Naghisterikal na ako. Paulit-ulit kong pinupukpok ang ulo kaya lumapit na sa akin si Seth at pinigilan ang kamay ko. Bakas sa mukha ni Tricia na nahihirapan din siya pero pinanatili niyang professional ang kilos niya. Nagpumiglas ako mula sa pagkakahawak sa akin ni Seth, at nang tuluyan na akong makakawala ay pinaghahampas ko siya nang malalas sa dibdib. Paulit-ulit ko iyong ginawa, pero hindi man lang siya natinag, at hindi man lang pinigilan ang ginawa ko. “N-nasaan ang anak ko! Ibalik niyo! Please, oh, God!” Dahil sa bawat paggalaw ng kamay ko ay tumutusok ang krayom sa laman ko ay pahablot kong tinanggal ang krayom na nag-uugnay sa dextrose na nakakabit sa akin. Nagmamakaawa akong tumingin kay Tricia. “Please, Tricia, k-kaibigan kita, ‘di ba? Gusto k-kong sabihin mo sa akin na okay lang ang a-anak ko. Gusto kong sabihin m-mo na nasa sinapupunan ko pa rin siya!” Pasigaw kong sinabi ang huling salita.
Read more