((( Zhia POV’s )))“Ale, saan ba maaring kumain ng pananghalian dito?” Nagulat ako sa tanong ni Sean. Di ininda yung kurot ko.Parang immune yan sa sakit kapag di ako pinapansin.Masyado na ba akong bully sa asawa ko? Sa bully din naman siya. Di'ba?“Ay, may masarap na kainan dyan sa may kabilang kalsada. Nakikita niyo ang punong yun? Kanan lang kayo.” Saka nga tinitigan ako ni Sean. Ano sa akin?Hinablot kamay ko. Kinaladkad na nga kung saan man itinuro ng ale yung pagkakainan namin. At nakita nga namin. Maraming tao. Halos mga trabahador. Alam ko yan, twalya pa lang nila sa balikat. Dito ko lang napansin na di sa amin lumingon ang mga tao. Walang nakakilala kay Sean, lalo na nga normal na tao lang naman sila. Mauupo na sana ako ng,“Zhia, hindi ito restaurant para may lumapit sa atin dito na waiter. Self-service.” O bakit parang ako nga ang nanibago
Last Updated : 2021-04-02 Read more