Home / Romance / Marry Me Or I Will Marry You / Chapter 21 - Chapter 30

All Chapters of Marry Me Or I Will Marry You: Chapter 21 - Chapter 30

69 Chapters

Chapter 21

KAYSA naman mapanis ang laway niya, naisipan ni Franki umidlip na lang habang nasa byahe. Mukhang wala naman balak ang amo niya na sabihin sa kanya kung saan sila pupunta, tahimik lang ito habang nag mamaneho ng kotse.Sunod-sunod na ang ginawa niyang pag hikab, kaya ipinikit na niya ang kanyang mga mata. Saglit lang ay nakatulog ang dalaga sa likuran bahagi ng sasakyan.ISANG - ORAS din na nag byahe si Argel kasama ng kanyang kasambahay, bago marating ang Manila Ninoy Aquino International Airport.Naunang dumating sa Airport ang pamilya ng kababata niya. Mula sa kanyang kotse, tanaw ni Argel ang kababata na bumaba ng kotse kasunod ang kaibigan niyang si Akie. Napakaganda ni Steffie, at ang sexy nito sa suot na fitted blouse na labas ang tiyan, nakasuot din ito ng fitted maong pants. Hindi niya yata nakita ang nobyo ng dalaga, napangiti siya atleast makakausap niya ang kababata ng walang asungot.Hinawakan ni Argel ang pinto ng kotse para sana lumabas, nang m
Read more

Chapter 22

MARAHAS na napabuga ng hangin si Argel. "Hindi ko kailangan ang pag-aalala mo o kahit na sino.""Pasensiya na po Sir, hindi na po mauulit." Yukong hingi niya ng paumanhin."Dapat lang!" Sagot nito sa mataas na tono. "Baka nakakalimutan mo kung ano ang papel mo dito sa bahay na ito."Ang pagiging kasambahay niya ang tinutukoy nito. Hindi na siya umimik, sa takot na mag salita pa ito ng hindi maganda sa kanya. At dahil nakayuko siya, nakita niya ang isang kamao ng binata na nag durugo."Your hand is bleeding!" Nanlalaki ang mga mata ni Franki sa kanyang nakita, kaya hindi na siya nakapag isip pa ng tama. Agad niyang nilapitan ang binata at nag aalalang hinawakan ang kamay nitong nag durugo. "Kukunin ko lang po ang medicine kit at lilinisin ko ang sugat mo sa kamay!"Marahas na binawi ng binata ang kanyang kamay. "Huwag mo nga akong pakialaman,""Pero Sir, may sugat ka po. Kailangan po nating linisin baka ma infection ka pa." Muli niyang kinuha
Read more

Chapter 23

NATATANDAAN ni Argel ang kanyang huling halik sa labi, ay sa kanyang naging huling girlfriend na si Dianna Fuentes isang model ng isang sikat na brand clothes sa pilipinas. Pero hindi nag work ang relasyon nila dahil mas mahal ng babae ang career nito kaysa sa pagmamahal sa kanya.Ipinatong niya ang isang bisig sa kanyang noo habang muling inalala ang magandang mukha ng misteryosong babae sa kanyang panaginip. Pakiramdam pa nga niya totoong nangyari ang halik na iyon kagabi, dahil hanggang ngayon ramdam pa din niya ang malambot na mga labi ng misteryosong babae sa kanyang mga labi. Hindi sinasadyang nahawakan niya ang kanyang mga labi, muli siyang napangiti umaasa siyang makita niya ang misteryosong babae sa totoong buhay.Bigla siyang nakaramdam ng kirot sa kanyang isang kamay kaya inusisa niya ito, nakita niyang nakabalot ng benda ang kanyang kamay.Napakunot-noo si Argel, dahil wala siyang maalala na nilinis niya ang kanyang sugat kagabi. Imposible naman na ang
Read more

