Home / Romance / A Wild Night With Miss Intruder / Kabanata 21 - Kabanata 30

Lahat ng Kabanata ng A Wild Night With Miss Intruder: Kabanata 21 - Kabanata 30

33 Kabanata

Chapter 21

Napabalikwas ng bangon si Blade, isang napakasamang panaginip ang nagpagising sa kanya. Si Alison daw iniwan siya kasama ang kanyang anak. Pero nakakapagtakang maliit pa ang batang karga nito, natitiyak niyang hindi si Alexa iyon. Napailing na lang siya, marahil sa kakaisip kaya naman pati sa panaginip ay dinadalaw siya ng kaalamang buntis si Alison sa iba. Wala na ito sa tabi niya, marahil ay nasa silid na nito. Alam niyang nasaktan niya ito ng husto dahil sa mga namutawing salita mula sa kanyang labi pero totoo naman ang lahat ng iyon.  Inaamin niyang ayaw niya itong mawala kaya handa siyang magbayad ng malaki, bilang yaya ni Alexa at kaulayaw niya sa kama. Ngunit hindi niya hahayaang tuluyang mahulog sa patibong nito. Bumangon siya sa kama, batid niyang ito ay tulog na kaya hindi siya nito mapapansin kapag sinilip ito sa silid. Palagi naman nitong iniiwang hindi nakalock ang kwarto lalo pa at sanay si Alexa na pumasok doon para maglambing, at syempre siya din. 
Magbasa pa

Chapter 22

Balak niyang puntahan ang address ni Alison sa Batangas, sigurado na siya ngayon na umuwi ito sa magulang nito. Kaya lang naman siya nagtungo sa bahay ng ex nito sa pag-aakalang nakipagbalikan dito si Alison para sa bata. Sa natuklasan, hindi niya alam kung masisiyahan o magagalit nanaman. Batid niyang hindi ang ex nito ang ama ng bata, pero sino? Yon talaga ang gumugulo sa kanyang isipan. Simula kagabi hanggang kanina tinatawagan niya ang number nito pero unattended na iyon. Marahil inalis na nito ang simcard. Ngayon  ang nais niya ay makita ito, makaharap ito at marinig mula sa bibig nito kung sino ang ama ng bata. Gusto niyang maliwananagan para makapagdesisyon na siya. Ayaw niya iyong ganito, isip siya ng isip iyon bang tipong mababaliw na siya. Mahal niya si Alison pero masakit sa kanyang matuklasan na buntis ito sa ibang lalaki. Maya-maya'y tumunog ang kanyang cellphone,kinuha niya iyon at tiningnan ang tumatawag. Si Aling Dorry ang nasa kabilang linya.
Magbasa pa

Chapter 23

"Ala ey anak nahapunan na tayo dito, mabuti pa ay umuwi na tayo ng makapagmeryenda," pukaw ng Itay ni Alison sa kanya. Nakaupo kasi siya noon sa may lilim ng punong mangga. Nakapanguha na sila ng kanyang Itay na kakailanganin nilang lutos sa pagagawa niya ng pabango, sabon, shampoo at lotion. Medyo matagal na siyang di nakauwi kaya naman ang stock niya ay naubos na. Buti nalang nagkaron siya ng pagkakataong umuwi. Kakarating lamang niya kaninang madaling araw pero heto at nag-aya na siyang magtungo sa bukid. Ayaw niya kasing mag-isip muna, gusto niyang kalimutan ang nangyari sa kanila ni Blade. Isa pa iniiwasan din niya ang mga tanong ng kanyang Inay. Hindi pa niya sinasabi dito ang kanyang totoong kalagayan,alam naman niya na hindi ito magagalit sa kanya. Maunawain ang kanyang mga magulang, siguro masasaktan ang mga ito kapag nalamang hindi niya kasama ang ama ng ipinagbubuntis niya. Pero natitiyak niyang tatanggapin siya ng buong-buo ng mga ito. 
Magbasa pa

