Home / Fantasy / You Are My Soul / The New Friendship

Share

The New Friendship

last update Last Updated: 2021-12-16 13:05:23

Soju's POV

"Regan baby, alam mo ba na may na-meet ako no'ng nakaraan na sobrang poging guy sa may hotel namin? And you know what? He's also kind, and super sexy!"

We're currently having lunch together, here pa rin sa office niya. Iyong kaibigan niya namang mukhang utang na tinubuan ng katawan? Ayon, ginugulo na naman ang sexytary nitong baby ko.

"Malamang hindi, kakasabi mo lang 'di ba?" pagsusuplado na naman nito. If I know, nagseselos lang ang isang 'to.

"Aww! Don't be jealous, my baby. Never kitang ipagpapalit, okay?" Malambing akong lumingkis sa mga braso nito, at nagpa-cute.

Mukhang naaasiwa naman nitong inalis ang mga kamay ko sa kaniyang braso. "Jealous my foot, Alkaline. At saka anong hindi ipagpapalit ang sinasabi mo diyan hah? Naririnig ko na sa 'yo ang linyang ‘yan simula pa noong nag-dalaga ka. But after a day or two, may ibang kasama ka na," mahabang panenermon nito. Hindi naman totoo.

Well okay. Medyo totoo nga, pero slight lang naman.

"Baby naman, I was just having some fun habang wala pa si Mr. Right. Malay mo, ikaw pala talaga ‘yon," I giggles. "What do you think? Let‘s get married na kaya?" I asked.

"Tantanan mo nga ako sa mga ganiyang kalokohan mo. You're already twenty, pero isip bata ka pa rin. Why not have a serious relationship already?" he nagged.

Heto na naman po ang aking kababata. Daddy version 2.0 na naman ang ganap. Hindi naman sa ayokong pinagsasabihan niya 'ko, gusto ko lang na mas lawakan niya pa sana ang pang-unawa niya sa ‘kin.

Si Regan, siya na lang kase ang nag-iisa kong pamilya kasama ang Nanny ko, na siyang pinag-iwanan sa ‘kin ni mommy noong bata pa lang ako.

"Opo, Daddy. Soon." Inirapan ko ito at pinagpatuloy na lang ang masarap kong pagkain. Umiling-iling at pumalatak pa ito bago nagpatuloy na rin na kumain.

Sa kalagitnaan ng aming pagkain, bigla na lamang nitong ibinagsak ang kutsara at tinidor na gamit niya, na siya namang ikinabigla ko kaya agad akong napalingon rito. Ano naman kayang ganap nito ngayon? Tila kinuhanan ito ng dugo mula ulo hanggang paa dahil sa sobrang pamumutla, at mukha rin itong naninigas na ewan.

Tatawa na sana ko nang bigla itong magsalita.

"Can you see that, Alkaline?" he asked, stuttering mess while pointing at his swivel chair.

Ngumunguya kong nilingon ang itinuturo nito, ngunit wala naman akong nakitang dapat niyang ikatakot.

Nababahalang ibinalik ko ang aking paningin sa kaniya. My poor baby, natuluyan na 'ata.

Hinawakan ko ang nanlalamig nitong mga kamay, at saka mapait siyang nginitian. "Regan, baby ko. You know naman how much I love you, right?" I worriedly whispered.

Noong nakaraan pa kasi siya nagkakaganiyan. Biglang namumutla, naninigas, at madalas ay may itinuturong wala naman. Minsan nga ay nagkwento pa ito sa ‘min ni Clover tungkol sa multong naninira daw ng inidoro at nagnanakaw ng tissue. Like, what the heck 'di ba? Hindi naman totoo ang multo.

To be honest, hindi naman iyon ang una. Noong nasa highschool pa lang kami ay na-guidance ito dahil nakabangga ng isang estudyante rin sa school namin, at dahil sa sobrang bilis ng pagtakbo niya ay nabagok ang ulo nang nabunggo nito sa semento.

