The Ace And the Four KingsXyrine Jean's POV"Spade?" Hindi makapaniwala kong sambit."Parang mas gwapo ata ako sa kan'ya," nakangising wika nito sa'kin.Kinusot ko ang mata ko saka ko s'ya tinitigang mabuti. "Jacob?""Kuha mo," ngumisi ulit s'ya dahilan para mapangiti na lang ako ng mapakla.Sa ilang beses na nailigtas ako ni spade sa gan'tong pagkakataon ay nasanay na ata ako.Ano bang iniisip mo, Xyrine? Gumising ka.Pinagsawalang bahala ko na lang ang lungkot na naramdaman ko at agad na bumalik sa ulirat ko. "Sa tingin ko ay mahigit sila sa limampu," saad ko."Wag kang mag-alala, hindi lang ako ang nandito." Anong ibig n'yang sasabihin?"Kasama mo ba ang Black Brother? Alam ba 'to ni––" BOGSH!Napamaang na lang ako ng biglang sumabog ang pader malapit sa pinto ng building at mula roon may apat na anino ng lalaki akong naaninag.Teka, parang familiar ang mga tindig nila."Sandali, 'wag mo sabihing?" nakatulala kong tanong."Oo, kasama ko ang mga kaibigan mo," sagot n'ya na labis na
Last Updated : 2020-09-10 Read more