All Chapters of Isa pala akong rich kid?!: Chapter 1161 - Chapter 1170

2513 Chapters

Kabanata 1163

‘Ang lakas niya…!’ naisip si Gerald sa kanyang sarili. Naranasan niya ang kanyang inner strength at malaman niya na ang kanyang puwersa ay ibang-iba kung ikukumpara sa iba pang pwersa na dati niyang naranasan. Kung ipaghahambing niya ang kanyang puwersa at ang pwersa ni Queena, ito ay tulad ng paghahambing ng maruming tubig sa isang napaglipasan na pool sa dalisay at distilled na tubig. Malaki ang pinagkaiba ng dalawa at walang duda kung sino ang may higit na kapangyarihan dito. Pinagmasdan ni Gerald ang pamumula ng mukha ni Jasmine habang dahan-dahang nilakasan ni Queena ang kanyang pwersa. Mamamatay na si Jasmine anumang segundo ngayon kung talagang nag-desisyon si Queena na tapusin siya! “Tumigil ka!” sigaw ni Gerald habang mabilis na tumakbo palapit sa kanya. “Huwag kang mag-alala, hindi ko siya papatayin... Kung tutuusin, nakikita kong nagmamalasakit ka sa kanya! Anyway, isasama ko siya hanggang sa makuha ko ang sagot mo!" sagot ni Queena habang maingat niyang hinawak
Read more

Kabanata 1164

Hindi ganoon ang ugali ni Queena. Gayunpaman, sinunod amang nila ang kanyang kautusan dahil sa kanyang commanding na pananalita. Ang kanyang lakas ay kahanga-hanga! Pagkatapos nilang nakarating sa destinasyon nila, si Queena ay lumabas lamang ng kotse at nagsimulang maglakad papunta sa manor. Sa loob ng manor, tila nagaganap ang isang maliit na kaguluhan ng pamilya... Kasalukuyang magkakasamang nakatayo ang mga miyembro ng pamilyang Yonwick habang si Freya ay kasalukuyang naglalakad ng pabalik-balik habang nababalisa. Nangyari ang isyu na ito dahil plano niyang magmadali sa airport para sunduin ang isang kaibigan. Gayunpaman, hindi nagtagal ay napagtanto niya na inilabas ni Queena ang lahat ng sasakyan ng pamilya para isama ito sa pupuntahan niya! ‘“P*tang ina!” nagmura si Freya sa kanyang isipan. Si Queena ay anak lamang ng kanyang third uncle at ang ibig sabihin nito ay hindi mataas ang kanyang katayuan! Hindi niya inasahan na magiging malakas ang loob niya na kunin ang l
Read more

Kabanata 1165

“…Hindi mo alam kung ano ang ibig sabihin ng pag-ibig…? …Kaya pala napaka-brutal mo! … Sinasabi ko sayo ngayon na hindi totoong kaligayahan ang binibigay ng kayamanan o katanyagan... Gaano man kalaki ang makuha mo, hindi ka talaga magiging masaya nang hindi nalalaman kung ano ang ibig sabihin ng totoong pag-ibig! Kahit pa maraming bagay sa mundong ito ang makuha mo, hindi ka magiging masaya kung hindi mo mararanasan ang tunay na pag-ibig... Walang kahit anong katanyagan o kayamanan ang mapupunan ang emptiness na iyon at patuloy kang magdurusa hanggang sa araw na ikaw ay mamatay, maliban na lang kung maintindihan mo iyon!” paliwanag ni Jasmine. Hindi niya alam kung sino ang babaeng nasa harapan niya, ngunit hindi naman iyon ang mahalaga ngayon. Ang mahalaga ay may nakamamatay na weakness ang napakalakas na babaeng ito. Lumalabas na sobra siyang nasaktan sa pag-ibig.Hindi maiwasan ni Queena na mapatitig na may pagtataka matapos marinig ang lahat ng iyon. Binalak ni Queena noong una
Read more

