NANG makarating si Raquel sa city limits ng Baguio City, dumilim ang langit. Tila uulan, naisip niya. Kailangan siyang magmadali dahil ayaw niyang abutin ng malakas na ulan sa zigzag roads ng Mountain Province. Hindi niya kabisado ang daan, umaasa lang siya sa waze map. Nakalampas na siya sa zigzag pero pababa at pataas pa rin ang makipot na mga daan. Nagsimula nang bumuhos ang malakas na ulan at malalaki ang mga patak nito sa windshield ng kotse. Mula sa loob ng sasakyan ay narinig ni Raquel ang kulog at nakikita niya rin ang paminsan-minsang pagguhit ng kidlat sa kalangitan. Natensyon siya. Ninais niyang sana ay naroon siya sa ospital kasama ang kapatid. Binabantayan ito habang gumuguhit sa kanyang sketch pad. O kaya ay nagbabasa ng isang horror story na akda ni Miss Contessa. Hindi talaga siya mahilig magbasa ng love story, wala naman siyang love life. Biglang gumuhit sa kanyang isipan si Zeus. Damn him! Ito ang may kasalanan kaya naroon siya ngayon sa gitn
NALIGO si Raquel at nagpasalamat siya dahil may cold and hot water sa shower. Napakaginaw ng panahon at tiyak na mangangatog siya kapag malamig ang ipinaligo niya. Binuksan niya ang isang maleta at kumuha ng isusuot. Nagbihis siya ng pambahay at nagsuot ng sweater. Inilipat niya sa dresser ang mga damit niya. Pagkatapos ay saka pinagmasdan muli ang loob ng kuwarto. Malinis ang bedsheet at pillowcases. Parang laging nakahanda ang mga ito sa magiging panauhin. Lumabas siya ng kuwarto at pumanaog. Nalanghap niya ang masarap na aroma ng pagkain. Sinundan ng pang-amoy niya ang pinanggagalingan nito. Bigla siyang nagutom nang makita ang pagkain sa mesa. Pakbet, inihaw na isda at ensaladang talbos ng kamote na may ginayat na kamatis at sibuyas. May ginisang bagoong alamang pa. “Hmmm, ang sarap ng mga ito, Aling Tonyang!” “Ganyan lamang kasimple ang mga ulam dito sa kabundukan. Isda, gulay. Pero may alagang mga manok at baboy kami. Kabuhayan na binigay sa ‘m
PINAGMASDAN ni Raquel ang lalaki. Marahil masakit pa rin ang mga mata nito dahil nakayuko. Tumatabing sa mukha ng lalaki ang buhok nito na hanggang balikat ang haba. Nakasuot ito ng V-necked shirt na pinatungan ng black leather jacket at jeans na hindi niya matukoy kung color navy o black dahil medyo may kadiliman sa kinaroroonan nila. “Akala mo siguro magtatagumpay ka sa maitim mong binabalak ‘no?” “What are you talking about?” Galit ang tono ng boses ng lalaki. Nag-angat ito ng mukha at hindi sinasadyang magtama ang kanilang mga mata. Adonis! hiyaw ng kanyang isipan. In Greek mythology, Adonis was the god of beauty and desire. Napalunok siya. Nakakapang lambot ng tuhod ang mga mata nito kapag tumitig. Hindi niya tuloy maiwasan titigan ang gwapong mukha ng lalaki. Matangos ang aristokratong ilong nito, mamula-mula ang mga labi. Maya’t mayang lumilitaw ang biloy nito sa kaliwang pisngi dahil sa pabago-bagong ekspresyon ng mukha. “Aren't you do
NANG masigurong naka-lock na ang pinto ay pumanhik na sa ikalawang palapag si Raquel. Maingat ang bawat hakbang niya dahil madadaanan muna ang kuwartong tinutuluyan ni Drake bago ang sa kanya. Ano ‘yon? naisatinig niya sa isipan. May narinig siyang malakas na kalabog mula sa loob ng kwarto. Hindi na siya nagdalawang isip na kumatok. “Drake?” tawag niya rito at dinikit ang tenga sa nakapinid na pinto. “May narinig akong ingay sa loob ng kwarto mo. Ano’ng nagyayari sa ‘yo?” Panay-panay na ang katok niya dahil walang tugon mula sa lalaki. Hinawakan niya ang door knob at pinihit ito. Hindi naka-lock kaya tinulak niya ang pinto. Sumalubong sa kanya ang kadiliman. “Drake?” muling tawag niya sa pangalan ng lalaki. Kinapa niya ang dingding sa pag-asang mahawakan ang switch ng ilaw. Natuwa siya nang madama ng kanyang palad ang hinahanap. Pinindot niya ang switch at kumalat ang liwanag sa loob ng kwarto. Nakita niya si Drake na nakahiga sa carpeted floor, nangingin