Chapter 24

"Ala ey, ulitin mo nga ang iyong sinabi Bunso. Tama ga ang pagkakarinig ko? Binuntis ka ng lalaking ito?!" mahinahon pero mababakas na ang pagkadisgusto sa boses ng ama ni Alison. Napahawak naman sa kamay ni Alison si Blade, medyo kinabahan siya sa maaring gawin ng ama ni Alison pero nakahanda naman siyang tanggapin ang galit ng ama nito. Kahit bugbugin siya nito hindi siya susuko, gagawin niya ang lahat para matanggap din siya ng pamilya nito. "Opo Itay, sorry po. Hindi ko naman po sinasadya Itay, sana po mapatawad ninyo ako ni Inay." mahina ang boses na  sagot ni Alison habang nakatungo, hindi nito nakayanang salubungin ang puno ng hinanakit na tingin nito sa kanya. Biglang natahimik ang lahat, ang mga kapatid ni Alison ay tila hindi pa nakabawi sa pagkagulat. Kinakabahan siya sa anumang mangyayari, bahala na kung bugbugin siya ng mga ito tatanggapin nalang niya ang lahat. Ang tatlong kapatid ni Alison ay nananatiling nakatitig sa
Magbasa pa

Chapter 25

" Ala ey sigurado ka gang kaya mong mag-igib sa balon hijo?" tanong ng Inay ni Alison na noo'y nagwawalis ng mga tuyong dahon sa likod ng bahay. Maliligo daw si Alison kaya ipag-iigib niya ito ng tubig. Tumanggi naman si Alison at kuya nalang nito ang pinakisuyuan pero nagpumilit siya dahil na rin nais niyang patunayan ditong kaya niyang pangatawanan ang sinabi niya ditong gagawin ang mga makalumang panliligaw ng mga kabinataan noon. Sumang-ayon naman ito pero medyo kinakabahan siya dahil isang balong malalim pala ang iniigiban ng tubig dito. Akala niya ei gripo, yon pala ei sa sentro pa ng barrio ang may gripo. Isang balon na may tubig ang iniigiban at may tila pinutol lamang na maliit na galoon na kinabitan ng isang lubid. "Opo Tita, kayang-kaya po," nakangiting sagot niya dito. Pero ang totoo hindi niya alam kung papano, sa katunayan kanina pa nga siya butil-butil ang pawis dahil nakailang hulog na siya ng pansalok na galong may
Magbasa pa

Chapter 26

Kabanata 26Sumapit ang gabi. Kanina pa wala si Blade pati na ang kanyang tatlong Kuya,kakain na lamang ng hapunan ei wala pa ang mga ito. "Inay nasan na po ba sina Kuya, gabi na ei wala pa sila," tanong ni Alison sa Inay niya,nakaupo siya noon sa sala habang nakayakap naman sa kanya si Alexa. "Ala ey, ewan ko ga sa mga iyon. Baka  nasa barrio, ipinapasyal si Blade. Maanong umuwi na ang mga yon ng tayo ay makakain na," sagot naman ng kanyang Inay. "Mommy, totoo po ba na magsuswimming tayo bukas sa dagat?" tanong naman ng paslit na si Alexa. Ang kanyang Kuya Lenon kasi ay pinangakuan ito na maliligo daw sa dagat kaya ayon, nagbalak ang pamilya nila na bukas na magpicnic. Sabagay malapit lamang naman ang dagat sa kanila, maraming mga beaches na maari nilang paliguan pero mas pinili ng kanyang Inay na doon na lamang sa pribadong lugar sila maligo. May lupa kasi na malapit sa tabing dagat ang namana nito sa kan
Magbasa pa

Chapter 27

Kinabukasan. Natuloy ang mag-anak na maligo sa dagat, syempre kasama si Blade at Alexa. Tuwang-tuwa ang bata dahil unang beses itong nakakita ng dagat sa personal. Tuwang-tuwa ito habang tila nakikipagpatentero sa mga alon sa may mababaw na bahagi ng dagat. "Ay ano gang balak mo anak, sasama ka na ga sa mag-ama pabalik ng Manila? " tanong ng Inay ni Alison na noo'y tinutulungan niyang maglabas ng mga pagkaing nasa bag. Madaling araw pa lang ei nagluto na ang kanyang Inay pero mag-iihaw din sila may nakamarinade na itong hilaw na karne ng baboy at manok."Opo sana Inay kelangan po kasi ako ni Alexa, hindi po yan papayag na maiwan ako dito," sagot niya dito. "Si Alexa lang ba ang dahilan? Ala ey inlove na talaga ang bunso ko, hindi makatagal na malayo sa mahal niya. Sabagay buntis ka naman na at katulad ng pangako ni Blade sa amin kagabi ay aasikasuhin na niya agad ang kasal ninyo
Magbasa pa