Kabanata 1166

"...Hindi kaya ikaw... ikaw si Chloe...?" maingat na tinanong ni Jasmine.Pagkatapos niyang marinig kung paano nawala sa kanya ang lahat at nagbago ang kanyang buhay pagkatapos siyang iwan ng kanyang mga kaibigan at pamilya, naramdaman ngayon ni Jasmine na mas nakakaawa si Queena.“...Hindi iyon mahalaga. Dapat malaman mo ngayon na hindi ako titigil hangga't hindi ko siya makuha!" deklara ni Queena habang mahigpit na nakasara ang kanyang mga kamao."...Pero... Ano ang kinalaman ng lahat ng ito kay Gerald...?" Nagtatakang tinanong ni Jasmine.“Hindi mo ito maiintindihan kahit na ipaliwanag ko sayo ang lahat… Pinaka-summarized version na ng kwentong ang sinasabi ko sayo. Alam ko na ikaw ay isang matalinong babae! Hindi ko sasabihin sayo ang lahat nang detalyado para lang mahanap mo ang mga kahinaan ko!" Ngumisi si Queena.“...Napaka-defensive mo ba sa lahat ng nasa paligid mo...? Ganito ka rin ba sa kanya...?” tanong ni Jasmine.“Oo! Ito... Ito ang dahilan kung bakit niya ako nila
Read more

Kabanata 1167

"Wala akong dahilan para magsinungaling sayo! Totoo ang lahat ng sinabi ko! Hindi talaga ako ang taong hinahanap mo!" sabi ni Gerald na nakatingin sa kanya ng diretso sa mata. Base sa reaksyon nito, wala na siyang pagdududa sa mga nangyayari. Ang taong niligtas niya ay hindi ang babaeng nakaputi. Malaki ang posibilidad na nasa loob pa rin ng palasyo ng hari ng karagatan ang babaeng nakaputi. Dahil sa mga bagong rebelasyon na ito, naramdaman ni Gerald na mas matalinong hindi banggitin kung nasaan ang kinaroroonan ni Zeus. Sikreto niya iyon hanggang sa matagpuan niya ang totoong babaeng nakaputi. “Wala akong pakialam! Hinding hindi ako maniniwala sayo! Sinabi ko na sayo na ikakasal na tayo bukas! Handa ka na bang sabihin ang kasagutan mo?" tanong ni Queena nang saglit na nanlambot ang mga mata niya habang nakatingin kay Gerale. "Ang kasal ay hindi isang laro at hindi naman natin mahal ang bawat ito... Kaya paano tayo magpapakasal?" sagot ni Gerald habang pilit siyang nakangiti.
Read more

Kabanata 1168

Hindi alam ni Gerald kung bakit pero parang may koneksyon sa kanya si Zeus at si Jasmine ang kanyang bihag. Nang makabalik siya sa Montholm Island manor, agad siyang sinalubong ng isang grupo ng mga tao na nakapalibot sa manor. Ang mga taong ito ay nakasuot ng kakaibang kasuotan at ilang daan sa kanila ang nakaharang sa pasukan ng manor. Gayunpaman, ang nakakuha ng atensyon ni Gerald ay ang ilan sa kanyang mga bodyguard na nakahandusay sa lupa. “Young master! Bumalik ka!" tuwang-tuwa na sumigaw ang ilan sa kanyang mga bodyguard na may malay pa nang makita siya ng mga ito. Lumapit sa kanya sila Joshua at Lord Fenderson nang mapagtanto nilang naroroon siya. Pagkarating nila sa harapn niya, mabilis namang nagpaliwanag si Bryson, “Silang lahat ay mga miyembro ng Holy Witchcraft, Gerald! Ang master ng Holy Witchcraft ay personal na dumating ngayon para makita ka!" Nang marinig iyon, alam na agad ni Gerald kung ano ang pakay nila dito! "Ikaw ba si Gerald?" tanong ng isang mata
Read more

Kabanata 1169

Ilang segundo bago isagawa ang napakalakas na suntok ni Hendrik papunta kay Gerald, na may may malaking posibilidad na mamatay sa puntong ito, isang sigaw ang nagpatigil sa kanyang atake sa kalagitnaan ng laban. Ang taong sumigaw ay walang iba kundi si Chester. “Lola, Second Lord! Huwag mong patayin si master! Wala itong kinalaman sa kanya!" sabi ni Chester habang nakaluhod. "Tinatawag mo siyang master? Nakakatawa! Ikaw ang master ng Holy Witchcraft! Bakit mo tatawagin ang spoiled brat na ito na master! Kung may lumabas na balita tungkol dito, paniguradong sisirain mo ang prestihiyosong pangalan ng aming angkan!" sagot ni Tiara habang kumikibot ang gilid ng kanyang labi. Siya ay isang taong nagmamalasakit sa prestige. Para sa kanya, ang isang tao na mamamatay ay hindi espesyal kung gagawin nila ito para mapanatili ang katayuan ng Holy Witchcraft! "Desisyon kong manatili sa tabi ni master! Ayaw ko nang maging young master ng Holy Witchcraft noong una pa lang! Ang gusto ko lan
Read more