INABOT ni Raquel ang tableta kay Drake. Niligpit niya ang pinagkainan ng lalaki. Tumayo siya at humakbang patungo sa pintuan. “Raquel,” tawag nito sa kanya. Nilingon niya ito. “Bakit?” “Salamat sa pag-aasikaso mo sa ‘kin.” Ngumiti ito. Para siyang nahihipnotismo habang nakatitig sa mukha nito. Iyon na yata ang pinakamagandang ngiting nakita niya. Kung gwapo ito sa paningin niya kanina ay mas naging gwapo pa ito. Mahirap paniwalaan na ang supladong lalaki ay marunong ngumiti at marunong ding magpasalamat kahit sa simpleng ginawa niya. Ginantihan niya ito ng ngiti. “Walang anuman.” Nang lumabas siya sa kwartong ‘yon ay sandaling tinitigan niya ang nakapinid na pinto. Hindi niya maunawaan ang sariling damdamin. Hindi siya basta-bastang na-a-attract sa pisikal na anyo ng isang lalaki. Pero iba si Drake… Mahinang sinampal niya ang kanang pisngi. Hindi niya dapat maramdaman ‘yon lalo na’t ikakasal na siya kay Arthur. Isa’t kalahating taon ang kontra
NAKASUOT si Raquel ng jeans at sweater. Mabuti na lang at dala-dala niya ang kanyang paboritong sneakers, ‘yon ang isinuot niya. Nakasuot ng denim at checkered long sleeved polo shirt si Drake nang magkita sila sa hardin at akay nito ang isang malaking kabayong kulay itim. “Si Hagibis,” sabi ng lalaki na hinimas ang likod ng kabayo. “Mabait ito at marunong sumunod.” Binuhat siya ni Drake at isinakay sa likod ng kabayo. Sumampa na rin ito at pumuwesto sa likuran niya. Nagtungo sila sa gilid ng pinakamalapit na bundok at pumasok ang kabayo sa isang gubat. “W-wala bang wild animals dito?” nababahalang tanong ni Raquel. “May mangilan-ngilan na baboy-ramo, nagtatago ang mga ito kapag may nangangabayo rito. But there are many wild birds and wildflowers here.” Parang paraiso ang lugar na iyon na punô ng pine trees and wildflowers. May munting batis silang nadaanan hanggang sa makarating sila sa isang waterfall. “Isang paraiso ito, Drake!” naibulalas ni
DALAWANG magarang sasakyan ang agad na nakaagaw ng atensyon ni Raquel. Ngunit nalipat ang tingin niya kay Aling Tonyang na ngayon ay naglalakad upang salubungin sila. “Señorito, narito si Sir Dr–” “Aling Tonyang,” agad na putol ni Drake sa sasabihin sana ng matanda. “Samahan mo muna si Raquel sa komedor. Ipaghanda mo siya ng merienda. Sa likod-bahay na kayo dumaan.” Gustong tumutol ng dalaga pero agad na siyang hinawakan sa isang kamay ng matanda. Kinuha niya sa kamay ni Drake ang balanggot na punô ng bunga ng caimito at saka walang salitang tinalikuran ito. Drake put the horse back in its stable and then walked towards the lawn where two luxury cars were parked. Sinipat nang mabuti ng binata ang kanyang sasakyan. Bukod sa maliliit na gasgas sa ilang bahagi ng sasakyan ay wala na siyang nakitang malala na pinsala rito. Nakapamulsang pumasok sa asyenda si Drake. Isang nakangiting lalaki ang sumalubong sa kanya. “Zeus, pinsan!” “Watch your mouth,
