Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa ginawang biglaang pagbitaw sa akin ni Anton. Hindi naman niya ako tinulak o ano man, pero parang ang lakas ng pagkakabitaw niya sa akin. O baka naman pakiramdam ko lang iyon? Sabay kaming napatingin sa lalaking ngayon ay nakatayo na pala sa harapan namin. Ang isang kamay nito ay nakahapit sa beywang ng katabing babae. Halata ang edad nito sa mukha, na nasa mahigit 40 na siguro. Kayumanggi ang balat at halos kasingtankad ko lang, in short ay maliit din ito. “Mr. Montano, I didn’t know that you were already here.” Sabi nito na direkta lamang na nakatingin sa mukha ng boss. “Mr. Villanueva, nice to see you again” Hindi nakaligtas sa akin ang mahinang pagtikhim nito bago magsalita. Mukhang nagulat din kasi si Anton sa biglang paglapit ng kameeting. Agad na inilahad ng boss ang kamay para makipagkamay sa kausap na agad naman n
Huling Na-update : 2021-09-16 Magbasa pa