Home / YA / TEEN / THE VILLAIN SYSTEM (Tagalog) / Kabanata 21 - Kabanata 30

Lahat ng Kabanata ng THE VILLAIN SYSTEM (Tagalog): Kabanata 21 - Kabanata 30

36 Kabanata

Chapter 20

   Pagkatapos ng nangyari kaninang tanghali ay nagkulong si Mary Joy sa silid. Kinulit niya si Tee patungkol sa kung anu-ano, pinapagod ang sarili upang makatulog. Noong makumbinsi niya ang sarili na magpahinga, madilim na at lumalamig na ang paligid. Inutusan niya si Tee na huwag magpapapasok ng kung sino sa kaniyang silid. Kung sakaling maulit man ang nangyari kay Synthell. Masunuring nagbantay ang lalaki sa labas.Mahimbing ang pag-idlip ni Mary Joy hanggang sa bulabugin iyon ng isang marahas na pagbukas ng pinto na sunundan ng mabibigat na yabag. Pumasok ang nakakasakal na Alpha scent ni Belial sa buong silid. Asar na inginudngod ni Mary Joy ang mukha sa malambot na unan.“Devlin Isle—alam mo ba kung anong kahihiyan ang binigay mo sa 'kin?” tanong ni Belial sa kaniya gamit ang boses na kayang tapatan ang mabibigat na kulog tuwing bagyo. “Isang Omega, sa silid-aklatan ng angkan ko, Devlin? Talagang doon pa?”“Belial, pakiusap.
last updateHuling Na-update : 2021-03-31
Magbasa pa

Chapter 21

   Dumaan ang tatlong araw na pare-pareho lamang ang nangyayari. Dadalaw si Synthell sa kaniyang silid, makikipag-usap si Devlin dito ng iilang minuto pagkatapos ay magbabasa siya ng libro buong maghapon. Kinagabihan ay magigising siya dahil sa paninitig ng bidang lalaki na si Belial. Pagagalitan siya nito sa patuloy niyang pakikipaglapit kay Synthell at mayamaya ay matatameme, uutusan siyang matulog muli at huwag itong pansinin.Kung magtatagal pa ito ng isang linggo ay hindi na kakayanin ni Mary Joy ang takbo ng laro.Para mabawasan ang pagkabagot ay pumunta siya sa mga kabayo. Sinabihan siya ng mga ito na huwag manganayo nang wala ang Prinsepw Belial. Hindi alam ni Mary Joy kung seseryosuhin niya ang mga ito o pagahalitan dahil sa pag-iinsulto sa kaniya. Bakit kailangang nariyan si Belial? May alam naman si Devlin sa mga kabayo!Sinubukan niya ring magpaturo ng paggamit sa iba pang sandata kay Heneral Onee pero narinig niya mu
last updateHuling Na-update : 2021-03-31
Magbasa pa

Chapter 22

   Noong umugong ang usap-usapan patungkol sa imbestigasyong nagaganap ay saka naman dumating kay Mary Joy ang balita na mas lalo muling humigpit ang sitwasyon sa Danari Pass. Wala ng kahit na sino ang basta-bastang pinapapasok sa kanilang kaharian lalo na kapag walang papeles na dala. Nag-aalala na si Tee para sa kapakanan ng Kuya Apollo ni Devlin.Hindi sinayang ni Mary Joy ang pagkakataon upang takasan ang imbestigasyon na patuloy pa ring nangyayari. Kaagad siyang tumakbo sa opisina ng ministro upang humingi ng ilang araw para mabisita ang kanilang mansyon at magpunta ng Danari Pass.Personal siyang pinuntahan ni Belial upang sagutin ang kaniyang hiling gamit lamang ang dalawang malulupit na salita. “Hindi puwede.”Hindi naitago ni Mary Joy ang inis sa mukha ni Devlin. “Belial, ang kapatid ko ang namumuno sa gulo ng Danari Pass. Baka kung ano na ang na—”“Gagawin ko ang lahat upang manatiling ligtas ang kuya mo.” Ngumiti
last updateHuling Na-update : 2021-03-31
Magbasa pa

