NANGINGITING PINAGMAMASDAN niya ang binata habang nagluluto ito ng baked Mac macaroni. Sino ba kasi ang mag-aakala sa na ang isang Zacahria Forb Rockfeller na Isa sa pinakamagaling na negosyante sa kanyang henerasyon ay may ibubuga rin pala pagdating sa kusina. Ano pa ba ang hindi kayang gawin ng isang Zacahria Forb Rockfeller?"ohhhh sweetheart, baka matunaw naman ako sa mga titig na iyan. Mas nasasarapan kapa ata sa katawan ko kaysa mga inihanda Kong pagkain natin, ah!" pambobola nitong sabi sa kanya.Inismiran naman niya ito at nilapitan. Nalanghap niya ang masarap na luto nito. Tiyak na gawa talaga sa pagmamahal ah!Lihim siyang napangiti nang maalala ang mga naging buhay niya sa California. For all those years ngayon lang kasi siya nakaramdam na mAy nag-aalalaga, may nag-aalala lagi, ipinagluluto at ipinagyayabang sa iba. Iyon bang nararamdaman niyang isa siyang tunay na nakakabighaning babae. Ibang iba talaga ang naging buhay at papel niya sa California ni hindi nga niya magawan
"My name is Olivia Rue Clementine." Nang mabanggit niya ang kanyang pangalan ay napansin niyang nagkatinginan ang mag-asawa."Bakit Po?" nagtatakang tanong niya sa mga ito.Dahan-dahang nilapitan siya ng ginang.""A-are you familiar with Alfonso Clementine?" Kahit bahagyang nakangiti, pakiramdam niya ay may bikig ang lalamunan ng ginang nang magtanong ito sa kanya.Nakangiti naman siyang tumango sa mga ito. "Oh, yes he's my dad!" Sabay-sabay silang nabigla nang bahagyang suminghap si Doña Isabel habang hawak ang kaliwang bahagi ng dibdib nito. Naghahabol ito ng kanyang hininga na ikinataranta nilang lahat.Pati na rin si Zach ay nataranta na rin."Tita a-ano pong nangyayari sa Inyo?""S-sabel...o-okay ka lang ba? Silvia magmadali ka sa pagtawag ng doktor! Dalian mo!" sigaw naman ni Don Rafael habang hinahawakan nito ang magkabilang balikat ng kanyang asawa.Hindi siya halos makagalaw dahil sa kanyang nasaksihan para ba siyang namanhid at hindi alam kung anong dapat gawin. "A-an-a-k
"NAPAKAWALANG HIYA MONG TAO!" duro nito sa kanyang ama. Kitang kita niya kung gaano nanlisik sa galit ang mga mata ni Don Rafael sa kanyang ama."Ako pa talaga ang walang hiya?! Baka inaakala mong nakalimutan ko na ang ginawa mong pagpapadukat sa akin at sa pagpapatay sa pamilya ko! Lahat...ng sakit..na nararamdaman mo ngayon ay kulang pa bilang...kabayaran sa ginawa mo sa buhay ko!!!!" galit na sigaw ng ama niya na pilit tinatanggal ang mga kamay niya sa bewang nito. Hindi siya natatakot sa ama niya. Ang kinatatakutan niya lamang ay baka kung ano pa ang gawin ng ama niya kay Don Rafael. Nararamdaman niya ang tensiyon ng bawat Isa sa mga ito at batid niyang may mga madilim itong pinagdaanan. Hindi man niya lubos maintindihan ang mga pinag-aawayan ng dalawa pero base sa mga narinig niya kanina ay nagdududa na siya subalit ayaw lamang niyang isipin iyon."Huwag mong isisi at ibunton sa akin lahat Alfonso dahil ni minsan hindi ko naisip at naalala na may tao akong inagawan! Baka nakalim
