Home / Romance / SWEET SINNER (FILIPINO) / Chapter 71 - Chapter 80

All Chapters of SWEET SINNER (FILIPINO): Chapter 71 - Chapter 80

86 Chapters

KABANATA 71 “KEEP HIM SAFE”

“E-ERIK, kumusta na si Mia?”Tinig iyon ni Rosanna na nilapitan siya kasama si Dahlia. Nakaupo siya noon sa lobby chair habang naghihintay sa paglabas ng doktor na kasalukuyang uma-attend kay Mia sa loob ng Emergency Room.Noon nilingon ng binata ang dalawang babaeng naupo sa kanyang tabi. “Hinihintay ko pa ang doktor,” aniyang lumunok. “N-Natatakot ako,” iyon ang sa huli ay minabuti na rin niyang aminin.Hindi alintana ang dalawang babaeng kasama ay tila nahahapo at pinanghihinaan ng loob na yumuko si Erik sapo ang kanyang noo.Kanina pa niya gustong umiyak. Nagpipigil lang siya. Kahit ang totoo ay parang unti-unting nilalamon ng takot ang lahat ng pag-asa na nasa puso niya.“M-Mahal na mahal ka ni Mia, Erik,” iyon ang narinig niyang isinatinig ni Rosanna. Dahilan kaya niya ito muling nilingon kasabay ng pagtutuwid niya ng kanyang upo.“A-Alam ko, ako rin naman, mahal na mahal ko siya. At iyon ang dahilan kaya ako natatakot ngayon,” pagtatapat niya saka tinuyo ang kanyang mga luha.N
Read more

KABANATA 72 “MISSING PIECE OF HIS HEART”

NANG makababa ng kotse ay agad na sinalubong si Erik ng matinding kalungkutan habang nakatanaw siya sa malaking bahay sa kanyang harapan. “Mia, miss na miss na kita,” bulong niya bago itinulak pabukas ang gate para maipasok sa loob ng bakuran ang sasakyan. Mulis siyang sumakay sa loob ng kanyang kotse para igarahe ng maayos ang sasakyan niya. Pagkababa niya ay noon naman eksaktong huminto sa tapat ng bahay ang isang traysikel kung saan bumaba si Rosanna. Kasama nito si Dahlia. “Erik, may balita ka na ba kung nasaan si Mia?” iyon ang agad na tanong sa kanya ni Dahlia nang makalapit. Kung ilang beses na niyang narinig ang kaparehong tanong mula sa dalawa, hindi na niya mabilang. Ang totoo, sa araw-araw na ginawa ng Diyos, para bang gumising, nabubuhay, at umuuwi na lamang siya sa bahay na iyon para marinig ang kaparehong tanong. Malungkot na umiling si Erik. “Mukhang wala na tayong option, Erik. Kailangan na talaga nating mag-post sa social media para mahanap siya,” ani Rosanna na
Read more

KABANATA 73 “NATHANIEL”

“MABUTI naman ang dumating ka na, hijo, pwede mo bang samahan si Mia sa doktor niya?”Iyon ang agad na itinanong sa kanya ng kanyang Tiya Ising nang lapitan niya ito para magmano.“Ay, oo ng apala, ngayon ng apala ang schedule niya ng checkup,” ang nakangiti niyang sabi saka tumango. “Walang problema, Tiya,” ang dugtong pa niya.“Maraming salamat, hijo,” anitong tinapik siya sa balikat. “Kumain kana ba? Nagluto si Mia ng adobong atay ng manok.”Sa narinig ay agad na nakaramdam ng pagkagutom ang binata. “Kumain na po ako. Pero dahil masarap magluto si Mia, kakain ulit ako,” sagot niya sa masiglang tinig.Malapad at matamis ang ngiting pumunit muli sa mga labi ng kanyang tiyahin. Ilang sandali pa ang iniwan na niya ito. Saktong may bumili sa tindahan kaya tumayo ang tiya niya para pagbilhan iyon.Sa loob ng ilang buwang pananalita ni Mia sa bahay nila ay hindi niya maitatanggi na magaan ang loob niya dito. Likas na mabait kasi ang dalaga. Sa kabila iyon ng pagiging mahiyain nito na una
Read more

KABANATA 74 “GOOD REASON”