MAY nakita si Raquel na isang mesa at may nakalagay na mga pagkain. “Dito tayo kakain?” maang na tanong niya. “Yes. Dinner by moonlight and starlight. It's so romantic and feels like you can touch the stars in the sky.” Hindi maiwasan ni Raquel ang mapangiti. Tumingala siya. “Ang daming mga bituin ngayon. Palibhasa ay napakaganda ng panahon. Walang kaulap-ulap.” “At ang tanglaw ng buwan ang tanging nagbibigay liwanag sa atin. Halika, kakain na tayo.” Inalalayan siyang makaupo ni Drake sa isang silyang ito rin ang humila para sa kanya. Dinner by moonlight and starlight. That idea is so romantic. Napagtanto niyang si Drake ay isang romantikong lalaki. Parang gusto niya itong mas makilala pa. “Napakaganda rito, Drake,” may ngiti sa labi na turan niya. “I liked it.” “Glad, you liked it here.” Tumingala si Raquel at matagal na pinagmasdan ang mga bituin. Parang kumikindat ang mga ito sa kanya. Nagbaba siya ng tingin upang tingnan naman ang nakahaing
MAGKAHALONG nerbiyos, excitement at tuwa ang nararamdaman ni Raquel habang sakay sila ng bridal car ng kanyang inay. Bago ang kasal ay nag-hire si Zeus ng private detective para hanapin sa Davao ang kanyang inay. Wala pang isang buwan ay nakatanggap sila ng balita. Ang galit at sama ng loob niya para sa ina ay parang yelong nalusaw nang malaman ang mapait na dinanas nito sa piling ng bagong asawa. Sinasaktan at ginugutom ni Ricardo Alvarez ang kanyang inay. Nagkaroon ng anak na babae ang dalawa, edad isang taon at dalawang buwan. Nang malaman niyang binenta ng lalaki ang kapatid niya sa halagang bente mil, halos magwala siya sa galit. Naghain sila ng reklamo laban kay Ricardo Alvarez. Nakapiit ito pansamantala sa Davao Provincial Jail habang patuloy pa ring dinidinig ang kaso. Sa tulong ni Zeus ay nahanap nila ang mag-asawang bumili sa kapatid niya. Nang una ay ayaw pang ibalik sa kanila ang bata, ngunit sa takot na makulong ang mga ito ay napilitan na ibalik s
PAGKAGALING sa simbahan ay sakay na siya ng kotse ni Zeus. “Sweetheart, wake up.” Mainit na labi ni Zeus na dumampi sa kanyang labi ang nagpagising sa kanya. Nakangiti ang kanyang mga mata nang titigan ang lalaking minamahal. Hindi niya akalaing nakaidlip pala siya sa biyahe. Isang mabilis na halik sa labi ang iginawad niya rito. Hinaplos nito ang kanyang pisngi at ginawaran siya ng halik sa labi. Malalim. Mapusok. Madiin. May pag-ibig. Kusang pumikit ang kanyang mga mata. Pakiramdam niya ay nalulunod siya sa sensasyong hatid ng mga halik ni Zeus. Nang imulat niya ang mga mata ay may napansin siyang kakaiba sa paligid. Kahit tented ang salamin ng sasakyan ay malinaw naman niyang nakikita ang ilang puno ng niyog sa labas. “Nasaan tayo?” nababaghang tanong niya. Patuloy sa paghalik sa kanya si Zeus. Suot pa rin niya ang wedding gown. Pinanggigilan nito ang kanyang leeg pababa sa nakalitaw niyang cleavage. Muli niya itong tinanong pero umungol lang. Na
LUMUWAG ang yakap sa kanya ni Zeus. Dahan-dahang nilingon nito ang kapatid. Napalunok si Arthur na parang nahihirapan magsalita. “Ayokong bigyan ka ng sama ng loob, Kuya. At kahit kailan ay hindi ko ginustong saktan ka. Kaya naman hindi na ako magpapakasal kay Raquel.” Gulat na napatingin siya kay Arthur. “Ano bang sinasabi mo?” “Isa ba itong kalokohan, Arthur?” tanong din ni Zeus. Lumapit sa kanya si Arthur. “Raquel, ‘wag mo akong piliin dahil lang sa utang na loob. Tinawagan ko na kagabi ang mga bisita. I told them the wedding is off.” Napanganga siya sa pagkabigla. “Wala akong planong anihin ang galit mo at magdusa ka habambuhay, Kuya. Kaya ibinabalik ko na sa ‘yo ang babaeng minamahal mo,” paliwanag nito nang balingan si Zeus. “I didn't consider you a competitor. I don't want you to consider me an enemy either. Gusto ko lang ay maramdaman na mayroon akong kapatid.” “Arthur. . .” mahinang sambit ni Zeus subalit nanatiling nakatitig sa kapatid.
