ALMIRA Next Day... Madaling natapos ang first day ko. Pero atleast, walang masyadong gulo na nangyari. I mean, bukod sa sigawan ng mga babae kapag nakikita ang mga hinahangaan nila, typical first day of school feels lang ang nangyari. Wait. Hinahangaan? Well, wala 'yon sa vocabulary ko. Kasi ako mismo ang hinahangaan ng mga boys. Si Jessy naman, hanggang matapos ang uwian, halatang asar na asar doon sa babae: kay Tori. Eh paano ba naman kasi, natapos 'yong first day na laging nakabuntot sa kanya si Tori. Kung anu-ano ang tinatanong. At kung dumikit ito sa kanya, eh halos tumalon si Jessy at kumaripas ng takbo sa sobrang pandidiri. Yeah, may fangirl na agad siya.
Huling Na-update : 2020-08-01 Magbasa pa