HINDI MAGKAMAYAW ANG MGA KATULONG SA MANSION nang makita nilang papasok ang sasakyan ni Zach.Naka unipormadong nakalinya ang lahat sa main door upang salubungin nang mainit na pagbati ang bagong uwi nilang amo subalit parang wala lamang nakita si Zach sa kanyang daraanan. "Maligayang pagbabalik sir Zach," nakangiting bati sa kanya ng kanilang mayordoma pero ni pagtango man lang o pag ngiti ay hindi niya ginawa.Nagmamadali namang kinuha ng ibang mga katulong ang mga dala niyang bag at iba pang gamit."Coffee Po sir?" tanong sa kanya ulit ng mayordoma pero nilagpasan lamang niya ito."Mag agahan Po muna kayo sir nagpaluto kasi si ma'am Silvia ng paborito ninyong ulam.""Pagod ako Nay Myrna gusto kong matulog."Nag-aalalang tinignan pa siya ng ginang bago tumalikod papunta sa kusina.Napabuntong hininga siyang INilibot ang paningin sa kabuoan ng buong bahay. Walang katao-tao sa sala at maging sa balconahe.Napahikab siya saglit at pumanhik sa hagdanan papunta sa kanyang silid na nasa i
Hindi magkaugaga sa pagbabasa ng mga reports si Zach sa kanyang opisina ng araw na iyon. Halos lagpas isang linggo KASi siyang hindi pumasok dahil sa importanteng event na pinuntahan niya kaya Ngayon halos naging tambakan ng mga reports at mga papeles ang kanyang lamesa. Ayaw kasi niyang ipagpaliban iyon dahil maraming mga investors na darating sa susunod na linggo para e check Ang background status ng kanilang company kaya kailangan walang sasabit maging isa. Istrikto Siya pagdating sa trabaho dahil ayaw niyang may mali sa trabaho inaalagaan niya ng maayos ang kanyang kompanya dahil alam niyang maraming mga umaasa na employees kaya dapat lang maging malinis iyon at maayos para tuloy-tuloy na Ang paglalago ng nasimulan niya.Nagulantang lamang ang pagbabasa niya sa isang financial reports galing sa kanyang controller ng biglang bumukas ang pinto ng kanyang opisina at iniluwa Doon ang kanyang sekretarya. Hingal kabayo itong deretsong tumungo sa kanyang lamesa. Napakunot noo naman siyan
"Halika pasok ka Zach, ano bang gusto mong miryenda?" tanong sa kanya ni Ellise nang makapasok sila sa sala ng bahay nito."Ang ganda pala rito ano... peaceful nakakapag-isip ka talaga rito ng matino hindi katulad sa siyudad nakakasakal ang paligid."Natawa naman ng mahina si Ellise at sinipat siya."Tell me Zach ang mga tao ba talaga sa paligid ang pinoproblema mo o iyong inaasawa mo?" Siya naman ang hindi nakasagot at mahinang umupo sa bamboo set.Maganda ang pagkakagawa ng designs sa loob ng bahay ni Ellise. Simpleng tiles lamang ang sahig nito subalit napakalinis, labas pasok naman ang sariwang hangin sa bintana na nakaharap sa malawak na taniman ng mga palay at ang napapalamutian naman ng mga sariwang bulaklak ang malawak na terrace ng bahay."How's your life of being married?" tanong sa kanya ni Ellise. May dala itong banana cue at isang pitsel na lemon juice. Nagsalin ito sa baso at ibinigay sa kanya kumuha ito ng sariwang mangga at binalatan iyon."Miserable," mahinang sagot
