ISANG linggo nang hindi nagpapakita si Tyron kay Anicka. Mula ng araw na iyon, na wala sa loob na nasabi niyang mahal niya ito, ay hindi na siya mapakali.
Nakita niya ang pagkagulat sa mga mata nito sa sinabi niya. Hindi na lamang siya muling kumibo at wala sa sariling nagbihis na, at nagpasyang umalis. Ngunit bago siya lumabas ng pintuan ay iniwan niya ito ng isang mariing halik sa labi at marahang halik sa noo. Tila nakapaloob sa mga halik na iyon ang lahat ng gusto niyang sabibin, ngunit hindi niya alam kung papaano. Tahimik naman nitong tinanggap iyon at matamang nakatigin lang sa kanya.Aaminin niyang naduduwag siya. Naduduwag siyang aminin sa sarili na makalipas ang maraming taon, ay hindi pa rin nagbabago, o, hindi man lamang nabawasan ang pagmamahal niya para dito.Siya pa rin ang dating Tyron, na abot hanggang langit ang pagmamahal dito.Ngunit paano kung katulad noon, ay masaktan na naman siya?Paano kung gi09075555555You, bitch!! Kung iniisip mo na mahal ka pa rin ni Tyron hanggang ngayon, nag-iiliusyon ka, hija!Bumalik lang siya para gantihan ka!Kapag nagsawa na siya sa iyo, babalik na siya, or rather--kami, ng New York para magpakasal. Actually, that was my idea.You see? Ganoon kalakas ang influence ko sa kanya?Three months lang, Anicka! Three months ko lang siyang ipahihiram sa iyo! Pagkatapos ng tatlong buwang kasunduan n'yo,babawiin ko na siya sa iyo!Nagulat ka bakit ko alam.ang tungkol d'on? I told you, akin siya!Bakit ayaw mong sumagot?!ANICKASorry, I won't stoop down to your level!09075555555Huh?! Stoop down? Bakit, sino ka ba? Isang hamak na tindera ng school supplies? Kilala mo ba kung sino ang kausap mo?Hey!Sumagot ka!DAMN YOU! BASTA ITO ANG TATANDAAN MO, AKIN SI TYRON! AT H
PAGDILAT ni Anicka ay nag-iisa na lamang siya sa kama.Hayy... lagi na lamang ganoon. Matutulog sila ng magkayakap, ngunit sa tuwina ay hindi na niya ito nagigisnan.Pabuntong-hiningang inabot niya ang unang ginamit ni Tyron nang nagdaang gabi at niyakap. Naaamoy niya pa ang binata sa ginamit nitong unan.Kailan kaya mangyayaring magigisnan niya ito sa tabi niya?Katulad ng sinabi nito, ay hindi sila nagtalik ng nagdaang gabi. Ito ang unang beses na magkatabi sila, na natulog lamang talaga sila. Nakatulog siyang hinahagod nito ang buhok niya at panay ang banayad na paghalik sa noo niya.Gusto niyang umasa.Na baka sakaling nakapasok na siyang muli sa puso nito. Na baka sakali ay mahal na siya nitong muli.Katulad ng dati.Ngunit pinaalalahanan niya ang sarili. Masyado pang maaga.Ilang sandali pa, ay iinot-inot na babangon na sana siya upang pumasok sa tindahan nang bumukas ang pintuan
