Nahihirapan man, sa wakas ay nagawa ko ng buksan ang mga mata ko at igalaw ng kaunti ang mga daliri ko. Dahan-dahan sa una, hanggang sa maigalaw ko na rin ang dalawang kamay ko. Kaya naman ngayon, ang kaninang matiwasay na kwarto ay nagulo dahil abala silang lahat na tumawag ng doctor. At nang pumasok na si Dr. Jimenez ay saka lang sila nanahimik at hinintay ang sasabihin nya. Kumunot ang noo ko nang ipabuka nya ang bibig ko, saka ko lang nalaman na may tubo pala rito at halos masuka ako nang alisin nya. Pagkatapos ay ginawa nya ang usual routine nya kasama ang nurse, checking my vital signs and all that. "Maayos naman na po ang kalagayan nya sa ngayon, though we have to monitor her for the next 48 hours." rinig kong sabi nya kina mama. I am thankful na ngayon ay hindi nya na ako tinanong kung maayos lang ba ako o hindi. Unlike before na nagtatanong sya at napapaisip ako, doctor naman sya, dapat alam nya kung maayos ba ako o hindi.
Last Updated : 2021-07-14 Read more