Kabanata 66(Season 2) Bad IdeaGabi na ay hindi pa rin tapos ang inoman. Kaya pinasya kong magpaalam na sa mga ito para matulog. Si Sherwin ang naghatid sa'kin sa mismong silid n'ya. Hindi ko naman mapigilang libotin ang buong silid. It was plain and clean. Walang ibang abubot akong nakita except sa king size bed, isang night stand table at swivel chair. Isang flat screen TV at couch malapit doon. May closet na tiyak kong kaniya rin. Tapos ay wala na...Binuksan n'ya ang isang closet at kumuha doon ng bedsheet para palitan ang bedsheet ng kama.. Pati punda ay siya na rin ang nagpalit. "Magpahinga ka na, mukhang mamaya pa matatapos ang inuman doon," aniya sa'kin. "Salamat," mahina kong bigkas dito. "About your boyfriend. Hindi magandang iiwan ka n'ya dito at ibibilin na lang basta sa iba," aniya. Sumandal ito sa haba ng pinto at mukhang wala pang balak na umalis.Isang buntong h
Huling Na-update : 2021-07-26 Magbasa pa