"NAKAKA-ISTORBO ba ako?" matalim na sabi ni Tyron.Agad na umilap ang mga mata ni Anicka.Si Albert ang sumagot."No. Paalis na talaga ako, brod. Can I have a word with you?" anitong deretsong nakatingin sa mga mata ni Tyron. Tila nakikipag-sukatan ng tingin dito."No... I don't think--""It's okay, Mahal," putol ni Tyron sa sana ay pagtutol niya. "Wait here..." hindi niya maintindihan ang ibinabadya ng mga mata nito, nang sandaling magtama ang paningin nila, bago ito nagpa-una nang lumabas.Si Albert ang binalingan niya. " P-pero, Albert...--""Shh... don't worry. Much as, it'll give me pleasure, hindi ko bubugbugin ang boyfriend mo." nakangiti na nitong sabi at ginulo pa ang buhok niya, bago lumabas at sinundan si Tyron.Naiwan si Anicka'ng natitigilan at hinayon na lamang ng tingin ang pintong nilabasan ng dalawa.TYRON'S POVNAGPUPUYOS ang kaloob
ABALA si Anicka sa pag-aayos ng mga school supplies sa estante nang dumating si Tyron."Good morning." nakangiting bati nito sa mga empleyado at inikot ang paningin sa loob ng tindahan.Nangunot ang noo nito nang makita si Anicka'ng nakatuntong pa sa isang silya upang maabot ang pagkaka-salansan ng mga stocks na nasa may bandang itaas.Naiiling na lumapit ito at ipina-ikot ang mga braso sa baywang ng dalaga at ibinaba ito sa silya.Gulat na napalingon si Anicka. "S-sir...""Good morning, Mahal," anito at kinintalan siya ng mabilis na halik sa labi, bago nakangising binitiwan siya at tumalikod na upang pumasok sa opisina nito.Awang ang mga labing iniikot niya ang paningin sa loob ng tindahan at nakita niya ang mga nanunuksong ngiti ng mga kasamahan. Ramdam niya ang pag-iinit ng mga pisngi niya sa hiya sa mga ito. Kagat ang labing muli siyang tumalikod at ipinagpatuloy na lamang ang ginagawa.Napapitlag pa siya nang maramdamang nag-vib
TYRONMahal...ANICKABakit?TYRONHuwag kang mag-uniform.ANICKABakit na naman?TYRONSusunduin kita diyan. May pupuntahan tayo.ANICKAMahal, may trabaho ako.TYRONSige na naman.ANICKASaan ba kasi tayo pupunta?TYRONBasta. We're going to fulfill my greatest dream.ANICKAHuh? Greatest dream? Mahal, baka puro kalokohan na naman 'yan, ha.TYRONHindi po. Basta bihis ka na lang. Nandiyan na ako in five minutes.ANICKASige na nga. Kapag ito kalokohan lang ha... lagot ka talaga sa'kin.
"YOU'RE WHAT???!!!!" nag-echo sa buong kabahayan ang sigaw niyang iyon.Nang sabihin pa lang sa kanya ng ina na naghihintay sa kanya si Rachel ay kinabahan na agad siya.Alam niyang gulo na naman ang dala nito. Ngunit hindi niya akalain na ganito kalaking gulo pala.Ngayon pang mabuti na ang takbo ng relasyon nila ni Anicka. Saka naman ito darating at sasabihing buntis siya."You heard me right, babe. I'm pregnant. With our child." buong tamis ang pagkakangiti nito nang sabihin iyon."That's not mine, damn you!" naniningkit ang mga matang sigaw niya."How can you say that? We made love... countless of times." anitong umarte pang tila nasaktan sa sinabi niya."How could it be possible? It's been months since the last time we had SEX? Damn you, Rachel! Huwag mong ipaako sa akin ang kalat ng iba!" aniyang ipinagdiinan ang salitang SEX dito.It's just Anicka, he was, and he will making love with.
