Nagulat man si tita Soledad sa mga kalat namin sa casita. Tila natuwa naman siya nang makita kami ni Noah na magkayakap.Alam kong sa una pa lang ay boto na siya sa amin ni Noah kaya siguro nang makita niya kami na magkayakap ay ngumiti pa ito ng pagkatamis-tamis sa amin."Sila na nga po, tita! Tama po ang nakikita n'yo!" pambasag sa katahimikan ni Remualdo. "Naku, tita! Kung alam niyo lang para kaming nanood ng drama dito kaninia." Panunudyo pa ni Remualdo sa amin.Tinampal naman ni Abby ang bibig ni Remualdo."Siraulo ka talagang, pakialamero ka! Ang daldal-daldal mo talagang lalake ka!" sita sa kan'ya ni Abby.Napailing na lamang kami ni Noah sa bangayan ng dalawa.Natahimik naman ang dalawa ng seryesong tumikhim ang ina ni Noah."Maayos ka na ba, iha?" Nag-aalalang tanong ni tita Soledad sa akin."Opo, ayos na po ako, tita." sagot ko sa kanya habang nakagat labing sumulyap kay Noah. Kinakabahan ako kahit na alam ko naman na gusto ako ng mama niya. Iba parin talaga 'yung alam niya
Karina's Pov:Matapos ang pananghalian ay nagpahatid lamang ako sa Casita namin at nagpahinga. Hindi talaga maganda ang pakiramdam ko. Tila magkakasakit ako kaya itinulog ko na lamang ito. Si Noah naman ay tumabi lamang sa akin. Hindi ko na namalayan na malapit na pa lang maggabi. Napasarap ang aking tulog. Aaminin ko na gumanda ang pakiramdam ko. Saktong pagbaba ko ay naroon na sila Abby at Eleanor sa sala na pabulong na nag-uusap.Akala siguro nila ay tulog pa ako ay mahinang-mahina sila kung maghagikgikan."Mabuti naman at gising na ang prinsesa! Abay, panay saway sa amin dito ni Noah, ah!" Reklamo ni Abby.Inimbitahan kami ng kapatid ni Noah na si Eleanor sa kan'yang silid. Sabi niya ay may party daw mamaya at ang kailangan isuot namin ay formal. Tamang-tama naman daw dahil marami daw siyang damit na hindi na naisusuot, na kakasya sa amin ni Abby.Halos matulala kami sa laki ng kan'yang walk-in closet at napakarami niyang gown. Panay ang halungkat nilang dalawa ni Abby kung ano an
Harvey's Pov:Matagal na akong naninirahan sa England simula nang ikasal si Rina kay Noah. Umuwi lang talaga ako ng pilipinas noong malaman kong na-comatose ang aking dating kasintahan. Kahit na may kompanya ako dito sa pilipinas ay minabuti ko na i-monitor na lang iyon at nag-focus sa branch ko sa England. Mahigit dalawang taon na pala siyang ganoon. Kung hindi ko pa nakasalubong ang isa sa kan'yang kaibigan, hindi ko pa malalaman.Isa siya sa naging bahagi ng buhay ko. Isang napakahalagang bahagi. Ninais ko siyang balikan ngunit ayaw niya na. Kasalanan ko din naman kung bakit ayaw niya na sa akin. Masyado akong nagpaalipin sa drugs na inilagay ng babaeng iyon. Kaya ngayon ay kahit anong gawin ko ay hindi ko mapatawad ang babaeng iyon dahil nasira niya kami.Ngayon babawi ako kay Rina, baka sakaling pag ako ang nakausap niya, baka bigla siyang gumising. Baka sa pamamagitan ko ay magkaroon siya ng malay. Iyon na lang ang tanging magagawa ko para sa kan'ya.Wala naman sigurong masama k
Harvey's Pov:Matagal na akong naninirahan sa England simula nang ikasal si Rina kay Noah. Umuwi lang talaga ako ng pilipinas noong malaman kong na-comatose ang aking dating kasintahan. Kahit na may kompanya ako dito sa pilipinas ay minabuti ko na i-monitor na lang iyon at nag-focus sa branch ko sa England. Mahigit dalawang taon na pala siyang ganoon. Kung hindi ko pa nakasalubong ang isa sa kan'yang kaibigan, hindi ko pa malalaman.Isa siya sa naging bahagi ng buhay ko. Isang napakahalagang bahagi. Ninais ko siyang balikan ngunit ayaw niya na. Kasalanan ko din naman kung bakit ayaw niya na sa akin. Masyado akong nagpaalipin sa drugs na inilagay ng babaeng iyon. Kaya ngayon ay kahit anong gawin ko ay hindi ko mapatawad ang babaeng iyon dahil nasira niya kami.Ngayon babawi ako kay Rina, baka sakaling pag ako ang nakausap niya, baka bigla siyang gumising. Baka sa pamamagitan ko ay magkaroon siya ng malay. Iyon na lang ang tanging magagawa ko para sa kan'ya.Wala naman sigurong masama k
