Home / Urban / Numero Unong Mandirigma / Chapter 1751 - Chapter 1760

All Chapters of Numero Unong Mandirigma: Chapter 1751 - Chapter 1760

2505 Chapters

Kabanata 1751

Tumango si Alejandro. Lalo na't napakarami pang miyembro ng Cabello family na hindi pa nahahanap. Kahit na marami sa kanila ang namatay, malamang ay may natitira pang sampung libo sa kanila. "Magaling, Master. Nandito ka talaga. Diyos ko. Hindi ako niloloko ng mga mata ko. Haha!" Sa hindi inaasahan, sa sandaling ito, lumipad papunta sa kanila sina Kevin at ang ilang iba pang Elders na sa Cabello family na pinangungunahan ang tatlong libong miyembro ng Cabello family pati na rin ang higit dalawang libong miyembro ng Woods family. "Magaling. Ang galing! Nandito ang master natin at ang iba pa, pati si Young Master Fane. Ang galing talaga. Nakakita tayo ng mas malaking grupo!"Namula ang mga mata ng marami sa mga miyembro ng Woods family nang nakita nila sina Fane at ang iba pa. Sa mga nagdaang ilang araw, nakahanap nga sila ng maraming spirited grass at kayamanan sa bagong lugar na ito. May ilan pa ngang nasa mas mataas na cultivation level na nakarating na sa first-grade ultimate
Read more

Kabanata 1752

"Ano?! Nasa–nasa sampung libong tao ang nakapasok dito?" Dahil ang Whittemore Fortress ang pinakamalapit sa gubat, dito naunang nagpunta ang lahat. Sa sandaling nalaman ng lolo ni Arthur ang sitwasyon, napatayo siya mula sa upuan niya sa gulat. Halos lumuwa ang mga mata niya. "Tama. Lolo, pag-usapan muna natin ng fortress master ang dapat nating gawin. Ah, hindi lang nakapasok ang lahat ng mga taong ito rito—ang mas mahalaga, maraming tao mula sa Bloodshed Clan ang pumasok sa gubat para maghanap ng kayamanan at gawin ang tungkulin ng clan nila. Ngayon na nagkasalubong sila, malamang patay na sina Ms. Helena at ang iba pa!" Nakaramdam ng awa si Arthur nang binanggit niya si Helena. Nagalit siya sa sarili niya sa pagiging mahina niya. Kung hindi, hindi niya sana piniling umalis nang nasa bingit siya ng kamatayan. Nakikita ng matanda kung anong nasa isip ni Arthur at umirap nang walang pakialam. "Wala kang kwentang bata, puro ka Ms. Helena. Wag mong kalimutan na ikaw ang apo ng El
Read more

Kabanata 1753

"Lolo, buhay ng tao ang pinag-uusapan natin dito! Kapag mas lalo natin tong pinatagal, mas maraming tao ang namamatay! Kapag nagpatuloy tayo nang ganito, sinong makakaalam kung gaano karami sa kanila ang namatay na sa sandaling kumilos tayo?!" Mas lalong nataranta si Arthur nang marinig niya ito, pero wala pa rin siyang nagawa. Nagpatuloy pa rin si Cooper, "Ano naman ngayon kung mamatay ang ilan sa kanila? Hindi ko pwedeng gawin ang gusto ko nang wala ang desisyon ng nakakataas sa'kin. Kailangan ko munang ipaalam sa fortress master ang tungkol dito at sundin ang naaayong proseso para hawakan ang bagay na ito. Naiintindihan niyo? Kung dumiretso ako sa First Fortress Master para ipaalam ito sa kanya nang hindi nagsasabi sa fortress master, anong gagawin natin kapag nagalit siya? At saka napakarami nilang nakapasok. Hindi sila mauubos kaagad! Napakalawak din ng gubat. Hindi sila madaling mahanap sa dami nila. Kaunting disipulo lang mula sa Bloodshed Clan ang pumasok. Gaano karami ba a
Read more