Chapter 23: III

TO WRECK A HOUSE OF PEARLS    NARAMDAMAN kaagad ni Mary Joy na may kakaiba noong pagmulat niya. Sinubukan niyang silipin si Si upang itanong kung ano ang nangyayari. Sa tingin niya nagkaroon ng problema. Ngayon ay totohanan na. Dumilim ang paningin niya, saglit na naalarma bago napansing...nakapikit ang katawang kaniyang kinalalagyan.Nakapikit ito kahit na hindi dapat. Si Mary Joy na ang masusunod sa katawang ito. Siya ang magdadala, aarte at magpaplano nang naayon sa kaniyang kagustuhan. Hindi na siya aasa ngayon sa ugali ng karakter na kontrabida upang pumili ng solusyong naaayon sa pag-iisip at pag-uugali nito.Sa wakas ay na-unlock na niya ang restriksyong ito. Hindi na niya kailangang pigilan ang sarili na umarte ayon sa kaniyang kagustuhan.“Hay nako, Ana,” malamyang pinagalitan ng katawan ang sarili. Tinitigan ni Mary Joy kung paanong pumikit, magsalita at huminga ang katawan nang hindi niya inuutusan. Noong ibaba n
last updateHuling Na-update : 2021-04-07
Magbasa pa

Chapter 24

   Hindi inasahan ni Mary Joy ang pagragasa ng alaala sa kaniyang isip. Ang emosyong kalakip ng mga ito ay nakapanghihina ng tuhod. Upang itago ang nadarama, nanatili siyang tahimik habang iniinsulto siya ni Madame Freeda. Ang nag-iisang kapatid ni Don Frederico. Kilala na niya ito ngayon hindi dahil kay Si. Ang mga alaalang hindi mapasa kay Mary Joy ay nasa kaniya na ngayon. Hindi siya si Ana. Siya ay si Nastya. Iyon ang huling bulong sa balintataw ni Mary Joy.Si Nastya ay ang babaeng kinupkop ng mag-asawang naninirahan sa malayo. Hindi maganda ang pagtrato ng mga ito sa kaniya. Hindi ito kumupkop ng bata upang ituring na anak gaya ng sagot nito sa mga madreng nagtatanong. Gusto pala ng mga ito ang kumuha ng katulong na hindi na kailangang bayaran. Hindi natuwa si Nastya rito.Malupit man siya at madalas walang hiya, may dignidad naman siya.Noong umabot sa puntong gagahasain na sana siya ng kaniyang ‘ama’, walang pagdadalawang
last updateHuling Na-update : 2021-04-07
Magbasa pa

Chapter 25

   Hinihintay ni Mary Joy na magbalik si Ana noong makarinig siya ng pagkatok sa pinto. Hinayaan niya ang magulong buhok at sinagot ang pagtawag ni Francis mula sa kabila. Isa sa mga nakasanayan na ni Nastya ay ang paglandasin ang kanang kamay sa buhok tuwing nag-aalala o kinakabahan. Namana ito ni Mary Joy dahilan upang sabunutan niya ang sarili habang wala siya sa sarili dahil sa kakaisip.“Francis,” pagbati ni Mary Joy na kaagad niyang pinagsisihan. Kumurap ang lalaki na tila ba nawiwirduhan sa kaniyang sinabi. Kaagad na tinabunan ni Mary Joy iyon gamit ang pekeng tawa. Dahil madalas siyang nag-iisip ngayon, madalas din siyang nakakalimot sa pagkatao ng kaniyang karakter. Ngayon tuloy napapaisip siya kung mas mainam ba noong hindi pa nawawala iyong out-of-character restrictions nitong laro. Noon mas madaling umarte.“Bakit ka nandito, poster boy?” tanong ni Nastya. Naging komportable muli ang ekspresyon ni Francis. Tila ba nakahinga
last updateHuling Na-update : 2021-04-07
Magbasa pa

Chapter 26

   Nagising si Mary Joy na hindi makontrol ang katawan kinabukasan. Hindi siya masanay-sanay sa ganito. Para siyang taong dumaraan lamang sa kalsada pero kinaladkad at puwersahang pinapanood ng palabas na ayaw niyang makita.Nag-umpisa iyon sa nakasanayang gawi ng babae. Ang agawan ng trabaho lahat ng nakikitang tauhan, umaaasang makuha ang loob ng mga ito. Subalit dahil sa kondisyon ni Ana at Nastya, walang gustong makipaglagayan ng loob sa bida maliban kay Joshua, iyong hardinero. “Sigurado ka, ha, Ana?” pag-uulit ni Manong Gerald na siyang tagapagluto, “Baka mapagod ka.”“Sinong napapagod sa paghihiwa ng sibuyas, Manong Ge?” Humalakhak si Ana. Kung hindi alam ni Mary Joy ang totoong pag-uugali nito, siguradong mauuto siya sa malaman nitong tawa. “Heto na po—”“Ana,” sabi ni Aling Zena pagpasok ng kusina, “si Sir Francis nasa sala.”“Si Francis?” Hindi na naghintay ng kumpirmasyon si Ana at dali-daling lum
last updateHuling Na-update : 2021-04-07
Magbasa pa