Kanina pa hindi mapakali si Olivia sa kanyang upuan. Hindi niya halos malasahan ang nilutong mga pagkain sa lamesa. Sino ba kasi ang hindi mawalan ng ganang kumain kung sa kanyang harapan pa mismo naglalambingan ang dalawa. Nakita niya kung gaano alagaan ni Zach si Silvia. Nilagyan ni Zach ng juice ang baso ni Silvia at nilagyan din nito ng mga pagkain ang plato ng dalaga. Gusto niyang kurutin ito dahil nanggigil siya sa inis. Wala man lang bang respeto ang lalaking ito at sa harapan pa talaga niya? O sadyang inalis na talaga siya sa isipan nito."Oh, iha, are you okay?" tawag ni Isabel sa anak na kanina pa walang kibo at parang walang ganang kumain sa mga ipinagluto nila."Po?" Kiming ngumiti ang ginang sa kanya. Napatingin na rin si Zach sa kanyang gawi habang si Silvia naman ay walang pakialam sa presensya nilang mag-ama. "Napansin ko kasi na parang may problema ka, kasi hiniwa-hiwa mo na ng pino ang karneng baka na niluto ni Aling Lucy."Nahiya siya sa sinabing iyon ng kany
ZACH'S POVGusto sana niyang sundan si Olivia subalit agad siyang napigilan sa kamay ni Silvia. Inis niyang tinanggal ang kamay nitong nakahawak sa kanyang siko. Kanina pa siya nagtitimpi sa babaeng ito kung hindi lang sa mga magulang ni Silvia ay baka kanina pa siya nawalan ng respeto sa babaeng ito."Cut the crop Silvia!" inis na sabi niyang sabi rito.Napangisi naman ito habang tinatanaw ang papalayong likod ni Olivia."Oh what? Bakit ikaw pa ata itong nagagalit?" "Pwede ba hindi ako nakikipag biruan sa'yo? Huwag ka ngang umasta na parang bata! Hindi ka ba nahiya sa sarili mo?"Kunot-noong tinignan lang siya nito. Dedma lang ata ang babaeng ito eh!"Teka nga, nagagalit ka ba sa akin dahil nag walk-out ang mag-amang iyon?""Kunting respeto naman Silvia dahil kahit anong gawin mo pang pamamahiya sa kanya magkapatid parin kayo!""T-talagang nahawa ka na sa babaeng iyon, ano?! Bakit ano bang pinakain niya sa'yo bakit bigla ka atang nagkaganyan?""No, na realized ko lang na you're not
Nagising si Olivia sa malakas na yugyog ni Ellise sa kanyang balikat. Ayaw pa sana niyang bumangon dahil inaantok pa siya eh, kaso nga ayaw siyang tantanan ng pinsan niya. Ayun kahit hindi pa niya naibubuka ang kanyang mga mata ay bumangon na siya.Humikab pa siya pero nanatiling nakapikit ang mga mata."Ano ba, Ellise inaantok pa ako. Dis-oras ng gabi ginising mo pa ako!" nagmamaktol na sabi niya sa pinsan."Tsk! Bumangon ka na riyan, dali!""Bakit ano ba?" pupungas-pungas na tanong niya rito.Napakunot ang noo niyang sinundan ang nagtatakbong pinsan papunta sa sala. Nakita niyang may sinilip ito sa pintuan."Hoy! Ano ba sinong sinisilipan mo riyan, huh?"Suminyas itong huwag maingay."Halika rito, dali!""Tsk! Ayoko! Mabuti pa babalik na lang ako sa kwarto. Akala ko pa naman may importante kang sasabihin eh, maninilip lang pala tayo, solohin mo na lang iyan, Ellise."Babalik na sana siya sa silid nang bigla na naman siyang pinigilan nito." Ano ka ba! Matulog na nga lang Tayo!""Shhh
SPGMinamasdan ni Olivia si Zach habang busy ito sa pakikipag meeting sa zoom. Gumagawa siya ng kape para rito.Hanggang Ngayon ay hindi parin siya makapaniwala sa pakikipagbalikan niyang muli sw binata. Sabi pa ni Ellise napakamarumpok daw talaga niya. Pero ano naman ngayon kung tatanggapin niyang muli ang binata sa buhay niya? May tiwala naman siya kay Zach na magagawan nito ng paraan ang tungkol sa force engagement na gagawin ni Silvia sa nobyo niya.Wala na ngang nagawa si Ellise nang sabihin niyang okay na raw silang dalawa ng binata. Sumuporta na lamang ito sa kanya pero iyon nga lang ay hindi pa alam ng kanyang ama. Tiyak kapag nalaman nito ay makakatikim talaga siya ng sermon ng matanda.Alam na alam talaga niya kung paano magalit ang daddy niya kapag nakikita siya nitong nasasaktan at nahihirapan.Napatigil si Zach sa pakikipag meeting nang ilagay niya ang kape nito sa lamesa may cassava cake din ito na siyang paborito ng binata."Cassava cake with love," pakindat na saad niya