Nagbayad pa ang daddy niya ng halos dalawang milyon dahil kinailangan na operahan ‘yong bata. At ang dahilan ng lahat? Isang multo. A slit-necked ghost, he said.

Simula noon ay hindi na ito pumasok sa eskwelahan, at nag-home schooling na lamang. Ang masaklap pa ay nadamay ako dahil ayaw nitong maiwan na mag-isa sa bahay, hindi rin naman pwedeng hindi pumasok si Tito Jian, ang kaniyang daddy, sa kompanya.

Medyo nakahinga lang ako nang maluwag nang dumating na si Clover sa buhay niya, noong malapit na kaming mag-college. Ito na ang naging madalas niyang kasama sa bahay simula n'on.

"I know what you're thinking, Alkaline. At para lang sabihin ko sa 'yo, hindi pa 'ko nababaliw." He trembled.

Sunod-sunod na lagok ang ginawa nitong pag-inom sa grape juice niya habang pasulyap-sulyap sa desk na tinuturo nito kanina.

Isang malakas na pagbukas ng pintuan ang nagpabuga dito bigla ng kaniyang iniinom na juice sa mukha ko.

"The f*ck! Regan!" I growled. Puting-puti pa naman ang dress ko!

"Regan my frie—woah! Anong nangyari sa 'yo, Soju? Bakit mukha ka naman yatang bilasang isda?" Clover laughed. Binabawi ko na pala ang sinabi ko, lalo pala 'kong hindi nakahinga ng maluwag no'ng dumating ang isang 'to! Badtrip!

"F*ck you! I'm outta here!" Padabog akong tumayo at lumabas ng office ni Regan, hindi ko na rin inabala pa ang sarili na tapusin ang pagkain dahil sa gigil. Ang lagkit na nga ng pakiramdam ko, naging purple pa 'tong damit ko! Ang mahal pa naman ng dress na 'to! Sumpain talaga ang Clover na ‘yon!

Mabilis naman akong nakabalik sa hotel dahil katapat lang ito ng company building ni Regan. Salubong ang kilay kong pinasok ang hotel entrance.

Hindi ko na alam kung swerte ba ‘ko o malas sa kaibigan. Pero nakakainis lang, kasi ‘yong isa mukhang nababaliw na, at ‘yong isa naman ay baliw na noon pa!

Nakarinig pa 'ko ng bulungan ng ibang mga employees and customers bago ako tuluyang nakapasok ng elevator. What a great day, isn't it?!

Malalaking hakbang ang ginawa ko nang tuluyan na 'kong makalabas ng elevator, papunta sa kwarto ko. Padabog kong binuksan ang pintuan, at padabog rin itong isinara nang makapasok na 'ko.

"Saan ka na naman nanggaling, number—" Natulos ako sa aking kinatatayuan nang marinig ko ang pamilyar na boses mula sa aking likuran. Holy crap!

"You," he uttered, referring to me.

Dahan-dahan akong humarap rito, at saka pahapyaw itong nginitian.

Pinandilatan ako nito ng mata at nag-iigting ang pangang tinawid ang distansya sa aming pagitan. "What are you doing here? Bakit narito ka na naman sa kwarto ko hah? Hindi ba sinabihan na kitang h'wag nang magpapakita pa ulit sa ‘kin?"

"Kwarto mo?" naiilang na nauutal kong tanong.

Did I entered the wrong room again?!

Sh*t! Ang hirap naman kapag pangkalahatan ang key card na gamit!

"Are you deaf? Gusto mo na naman ba na makipagtalo kung kanino ang kwartong 'to? Another thing, bulag ka ba o sadyang hindi lang nagbabasa ng room number sa pintuan?" Mahigpit nitong hinawakan ang braso ko bago ako hinila palabas ng kwarto.

"Look." Padarang niya 'kong binitiwan, at itunuro ang bandang itaas ng pintuan kung saan naroon ang room number.

