Morning shift, ang pasok ni Reyna sa araw na iyon. Dahil siya ang nakatuka na salubungin ang mga guest na naka-reserve for the business conference. Lahat ay naging abala para sa paghahanda, sa napaka-espesyal na guest nang resort. Maging si Jhana, ang kanilang bagong resort manager na nagsimula lang kahapon, ay napasabak kaagad pero hindi ito sumuko. Kaya tuloy lang ang laban niya sa hirap at pagod. Sa sobrang kapaguran, latang-lata na si Reyna, ng matapos ang lahat niyang gawain sa pag-aasikaso sa mga kailanganin ng mga bisita. Kahit pagod, kaagad na siyang bumalik sa reception area, para magpaalam muna kay Bernice na mag-break saglit. Nanlilisik pa nga ang mga mata nito nang makita si Reyna, at taas ang kilay nitong sinalubong pa ng talak. “Aba, bakla, mabuti naman at naalala mo pang bumalik dito sa lungga mo. Kanina pa ako naturete diyan sa telepono. Ayoko na, isang ring pa, at lalabas na talaga ang tutuli ko sa sobrang
Read more