Madaling araw na nang makarating si Zach sa Maynila at habang nagmamaneho siya ay hindi mawala parin sa kanyang isipan ang mga pinag-usapan Nila ni Ellise. Hindi siya pinatulog ng kanyang konsensya sa mga nalaman niya tungkol kay Olivia. Pinagsusuntok niya ang manobela ng kanyang sasakyan dahil sa pagiging pabaya niya kay Olivia noon. Pinag-uuntog niya rin ang sarili dahil sobra ang pag-sisisi niya sa ginawa niyang Desisyon noon. Galit na galit Siya sa kanyang sarili.Napaka Gago talaga niya iniwan niya at ipinagpalit sa pera ang babaeng pinakamamahal niya.Nasa kalagitnaan siya ng pagmamaneho at pagdadrama nang marinig niyang nag ring ang kanyang cellphone.It's an unknown number kaya hindi na niya iyon sinagot.Wala naman kasi siyang binigyan ng numero niya kaya wala siyang panahon para makipag-usap sa sino mang disturbo sa kanyang mga gagawin ng araw na ito.'Please answer my phone calls.'Text ng isang unknown number.'It's me Silvia.'Nang mabasa niya ang ang huling text nito a
Mabibigat na paghinga ang pinigilan ni Zach habang nakatitig sa cruz ng simbahan. He never expected na nasa simbahan Siya ngayon para kasing nakakahiya isipin na kung kailan kinakailangan niya ng tulong sa itaas ay Saka lamang siya lalapit sa tahanan nito.Sa dami ng kasalanan na ginawa niya at Ng kanyang pamilya ay malamang mahirap siyang patawarin Ngayon ng poong maykapal. May mga ibang tao rin naman na kasabay niya, apat sila...dalawang may edad na babae, isang dalaga at isang binata. Taimtim na nagdasal Ang mga ito habang may hawak na rosaryo at siya naman heto...nakaupo. Hindi nga siya sigurado kung tama ba ang mga idinasal niya kanina... hindi kasi siya sanay kaya medyo nahihirapan siyang gawin ito.But atleast he tried...Wala namang masama kung gagawin niya iyon.Una siyang lumabas sa simbahan at muling sinipat ang ina sa private ward nito.Unstable parin daw ang condition ng mommy niya ayun sa doktor kaya...bigla na lamang siyang napabisita sa chapel para ipagdasal ito na sana
"Ohh..himala ang dali ata ah!" natatawang sabi pa ng isang kasamahan nito sa kanya sa pag-aakalang kasama siya nito.Hindi siya sumagot at nagpatuloy lamang sa pagpasok sa loob na nakasaradong pintuan."Uy! Pre biro lang...ikaw naman nagtatampo kaagad."Hindi parin siya sugamagot kaya nagmamadali Siya nitong sinabayan sa paglakad."Uy! Ano ba pre... nakalimutan mo atang nasa bulsa ng jacket mo ang susi...," natatawang Banat pa nito.Huminto siya at hindi na siya nagulat nang bigla itong pumagitna sa kanyang harapan at hinarang Siya."Pre..," hindi na nito natapos ang nais sabihin nang bigla niyang kwenilyuhan ito at tinakpan ang ilong na agad naman itong nawalan ng malay dahil sa gamot na pampatulog na ipinaamoy niya.Agad niyang itinabi ng katawan nito sa bakanteng upuan at nagmamadaling binuksan ang pintuan kung saan nakatali roon si Ellise.Nagulat nga ito nang binadbad niya ang lubid na nakatali nito sa kamay pero nang bigla niyang tinanggal ang mask ay halos maiyak ito sa tuwa at
"You're fine?" tanong ni Ellise nang mamulat siya at dali-daling tumawag ng nurse."Y..yeah.. thanks," agad na sabi niya saka inalala nang tama ang mga nangyari. "How I got here?""Owhh ..I'm sorry, you collapsed that night and thanks to the CIV... they saved us," malungkot ang mga ngiting itinugon sa kanya ni Ellise.Tumango-tango naman siya. "Everything is fine?""Hmmm..,yes except Luke.. he's still in his bed."Siya naman ngayon ang biglang napabangon..kahit medyo masakit pa Ang mga sugat na natamo niya sa kanyang katawan. "How about him?"Sobrang Nag-alala Siya sa kaibigan, baka kung anong masama na nangyari rito. Wala talaga siyang kaalam-alam...Basta ba ang huling naaalala lang niya ng gabing iyon ay... nasusunog ang lumang bahay.. iyon lang at nawalan na siya ng ulirat."Hindi pa siya gising.. nagkaroon siya ng burn injuries medyo malala ang sitwasyon niya kaya hanggang ngayon ay hindi parin siya nagkakamalay. But according to the physician.. okay na naman daw ang lahat kaya wa
