"I MISS YOU, love..."Napangiti si Calley sa sinabing iyon ni Zack. Kakauwi lang nito galing trabaho at iyon kaagad ang bungad nito pagkakita sa kanya. Ikinulong siya ng nobyo sa mga matitipunong bisig nito at saka hinalikan siya noo."Na-miss din kita, love," sagot naman ni Calley saka masuyong ngumiti sa lalaki. "Kumusta ang trabaho?" tanong pa niya."A little bit tired," sagot ni Zack saka kumalas mula sa pagkakayakap ang nag-umpisang maghubad ng damit pang-itaas at pantalon hanggang sa boxer's short na lang ang suot nito. "I'll take a shower. Do you want to join?" mapanukso pang tanong nobyo sa kanya.Mabilis namang nag-init ang pisngi ni Calley dahil sa sinabi ni Zack. "Katatapos ko lang maligo, love..." Ngumisi naman si Zack sa sagot niyang iyon. "Okay, just wait for me, love. I'll make it quick." Matapos sabihin iyon ay mabilis nang pumasok si Zack sa banyo habang naiwan namang napangiti si Calley. Alas-nueve na iyon ng gabi at natutulog na ang mga bata. Tanging si Nanay Nathy
Last Updated : 2024-08-02 Read more