“OKAY ka lang ba, Miss Raquel? Gusto mong lakasan pa natin ang aircon?” tanong ng baklang makeup artist habang inaayusan ang bride sa loob ng kanyang silid. Kaibigan ito ni Levi na siya namang designer ng gown na isusuot niya. “Yes, please,” sabi niya na sandaling tumingin dito. Nararamdaman niya ang pamumuo ng pawis sa kanyang noo. Lumapit sa kanya si Levi at sinilip ang repleksyon niya sa harap ng salamin. Kumuha ito ng tissue at maingat na pinahid ang pawisan niyang noo. “Raquel, try not to get too nervous. Pinagpapawisan ka, baka masisira ang makeup mo.” “S-sorry, hindi ko talaga mapigilan.” Pinilit niyang i-practice iyong visualization technique na natutunan sa isang libro noong nakaraang gabi sa kagustuhan na makalimot sa mga unnecessary thoughts ukol kay Zeus. Nang mga nakaraang gabi ay ginawa niyang isantabi ang lahat ng mga bagay na may kaugnayan dito at nag-focus lamang sa magiging kasal nila ni Arthur. She thought she had been successful in doi
MARAHAS na pinahid ni Raquel ang luha sa mga mata. Taas-noo na tumingin siya sa mukha si Zeus. “Natatakot ako para sa anak ko kapag pinili kita. Ayokong maging malamig siyang tao tulad ng kanyang ama. Ayokong mamulat siya sa buhay kung saan pera lang ang sinasamba.” Nagyuko ng ulo si Zeus habang nakakuyom ang palad. “I’m sorry, Zeus. Hindi mo ako mapipilit na magpakasal sa iyo, kahit gumamit ka pa ng salapi at ikulong ako sa lugar na ‘to.” Naisubsob niya ang mukha sa palad at nagpatuloy sa pagluha. Mahal niya pa rin si Zeus kahit ilang beses niya pa itong tanggihan. Handa siyang baliin ang pangako kay Arthur na hindi niya ito bibigyan ng kahihiyan kahit kailan. Na hindi na niya uulitin pa ang pagkakamali. Ngunit pinili na niya si Arthur. Wala nang pag-asa si Zeus. Dapat malaman nito na hindi lahat ng tao ay nabibili ng salapi. Hindi lahat ng babae ay interesado sa yaman nito. “You won,” anito sa malamig na boses. Kasing lamig ng mga mata nitong nakat
BUMUKA ang bibig ni Raquel pero hindi nagawang sagutin ang tanong ni Zeus. Oo at hindi lang naman ang pwedeng isagot niya pero parang hirap siyang bigkasin kahit ang isa sa mga 'yon. Tinalikuran niya ito. Walang lingon-likod na tinungo niya ang pinto at lumabas ng silid na 'yon. “Sabihin mo nga sa akin kung bakit ayaw mo akong pakasalan!” Hindi niya namalayan na sinundan siya ni Zeus. Hinaklit nito ang braso niya dahilan para lingunin ito. “Sabihin mo muna sa akin kung bakit gusto mo akong pakasalan,” balik niya sa tanong nito. “I was the first. You should answer first,” giit nito. Nag-isang guhit ang mga kilay nito at lalong dumilim ang anyo. Tumaas ang sulok ng labi niya. Sarkatikong nginitian ito. “Ayokong magpakasal sa ‘yo dahil wala ka naman matinong rason para pakasalan ako.” “Hindi pa ba rason na magkakaroon na tayo ng anak?” Nasaktan siya nang dumiin ang mga daliri nito sa braso niya pero hindi siya nagpahalata. Ayaw niyang bigyan ng dahilan