It's really not my room! Bakit ba lagi na lang nangyayari sa ‘kin ‘to?! At bakit laging sa lalaking ito pa!

Wait! Hindi kaya, itinadhana talaga kaming dalawa na magkita? Tulad kaya ito ng sa mga nobela, na sa una lang siya masungit sa ‘kin tapos ang ending ay gusto niya pala talaga 'ko? OMG!

"Miss! Are you even listening?!" he shouted, na siya namang nagpatigil sa imagination ko. "Why are you blushing?" he suddenly asked.

"I'm what?" I asked back. Nang mapagtanto ang itinanong nito ay mabilis akong umiling rito.

"Hell no! Blush on lang 'to! Grabe, saang planeta ka ba ipinanganak?! Hindi mo ba alam na uso ang blush on ngayon?!" nauutal ko pang palusot rito.

"Yeah whatever. Ang sabi ko kanina, sa susunod magsalamin ka na para hindi ka naliligaw ng landas. Makakatulong rin siguro kung magpapagawa ka na ng sarili mong key card. Hindi porket ikaw ang may-ari nitong hotel ay magte-trespass ka na." Babalik na sana siyang muli sa loob ng kwarto, ngunit hinawakan ko ang braso nito upang pigilan ito.

"Alam mo na ako ang owner nitong hotel?" I quickly asked.

"Yeah, pero tulad nga ng sinabi ko, hindi porket ikaw ang may-ari nitong hotel ay bigla-bigla ka na lang papasok sa hindi mo naman kwarto. Now get your hands off me." Pagtulak nito sa ‘kin.

Hindi naman niya tinabig ng malakas ang kamay ko, ngunit napadaing ako dahil sa sakit na bigla ko na lamang naramdaman sa braso ko.

"What happened? Are you alright?" he asked, stuttering.

I don't know if it's still my imagination, pero parang may nakikita 'kong pag-aalala sa mga mata nito. Same goes to his voice. I think, mabait talaga siyang tao tulad ng akala ko.

Walang pag-iingat na inangat nito ang manggas ng suot kong dress kaya muli na naman akong napadaing. Hindi man lang ba marunong magdahan-dahan ang isang 'to?!

Natigilan naman ito habang nakatingin sa braso ko kaya napatingin rin ako roon. Oh gosh! May pasa!

Babawiin ko na sana ito mula sa pagkakahawak niya, ngunit bigla na lang ako nitong hinila papasok sa loob ng kwarto niya. Hindi naman na malakas ang paghila niya sa pagkakataong ito, pero parang may nagtutulak sa ‘kin na magpadala lamang rito.

Pinaupo niya 'ko sa sofa bago sandaling umalis papuntang kusina, at nang makabalik ito ay may hawak na siyang icepack.

Marahan niya iyong idinikit sa aking braso. "I don't know wether it will work or not. Wala kasi akong masyadong alam sa ganito," he gently spoke. "I'm sorry. I didn't mean to hurt you, I swear," he added.

"It's fine, malayo naman ‘yan sa bituka." Pinilit kong tumawa na parang wala lang para sana hindi na ito ma-guilty pa, pero mukhang hindi 'ata iyon gumana sa kaniya.

"You don't have to pretend. You can always be honest with me, hindi naman kita huhusgahan. Isa pa kasalanan ko naman. So please, let's make it right this time, can we?"

Pakiramdam ko bumagal ang pag-ikot ng mundo ko habang sinasabi niya ang mga katagang iyon. He just look so perfect! His light tan skin, light brown droopy hooded eyes, masculine body, and his messy black above shoulder length hair. What a perfect definition of a perfect!

"I'm Kai Zairus. Let's be friends, Miss Soju." Inilahad nito ang kaniyang kamay na agad ko namang tinanggap nang may ngiti sa aking mga labi. Naalala niya pa ang pangalan ko. I'm so glad.

