Home / Urban / Realistic / Numero Unong Mandirigma / Kabanata 341 - Kabanata 350

Lahat ng Kabanata ng Numero Unong Mandirigma: Kabanata 341 - Kabanata 350

2505 Kabanata

Kabanata 341

"Huwag kang mag-alala, sanay na ako. Hindi niya ako mapapansin!" Ngumiti ang bodyguard na nagmamaneho ng kotse at sinabing, "Hindi ka ba nagtataka kung bakit inutusan tayo ni Young Master Hugo at Young Master Clark na sundan si Fane at tingnan ang mga lugar na pinupuntahan niya? At kung may binibili ba siyang mamahaling bagay?" Sumagot ang bodyguard na katabi niya, "Sa tingin ko ito ang dahilan. Ang dinig ko nangako si Fane na magbibigay siya ng regalo na may halagang 10 million para sa ika-70 na kaarawan ng Old Master ng mga Taylor, sa harap mismo ng buong Taylor family! Napakalaking halaga ng 10 million, at kahit mga aristocrat napapasimangot sa ganun kalaking halaga.""Ah. Kung ganun, gusto ng dalawang Young Master na alamin natin kung ano ang bibilhin ng bwisit na yun. Tama ba?" Ang hula ng bodyguard na nagmamaneho ng kotse. "Gusto nilang alamin natin kung makakabili ba talaga ng regalo yung bwisit na yun, at nanakawin natin yun sa kanya kung talagang may pera siya para bumi
Magbasa pa

Kabanata 342

"Kung ako sayo, hindi na ako mag-aalala pa. May tiwala ako sa kakayahan ni Fane!" Nakangiting sumagot si Tanya. Hindi na niya pinansin pa ang matabang, si Michael Wilson, at sa halip ay sinuri na lamang ang mga batong nakalatag sa harap niya. Nagningning ang mga mata niya noong makapili siya ng bato. "Hmm. Mukhang maganda ang batong 'to," ang sabi ni Tanya. "Malaki at kwadrado ito, at may bakas ng jadeite sa labas nito. Hindi na masama!" "Magaling ka pumili, iha. Talagang malaki ang potensyal ng isang ito. At tingnan mo ang kulay nito—ito ang susi. Napakalinaw at makintab ang pagka-berde nito. Sa katunayan, nagdadalawang-isip din akong ibenta ito. Gusto ko rin sana itong subukan. Kaso, medyo kapos ako sa pera nitong mga nakaraan, kaya hindi ako nangangahas na sumugal!"Natawa ang matandang lalaki at inunat ang lima niyang daliri. "Hindi na 'to kailangang timbangin. Bibigyan na lang kita ng estimated na halaga nito. Baka malugi ako ng sobra kapag tinimbang pa natin 'to. 500 thousand
Magbasa pa

Kabanata 343

Sa madaling salita, hindi natuwa si Michael sa mga sinabi ni Fane. "Hmph. Kung hindi ka naniniwala, ikaw na mismo ang tumingin sa oras na mabuksan 'to! Pero payo ko sayo, iuwi mo muna yan bago mo yan buksan. Hindi ka gaanong mapapahiya kapag ginawa mo yun!" Tumawa si Fane. "Kalokohan. Sundalo ka lang. Ano bang alam mo tungkol dito? Nangahas lang akong sumugal sa batong 'to pagkatapos ko 'tong suriing maigi. Dalawang metro ang layo mo mula dito, hindi mo 'to nakikita ng malapitan. Paano mo malalaman na ordinaryong bato lang 'to?"Tumawa si Michael. "Sa tingin ko galit ka lang talaga sa mayayaman. Sinasabi mo yan kasi gusto mong mapahiya ako!" "Tama yun. Kakaiba talaga ang mga tao ngayon. Sinusumpa nila ang iba dahil lang mas marami silang pera!" "Tama. Paano naman siya magkakaroon ng kaalaman tungkol dito? Magkaiba ang mundo nila. Paanong mas marami ang alam niya kaysa sa young master ng isang mayamang pamilya?" Nagsimulang magbulung-bulungan ang ilan sa mga nanonood at pinat
Magbasa pa

