay isang sumisikat na bituin sa Martial Arts
Magbasa pa
PREV
1
...
127128129130131
...
252
DMCA.com Protection Status