AshtonAlas-tres nang hapon nang makarating kami sa Caribbean Sea, ang sabi sa amin ni Mason ay sa Barcelo Solymar daw kami mag-e-stay ngayong gabi, isa raw ito sa mga sikat na resort dito sa Caribbean, ang pagkakaalam ko ay parang wala na ata kami sa Mexico kundi ay nasa Cuba, ang boundary ng Gulf of Mexico at Atlantic Ocean.Nang bumaba na kami sa aming sasakyan ay hindi ko maiwasang mamangha sa aking nakita sa aking harapan. Sobrang ganda ng paligid, maikukumpara ito sa isang paraiso sa sobrang ganda at isa pa sa nagustuhan ko ay wala masyadong tao sa paligid kaya litaw na litaw ang kagandahan ng paligid. White sand ang buong paligid at sobrang linaw ng tubig na kulay asul, may mga floating cottages sa karagatan na sobrang ganda dahil nagmukha itong parang isang maliit na village dahil na rin sa mga coconut tree na nagkalat sa paligid.Walang-wala ang Boracay sa ganda nitong Barcelo Solymar."Let's go to our room, I want to eat a real foods this time."
Huling Na-update : 2021-09-25 Magbasa pa