(Missamy POV) Nang marinig kong umalis na si Jeff, agad na bumuhos ang luha sa aking mga mata. Di maaring mangyari ang gusto mo Jeff. Magiging makasarili tayong dalawa niyan. Ayokong maging ganoon ka. Ito ang mas makakabuti sa ating dalawa. Si Ivy, kailangan lang noon boung pagmamahal. Kaya wag mo nang isipin ang nararamdaman mo sa akin. Dahil ako, kahit nga mahal na kita, naging huli sa akin ang lahat. Kailangan kita palayain para nga di magsanhi ng kalungkutan sa ibang tao.Di nga madali na mawala ang nararamdaman natin sa taong minamahal natin. Pero kapag ginusto, laging may paraan. Napayakap ako sa sarili kong tuhod.No! Wag mong hahabulin si Jeff Missamy. Please wag! Gagawin niya yung tama at nararapat lang. Panindigan mo ang mga sinabi mo sa kanya. Nasaktan ko si Jeff. Ang sama ko.Kuya Carlos, tama lang ang ginawa ko na maging masama kay Jeff
Last Updated : 2021-07-23 Read more