Walang imik si Alfonso matapos e kwento ni Zach ang totoong nangyari noon maging ang tungkol sa pagkakaroon Nila Ng anak ni Olivia ay hindi magawang makasagot si Alfonso. "Alam ko po na Malaki ang galit ninyo sa akin dahil sa ginawa ko noon sa anak ninyo....pero maniwala Po kayo hinanap ko Po si Olivia kaso ng mga panahong iyon... tuluyan na pong nawala ang daddy ko at kinakailangan din ako ni mommy kaya nawalan ako ng tsansa na masundan si Olivia," kwento niya kay Alfonso habang nakikinig lamang ito.Magkaharap silang umiinom ng tsokolate na gawa ni Tita Andrea. Nasa sala silang dalawa at iniwan sila ni Tita Andrea para makapag-usap sila ng masinsinan... tumutol pa sana si Alfonso dahil nga sa ayaw na nitong marinig ang mga ka dramahan niya. Sarado na talaga ang loob nito para sa binata at ayun pa rito... hinding-hindi siya bibigyan ng pagkakataon na makalapit sa kanyang anak. Kahit sirang-sira na siya sa paningin ni Alfonso ay nagpatuloy parin siya...hindi niya ito sinukuan at kahi
Nakita ng kanyang dalawang mata kung paano sinaktan ni Don Alfonso si Doña Isabel. Pinagsasampal nito ang Asawa at pinagsusuntok. Dumudugo na ang labi nito at ang sugat sa ulo. Gustong gusto niyang balikan si Doña Isabel pero nang maalala niya ang huling sinabi nito ay nagmamadali niyang tinawagan ang numerong ibinigay sa kanya ng ginang kanina bago siya umalis.Walang pag-aatubiling tinawagan niya ang numerong iyon pero laking gulat niya nang marinig ang boses ng may -ari ng numerong iyon."Hello?" sabi ng nasa kabilang linya subalit hindi siya sumagot at nanatili lamang nakiramdam sa telepono kung tama ba ang hinala niyang si Don Rafael nga ba ang nasa kabilang linya.Kung tama ang hinala niya ibig sabihin matagal ng nag-uusap si Don Rafael at Doña Isabel."Hello, sino 'to?" tawag ulit ng nasa kabilang linya subalit nanatili paring tikom ang bibig niya dahil nga sa batuklasan niya kanina."Hello? Inuulit ko sino ka ba?" tawag ulit ng nasa kabilang linya. Halatang naiinip na ang may
Zach's POV"Why are you here?" dumadagundong ang boses ni Alfonso sa buong mansion tila ba Hindi nito nagustuhan ang kanyang presinsiya."Where is Sylvia?" tanong niya rito at hindi pinansin ang hindi magandang pakikitungo sa kanya ng lalaki."Ikaw ang Asawa niya ikaw dapat ang may alam pero ako pa ang tinatanong mo."Natawa siya sa sinabi rito na mas lalong ikinainis ng lalaki."Para ka namang walang alam sa set up namin Ng anak mo Don Alfonso. Gusto ko lang siyang makausap Napaka importanteng bagay."Napansin niya ang napakunot na noo ng lalaki tila ba nag-iisip ito tungkol sa importanteng bagay na sinasabi niya."Where is she?""I don't know! You better call her my number ka naman sa kanya hindi ba?""Para namang hindi matigas ang ulo ng anak mo nakakapagod amuhin.""What do you mean, nakakapagod? Teka...nag-aaway ba kayo Ng anak ko?"Hindi siya sumagot at nanatili lamang na tahimik habang napatingin-tingin sa kabuoan ng mansion. Napatingin Siya sa bandang itaas napansin niya si D