Karina's Pov:Nasilaw ako sa sobrang liwanag nang aking imulat ang aking mga mata. Tila nasa isang silid ako ng isang ospital. Ang huli kong natatandaan ay iyong nagtatalo kami ni Harvey sa parke.Luminga ako sa paligid ngunit walang ibang tao. Napansin ko naman ang isang gitara sa isang sulok na nakasandal. Kanino kaya iyon? Luminga pa ako sa kaliwa at kanan. Tanging ang kamukha lamang ni Harvey ang aking nakikita, matandang bersyon nga lamang siya.Hinawakan niya ang aking kamay at masuyo nitong tinanong kung maayos ba ang pakiramdam ko at kung may gusto akong kainin. Tanging pag-iling lang ang aking nasagot."Gusto mo bang maupo?" tanong niya na ikinatungo ko ng bahagya. Nangangalay ako sa paghiga, pakiramdam ko ay nangangalay na aking buong katawan sa paghiga. Gusto ko naman ng ibang posisyon.Nais ko sanang magpasalamat sa kan'ya sa pagtulong ng kan'yang ako'y maayos niyang pinaupo sa kama. Ngunit hindi ko mawari kung bakit hindi ko maibuka ang aking bibig. Tanging ngiti na lamang
Matapos kumain ay lumabas muna ang aking mga magulang kasama nila si Kelsey. Ipapasyal daw muna nila ang bata para malibang-libang din. Naiwan kaming dalawa ni Noah dito sa silid.Sinabihan nila ako na magpahinga daw muna baka raw kasi ay mabigla ang aking katawan at bigla akong magkasakit. Mabuti na daw iyong nag-iingat.Habang abala si Noah sa paglilinis ng aming pinagkainan ay mataman lang akong nakatingin sa kan'ya.Sa aking panaginip o sa huling pagkakatanda ng utak ko sa kan'ya ay hindi ganyan kalaki ang katawan ni Noah. Lumaki na ang katawan niya. Naggi-gym kaya siya? Napunta ang aking mata sa kan'yang dibdib patungo sa kan'yang braso. Tila puputok na ang kan'yang braso sanhi ng kan'yang masels.Naalala ko noong binuhat niya ako dati. Tiyak ko ngayon na kahit isang kamay lang siguro ay kayang-kaya niya akong buhatin.Napakurap-kurap ako sa aking naisip. Naramdaman ko na nag-init ang aking pisngi. Nakakahiya ako, kung bakit na naman iniisip ko pa iyon.Mula sa kanyang braso, nagt
Sakto namang paglabas ni Noah ay kaagad pumasok ang dalawa kong kaibigang, Si Abby at Remualdo."Hoy bakla! Buti naman at gising ka na!" pambungad na sambit ni Remualdo sa akin.Napa o lang ang aking bibig sa gulat na pagdating nilang dalawa. Natutuwa ako na nandito sila ngayon. Ang mga kaibigan kong tunay.Ibinuka ko ang aking dalawang kamay, senyales na gusto ko silang mayakap. At ganoon nga ang ginawa nila. Miss na miss ko sila ng sobra. Kaya naman hindi ko din napigilan na akapin sila ng mahigpit."Ilang beses kaming pabalik-balik dito. Ilang beses kaming nagku-kwento ng kahit ano para lang magising ka! Letse! Sana pala noong unang araw pa lamang na na-comatose ka, pinauwi na agad namin si Harvey!" sambit ni Abby."True! sana pala ay isinako na agad natin 'yung lalakeng iyon para naman nakatulong na agad kay Rina! saad pa ni Remualdo."Oo nga naman, Rina! Dali-dali kaming nagpunta dito ni Rem nang magtext sa amin ang nanay mo," wika naman ni Abby.Itinagilid ko ang aking ulo at nan