Kabanata 1754

"Li–limampu hanggang animnapung libo?" Tumaas ang tono ni Kieran. Akala niya ay nagkamali siya ng dibdib. Kung limampu hanggang animnapu lang sila or kaya lima hanggang anim na raan, hindi niya iisipin na malaking bagay ito. Lalo na't matagal na simula nang insidenteng iyon. Kahit na makapasok ang kaunti sa kanila, hindi ito papansinin ng Alliance Guard at tiyak na hindi sila gagawa ng malaking gulo tungkol dito. Ngunit, masyadong marami ang limampu hanggang animnapung libong tao. Higit pa roon, gaano karaming spirited grass ang kukunin ng mga taong ito sa sandaling pumasok sila? Kailangan nilang isuko ang marami sa martial resources nila! Higit pa roon, ang lagusan ay nasa loob ng gubat malapit sa Nine Armies. Ang gubat na iyon ay masasabing parang likod-bahay lang nila. Maliban sa disipulo mula sa Bloodshed Clan na paminsan-minsang pumupunta para maghanap ng ilang materyales, madali para sa mga tao ng Nine Armies na pinakamalapit sa gubat na pumunta roon. Ngayon na nakapasok
Read more

Kabanata 1755

Kung kaya't ang malaking problema na nagmula sa bibig ni Hendrick ay wala lang sa mga mata ng ama niya. "Makinig kayo. Nakapasok… nakapasok sa lugar natin ang mga tao mula sa inabandonang mundo! At higit isandaang libo sa kanila ang nakapasok! Nakasalubong namin ang ilan sa kanila at nakausap din namin sila. At saka…" Kwinento ni Kendrick ang naranasan niya nang may natatarantang tono. Hindi niya alam kung saan magsisimula." "Teka. Ano? Higit isandaang libo sa kanila?" Si Kye—ang ama ni Hendrick—ay sobrang nagulat sa numero na binanggit niya. Kung sampung libo sa mga taong ito ang nakapasok sa lugar na'to, malaking problema na ito, paano pa kaya ang isandaang libo sa kanila?! Nang matauhan si Kye pagkatapos marinig ang nakakagulat na balitang ito, pinutol niya si Hendrick bago niya natapos ang pangungusap niya. "Hendrick, seryosong bagay to, dapat maging tapat ka tungkol dito. Sigurado ka ba na totoo ang sinabi mo?" Si Ella, na nakatayo sa tabi ni Hendrick, ay humakba
Read more

Kabanata 1756

Sa sandaling ito, lumingon ang lahat kay Elder Cooper. Ngumiti si Elder Cooper pagkatapos ay nagpaliwanag sa lahat. "Mga ginoo, nasa anim na rang tao ang nakapasok dito, kung saan ang tatlo hanggang apat na raang libo sa kanila ay mula sa mainland habang ang natitirang dalawandaang libo ay nagmula sa teritoryo sa karagatan. Hindi ako sigurado kung paano nila nahanap ang daan papasok pero nandito na sila. Higit pa roon, dalawampung araw na silang naririto. Sa dalawampung araw na iyon, ilan sa mga talentadong henyo nila ang nakarating na sa ultimate god realm." "Diyos ko! Dalawampung araw na silang nandito? Itong mga taga-labas na'to, napakaraming araw na nilang nandito pero ngayon lang natin nalaman ang tungkol dito!" "Oo, masyado tayong naging pabaya! Mas mahihirapan pa tayong mapansin ang presensya nila kung pumasok sila at umalis ng gubat sa loob ng maikling panahon." "Hindi. Imposibleng hindi natin sila mapapansin. Lalo na't daan-daang libo sa kanila ang pumasok, at sa k
Read more

Kabanata 1757

Isang matanda mula sa fortress ang nakakunot ang noo habang sumisinghal siya. Hindi niya alam ang gagawin. “Sang-ayon ako. Sobrang dami nila! Kapag kumampi tayo at prinotektahan natin sila, siguradong hahabulin tayo ng Bloodshed Clan. Tapos kapag nakipaglaban na tayo, baka wala na tayong laban sa kanila!” Isa pang matandang lalaki ang sumingit. Nasanay na siya sa komportableng buhay at ayaw niyang kalabanin ang Bloodshed clan. “Hmm… Paano kung ganito?” Isang matandang lalaki ang nag-isip muna bago sumingit sa usapan. “First Fortress Master, may ideya ako. Magpanggap tayong hindi natin alam ang tungkol dito, ayos ba ‘yun? Higit sa lahat, sinabi lang ni Young Master Arthur kay Helena Cabello at sa mga tao nito na babalik ito para pag-usapan ito kasama namin, at si Helena lamang ang may alam nito. Dahil patay na sila, wala nang tetestigo laban sa atin! Magpanggap tayong hindi natin alam na nagpunta sila dito, sa ganitong paraan, kahit malaman pa ito ng Anti-Alliance Guard, hin
Read more

