All Chapters of Ang Asawa kong Tinitingala ng Lahat: Chapter 6211 - Chapter 6220

7044 Chapters

Kabanata 6215

Nang makita niya ang karamihan, ang katawan ni Circe ay nanginginig, at ang kanyang bantay ay nasa mataas na alerto. Samantala, ang kanyang mga mata ay napuno ng galit at poot.Itinago ni Prince Auten ang kanyang sarili bilang Graham nang pamunuan niya ang Wudang Sect sa kanyang pamilya upang magdulot ng kaguluhan. Nagpalaganap din siya ng mga alingawngaw na ang kanyang pamilya ay nakipagsabwatan sa lahi ng fiend, na humantong sa iba pang mga pangunahing sekta na umaatake sa kanyang pamilya. Kung hindi ito para kay Prince Auten, ang kanyang pamilya ay hindi masisira at lilipol.Samantala, nakita rin ni Durant at ng mga alagad ng Wudang Sect si Circe. Nagpakita rin sila ng gulo. Ang kaguluhan sa pagitan ng Wudang Sect at ang pamilyang Lange na napetsahan noong mga siglo. Dahil tumawid sila ng mga landas, ni hindi nasisiyahan na makita ang iba.Lalo na Durant. Humakbang siya ng hakbang at tiningnan si Circe na may pekeng ngiti. "Circe Lange? Gaano katindi ang makita ka rito. Sabihin m
Read more

Kabanata 6216

Papunta na si Circe sa tribo ng Raksasa para hanapin si Veron. Hindi niya magawang kumalma nang marinig niya ang tungkol sa pagkahuli kay Veron.‘Kaya pala hindi ako nakatanggap ng kahit na anong balita tungkol kay Veron. Nahuli na pala ito ng Wudang Sect,’ Isip niya.Walang kaideideya si Circe na kasalukuyan siyang papunta sa isang patibong noong mga sandaling iyon. Hindi talaga nahuli si Veron. Sinamahan lang nito si Bowen sa makasaysayang isla ng mga dragon.Tumawa naman dito si Durant nang malaman nito na naniwala si Circe sa kaniya. Dito na niya sinabing, “Siya na talaga ang huling nabubuhay na miyembro ng iyong pamilya no? Kung ako sa iyo susuko na ako ngayon habang sinasabi kung nasaan ang aming Sect Master. Maaaring buhayin pa namin siya sa sandaling gawin mo ito. Pero kung hindi, huwag mo kaming sisihin kung mawawalan kami ng awa sa kaniya.”Nagmukha siyang mabangis pero sa totoo lang, puno na ng takot ang kaniyang dibdib noong ma sandaling iyon. Naniniwala siya na may kin
Read more

Kabanata 6217

Nanginig ang katawan ni Circe nang maramdaman niya ang sakit bago siya mapaatras ng ilang hakbang. Ginamit ng mga disipulo ng Wudang ang oportunidad na ito para mapaligiran si Circe at bumuo ng isang hindi matatakasang net na gawa sa mahahaba nilang mga espada.Nasaksak si Circe sa kaniyang balikat kaya agad na bumagal ang kaniyang pagkilos. Dahil dito ay nahirapan na siyang gumalaw nang harapin niya ang kaniyang mga kalaban kaya muli siyang nasaksak sa loob lang ng isang minuto.Natuwa naman si Durant sa kaniyang nakita. Malademonyo itong ngumiti habang sinasabi na, “Huwag ka ng lumaban, Circe. Sumuko ka na lang! Sabihin mo na kung nasaan ang aming Sect Master. Sa totoo lang, hindi talaga namin nahuli si Veron!”Dito na siya sumugod kay Circe habang gumagawa ng liwanag gamit ang mahaba niyang espada. Natakot siya sa kakayahan ni Circe kanina pero agad itong nawala ng masugatan ng kaniyang mga disipulo si Circe.“Ikaw—” Nalaman na rin ni Circe na isa itong patibong. Nabalot siya ng
Read more