"Seryuso ka na ba riyan insan?" tanong sa kanya ni Ellise nang bisitahin Siya nito sa condo unit ni Zach. Lumipat kasi sila ni Zach sa Makati para raw malapit sa opisina nito. Gusto rin naman kasi niya para may privacy silang dalawa."Gusto ko lang naman bigyan ng ikalawang pagkakataon. Hindi naman masama hindi ba? At saka nangako naman siya sa akin na gagawa siya ng paraan...and I trusted him.""Yeah..well it's good naman talaga pero insan nag-alala lang ako sa'yo ng sobra. Malakas kasi ang Balita na may binabahay daw na babae si Zach....pinalabas kasi ng bakla mong kapatid na kabet ka raw. Kaya mag-ingat ka palagi alam mo na," sumbong nito sa kanya."Bahala siya sa buhay niya..as if naman natatakot ako sa mga death threat niya? Bakit ayaw niyang tanggapin sa sarili na hindi talaga siya gusto ni Zach?""Gusto ko na nang maawa sa kanya eh..kaso sumusobra na ang pagkamaldita. Binaba na niya ang pride niya bilang babae para kaawaan siya. Alam mo kung hindi lang Mataas ang pasensya matag
Nakita ng kanyang dalawang mata kung paano sinaktan ni Don Alfonso si Doña Isabel. Pinagsasampal nito ang Asawa at pinagsusuntok. Dumudugo na ang labi nito at ang sugat sa ulo. Gustong gusto niyang balikan si Doña Isabel pero nang maalala niya ang huling sinabi nito ay nagmamadali niyang tinawagan ang numerong ibinigay sa kanya ng ginang kanina bago siya umalis.Walang pag-aatubiling tinawagan niya ang numerong iyon pero laking gulat niya nang marinig ang boses ng may -ari ng numerong iyon."Hello?" sabi ng nasa kabilang linya subalit hindi siya sumagot at nanatili lamang nakiramdam sa telepono kung tama ba ang hinala niyang si Don Rafael nga ba ang nasa kabilang linya.Kung tama ang hinala niya ibig sabihin matagal ng nag-uusap si Don Rafael at Doña Isabel."Hello, sino 'to?" tawag ulit ng nasa kabilang linya subalit nanatili paring tikom ang bibig niya dahil nga sa batuklasan niya kanina."Hello? Inuulit ko sino ka ba?" tawag ulit ng nasa kabilang linya. Halatang naiinip na ang may
Zach's POV"Why are you here?" dumadagundong ang boses ni Alfonso sa buong mansion tila ba Hindi nito nagustuhan ang kanyang presinsiya."Where is Sylvia?" tanong niya rito at hindi pinansin ang hindi magandang pakikitungo sa kanya ng lalaki."Ikaw ang Asawa niya ikaw dapat ang may alam pero ako pa ang tinatanong mo."Natawa siya sa sinabi rito na mas lalong ikinainis ng lalaki."Para ka namang walang alam sa set up namin Ng anak mo Don Alfonso. Gusto ko lang siyang makausap Napaka importanteng bagay."Napansin niya ang napakunot na noo ng lalaki tila ba nag-iisip ito tungkol sa importanteng bagay na sinasabi niya."Where is she?""I don't know! You better call her my number ka naman sa kanya hindi ba?""Para namang hindi matigas ang ulo ng anak mo nakakapagod amuhin.""What do you mean, nakakapagod? Teka...nag-aaway ba kayo Ng anak ko?"Hindi siya sumagot at nanatili lamang na tahimik habang napatingin-tingin sa kabuoan ng mansion. Napatingin Siya sa bandang itaas napansin niya si D