LINGGO. Rest day ni Anicka kaya't mas pinili niya na lamang manatili sa bahay at maglinis dahil wala naman siyang maisip na puntahan. Hindi niya alam kung darating ba si Tyron sapagkat wala naman silang usapan. Ang alam niya ay sinamahan nito ang ina kanina umaga upang mamili ng mga kakailanganin para sa canteen ng ina nito.Pagakatapos niyang maglinis ng bahay ay naligo na siya at nahiga na lamang. Sa kawalan ng gagawin ay naisip niyang magbasa na lamang ng pocketbook upang magpaantok.Nang tumunog ang cellphone niya ay hindi tinitingnan pakapa niya lamang iyong kinuha sa nightstand. Sinulyapan niya muna ang screen niyon at napangiti siya nang makita ang pangalan ng kasintahan. Agad niya iyong sinagot."Hi, Mahal..." nakangiting bati niya rito." Hi, anong ginagawa mo?" anito sa malambing na tinig."Nagbabasa ng pocketbook." sagot niya bagaman binitiwan na ang libro at umayos ng pwesto para maging komportable sa alam niyang mahaba-haba
ANGIE (work)Sir, I already got you an appointment with a Gynecologist, tomorrow.. 9 o'clock am. at St. Lukes Just look for Dra. Lara Legaspi TYRONThank you, Angie. ANICKA'S POVNANG pakiramdam ni Anicka ay naubos na ang luha niya sa kai-iyak ay bumangon na siya.Nakapag-pasya na siya.Kailangan na niyang lisanin ang masyon. Tama si Rachel. Kung totoo ngang pag-aari na ni Tyron ang mansyon ay mas may karapatan ang magiging anak nito kaysa sa kanya.Agad siyang naglagay ng ilang damit at gamit sa maleta at itinago iyon sa ilalim ng kama pagkatapos.Hindi niya pa alam kung saan siya pupunta. Isa lang ang alam niya. Kailangan niyang makalayo kay Tyron. Ayaw na niyang pahirapan pa ito sa pamimili sa pagitan niya at ng anak nito.Pagkatapos mag-empake ay dumeretso siya sa kusina at nagluto ng maaari nilang kainin ni Tyro
NANG magising si Anicka ay mag-isa na lamang siya sa silid. Bahagya pa siyang napaisip kung panaginip lamang ba ang lahat ng nangyari kagabi. Ngunit hindi, imposible, bukod pa sa hubad siya sa ilalim ng kumot.Inabot niya ang unang ginamit ni Tyron at niyakap. Nakakapit pa rin doon ang swabeng amoy ng cologne nito na humalo sa natural na amoy ng binata. Napapikit pa siya at hinayaang ipaghele siya nang mabagong amoy na iyon.Nang lumipas na ang antok ay iinot-inot na bumangon na siya.Nasaan kaya ang kasintahan? Ibinalabal niya ang kumot sa katawan at papasok na sana sa cr nang mapansin niya ang isang malaking kahon na nakapatong sa mesita. Kunot-noong nilapitan niya iyon.Napangiti siya nang masilayan ang isang magandang puting bestida, mayroon din niyong tila korona na gawa sa iba't ibang uri at kulay ng bulaklak. Napapikit pa siya nang samyuin ang bango niyon.Sa ibabaw ng damit ay may nakalagay na note, alam niyang sulat kam
"IS THAT Rachel? At kaya ayaw mong buksan ay dahil malalaman niyang nandito ako?" tanong ni Anicka sa binata sa malamig na tinig. Tila may malaking kamay na pumiga sa puso niya sa naisip.Awtomatiko ang pagkunot ng noo ni Tyron sa sinabi niya. "Of course, not." mabilis nitong sagot. "Rachel's in New York now, and she'll be staying there for good.""Kaya ba nandito ka na naman sa akin, dahil nandoon na naman siya. Ano'ng plano mo? Doon mo ititira ang pamilya mo habang kinakasama mo ako dito?" mapait siyang ngumiti. "Please, Tyron, spare me. Kung ginusto kong maging kabit, eh, di sana pumayag na lang ako sa gusto ni Mr. Montelibano. Hindi sana ako nasasaktan ngayon." aniyang pinangingiliran na ng mga luha.Agad niyang nakita ang pagtatagis ng mga bagang ni Tyron sa sinabi niya."Will you stop that?! Kaya nagkaka-loko-loko ang buhay natin, eh! Dahil diyan sa kung anu-anong iniisip mo!" inis na singhal nito sa kanya.Tila wala itong
KANINA pa naiinis si Tyron. Panay ang papungay ng mga mata sa kanya ng katabi niya. Kung dumating ang katulad nito noong mga panahong nasa New York siya at hindi pa sila nagkakabalikan ni Anicka, ay baka pinatulan niya pa ito. Ngunit sa ngayon ay sarado ang puso at mga mata niya para lamang sa iisang babae.Ang kailangan lamang niyang gawin ay hanapin ang babaeng iyon at patunayan dito kung gaano niya ito kamahal."Tyron, gusto mo ba subuan kita nitong mangga para hindi ka antukin? Ang aga kasi ng bihaye natin, eh." maarteng sabi ni Coleen habang bumibiyahe sila. Ito ang kapatid ng kaibigan ni Bench na kanina pa panay ang papungay ng mga mata sa kanya."No, thanks. Wala pang laman ang sikmura ko, baka mangasim sa mangga." aniya at pilit itong nginitian."Ah, okay. Just tell me, if you need something, ha. Nakakahiya naman sa'yo, ikaw pa ang nahilang driver namin. Pasensya ka na, ha, wala kasing ibang mahanap, eh." daldal pa rin nito.