Kabanata 1170

Ang malakas na dagundong ay nanggaling kay Gerald na ang mga mata ay duguan habang nakatitig sa mga dugong kasalukuyang lumalabas sa bibig ni Chester. Si Joshua at Lord Fenderson ay mabilis sumugod, habang ang nanginginig na si Chester ay nauutal na sinabi, "M-master... Ma… masakit...!" Tinakpan ng kanyang kamay ang mga sugatang bahagi sa ulo ni Chester, sinubukan ni Gerald na ilabas ang kanyang kapangyarihan para iligtas siya habang sumisigaw, “Magiging magaling ka! Huwag kang mamatay!” “Hu… huli na ang lahat… A-alam mo, master…Sa… sa tingin ko makikita ko na sa wakas si Lola...! Paglipas ng maraming taon, mukha pa rin siyang eight yeara old na bata... At... ang kanyang ngiti... ang kanyang tawa... ang ganda ng mga ito tulad ng dati...!" sagot ni Chester hanggang sa unti-unting humina ang boses niya habang dumadaloy ang dugo sa bibig niya. “Na… nakikita ko na siya... Siya ay nakasakay sa isang bangka… Sinasabi niya sa akin na... magkikita kami sa paglubog ng araw nang magkasam
Read more

Kabanata 1171

Dahil doon, inutusan ni Hendrik na arestuhin si Gerald. Hindi nagtagal, nakita ni Gerald na nasa loob ng isang secret room kasama si Hendrik. "Sabihin mo sa akin, Gerald... May nalalaman ka bang mga secret techniques para maalis ang sinaunang witchcraft...?" malamig na tinanong ni Hendrik. "Mga secret technique? Paano ko naman malalaman ang mga bagay na iyon! Kung tutuusin, ang mga ganoong technique ay itinuturo lamang sa mga taong nasa loob ng Holy Witchcraft, hindi ba?” kaswal na sumagot wi Gerald habang nakatingin kay Hendrik. “Itigil mo na ang kaka-arte mo sa harap ko! Aaminin ko na gumamit ako ng isang sikreto at sinaunang technique ng witchcraft sa katawan ni Chester noon pa man... nilalason ng witchcraft na iyon ang puso ng isang tao. Ang kanilang mga kilos ay magiging kakaiba na parang isang baliw! Pagkatapos ng mahabang panahon, ang taong iyon ay mamamatay sa kabaliwan! Swerte ako na natutunan ko ang secret technique na iyon. Di bale, nung nakita ko ulit si Chester kan
Read more

Kabanata 1172

Sa puntong iyon, ang dalawang guardian ay inatasan na itaboy ang mga taong nananatili dahil sa takot na tangkaing iligtas ng mga tao si Gerald. Dahil dito, katahimikan na lamang ang narinig nang tumingala si Gerald sa buwan na nasa gitna ng midnight sky. Buong hapon na nanatiling nakatutok si Gerald sa pag-iisip ng paraan para makawala sa kanyang seal. Masyadong mabilis ang lumilipas na panahon at natandaan rin ni Gerald ang pagkamatay ni Chester. Dahil doon, ayaw na niyang hayaan ang sinuman sa paligid niya na magdusa pa o mamatay dahil sa kanya! Sa pag-iisip na iyon, kahit papaano ay nakaisip siya ng isang paraan upang masira ang kanyang seal. Noong una niyang nakita ang deity, nakakita si Gerald ng isang hugis singsing na jade pendant na nagbigay ng ilang alaala sa kanyang isipan. May ilan siyang alaala sa pag-aaral ng ilang mga bagong skills, ngunit maliit na bahagi lang ng mga skills na ito ang nagamit niya sa kabila ng pagtatangka noon na gamitin ang mga skills na iyo
Read more
PREV
1
...
115116117118119
...
252
DMCA.com Protection Status