Kabanata 344

"Young Master Wilson, mukhang nasayang lang ang 400 thousand mo sa pagkakataong ito." Noong mapansin ni Yvonne na naglaho ang lahat ng kulay mula sa mukha ni Michael, agad siyang napahalakhak ng malakas. Hindi siya tagahanga ni Michael Wilson. Hindi katanggap-tanggap ang lebel ng pagkahumaling ni Michael sa mga babae. Nangyari noon na ilang ulit tinitigan ni Michael ang mga hita ni Yvonne habang naglalakad siya. May nangyari pa nga na sinadya ni Michael na dumaan sa likuran ni Yvonne at nagpanggap siya na nawalan siya ng balanse para lang mahawakan niya ang puwet ni Yvonne. Tumatak sa isipan ni Yvonne ang mga pangyayaring iyon kaya ramdam niya ang matinding galit noong mga sandaling iyon. Kung hindi miyembro ng Drake family si Yvonne o kung hindi siya pinsan ni Tanya, baka may gawin pang mas imoral si Michael sa kanya! Kaya tuwang-tuwa siya nang makita niyang naloko si Michael. Ang pinakamahalaga dun, ay nahulaan ito ng tama ni Fane, na isang baguhan sa mga gambling rock. I
Magbasa pa

Kabanata 345

"Paano mo nasabi na walang magandang klase sa mga batong 'to? Hindi mo nga tiningnan ng maigi ang mga 'to! Tsaka, baguhan ka lang, kaya anong alam mo?" Sinermonan ng matandang may-ari ng tindahan ng mga gambling rock si Fane. Sa sobrang galit niya gusto niyang sakalin si Fane. Nandito ba 'tong taong 'to para sirain ang negosyo at reputasyon niya? "Manahimik ka na lang kung wala kang alam sa mga gambling rock!" Inirapan ni Yvonne si Fane at umupo para pumili ng bato niya. Pagkalipas ng ilang sandali, dinampot niya ang isang bato. "Ito," ang sabi niya. "Hindi na masama ang batong 'to!" Nagsalubong ang mga kilay ni Michael. Hindi siya kampante sa larong ito dahil alam niya na mas maraming karanasan si Yvonne kaysa sa kanya pagdating sa mga gambling rock, pero naniniwala siya na mas gumaling siya sa pagpili ng mga bato kaysa noon. Ilang ulit na pinag-isipan ni Michael ang ilang mga bato at di kalaunan ay nakapili na rin siya. "Itong batong 'to!" Tahimik na tiningnan ni Fane ang
Magbasa pa

Kabanata 346

Naramdaman ni Yvonne na bumilis ang tibok ng kanyang puso habang pinapanood niya na binubuksan ng apprentice ang bato ni Michael. Nagdasal siya na sana mas pangit ang gambling rock na napili Michael kaysa sa napili niya. Kung ordinaryong bato lang ang napili ni Michael o kahit na may laman itong kaunting jade, may pag-asa pa ring manalo sa pustahan si Yvonne. Sa wakas, nabuksan na ang bato at lumabas na mas mataas ang kalidad nito kaysa sa napili ni Yvonne, kahit na maliit lang ang halaga nito na aabot lang sa 20 hanggang 30 libong dolyar. Agad na humalakhak si Michael. "Please patawarin mo 'ko, Ms. Yvonne. Mukhang panalo ako sa pagkakataong 'to!" Tumawa si Michael at nagpatuloy siya sa pagsasalita, "Magbayad ka na! 300 thousand!" "Hmph! Nanalo ka lang kasi swinerte ka!" Suminghal si Yvonne bago siya nagbayad ng pera sa boss. Subalit, dahil natalo si Yvonne, tumingin siya ng masama sa may-ari ng tindahan at nagreklamo, "Tama si Fane. Walang magandang bato sa tindahan mo!"
Magbasa pa

Kabanata 347

Gayunpaman, naglakad si Fane papunta sa isang tindahan at nagtingin-tingin. "Huwag kang mag-alala, Ms. Yvonne. Kikita ka ng masmaraming pera, hindi ka malulugi. Kapag nalugi ka, babayaran kita!" "Kung yan ang gusto mo, sige! Iisipin ko na lang na nanghihiram ka ng pera sakin ngayon. Ako muna ang magbabayad para sayo." Hinawakan ni Yvonne ang kamay ni Tanya habang palapit sila kay Fane ng may ngiti sa kanyang mukha. "Kung ganun, kukunin ko ang batong 'to," Nagsalita si Fane at itinuro niya ang isang malaking bato. Kwadrado ang batong ito, at aabot sa 15 kilograms ang timbang nito base sa laki nito. Subalit, nasa ilalim ng puwetan ng may-ari ng tindahan ang malaking kwadradong bato na ito. Ginagamit itong bangko ng may-ari ng tindahan. "Ano? G-Gusto mo ang batong 'to?" Ang may-ari ay isang babaeng medyo may edad na. Napako siya sa kinauupuan niya sa loob ng ilang sandali bago siya tumayo sa kanyang upuan. Nakaramdam siya ng matinding saya dahil sa mga sinabi ni Fane. Isang
Magbasa pa