Kabanata 6218

Ano? Agad na nagbago ang itsura ni Durant at ng mga elite na disipulo noong mga sandaling iyon. Nagmukha silang gulat habang sinasabi na, ‘Bakit… bakit nandito ngayon si Veron? Nagawa pa nitong isama ang mga army rider ng Raksasa.’Nagkataon lang ang lahat ng ito. Kalahating araw pa lang nagpapahinga sina Veron at Bowen pagkatapos nilang tulungan si Darryl na dumepensa laban sa umaatakeng mga Heaven Watcher sa Makasaysayang Isla ng mga Dragon.Nang makaalis sila sa Makasaysayang Isla ng mga Dragon, bumalik si Veron sa pamilya Lange kasama ni Bowen para magbigay galang sa namayapang lolo ni Verona tsa iba pa nilang mga pamilya. At pagkatapos ay umalis na ang dalawa para bumalik sa Raksasa at magreport kay Natalie.Kalahating oras pa lang ang nakalilipas nang marinig nila ang tunog ng naglalabang mga tao kaya agad silang lumapit para tingnan ito. Dito na nila nakita ang napapaligirang si Circe ng mga disipulo ng Wudang Sect. Hindi magagawang tanggapin ni Circe na nabihag siya ng kaniy
Read more

Kabanata 6219

“Itigil mo na ang mga kalokohan mo!” Naiinis na tingin ni Bowen sa kaniya. “Isa kayong grupo ng mga kahiyahiyang taong pumapanig kunwari sa tama. Hindi kailanman nakipagsabwatan ang pamilya Lange sa mga fiend. Ikaw at ang iyong sekta ang nagpakalat ng usap usapang iyan.“Nagawa mong wasakin ang pamilya Lange habang sinusubukang patayin ang natitirang mga miyembro ng pamilya Lange ngayon. Wala kayong awa. Walang kahit na sinong tao na pumapanig sa tama ang makakatiis sa ginagawa ninyo.”Dito na siya sumigaw sa mga army rider ng, “Makinig kayo aking mga sundalo at heneral. Patayin ninyo ang grupo ng mga kahiyahiyang tao na ito!”“Mamatay na kayong lahat!” Sigaw ng mga army rider na nakasakay sa kanilang mga kabayo habang sumusugod kay Durant at sa mga elite na disipulo."Argh!"Maraming mga disipulo ang napaligiran sa loob ng isang iglap. Narinig ang sigaw ng mga ito sa paligid. Halos kalahati sa mga ito ang namatay sa sarili nilang mga dugo.May kalakasan ang mga elite na disipulo
Read more

Kabanata 6220

‘Nako, Hindi! Gusto ko lang ipaghiganti ang aking mga disipulo. Paanong nawala sa aking isipan ang Sunset Bow?’Mabilis na ginamit ni Durant ang mahaba niyang espada para bumuo ng isang protective shield sa harapan ng kaniyang katawan.Boom! Direktang tumama ang palaso sa shield na binuo ni Durant. Agad na nawasak ng matinding puwersa mula sa pana ang shield.Napasigaw na lang si Durant sa sobrang sakit habang dumudura siya ng sariwang dugo. Tumalsik siya ng halos isang daang metro palayo bago siya bumagsak sa lupa. Dito na siya dumura ng mas maraming dugo.“Mamatay ka na!” Sigaw ng mga nakasakay na army rider sa kanilang mga kabayo habang ipinanghihiwa ng mga ito ang kanikanilang mga espada kay Durant.Nagawang mahiwa ng mga ito ng ilang beses si Durant bago ito makatayo ng diretso. Agad na sumirit ang dugo sa paligid ng kaniyang katawan.“Buwisit!” Sigaw ni Durant. Alam niyang hindi na siya dapat pang magpatuloy sa laban kung gusto pa niyang mabuhay. Dito na niya naiinis na tin
Read more

Kabanata 6221

Habang naririnig ang mga salitang iyon sa ere, agad na napatingin at napasigaw ang lahat.“Ito nga talaga ang…”“Kung titingnan ang kanilang pannamit, mukhang nagmula sa Wudang Sect ang isang ito.”Habang nasa gitna ng matinding pagkagulat, nagmamadaling naglakad si Gordon bago siya mapatigil sa kaniyang nakita.Nakita niya sa isang bakanteng lote ang ilang mga katawan na nakapatong sa isa’t isa. Nakasuot ang mga ito ng mahahabang pangitaas na katulad ng damit na isinusuot ng mga miyembro ng Wudang Sect.Hindi naging maganda ang lagay ng mga miyembrong ito ng Wudang at hindi pa tuluyang natutuyo ang dugo sa kanilang mga katawan kaya agad na kumalat sa paligid ang matapang na amoy ng kanilang dugo.Whew!Napabuntong hininga naman si Gordon sa kaniyang nakita.Masyadong malakas ang Wudang Sect sa New World kaya itinuring ito bilang isa sa mga nangungunang sekta sa kontinenteng iyon. Kung titingnan ang pananamit ng mga kalalakihang ito, mukhang mga elite ang mga ito ng kanilang se
Read more