Harvey's Pov:Nakatanggap ako ng tawag mula sa ina ni Karina. Iuuwi na daw mamaya si Karina kaya naman nagmamadali ako upang mapuntahan ko na siya.Nasa pasilyo na ako paliko na sana ako upang makasakay ng elevator. Ngunit pagliko ko ay namataan ko ang isang babaeng doktora, na pilit na yumayakap kay Noah at tila umiiyak ito. Tila naman natakot si Noah sa ginawa ng babae at pilit na tinatanggal ang pagkakayakap nito dito. Muli akong bumalik sa pasilyong aking pinanggalingan. Ano kayang mayroon sa kanila? Hindi naman siguro nagloloko si Noah kay Karina. Muli akong sumilip, ngunit pagsilip ko ulit ay wala na nag dalawa. Kaya dali-dali akong naglakad patungo sa elevator at pinindot agad ang numero ng palapag kung saan naroon si Karina.Damn it! mananagot ka sa akin Noah, kapag sinaktan mo si Karina. Pangako iyan, ilalayo ko siya sa'yo nang hindi na kayo muling magkita.Nakabukas ang pinto ng silid ni Karina kaya naman tumuloy na ako. Pagdating ko sa silid ni Karina ay nakita ko itong na
Ala-una na nang madaling araw ng isugod ni Remualdo si Abby sa hospital nang makaramdam ang asawa ng pagsakit ng tyan, senyales na ito'y manganganak na."Aaahhh... REMUALDO IVAN KAZLAUSKAS!!!" sigaw ni Abby habang karga siya ng asawa na palabas ng sasakyan.Panay ang sapak ni Abby kay Remualdo habang impit itong humihiyaw sa sakit."Konting tiis na lang, babe!" alalang sambit ni Rem sa asawa na tarantang itinakbo na ang asawa sa loob ng hospital. Nang makapasok ng hospital ay kaagad inasikaso si Abby ng mga nurse at ipinasok agad sa loob ng delivery room.Saktong pag-upo niya sa upuan nang dumating sila Rina at Noah upang samahan ang mag-asawa sa panganganak ni Abby."Okay lang kaya ang mag-iina ko?" papunta't pabalik na wika ni Remualdo sa labas ng delivery room."Oo, ayos lang sila. Maupo ka muna ako ang nahihilo sa'yo!" sita ni Rina kay Remualdo habang tahimik silang nag-aantay sa upuan ni Noah. Pero imbes na maupo ay nagpatuloy lang ito sa pagparito't paroon. Iling-iling na laman
Noah's Pov:"Ready ka na, iho?" tanong sa'kin ni mama nang makababa ako sa hagdanan ng bahay namin. "Uh..huh!" sagot ko agad.Isasama niya daw ako sa party ng kaibigan niya at ipapakilala ako sa mga kaibigan nito na matagal niya nang gustong gawin. Bihira lang kasi ako dito sa Pilipinas. Madalas ay pinagbabakasyon lang ako ni papa kaya ako narito sa Pilipinas.Kadarating pa lang namin sa party when i saw this girl, she had a very adorable and innocent look. I was only ten pero pakiramdam ko ay bumilis ang tibok ng puso ko pagkakita ko pa lamang sa kan'ya."Karina Villafuerte," tawag ng isang batang babaeng nagbeso sa kan'ya.She had a distinctive and unique appearance even at a young age with her genuine smile and a playfull expression, which i found endearing.She's wearing a white long gown with a big ribbon on the back of her gown. She's like a princess with that flower crown on her hair. Nagpatiim-bagang ako nang makitang ngumiti siya sa batang lalakeng lumapit sa kan'ya.Tss! mas
Last chapterNoah's Pov:Huwag kang mainip! Dahil sa tamang panahon ay ibibigay ni God ang nararapat sa'yo. Kahit na minsan ay down na down ka na, ayos lang 'yon! Ang mahalaga lumalaban ka sa bawat pagsubok na dumarating sa'yo. Mahalin mo ang sarili mo, ganoon din ang taong nasa paligid mo, lalong-lalo na ang mga taong nariyan sa paligid mo. Maniwala ka, sila ang unang tutulong sa'yo kapag nangailan ka ng tulong. Pagbaba ko ng sasakyan ay nakita ko na ilang bisita namin. Lahat sila ay binabati ako. Napili namin ni Rina makasal dito sa St. John the Baptist Parish Church sa liliw.The church is known for its red bricked facade and baroque style architecture. Sobrang napakaganda, tila bumabalik kami sa sinaunang panahon dahil sa lumang istraktura nito. Saktong-sakto sa panlasa ng aking asawa. Siguro dahil narin sa pagbalik niya sa nakaraan kaya nakahiligan niya narin ang mga lumang lugar katulad nitong simbahan na ito.Katulad noong una naming kasal ay naglipana na naman ang mga ribbon
