“Dalian mo, Shan!” sigaw ko sa kanya. Ang arte-arte gumalaw! “Sandali naman, ano ba ang minamadali mo?” “Duh, magsisimula na ‘yong laro! Sabihin mo kung ayaw mong sumama dahil aalis na ako!” Iritabli kong kinuha ang bag sa desk at lumabas na ng AVR room. “Huy, panget, hintayin mo ako!” Nakalayo na ako sa kanya at ngayon nagkukumahog na siyang sumunod sa akin. Hindi ko na siya pinansin at ipinagpatuloy na lang ang paglalakad. “Etyl, hi daw sabi ni Arlo!” dinig kong sigaw ni Rush nang dumaan ako sa Cr ng mga lalaki. Shit, ang bantot! “Hi rin, Arlo, sabi ni Etyl. Sabihin mo!” sagot ko sa kanya at tumawa. “Crush ka raw niya!” sigaw niya uli. “Sabihin mo crush ko rin siya!”
Last Updated : 2021-04-25 Read more