Chapter 24

ANG lamig ng tubig at nagustuhan iyon ni Franki. Ito lang pala ang kailangan niya para maibsan ang init na nadarama.Sobrang nag enjoy siya sa kalalangoy, pabalik-balik siya sa magkabilang dulo ng pool at ng mapagod ay naupo naman siya sa gilid ng pool habang nakatanaw sa langit. Nakangiting pinagmasdan niya ang maliwanag na buwan.NAGISING si Argel dahil sa tawag ng kalikasan. Bumaba ng kama ang binata at agad na tinungo ang banyo para mag bawas. "Aaaaahhhhhhh!!!!!" hikab ng binata. Napangiti siya ng makita ang buwan na tumagos sa salamin na bintana ng kanyang kuwarto. Inilang hakbang lang niya ang bintana, ang nais lang naman sana niya ay silipin ang buwan pero may ibang umagaw ng kanyang atensiyon.Napakunot-noo si Argel ng mapansin na may nakatayong isang babae sa gilid ng pool. Nakasuot ito ng two piece na kulay yellow at hula niya nangahas itong gamitin ang kanyang pool.Pero paanong nakapasok ito sa kanyang bahay, sa pag kakatan
Read more

Chapter 25

ANG yabang talaga ng amo niya kahit kailan! Sa loob - loob ni Franki.Ang akala siguro ng gung-gong na kahit ito ay guwapo ay makikipag live-in siya dito.No way! kasal muna bago live in noh. Pero hindi sa mayabang na amo niya kundi sa lalaking mabait, mapagmahal, guwapo at higit sa lahat hindi kasing ugali ng binata."Magandang umaga po Sir," bati ni Franki sa lalaking kausap ng kanyang amo. Hula niya ito ang ama ng binata. Magkamukha kasi ang dalawa.Tumango lang ang may kaedaran ng lalaki sa dalaga."Ano po ang gusto niyong breakfast Sir?" Tanong naman niya sa binata."Huwag ka ng mag abalang mag luto, aalis kami nitong amo mo." Si Armando ang sumagot sa tanong ng dalaga."Puwede po ba mamayang hapon na lang ako pupunta ng bahay." Tukoy niya sa bahay ng mga magulang. "Dadaan pa kasi ako ng opisina dad."Tumayo ang kanyang ama. "Okay sige, siguraduhin mo lang na makakauwi ka mamaya."Tumango lang si Argel."Pancake na lan
Read more

Chapter 26

MABILIS na nilagok ni Argel ang tubig. "No way!"Madami ng gumugulo sa isipan niya, tapos ngayon pati 'yong kasambahay niya makikisingit na din. Una, hindi pa siya tuluyan nakaka move on sa heartbreak niya kay Steffie.Pangalawa, gusto niya muling makita ang misteryosong babae sa kanyang panaginip.Pangatlo, nang makita niya ang misteryosong babae sa kanyang pool."Haist!" Piksi niya na ginulo ang kanyang buhok.Muli niyang itinuon ang paningin sa kalsada, gusto niyang mag pokus sa pagmamaneho kaysa naman kung ano-ano na lang ang naiisip niya.PAGPASOK palang ni Argel nang bahay ay sinalubong na agad siya ng isang mahigpit na yakap ng kanyang ina."Anak, i missed you so much!" Humalik siya sa pisngi ng kanyang ina. "I missed you too mom,""Sa kusina tayo anak, nag luto ako ng paborito mo lasagna." Yakag sa kanya ng ina.Inakbayan ni Argel ang kanyang ina na tila nag lalambing sa kanya, tinungo n
Read more

Chapter 27

"KAPAG nag pakasal ka sa anak ni Mr. Avella, maaaring hindi ninyo mahal ang isat-isa. Pero may posibilidad na magkapalagayan kayo ng loob. I believe that love is learn. Baka nga hindi ninyo mamalayan mahal ni'yo na pala ang isat-isa!" Mahabang dugtong na sinabi ni Armando Pagka-galing talaga ng kanyang ama, akala pa naman niya na nag bago na ang desisyon nitong ipakasal siya sa unknown girl na iyon. Pero heto at bukambibig na naman nito ang ran away bride niya, kuno!"Honey, hayaan mo na lang kasi iyang anak mo. Nasa hustong edad na 'yan, hayaan na natin na siya ang mag mando sa sarili niya. Mahirap pilitin ang hinog sa pilit, kawawa lang mga magiging apo natin kung hindi naman nagmamahalan ang mga magulang nila." Singit ni Beatriz sa usapan ng kanyang mag-ama.Naibuga ni Argel ang ininom na kape dahil sa sinabi ng kanyang ina. Isa pa itong mom niya, pasimple kong mag salita. Hayaan daw siya pero may 'apo' na involved na at hindi lang isa! dahil sabi pa ni
Read more