"Zach," tawag niya sa binata nang pinapatulog nito si Iris.Maingat siyang umupo sa gilid ng binata at hinaplos ang buhok nito."Matulog ka na...ako na Ang magbabantay sa anak natin.""I can't sleep.""Why?" kunot noong tanong nito sa kanya habang kinukumutan si Iris.Nagkibit Siya ng balikat at Mabibigat na buntong hininga."I can't sleep of thinking about us, natatakot ako para sa anak natin Zach. Alam kong hindi titigil si Silvia hanggat hindi ka niya nakukuha sa amin. "Lumapit sa kanya ang binata at niyakap siya nito ng mahigpit habang hinahalikan Siya sa noo."Hindi iyan mangyayari, walang sino mang mananakit sa anak ko dahil kapag mangyari iyon, pagsisihan niya iyon balang araw!" "By the way, babalik na raw dito si Daddy, nag-aalala rin iyon sa atin."Ginagap ni Zach ang kamay niya at pinisil pisil iyon."I'm sorry sweetheart...I'm sorry kasalanan ko lahat ito..kung hindi dahil sa akin... siguro hindi ganito kagulo ang buhay mo ngayon. Patawarin mo ako..sinira ko ang buhay mo,"
"Sweetheart!" Malakas na tawag sa kanya ni Zach habang nasa kwarto Siya ni Iris namimili ng mga gamit na dadalhin Ng anak niya papunta sa Pilipinas."I'm here, nasa room ako ni Iris.""What are you doing?" gulat na gulat na tanong ng binata nang maabutan siyang nagliligpit ng mga gamit.Muntik na niyang matutop ang kanyang bibig nang maalalang Wala palang kaalam-alam si Zach sa pagpapadala niya sa kanyang anak sa Pilipinas.Kunot ang noo nitong nakatitig sa kanyang ginagawa."Bakit mo nilalagay sa maleta ang mga gamit niya?" biglang tanong nito."Ahhh...ni ready ko lang baka kakailanganin, so wala ng—""You're lying.""What? No I'm not!""Don't trick me! I know you! Sabihin mo nga sa akin, may balak ka bang ilayo sa akin ang anak ko, huh, Olivia?" medyo galit na sabi nito sa kanya.Wala si Iris sa bahay nila ngayon dahil nagpaalam ito kanina na pupuntahan ang tito Henry niya kaya Malaya siyang nakapaligpit ng mga gamit nito."No.. it's not about what you think!" giit niya."Then bakit
"So what's your plan now?" tanong sa kanya ni Henry." I don't know... nahihirapan akong mag desisyon lalong lalo na ngayon.. nagkamabutihan na ng loob si Zach at Iris. Hindi ko naman pwedeng hilingjn kay Zach na huwag muna siyang umuwi sa Asawa niya...at Isa pa iniisip ko ang maaaring nararamdaman ni Iris.Hindi ko alam kung paano ko ipapaliwanag sa anak ko kapag tatanungin niya ako na bakit kailangan umalis ang daddy niya.""Look...hindi naman ikaw ang mag desisyon niyan kundi si Zach . It's his choice kung sino ang mas matimbang sa kanya ang anak ba niya o iyong loka-lokang Asawa niya. At pagkakataon na niya ito para ipakita sa'yo kung karapat dapat mo ba talaga siya bigyan ng lugar para maging isa kayong pamilya. Nangako siyang ipaglalaban niya kayo hindi ba? Well, this is it!""I'm afraid Henry...alam ko kung paano mag-isip ang kapatid ko. She's dangerous type of woman kaya ngayon pa lang kailangan gagawa ako ng paraan delikado ang anak ko.""Bakit? Huwag mong isipin natatakot ka n
Nagpipigil sa tawa si Olivia habang sinisilip niya nang palihim ang dalawa sa banyo. Pinaliliguan ni Zach si Iris, alam kasi niya kung gaano ka kulit si Iris dahil gustong gusto nitong magtampisaw sa tubig ng matagal."Son... that's enough," suway ng binata sa bata subalit patuloy parin ito sa paglalaro ng tubig."Stop playing son, we still have to go to your school, so get on with it.""That's enough Iris, come on!" tawag niya sa anak at kumuha ng bimpo.Kinarga naman ito ni Henry papunta sa kanyang silid at binihisan ang anak."Hindi naman masyadong makulit ang anak mo hindi ba?" pang-aasar niya sa binata.Napapailing naman si Zach habang pinapasuotan ito ng sapatos."But I am enjoying it...of course hindi kailanman mapapagod si Daddy sa pag-aalaga sa kanyang baby boy.""Really?" biglang sagot ni Iris na siyang ikinatigil nilang dalawa."Wait...do you understand what daddy said earlier?" tanong niya kay Iris habang tumango-tango naman ito."How?""Tito Henry thought me.""Cool," sab