Related chapters

  • You Are My Soul   Their Chaotic Encounter

    °Prologue°A wedding. A holy matrimony that is shared by the two person who truly, madly, and deeply love each other...Iyan ang mga katagang kasalukuyang naglalaro sa isip ng dalagang nakasakay ngayon sa isang bridal car na patungo sa simbahan kung saan gaganapin ang kaniyang kasal—kung kasal nga ba itong matatawag."May problema po ba kayo señorita? Kanina pa po kasi mukhang malalim ang iniisip niyo," tanong ng driver, na sandali pang sumulyap rito mula sa rearview mirror.Ngunit tanging tipid na ngiti lamang ang naisagot sa kaniya nito kaya nagpatuloy na lamang siya sa pagmamaneho, at hindi na muling nagtanong pa hanggang sa tuluyan na nga lang silang makarating sa kanilang destinasyon.Isang malalim na buntong hininga muna ang pinakawalan ng binibini bago ito bumaba ng sasakyan at naglakad palapit sa malaking pintuan ng simbahan."Can

    Last Updated : 2021-12-16
  • You Are My Soul   Her Life Before Death

    Alianne's POVAng buhay at kamatayan ay isang bagay na walang kasiguraduhan mula noon at hanggang sa kasalukuyan. Sabi ng iba, kung hindi sa langit ay siguradong sa impyerno ka daw mapupunta. Ang iba naman ay sinasabing nagiging blangko na lamang ang lahat matapos ang kamatayan. Ngunit, wala ni isa man sa kanila ang napatunayan ang mga bagay na napatunayan ko.Tandang-tanda ko pa kung paano ako napunta sa ganitong sitwasyon. Isang kaluluwang pagala-gala kasama ang Grim Reaper na hindi ko malaman kung bakit hanggang ngayon ay hindi pa rin ako kinukuha.One month earlier..."Good afternoon class! Please welcome, Ms. Alianne Casper Villarreal. She's a transferee, obvious naman 'di ba? Anyway, siya rin ang nag-iisang anak ng may-ari ng eskwelahan na 'to kaya naman ayokong mababalitaan na ginugulo niyo siya. Understood?" Pagpapakilala sa ‘kin ng bago kong guro, sumagot naman ng 'oo' ang lahat ng nar

    Last Updated : 2021-12-16
  • You Are My Soul   Her Life After Death

    Third Person's POVHindi sigurado si Alianne kung tama pa ba ang ginawa niya. Ayaw pa niyang magpakasal dahil gusto niya munang maging malaya. But here she is, nakatayo sa pintuan ng simbahan kung saan ilang minuto na lang ay magaganap na ang kasal na hindi naman nito gusto.Gusto rin naman niyang maranasan ang maikasal, pero hindi ganito kaaga at sana naman ay sa lalaking mahal na niya.Habang nasa byahe papuntang simbahan ay ilang ulit rin itong nakakita ng mga lalaking naka-itim sa hindi kalayuan. Hindi nito malaman kung ano ba ang trip ng mga lalaking iyon ngayon at halos karamihan ay naka-itim, pero hindi niya na lang iyon pinagtuunan ng pansin.It's none of her business anyway. Naisip pa nga nito, maybe pinagluluksa na nila ang kasal niya in advance?"Can I really do this?" she asked to herself.Before the door open, she came into the realization. She'd