“PWEDE kitang samahan doon kung gusto mo,” ang winika ni Mia kapagkuwan.“Sa tingin mo ba magandang ideya iyon kung sakali?” tanong ni Nathaniel sa kanya.“Oo naman. Kung sakali kasing makukuha mo ang picture niya at least alam natin kung saan magsisimula para hanapin siya.”“So, meaning to say you are willing to help me?” paglilinaw pa ng binata na sandali siyang nilingon.Noon eksaktong inihinto ni Nathaniel ang sasakyan sa tapat ng gate ng malaking bahay. At dahil nga hapon na ay natanawan nila si Aling Ising na nagwawalis ng bakuran.“Oo naman. Sa ganoong paraan man lamang eh makabawi ako sa lahat ng kabutihang nagawa ninyo sa amin ni Aling Ising,” aniyang nakangiti pang kinalas ang suot niyang seat belt.Maaliwalas ang bukas ng mukha ni Nathaniel na tumitig ito sa kanya. Pagkatapos niyon ay gumalaw ang kamay nito saka bahagyang tinapik ang kanyang pisngi.“Sige, pag-usapan natin iyan mamaya. Kailangan ko munang itanong sa Tiya Ising ang tungkol doon sa ampunan,” anito pang nagpat
Read more

KABANATA 75 “TEARS OF JOY”

“ANG sabi ng doktor mga isang linggo siyang mag-i-stay sa hospital. Just to make sure na magiging okay ang lahat,” ani Erik.Nakita niyang nagbuntong hininga ang nanay niya matapos ang kaniyang sinabi. “Paano ang kasal ninyo? Hindi ba dapat ngayong araw iyon?” Agad ang panghihinayang na naramdaman ni Erik dahil doon. At kahit pa sabihing may dahilan siya para magduda sa lahat ng malasakit at pag-aalalang ipinakikita ngayon sa kanya ni Aurora para kay Mia. Minabuti na muna niyang isantabi ang lahat ng iyon. Mas gusto niyang isiping totoo ang nanay niya sa lahat ng ginagawa nito. Dahil hindi rin naman niya gustong magkaroon ng panibagong dahilan para kamuhian ito.“Kinausap ko na si Mia tungkol diyan, nay. Mas gusto ko kasing maayos siya sa araw ng kasal namin,” pagsasabi niya ng totoo.Mas gusto niyang maayos ang kalagayan ni Mia kapag nagpakasal sila. Tutal nakakulong na rin naman si Bernie na naiisip niyang tanging kontra nalang sa pagmamahalan nilang dalawa. Ang tanging taong pwed
Read more

KABANATA 76 “SOON TO BE A CHURCH WEDDING”

NANG gabing iyon ay inihatid rin ni Erik pauwi ang ina nito. Pero nangako itong kinabukasan ay babalik rin dahil lulutuan raw siya Calderetang Baka.“Happy?” tanong ni Erik sa kanya nang hilingin niyang mahiga ito sa tabi niya.Naglalambing na inihilig ni Mia ang ulo niya sa balikat ng binata. “Sobrang happy,” aniya saka tinitigan ang binata.Dinampian ni Erik ng isang masuyong halik ang kanyang noo. Pagkatapos niyon ay ang labi naman niya na nagtagal ng kaunti.“Teka lang,” aniyang natatawang bumitiw sa mga labi ng binata nang mapansin niya ang paglalim ng mga halik nito.Nangalatak si Erik sa ginawi niyang iyon at pagkatapos ay hinawakan nito ang kanyang mukha para muling angkinin ang kanyang mga labi.“Hindi nga pwede dito,” ang tumatawang sabi ni Mia.Kahit kasi hindi magsalita si Erik ay kabisado niya ito. At ang paraan ng paghalik nito sa kanya ngayon ay nagpapahiwatig ng kakaibang init na alam niya ang ibig sabihin kung ano.“Wala naman akong sinasabi ah,” patay-malisya pa nito
Read more

KABANATA 77 “LIVING ROOM 1”

“E-ERIK,” hindi na rin napigilan ni Mia ang sarili niyang magpadala sa alab ng damdamin na unti-unting binubuhay ni Erik sa pagkatao niya nang mga sandaling iyon.Hindi tumigil ang binata sa ginagawa nitong paghalik sa kanyang leeg. Habang ang kamay nito ay unti-unti naring naglilikot na naramdaman pa nga niyang humaplos sa kanyang hita.“Miss na miss na kita, Mia,” anitong ibinalik ang mga halik nito sa kanyang mukha at sa huli ay muling sumakop sa awang niyang bibig.Hindi niya alam kung sinadya iyon ni Erik. Pero nang tamang nagsanib muli ang kanilang mga labi ay noon naman nito eksaktong pinisil ang hiyas na nasa pagitan ng kanyang mga hita. At dahil nga hindi niya iyon namalayan ay kaagad siyang napakapit sa manggas ng suot na tshirt ni Erik. Dahil iyon ang una niyang nakita na pwedeng kapitan.“Hindi mo alam kung gaano katindi ang pananabik na nararamdaman ko para sa iyo, Mia,” ani Erik nang tumitig ito sa kanya habang pinipiga ang kanyang pagkababae.Masarap na sensasyon ang hu
Read more