Kabanata 1758

“Ano ‘tong ingay na ‘to? Tinawag ko kayo dito para mag-usap, hindi para mag-away!” Pagkatapos makinig, nagsalita na nang naiinis ang First Fortress Master. Hindi niya inasahang magkakaroon ng dalawang pananaw sa bagay na ito—ang isa dito ay hindi sang-ayon na tulungan ang mga tagalabas, habang ang isa naman ay gustong tumulong sa mga tagalabas. Kaagad na nanahimik ang silid nang makita ng lahat na nagagalit na ang First Fortress Master. Makalipas ang ilang segundong katahimikan, ang inilahad ng master ng Lavigne Fortress ang kanyang saloobin sa First Fortress Master, “First Fortress Master, tingin ko talaga matagal na kaming nagpipigil, at hindi naman kami mahina kumpara sa kanila. Kapag tinulungan namin ang mga taong ‘yun, siguradong kakampi sila sa atin! Tapos, baka magkaroon tayo ng pagkakataong umangat sa ating posisyon. Sa mga oras na ‘yun, tingin mo ba magbibigay-galang na sa atin ang Bloodshed Clan?” “Fortress master Lavigne, may punto ka!” Ang isa sa mga elder na n
Read more

Kabanata 1759

“Oo, First Fortress Master, baka nakarating na ang taong ‘yun sa second-grade o maging third-grade ultimate god-level!” Inisip ni Ella sandali at sumagot. Nag-isip si Austin ulit, at sa huli ay nagsabi na siya, “Paano kung ganito? Sa pananaw ko, hindi magsisimula ng giyera ang Bloodshed Clan laban sa atin, higit sa lahat, at kung lalabanan natin sila, malaki ang mawawala sa kanila kapag nanalo sila sa huli. Tingin ko hindi sila handang mawalan nang ganito kalaki. Kaya, tingin ko hindi ito isang bagay na pwede tayong magpanggap na hindi namin alam!” “First Fortress Master, sinasabi mo bang tutulungan natin ang mga taong ‘yun?” Nang marinig ni Arthur ang sinabi ni Austin, ginanahan siya at nagtanong nang nagagalak. Tumango si Austin bilang pagsang-ayon. “Huwag na muna tayong mag-usap tungkol sa ibang bagay. Kahit paano dapat subukan nating kunin ang mga henyo sa mga tagalabas. Higit pa rito, siguradong maglalaban sila para sa kayamanan at mga sangkap sa kagubatan, atsaka a
Read more

Kabanata 1760

“Dad!”Pero hindi masaya dito si Ella. Nang maisip niya kung gaano kabait sila Helena at Fane—lalo na noong sinagip nito ang buhay niya—natural, gusto niyang tulungan ng mga tao ng Nine Armies sila Fane hangga't maaga. Kaya hindi niya mapigilang lumapit at hilahin ang manggas ni Kye, sinusubukang magbigay ng palatandaan nang mahina ang boses. Gayunpaman, umiling si Kye sa kanila ni Hendrick. "Damay dito ang fortress natin, at nakasalalay dito kung mabubuhay ba o masisira ang Nine Armies. Alam kong sinagip ng binatang si Fane ang buhay mo Ella, at gusto mo siyang tulungan kaagad. Pero hindi tayo pwedeng basta magdesisyon sa ganito kalaking bagay. Kailangan nating pag-usapan ito at dapat pumayag muna ang nakararami bago tayo kumilos!" Nang magsalita siya dito, huminto sandalinsi Kye bago magpatuloy, "Malinaw na ang desisyon ng First Fortress Master ant pinakamaganda sa ngayon. Sang-ayon na ang lahat dito, kaya kailangan rin nating sumang-ayon. Kuha niyo? Kapag namatay na sila Hele
Read more
PREV
1
...
174175176177178
...
251
Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status