Kabanata 348

"Hehe. 19 kilograms 'to pero sisingilin niyo lang sakin yung halaga ng 15 kilograms. Talagang napakabait mo!" Nang marinig niya ang pag-uusap nila, umirap si Tanya at ngumiti ng malamig. "Isa lang 'tong ordinaryong bato, kaya syempre ayos lang sayo na bigyan siya ng discount! Kung talagang iniisip mo na mataas ang kalidad ng batong 'to, magiging ganito ka pa rin ba kabait?" "Tama yun! Niloloko mo ang isang baguhan! Ang sama mo!" Ang sabi ni Yvonne bago siya tumingin kay Fane. "Hayaan mong tulungan kita, Fane. Isang ordinaryong bato lang ang napili mo! Galing lang sa gilid ng kalsada yung batong yan." "Huwag ka nang mangialam!" Mabilis na sumabat si Young Master Wilson. "Yvonne, huwag kang sumuway sa usapan. Sa pagkakataong ito, ako at si Fane ang naglalaro, hindi tayong dalawa! Dahil wala ka namang kinalaman dito, hindi ka na dapat mangialam! Kapag nangialam ka pa, huwag na lang nating ituloy ang pustahan na 'to!" "Tama siya. Walang dapat na mangialam!" "Sang-ayon ako dun!
Magbasa pa

Kabanata 349

"Hmph! Hindi pa nga natin nabubuksan 'to. Paano mo nasabi na matatalo ako? Sinabi ko lang na maganda ang napili mo!" Tumawa lang si Fane. "Ikaw… Bakit mo ibinaba ng ganun ang sarili mo?" Bumulong si Yvonne sa kanyang sarili. "Unahin niyong buksan ang sakin!" Agad na binayaran ni Michael ang bato, at higit sa isang daang libo ang naglaho ng ganun na lang. Binuksan ng dalawang apprentice ang gilid ng bato. Lumapit siya agad nang mabuksan ang bato. Agad na napangiti si Michael. "Hah! Fane, loko ka. Eksakto ang sinabi sa pagkakataong 'to. Nakikita mo ba yan? Lagpas sa kalahati nito ang icy jadeite, at maganda rin ang kulay nito. Siguradong aabot sa ilang milyon ang halaga nito, walang duda." "Imposible!" Nagdilim ang mga ekspresyon nila Yvonne at Tanya noong makita nila ito. Talagang maganda ang napiling bato ni Michael. Mahirap makakita ng ganito kataas na kalidad ng brilyante. "Binabati ka namin, Young Master Wilson! Ang ganda ng napili mo!" Natulala ang tindera. Kung sab
Magbasa pa

Kabanata 350

"Patingin ako. Patingin ako!" Agad na lumapit si Yvonne at yumuko para tingnan ng maigi ang bato. Hinaplos niya ang kanyang mga daliri sa jade. "Diyos ko. Napakaganda ng kulay nito. Napakadaling ibenta nito sa halagang 20 million!" "Icy lavender jadeite ba 'to? Ngayon lang ako nakakita ng ganito!" Natuwa din si Tanya. Lubhang napakaswerte ni Fane; napakaganda at pambihira ang batong napili niya. "Ta—Talagang mataas na kalidad na icy jadeite nga ito!" Sumimangot si Michael. Natalo talaga siya sa pagkakataong ito—at ang saklap ng pagkatalo niya. Kahit na nakakuha siya ng napakagandang brilyante, higit na mas mababa ang halaga at kalidad nito kumpara sa nakuha ni Fane. Humarap si Fane kay Michael pagkatapos nito, ngumiti siya at nagsalita. "Young Master Wilson, lumuhod ka na. Hindi ka naman siguro aatras sa pustahan, di ba?" Ang pang-aasar niya kay Michael. "Ikaw…" Hindi maipinta ang mukha ni Young Master Wilson. Siya ang young master ng isang aristocratic family. Luluho
Magbasa pa
PREV
1
...
3334353637
...
251
DMCA.com Protection Status