"I can't believe what you did, Olivia! Ganoon na lamang ba, after what he did to you and your child? " galit na sumbat sa kanya ni Henry habang umiinom ito ng alak.Pagkatapos nilang mag-usap kanina ni Zach ay nagpaalam siyang puntahan muna si Henry para makausap niya ito ng masinsinan. Wala kasi itong alam na bumalik na si Zach kaya siguro ay nagtampo ito.Hindi pa sana siya papayagan ng binata na puntahan si Henry dahil nag-aalala ito sa kanya pero dahil kaya niya ang kanyang sarili ay napilitan itong sumang-ayon."Henry...I am not doing this for my self..I am doing this for my child!" matapang na sagot niya rito."I don't believe it! I can see it in your eyes... what's the meaning of that?" " Henry...""Mahal mo pa Hindi ba? Mahal mo kaya hindi mo kayang ituon sa akin lahat ang atensiyon mo dahil may nararamdaman ka pa sa lalaking iyon!""It's not like that...""Mahal mo pa ba?" tanong niya ulit."I knew it!" malakas na sigaw ni Henry habang tumutungga ng isang boteng beer.Lasing
"You can't sleep here!" nagpipigil na sabi ni Olivia kay Zach nang makarating sila sa bahay.Nakiusap kasi Ito sa kanya na gust nitong makasama ang anak. Hindi naman siya gaanong masama kung pagbibigyan niya si Zach na makasama si Iris. Pero iyon nga hindi ito pwedeng matulog sa kanilang bahay pero matigas ang ulo ni Zach at ayaw nitong sumunod sa gusto niya."At bakit naman? Ngayon mo pa talaga ako pagbabawalan na matulog sa bahay mo eh.. katatapos lang natin mag sex ah!" Natampal talaga niya ito dahil sa masyadong Basa ang bibig nito. Naku! Nakakahiya baka narinig sila ni Iris at isumbong kay Henry tiyak na kokomportrahin siya ng binata."Iyang bibig mo Zach! Huwag ka ngang magsabi ng ganyan baka may makarinig sa'yo!""So?""Ewan ko sa'yo!" inis na sabi niya at padabog na lumabas mula sa kotse nito."Ang bata ba talaga ang kinatatakutan mong makarinig?""Huwag ngayon Zach ..pagod ako!""Mommy! Mommy!" malakas na sigaw ni Iris habang masaya itong sumalubong sa kanya ng yakap subalit
" This is kidnapping!" naiinis na sabi niya sa binata nang Wala pa itong balak na pauwiin siya." Hindi pwedeng magtagal ako rito Zach! Malamang hinahanap na ako ni Iris hindi pa naman iyon nakakatulog ng maayos kapag Wala ako sa tabi niya.""If you think this is kidnapping then so be it, why so hurry? O baka naman nagmamadali ka dahil may naghihintay sa'yo Doon."Hindi siya makapaniwalang tinignan ito at sinamaan niya ng tingin."Anong ibig mong sabihin?""Akala mo ba hindi ko alam na may kinakasama kang lalaki? Sabihin mo nga sa akin Olivia, anong relasyon mo Kay Henry?" tanong nito na siyang mas ipinagtataka niya dahil kilala nito si Henry."Do you know him?" tanong niya sa binata."I won't tell you kung paano kami nagkakilala.""Wala kaming relasyon...at saka huwag mo ngang paghinalaan nang hindi maganda si Henry. He is a good man, malapit ang loob ni Iris sa kanya kaya sana huwag mong e question ang pagiging malapit Ng anak mo sa kanya.""I don't believe you, so totoo palang nag