Chapter 28

Kinahapunan nagpasya ding bumalik ng Manila sina Blade. Natutuwa siya sa naging kinalabasan ng kanyang paghahanap kay Alison. Ngayon legal na sila sa mga magulang at mga Kuya nito at napapayag na rin niya ang mga ito na maikasal sila ni Alison. Sa susunod na buwan magiging ganap na niyang Misis si Alison at iyon ang hindi na niya mahintay pa. Gusto na niyang ganap nitong dalhin ang kanyang apelyido. Siguro naman sa kasiyahang natatamasa niya ngayon ei wala ng hahadlang pa sa kanila. Hinding-hindi siya makakapayag na may maging balakid pa sa pagsasama nila ni Alison. Kaya ang nais niya ay mapadali ang kasal at maipadama dito na ito ang pinakamagandang bride sa araw na iyon. Gabi na ng marating nila ang kanilang bahay. Si Alexa ay nakatulog na sa biyahe kaya naman binuhat na lamang niya ito patungong silid nito. Si Alison naman ay ininit ang mga pagkaing iniluto ni Manang Dorry. Hindi na kasi sila kumain pa dahil may baon naman silang sandwich at mga kutkutin s
Magbasa pa

Chapter 29

Bago sumapit ang mismong araw ng kasal, marami pang kakaibang naranasan si Blade sa lugar nina Alison.  Sumubok din siyang magsibak ng kahoy, nagkasugat-sugat pa nga ang kanyang kamay at sa tuwing hapon tumutulong din siyang mag-igib ng tubig. Nawiwili na nga siya mag-igib ng tubig dahil nasisiyahan siyang sumalok ng tubig sa balon, expert na siya sa bagay na iyon. Naransan na rin niyang sumama manlakaya o manghuli ng isda kasama ang Itay ni Alison. First time niya iyon kaya tuwang-tuwa siya ng makahuli ng isang maliit na pugita.  Para pa nga siyang nanalo sa lotto nagsisigaw sa gasangan.  Natatawa na lamang sa kanya ang iba pang mga nanlalakaya na taga doon. Tuwang-tuwang sila dahil kahit batid ng mga itong may kaya siya sa buhay ay sinusubukan niya ang buhay ng mga simpleng tao.  Simple pero walang kapantay ang saya na mapabilang sa mga katulad nila. Dalawang araw pa ang inilagi nila ng dumating ang photographer na kukuha ng prenup photos nila ni
Magbasa pa

Chapter 30

Kinabukasan...Ang lahat ay excited sa paglabas ng Bride mula sa kanilang bahay. Mga kapitbahay, kamag-anak, kaibigan ng pamilya at maging nakikiusyoso lang. Sa silid naman ni Alison, manghang-mangha siya sa ayos niya. Animo ibang tao ang taong nakikita niya ngayon sa salamin. Napakaganda niya sa suot niyang wedding gown,  bagay na bagay din sa kanya ang katatapos palang na pagmake up sa kanya at maging ayos ng kanyang buhok. Napakaeleganteng tingnan niyon idagdag pa ang  tila headband na punong-puno ng rhinestone. Animo nagsilbing korona niya ito. Hindi siya makapaniwalang ganito pala siya kaganda kapag nakaayos.  "OMG! Sa lahat yata ng namake-upan kong bride ikaw na yata ang pinakabongga Alison! Goshhh!  Para kang dyosa sa wedding gown mo! Siguradong mapapanganga ang groom kapag nakita ka nya!" bulalas ng baklang nagmake up sa kanya.  "Salamat," tipid na sagot niya dito.  Napalingon siya sa may pinto ng
Magbasa pa
PREV
1234
DMCA.com Protection Status