"HI, ANICKA... kumusta?" agad na nagsalubong ang mga kilay niya nang makilala niya ito."Lander... mabuti naman." sabi niyang muling ibinalik ang tingin sa ginagawa.Matalik itong kaibigan ni Lance. Dalawang araw na ang nakararaan nang dumating ito sa resort at nais daw magbakasyon. Naibulong sa kanya ni Chelsea na may pinagtataguan daw itong babae sa Maynila kaya ito naroon sa resort.Mula nang ipakilala siya ni Chelsea rito ay hindi na siya nito tinantanan. Palagi na itong nakabuntot sa kanya. At bigla na lamang sumusulpot sa harapan niya, katulad na lamang ngayon.Kung hanggat maaari ay iniiwasan niya ito. Hindi man ito magsalita ay alam niya kung ano ang pakay nito sa kanya. At hindi pa siya handa para d'on."Wanna have dinner with me?" anitong binigyan siya ng nakakatunaw na ngiti at tingin, na kung ibang babae lamang siya ay tiyak na mapapapayag siya nito saan man siya nito nais na dalhin.Ngunit hindi siya iban
FLORENCIO RESORTIYON ang nabasa ni Anicka sa malaking arko pagbaba niya pa lamang ng taxi.Ito na siguro ang resort na pag-aari ng asawa ni Chelsea. Muli niyang tiningnan ang hawak na calling card ng kaibigan at binasa ang nakasulat na pangalan.Chelsea O. FlorencioHuminga muna siya ng malalim at bitbit ang hindi kalakihang maleta ay lumakad siya papalapit sa gate upang magtanong sa naroong security guard."Magandang umaga ho, manong guard, hinahanap ko po si Chelsea..." magalang na sabi niya rito.Magalang din naman itong ngumiti sa kanya. "Magandang umaga din po, Ma'am. Ano pa ang pangalan n'yo?" balik-tanong nito sa magalang ding paraan."Anicka Escudero po..."Sukat ay nagliwanag ang mukha ng gwardiya. "Ah, opo, itinawag na po kayo ni Ma'am Chelsea. Darating nga raw po kayo. Halika po kayo at sasamahan ko po kayo sa White House." anito na tinapik muna sa balikat ang isa pan
Mahal, I'm so sorry, Mahal. God knows, how much I wanted to fight for you... for us. For our love. Pero paano tayo lalaban kung mayroong isang inosenteng buhay na tayong madadamay? Kung sa ibang babae lang, ipaglalaban kita... ipaglalaban ko ang pag-ibig natin. But I can't do the same to your child. I love you. Love you enough, to set you free. Ayokong mahirapan kang mamili sa pagitan namin ng anak mo. I Love You, Mahal... nevet forget that. I'm so sorry.AnickaNANLULUMONG muling binasa ni Tyron ang sulat na hawak pa rin niya at bahagya nang nalukot dahil sa pagkuyom ng kanyang kamao.