    Last Updated : 2021-12-16

Latest chapter

  • You Are My Soul   The New Friendship

    Soju's POV "Regan baby, alam mo ba na may na-meet ako no'ng nakaraan na sobrang poging guy sa may hotel namin? And you know what? He's also kind, and super sexy!" We're currently having lunch together, here pa rin sa office niya. Iyong kaibigan niya namang mukhang utang na tinubuan ng katawan? Ayon, ginugulo na naman ang sexytary nitong baby ko. "Malamang hindi, kakasabi mo lang 'di ba?" pagsusuplado na naman nito. If I know, nagseselos lang ang isang 'to. "Aww! Don't be jealous, my baby. Never kitang ipagpapalit, okay?" Malambing akong lumingkis sa mga braso nito, at nagpa-cute. Mukhang naaasiwa naman nitong inalis ang mga kamay ko sa kaniyang braso. "Jealous my foot, Alkaline. At saka anong hindi ipagpapalit ang sinasabi mo diyan hah? Naririnig ko na sa 'yo ang linyang ‘yan simula pa noong nag-dalaga ka. But after a day or two, may ibang kasama ka na," mahabang panenermon nito. Hindi naman totoo. Well okay. Medyo totoo nga, pero slight lang naman. "Baby naman, I was just havin

  • You Are My Soul   Her Life After Death

    Third Person's POVHindi sigurado si Alianne kung tama pa ba ang ginawa niya. Ayaw pa niyang magpakasal dahil gusto niya munang maging malaya. But here she is, nakatayo sa pintuan ng simbahan kung saan ilang minuto na lang ay magaganap na ang kasal na hindi naman nito gusto.Gusto rin naman niyang maranasan ang maikasal, pero hindi ganito kaaga at sana naman ay sa lalaking mahal na niya.Habang nasa byahe papuntang simbahan ay ilang ulit rin itong nakakita ng mga lalaking naka-itim sa hindi kalayuan. Hindi nito malaman kung ano ba ang trip ng mga lalaking iyon ngayon at halos karamihan ay naka-itim, pero hindi niya na lang iyon pinagtuunan ng pansin.It's none of her business anyway. Naisip pa nga nito, maybe pinagluluksa na nila ang kasal niya in advance?"Can I really do this?" she asked to herself.Before the door open, she came into the realization. She'd

  • You Are My Soul   Her Life Before Death

    Alianne's POVAng buhay at kamatayan ay isang bagay na walang kasiguraduhan mula noon at hanggang sa kasalukuyan. Sabi ng iba, kung hindi sa langit ay siguradong sa impyerno ka daw mapupunta. Ang iba naman ay sinasabing nagiging blangko na lamang ang lahat matapos ang kamatayan. Ngunit, wala ni isa man sa kanila ang napatunayan ang mga bagay na napatunayan ko.Tandang-tanda ko pa kung paano ako napunta sa ganitong sitwasyon. Isang kaluluwang pagala-gala kasama ang Grim Reaper na hindi ko malaman kung bakit hanggang ngayon ay hindi pa rin ako kinukuha.One month earlier..."Good afternoon class! Please welcome, Ms. Alianne Casper Villarreal. She's a transferee, obvious naman 'di ba? Anyway, siya rin ang nag-iisang anak ng may-ari ng eskwelahan na 'to kaya naman ayokong mababalitaan na ginugulo niyo siya. Understood?" Pagpapakilala sa ‘kin ng bago kong guro, sumagot naman ng 'oo' ang lahat ng nar

  • You Are My Soul   Their Chaotic Encounter

    °Prologue°A wedding. A holy matrimony that is shared by the two person who truly, madly, and deeply love each other...Iyan ang mga katagang kasalukuyang naglalaro sa isip ng dalagang nakasakay ngayon sa isang bridal car na patungo sa simbahan kung saan gaganapin ang kaniyang kasal—kung kasal nga ba itong matatawag."May problema po ba kayo señorita? Kanina pa po kasi mukhang malalim ang iniisip niyo," tanong ng driver, na sandali pang sumulyap rito mula sa rearview mirror.Ngunit tanging tipid na ngiti lamang ang naisagot sa kaniya nito kaya nagpatuloy na lamang siya sa pagmamaneho, at hindi na muling nagtanong pa hanggang sa tuluyan na nga lang silang makarating sa kanilang destinasyon.Isang malalim na buntong hininga muna ang pinakawalan ng binibini bago ito bumaba ng sasakyan at naglakad palapit sa malaking pintuan ng simbahan."Can

DMCA.com Protection Status