Chapter 28

"UUWI ako dito hanggat gusto ko. Umalis kana nga sa harapan ko at magluto na ng makakain natin."Umalis na nga si Franki sa harap nito, malalaki ang hakbang na tinungo niya ang kusina para mag luto. Nag salang siya ng bigas sa rice cooker, mag prito na lang siya ng longgonisa at tocino.Ang hirap talaga espelingin ng ugali ng kanyang amo. Buti na lang talaga at medyo nakaka-adjust na siya na pakisamahan ito. Na mis nga niya kagabi ang kumag eh, aminin man niya o hindi sobrang natuwa siya ng makita ang binata na nandito na ulit sa bahay nito."Hay! makapag luto na nga!" Bakit ba pinag-aaksayahan niya ng oras ang binata.Sinimulan na nga niyang prituhin ang longgonisa mamaya na niya isusunod ang tocino. Nang matapos na siyang magluto ay naghain na siya sa lamesa, saktong pumasok naman sa kusina ang amo niya.Humugot ng isang silya ang binata at naupo. Sobrang tahimik nito kaya takot siyang mag salita. Binigyan niya ng isang plato ang amo na walang im
Read more

Chapter 29

NAUPO si Argel sa gilid ng kanyang kama ng bigla niyang maalala ang kanyang mga pinamili. Tumayo siya at mabilis na lumabas ng kuwarto.Nakita niya sa sofa ang mga paper bags na pinaglagyan ng mga pinamili niya."Nasaan kaya siya?" Tukoy niya sa kasambahay. Pumunta siya ng kusina para silipin ito doon, wala ang dalaga pero may nakita siya baso sa ibabaw ng table at dalawang empty na tableta, binasa niya iyon "For body pain," nanlulumong inalapag ni Argel ang empty na tableta sa lamesa. Inuusig siya ngayon ng kanyang konsensiya. Bakit ba hindi niya pinaniwalaan ang daing sa kanya ng dalaga. Umaga pa lang nabanggit na nito na masama ang pakiramdam pero pinilit niyang sumama sa kanya."I'm so cruel!" Kastigo niya sa sarili. Mabilis na lumabas siya ng kusina. Binitbit niya ang kanyang mga pinamili at dinala sa kanyang kuwarto.Natuon ang kanyang pansin sa tatlong paper bags, binili niya iyon para sa kasambahay. Bilang pasasalamat at tumagal ito sa bah
Read more

Chapter 30

"PANLOLOKO ang ginawa ni Fancy saakin." Dugtong ni Argel sa sinabi nito."White lies," pagtatama ni Akie. "Kailangan niyang gawin iyon upang hindi siya mahanap ng pamilya niya."Kita mo, napakadami ng alam ng kaibigan niya tungkol sa dalaga. Samantalang siya na amo at laging kasama nito sa kanyang bahay ni minsan hindi ito pinaghinalaan."Gusto siyang ipakasal ng kanyang ama sa lalaking hindi niya pa nakikita o nakikilala. Sa lalaking hindi niya mahal. Inshort, arrange marriage!" Dugtong ni Akie.Arrange marriage? Ulit niya sa isipan. Parang siya lang. Tukoy niya sa sarili.May mga katulad pa pala ng kanyang ama na naniniwala sa arrange marriage. Kung tutuusin ay panahon pa ng mga sinaunang tao. Iyong sama ng loob niya para sa kasambahay ay parang yelong natunaw, kahit hindi man malinaw sa kanya ang dahilan ng pagkatao ng dalaga ay naintindihan niya na ito.Pareho silang nilagay ng mga magulang sa isang sitwasyon na labag sa kanilang mga kalooban.
Read more
PREV
1234567
DMCA.com Protection Status