"Zach," tawag niya sa binata nang pinapatulog nito si Iris.Maingat siyang umupo sa gilid ng binata at hinaplos ang buhok nito."Matulog ka na...ako na Ang magbabantay sa anak natin.""I can't sleep.""Why?" kunot noong tanong nito sa kanya habang kinukumutan si Iris.Nagkibit Siya ng balikat at Mabibigat na buntong hininga."I can't sleep of thinking about us, natatakot ako para sa anak natin Zach. Alam kong hindi titigil si Silvia hanggat hindi ka niya nakukuha sa amin. "Lumapit sa kanya ang binata at niyakap siya nito ng mahigpit habang hinahalikan Siya sa noo."Hindi iyan mangyayari, walang sino mang mananakit sa anak ko dahil kapag mangyari iyon, pagsisihan niya iyon balang araw!" "By the way, babalik na raw dito si Daddy, nag-aalala rin iyon sa atin."Ginagap ni Zach ang kamay niya at pinisil pisil iyon."I'm sorry sweetheart...I'm sorry kasalanan ko lahat ito..kung hindi dahil sa akin... siguro hindi ganito kagulo ang buhay mo ngayon. Patawarin mo ako..sinira ko ang buhay mo,"
"Sweetheart!" Malakas na tawag sa kanya ni Zach habang nasa kwarto Siya ni Iris namimili ng mga gamit na dadalhin Ng anak niya papunta sa Pilipinas."I'm here, nasa room ako ni Iris.""What are you doing?" gulat na gulat na tanong ng binata nang maabutan siyang nagliligpit ng mga gamit.Muntik na niyang matutop ang kanyang bibig nang maalalang Wala palang kaalam-alam si Zach sa pagpapadala niya sa kanyang anak sa Pilipinas.Kunot ang noo nitong nakatitig sa kanyang ginagawa."Bakit mo nilalagay sa maleta ang mga gamit niya?" biglang tanong nito."Ahhh...ni ready ko lang baka kakailanganin, so wala ng—""You're lying.""What? No I'm not!""Don't trick me! I know you! Sabihin mo nga sa akin, may balak ka bang ilayo sa akin ang anak ko, huh, Olivia?" medyo galit na sabi nito sa kanya.Wala si Iris sa bahay nila ngayon dahil nagpaalam ito kanina na pupuntahan ang tito Henry niya kaya Malaya siyang nakapaligpit ng mga gamit nito."No.. it's not about what you think!" giit niya."Then bakit
"So what's your plan now?" tanong sa kanya ni Henry." I don't know... nahihirapan akong mag desisyon lalong lalo na ngayon.. nagkamabutihan na ng loob si Zach at Iris. Hindi ko naman pwedeng hilingjn kay Zach na huwag muna siyang umuwi sa Asawa niya...at Isa pa iniisip ko ang maaaring nararamdaman ni Iris.Hindi ko alam kung paano ko ipapaliwanag sa anak ko kapag tatanungin niya ako na bakit kailangan umalis ang daddy niya.""Look...hindi naman ikaw ang mag desisyon niyan kundi si Zach . It's his choice kung sino ang mas matimbang sa kanya ang anak ba niya o iyong loka-lokang Asawa niya. At pagkakataon na niya ito para ipakita sa'yo kung karapat dapat mo ba talaga siya bigyan ng lugar para maging isa kayong pamilya. Nangako siyang ipaglalaban niya kayo hindi ba? Well, this is it!""I'm afraid Henry...alam ko kung paano mag-isip ang kapatid ko. She's dangerous type of woman kaya ngayon pa lang kailangan gagawa ako ng paraan delikado ang anak ko.""Bakit? Huwag mong isipin natatakot ka n
Nagpipigil sa tawa si Olivia habang sinisilip niya nang palihim ang dalawa sa banyo. Pinaliliguan ni Zach si Iris, alam kasi niya kung gaano ka kulit si Iris dahil gustong gusto nitong magtampisaw sa tubig ng matagal."Son... that's enough," suway ng binata sa bata subalit patuloy parin ito sa paglalaro ng tubig."Stop playing son, we still have to go to your school, so get on with it.""That's enough Iris, come on!" tawag niya sa anak at kumuha ng bimpo.Kinarga naman ito ni Henry papunta sa kanyang silid at binihisan ang anak."Hindi naman masyadong makulit ang anak mo hindi ba?" pang-aasar niya sa binata.Napapailing naman si Zach habang pinapasuotan ito ng sapatos."But I am enjoying it...of course hindi kailanman mapapagod si Daddy sa pag-aalaga sa kanyang baby boy.""Really?" biglang sagot ni Iris na siyang ikinatigil nilang dalawa."Wait...do you understand what daddy said earlier?" tanong niya kay Iris habang tumango-tango naman ito."How?""Tito Henry thought me.""Cool," sab
