Sa mga sumunod na linggo, lagi nang pumapasok si Apple. Balik-normal na rin ang ayos at kilos niya. Ang mga ngiti at pangungulit niya ang madalas na sumasalubong sa akin araw- araw."Busy tayo, ah?""Medyo?" sagot niya habang may binabasang mga papel. "Ano 'yan? New project?"Tumango siya. "Yes, sa Pampanga.""Ang layo pala. Tatanggapin mo?"Matagal bago siya sumagot kaya inabutan ko siya ng kape at cookies na b-in-ake ko. Mukhang kailangan niya ng tibay at lakas ng loob sa pagdedesisyon, eh."I think, I need this," she uttered. "What do you think?"Ngumiti ako saka tinapik siya sa balikat. "Kung sa tingin mo, makakatulong sa 'yo 'yan, why not?"Sa umaga lang kami nagkikita, dahil nasa site ako kapag hapon. Kailangang maayos ang trabaho, sapagkat malaki ang utang namin sa mga Lacson. There's no room for mistakes, so we keep eyeing around. Mahirap kung papalpak na naman."My favorite baker is here!" Mitch shouted when she saw me. "Break time, workers! Kain muna kayo!" Agad na nagtunguh
Last Updated : 2020-10-25 Read more