KABANATA 78 “LIVING ROOM 2”

MALAYANG namalas ni Mia ang kahubaran ng lalaking pakakasalan niya habang isa-isang nitong inuubos alisin maging ang pinakamaliit na saplot nito sa katawan. Napakasarap pagmasdan ni Erik habang ginagawa nito ng ganoon. Habang siya, pakiramdam niya nang mga sandaling iyon ay labis na pinagpapala. Dahil sa dami ng babaeng nagdaan sa buhay ng lalaking ito. Siya ang pinili nitong alukin ng kasal.Humaplos sa puso ni Mia ang naisip. Nang makita niyang kumilos na ang binata para halikan siya ay malaya at buong pagmamahal niyang sinalubong iyon. Tinugon niya ang mga halik ni Erik sa kanya sa paraang tila ba mas uhaw pa siya kaysa rito. At iyon na nga ang dahilan kaya tuluyan siyang nawala sa sarili niyang katinuan. Ang muling ginawang banayad na paghipo ni Erik sa kanyang kasarian ang nagbigay daan sa paglalandas na naman ng isang pinong ungol sa lalamunan niya.Nanatiling magkahinang ang kanilang mga labi. Habang ang kamay ni Erik na nasa pagitan ng kanyang mga hita ay sinimulan siyang b
Read more

KABANATA 79 “WARNING”

“MABUTI na rin iyong naisip ni Erik na bumalik sa trabaho. Kahit pa kasi sabihin mong bonggang mayaman ang magiging bayaw namin eh kailangan pa rin niyang kumayod. Aba, sayang naman ang kita! Hindi ba Rosanna?” Iyon ang malakas na patutsada ni Dahlia nang araw na iyon. Dinalaw siya ng mga ito dalawang linggo na rin ang nakalilipas mula nang makalabas siya ng ospital.“Oo naman. Teka nga, Mia. Kumusta naman kayong dalawa ng magiging biyenan mo?” si Rosanna na sandaling inayunan ang tinuran ni Dahlia bago siya hinarap.Tinutulungan siya ng mga ito sa paghihiwa ng mga rekado para sa lulutuin niyang Kare-Kare para sa pananghalian. Nagsabi kasi si Erik sa kanya na magha-half day lamang ngayon araw sa opisina at sa bahay na itutuloy ang iba pa nitong mga trabaho. Sa totoo lang hindi niya maunawaan ang binata kung bakit mula ng makalabas siya sa ospital ay labis na pag-aalaga na lamang ang ginagawa nito sa kanya. Parang gusto na nga rin niyang mag-isip kung minsan na alam na nito ang tungk
Read more

KABANATA 80 “THE LOST TREASURE 1”

“MINSAN naiisip ko, siguro kung hindi namatay si Nanay Rosita, o kaya kung may kapatid ako, baka hindi nangyayari sa akin ang ganoon. Kasi sure ako na may magtatanggol sa akin,” ani Mia nang matapos siya sa pagkukuwento. Kasabay ng pagtatapos ng kanyang pagsasalaysay ay ang mabilis na naging epekto sa kanya ng lahat ng mga pangyayari. Nag-init ang sulok ng kanyang mga mata. Pero sa kabila ng katotohanang gustong-gusto na nga niyang umiyak at pakawalan ang kanyang emosyon ay nagawa pa rin niyang magpigil. “A-Anong ibig mong sabihin?” tanong ni Nathaniel sa kanya. Noon niya nilingon ang binata saka mapait na nginitian. “Ampon lang ako, Kuya.” Sa kalaunan ay minabuti na rin niyang aminin sa binata ang totoo. Tutal nagawa na rin naman niyang isalaysay rito ang tunay na dahilan kung bakit siya nandoon ngayon. “Napulot lang ako, iyon ang totoo,” aniyang sinimulan na ngang isalaysay kay Nathaniel kung ano ang kwento ng buhay niya. Kung ano at sino ang natatandaan niyang unang umampon sa
Read more
PREV
1
...
456789
DMCA.com Protection Status