"I can't believe what you did, Olivia! Ganoon na lamang ba, after what he did to you and your child? " galit na sumbat sa kanya ni Henry habang umiinom ito ng alak.Pagkatapos nilang mag-usap kanina ni Zach ay nagpaalam siyang puntahan muna si Henry para makausap niya ito ng masinsinan. Wala kasi itong alam na bumalik na si Zach kaya siguro ay nagtampo ito.Hindi pa sana siya papayagan ng binata na puntahan si Henry dahil nag-aalala ito sa kanya pero dahil kaya niya ang kanyang sarili ay napilitan itong sumang-ayon."Henry...I am not doing this for my self..I am doing this for my child!" matapang na sagot niya rito."I don't believe it! I can see it in your eyes... what's the meaning of that?" " Henry...""Mahal mo pa Hindi ba? Mahal mo kaya hindi mo kayang ituon sa akin lahat ang atensiyon mo dahil may nararamdaman ka pa sa lalaking iyon!""It's not like that...""Mahal mo pa ba?" tanong niya ulit."I knew it!" malakas na sigaw ni Henry habang tumutungga ng isang boteng beer.Lasing
"You can't sleep here!" nagpipigil na sabi ni Olivia kay Zach nang makarating sila sa bahay.Nakiusap kasi Ito sa kanya na gust nitong makasama ang anak. Hindi naman siya gaanong masama kung pagbibigyan niya si Zach na makasama si Iris. Pero iyon nga hindi ito pwedeng matulog sa kanilang bahay pero matigas ang ulo ni Zach at ayaw nitong sumunod sa gusto niya."At bakit naman? Ngayon mo pa talaga ako pagbabawalan na matulog sa bahay mo eh.. katatapos lang natin mag sex ah!" Natampal talaga niya ito dahil sa masyadong Basa ang bibig nito. Naku! Nakakahiya baka narinig sila ni Iris at isumbong kay Henry tiyak na kokomportrahin siya ng binata."Iyang bibig mo Zach! Huwag ka ngang magsabi ng ganyan baka may makarinig sa'yo!""So?""Ewan ko sa'yo!" inis na sabi niya at padabog na lumabas mula sa kotse nito."Ang bata ba talaga ang kinatatakutan mong makarinig?""Huwag ngayon Zach ..pagod ako!""Mommy! Mommy!" malakas na sigaw ni Iris habang masaya itong sumalubong sa kanya ng yakap subalit
" This is kidnapping!" naiinis na sabi niya sa binata nang Wala pa itong balak na pauwiin siya." Hindi pwedeng magtagal ako rito Zach! Malamang hinahanap na ako ni Iris hindi pa naman iyon nakakatulog ng maayos kapag Wala ako sa tabi niya.""If you think this is kidnapping then so be it, why so hurry? O baka naman nagmamadali ka dahil may naghihintay sa'yo Doon."Hindi siya makapaniwalang tinignan ito at sinamaan niya ng tingin."Anong ibig mong sabihin?""Akala mo ba hindi ko alam na may kinakasama kang lalaki? Sabihin mo nga sa akin Olivia, anong relasyon mo Kay Henry?" tanong nito na siyang mas ipinagtataka niya dahil kilala nito si Henry."Do you know him?" tanong niya sa binata."I won't tell you kung paano kami nagkakilala.""Wala kaming relasyon...at saka huwag mo ngang paghinalaan nang hindi maganda si Henry. He is a good man, malapit ang loob ni Iris sa kanya kaya sana huwag mong e question ang pagiging malapit Ng anak mo sa kanya.""I don't believe you, so totoo palang nag