Kabanata 6222

Umupo si Empress Monna sa kaniyang trono habang nakasuot ng marangyang robe. Natuwa siya ng husto nang marinig niya ang tungkol sa pagbabalik ni Bowen mula sa Nine Mainlands.Pumasoks ina Bowen at Veron sa palasyo bago sila yumuko sa harapan ni Monna.“Kamahalan! Naririto na po ako, si Bowen, nakahandang maglingkod sa inyo.”“Gayundin po si Veron, Kamahalan!”Nakangiti namang itinaas ni Monna ang kaniyang kamay. “Pagbati sa inyong dalawa.”Dito na niya hindi naiwasang mapatanong ng, “Kumusta naman sa Nine Mainlands? Umayos na ba ang sitwasyon ni Darryl? Kumusta na ang mga army rider natin?”Nagaalala si Monna sa kaniyang mga tauhan at mga mahal sa buhay kaya maraming bagay ang pumasok sa kaniyang isipan nang ipadala niya sina Bowen sa Nine Mainlands.Yumuko naman si Bowen para harapin ang tanong ni Monna. “Nagawa mong makalabas ng kagalang galang na si Master Darby sa kaniyang problema pero sa kasamaang palad, nasa isang daang mga tauhan natin ang namatay at nasugatan sa misyong
Read more

Kabanata 6223

Habang nagsasalita, tiningnan ni Circe ang kuwarto sa kaniyang paligid. “Nasaan na ako?”Nakangiti namang sumagot si Veron ng, “Nasa palasyo ka ngayon ng Raksasa! Ginamot ka ng mga doktor sa palasyo na intusan ng kamahalan matapos ka naming dalhin dito ni Bowen. Sila mismo ang nagligtas sa buhay mo.”Tumango naman si Circe sa naging sagot ni Veron. ‘Ganoon pala ang nangyari.’Nang biglang pumasok ang isang bagay kay Veron kaya hindi na nito naiwasan pang mapatanong ng, “Oo nga pala, Tita Circe, paano ka nagawang atakihin ng mga miyembro ng Wudang Sect?”Natawa naman dito si Circe bago niya hawakan ng bahagya ang baba ni Veron at sabihing, “Sinusubukan kitang hanapin! Naisip ko na malaki ang tiyansa na makikita kita sa tribo ng Raksasa nang makasalubong ko ang mga miyembro ng Wudang Sect.”Namumuhi namang kumislap ang itsura ni Circe habang nagsasalita. “Pinatay mo ba silang lahat, Veron?”Isa ang sekta ng Wudang sa mga salarin kung bakit bumagsak ang pamilya Lange, kaya hinding h
Read more

Kabanata 6224

Agad namang nagbuntong hininga si Circe, hidni na niya naitago pa ang panic sa kaniyang itsura. “Isa itong kulay abong jade. Masyado itong importante para sa akin.”‘Abong jade?’Napatigil si Veron sa mga sinabi ni Circe. Puti, berde at dilaw lang ang kulay ng jade na kaniyang nakita sa buong buhay niya—hindi pa siya nakakakita ng kulay abong jade.Pero hindi na ipinagpatuloy ni Veron ang pagtatanong nang makita niya ang nababahalang itsura ng kaniyang tita. At sa halip ay nagmamadali itong naghanap kasama ni Circe.Hindi nagtagal ay nahalughog na rin nila ang kuwarto ng ilang beses pero hindi pa rin nila mahanap ang nawawalang gamit ni Circe.“Mukahang nahulog ko iyon habang papunta rito.” Bulong ni Circe sa kaniyang sarili habang hinahawakan si Veron para sabihing, “Dalhin mo ako kung saan ako nanggaling. Kinakailangan ko itong mahanap.”Ito ang nagiisang bagay na ibinigay sa kaniya ni Antigonus para itago kaya agad siyang nawala sa kaniyang sarili nang mawala niya ito.Hindi
Read more
PREV
1
...
620621622623624
...
705
DMCA.com Protection Status