Chapter 27

   “Ana!”Narinig ni Mary Joy ang naiinip na pagtawag ni Francis ngunit hindi siya nagmadali gaya ng tipikal na gagawin ng bida. Mabagal siyang humakbang, ninanamnam sa alaala ang mukha ni Aling Zena noong maabutan siyang humuhugot ng alak mula sa nakasaradong lalagyan. Maalam si Nastya sa pagnanakaw, hindi rin nakatulong ang masaya nitong ekspresyon dahilan upang magsisigaw ang ginang at hampasin siya ng tambo. Kapag may nawala o nasirang gamit sa mansyon, magbabayad ang mga ito kaya ganoon na lang ang naging reaksyon ng matanda.“Anastasia?”Natigilan si Mary Joy dahil sa pagtawag nito roon. Sa alaala ni Nastya, walang kahit sinong tumawag sa kaniya ng ganito. Pareho din kay Ana.“Poster boy,” bati ni Nastya noong lumiko ito sa hagdanan. Nakita niya ang pamimilog ng mga mata ni Francis noong makita ang hawak niyang alak. “Ano? Maraming alak si Madame. 'Wag kang mag-alala.”“Pero kapag nalasing ka—”“Hindi ako mag
last updateHuling Na-update : 2021-04-07
Magbasa pa

Chapter 28

   Sa loob ng tatlong araw, nasanay na si Mary Joy na laging si Ana ang nasusunod sa katawan. Araw-araw ang ginagawa niya lamang ay magmasid at hulaan kung sino sa mga ito ang kaniyang tagasunod. Sa puntong ito buong tiwala niyang sasabihin na wala sa bahay na ito ang taong ibinigay ng system sa kaniya. Wala sa mga ito ang kwalipikado upang maging kanang kamay ni Mary Joy.Ilang araw na rin niyang agam-agam ang posibilidad na agawin ni Nastya mula kay Ana si Francis. Alam ni Mary Joy na hindi gusto ni Francis si Nastya. Ang nararamdaman nito sa kaniya ay kuryosidad, isang naglalakad na sakuna na siyang wala sa buhay nito. Napaka-boring ng buhay ni Francis at si Nastya ang tanging panggulo rito.Hindi gusto ni Francis si Nastya. Sa ngayon. Paano bukas? Ngumiti si Mary Joy sa naisip. Gagamitin niya ang interes ng lalaki kay Nastya upang makuha ito. Ang tanging kailangan niya na lamang ngayon ay humanap ng panahon upang mapalapit dito. Up
last updateHuling Na-update : 2021-04-07
Magbasa pa

Chapter 29

   Kung sasabihin ni Mary Joy na hindi niya inasahan ang pagiging mailap ni Francis kay Ana, nagsisinungaling siya. At hindi siya sinungaling, o hindi ganoon ang tingin niya sa sarili niya. Baka minsan na siyang naging ganoon at umaarteng hindi, ngunit sino nga ba ang mabilis umako ng mali? Kung hindi si Mary Joy, hindi rin iyon si Ana.“Ana, pasensya na pero wala talagang sinabi si Francis, e. Hindi ka naman no'n paaalisin,” pagpapakalma ni Manong Gerald sa kaniya habang nagpapakulo ito ng sabaw. “Magpaliwanag ka na lang sa kaniya pagdating niya. Isang linggo ka na rin no'n na hindi pinapansin.”‘Hindi ko kailangan ng pagpapaalala mo!’Nitong mga araw, habang hindi makatulog si Ana at hindi makakain nang maayos dahil sa kaba at pagdududa. Habang palala ito nang palala, mas lumalakas din ang boses nito sa isip ni Mary Joy. Noong una'y kinikilabutan siya tuwing naririnig ang matinis nitong boses sa isip.Alam niya ang bawat
last updateHuling Na-update : 2021-04-07
Magbasa pa
PREV
1234
DMCA.com Protection Status