HUMUPA na ang kanina lang ay nagniningas na apoy sa kanilang katawan. At ngayon naman ay kailangan nilang harapin ang reyalidad. Bumangon mula sa kama si Raquel. Walang namutawing salita sa bibig niya habang isa-isang dinampot ang mga kasuotan na nasa sahig. Nagbihis siya sa harap ni Zeus na ngayon ay nakaupo sa gilid ng kama. Natitiyak niyang nag-aalala na sa kanya si Arthur. Baka nag-report na ito sa pulisya para ipahanap siya. Kailangang makaalis na siya sa lugar na ‘yon. Ayaw niyang magdulot pa ng malaking gulo. Hindi na siya nag-abalang suklayin ang kanyang buhok. Dinampot niya ang kanyang shoulder bag na nasa ibabaw ng tokador. Tinangka niyang buksan ang pinto subalit naging maagap si Zeus at agad na humarang sa harap niya. “Ano pa ba ang kailangan mo sa ‘kin, ha? Napagbigyan na natin ang isa’t isa!” Tukoy niya sa mainit na naganap sa kanila kanina lang sa silid na ‘yon. “Mag-usap muna tayo.” “Wala na tayong dapat pag-usapan.” Tinabig niya ang
ANG mabangong aroma ng kape ang nagpagising kay Raquel. “Good morning, sleepyhead.” “Good morning–” Hindi natuloy ang sasabihin niya. Boses ni Zeus ang kanyang narinig. Tuluyang nagising ang diwa niya nang may humalik sa labi niya. Noong una ay naisip niyang nananaginip pa rin siya. Kinurot niya ang sarili at nasaktan siya. Nang imulat niya ang mga mata ay sinalubong ng liwanag ang kanyang paningin. Ikinurap niya ang mga mata at nang masanay siya sa liwanag ay nakita niya si Zeus na nakangiti habang pinagmamasdan siya. Nasundan pa ng tingin niya ang hawak na tasa nito na inilapag sa bedside table. Napabalikwas siya ng bangon. Iginala niya ang paningin sa paligid. Simple lang ang kinaroroonan nilang silid. Ngunit napakaaliwas dahil sa kulay puting mga kurtina at kagamitan. Akmang bababa siya ng kama nang matigilan. Agad niyang nasapo ang magkabilang sintido dahil nakadama siya ng pagkahilo. Saka unti-unting bumalik sa alaala niya ang magandang panagin
INULIT ni Mark ang tanong. “Ikaw, Ate? Excited ka rin ba sa kasal mo?” Natigilan si Raquel sa tanong na ‘yon ng kapatid. Umiwas siya ng tingin dito. “Bakit mo naman naitanong ‘yan? Hindi ba ako mukhang excited?” Kunwari ay abala siya sa pag-aayos ng mga prutas sa basket. “Ewan ko. Wala kasi akong makitang kislap sa ‘yong mga mata. Habang narito ako sa ospital ay nanonood ako ng mga movie at kagabi lang ay napanood ko ang ‘Marry Me Or I Will Marry You’. Nakita ko sa mukha ng mga ikakasal ang kinang at excitement sa kanilang mga mata. At iyon ang hindi ko makita sa mga mata mo, Ate.” “Kay bata-bata mo pa para manood sa mga ganoong bagay.” Pilit siyang ngumiti upang itago ang katotohanan mula sa mga mata nito. Tama nga ang kanyang kapatid, hindi siya tulad ng ibang babaeng ikakasal na nasasabik na maikasal. Dahil mahal nito ang lalaking pakakasalan. Wala siyang nakikitang hindi kaibig-ibig kay Arthur. Wala siyang mairereklamo rito. Ngunit wala siyang nararamdaman para