Karina's Pov:Nagising ako nang lumuluha at patuloy parin ang pagtulo ng aking luha. Nang mapadako ang aking mata sa aking kamay ay may swero na nakakabit doon. Nasilip ko rin ang suot ko na pajama kaya alam ko na nakabalik na ako sa kasalukuyan. Ang hitsura ng silid naman ay ang silid na inukupahan naming dalawa ni Noah noong kasagsagan ng bagyo. Bumalik sa luma ang lahat kaya naman isang tingin ko lang ay alam ko na nakabalik na ako. Tinanggal ko ang swerong nakakabit sa akin at agad akong bumaba ng kama at hinanap si Noah. Kahit na pakiramdam ko ay medyo nahihilo ako at kahit walang sapin ang aking paa ay nagtuloy lang ako sa paglalakad pababa ng hagdanan. Nang makita ko ang likod ng asawa ko ay lalo akong naluha. Halos manghina ang tuhod ko habang papalapit sa kan'ya.Nakita ko roon ang mga kaibigan, ang buong pamilya ko, ang mgaulang niya at ang mga anak ko. Ngunit tanging kay Noah lamang ako nakatingin.Kailangan ko ng balikat na maiiyakan dahil ang pinagdaanan ko sa nakaraan
Noah's Pov: Present time"Huwag kang mag-alala, malapit na siyang bumalik saiyo," sambit ni Nena sa akin. "Tapos na ang kan'yang misyon kaya makakabalik na siya ulit sa'yo," may ngiti niyang saad.Makailang ulit niyang dinasalan si Rina. At nang matapos ay tila pagod na pagod itong naupo sa gilid ng kama ni Rina."Ang inyong anak na nawala noon ay muling ibinalik sainyo ng may kapal," matalinhaga niyang wika sabay tingin niya sa aking anak na si Gadriel na karga ng aking ina na animoy nakikita niya iyon."Grabe! bulag ba siya talaga?" mahinang sambit ni Remualdo sa akin. "Hindi ko din alam!" sabay kibit ko ng balikat.Halos puti na ang buo niyang mata kaya malamang ay wala na siyang nakikita ngunit talaga namang nakakapagtaka na sa tuwing may ituturo siyang bagay ay tila nakikita niya iyon."Baka naman mamaya, e may bumubulong pala diyan na kaluluwa at 'di lang natin nakikita," mahinang sambit ni Remualdo.Mamaya lang ay nakita namin na nagblink ng dalawang beses ang flashlight na na
Noah's Pov:Present time:Pagkatapos ko palitan si Rina ng damit ay inayos ko pa ang kan'yang higa. Para lang siyang si sleeping beauty, gumagalaw sa tuwing nangangalay. Minsan pa ay naririnig kong sinasambit niya ang aking pangalan. Tulad ng sabi ng may-ari ng bahay ay hindi ko siya inalis sa silid na aming tinuluyan. Hindi niya na kami pinagbayad sapagkat nakita niya na kamukha daw si Karina ng kan'yang pamangkin. Naaalala niya ito dito kaya naman labis ang kan'yang katuwaan ng makita si Karina.Inaasahan ko na ang pagdating ngayon ng sinasabing esperetista ng mayari ng bahay. Gusto kong malaman kung ano talagang nangyari sa aking wifey at kung bakit ayaw niya pang gumising.Sakto din ang dating ni Abby at Remualdo. Gusto nilang masaksihan kung anong mangyayari sa panggagamot kay Rina. At kan'yang mga magulang at aking magulang ay narito na rin kasama ang aming mga anak."Ano ba daw oras dadating?" tanong ni Abby."Mga 11 daw," sambit ko naman."Bakit naman maghahating-gabi? nakaka
Ipinagkakasundo din naman ako sa iba. Kaya bakit hindi na lang si Noah ang piliin ko. Iyan ang iniisip ko simula ng sumama ako kay Noah. Kesa pakinabangan ng iba katawan ko, kay Noah na lang. Isang bagay na hinding-hindi ko pagsisisihan.Bumangon ako nang may maamoy na masarap na pagkain na nagmumula sa kitchen. Hmm... mukhang nagluluto na naman para sa akin si Noah. Bumaba ako sa kama at nagtungo sa kitchen kung saan naroon siya at busy sa pagluluto.I snaked my arms around him nang makita kong siyang nakatalikod at nagluluto. "Anong niluluto mo?" lambing ko sa kan'ya."Yung paborito mo," ngumiti siya at agad umikot siya paharap sa akin at agad akong kinarga sabay halik sa aking labi."Mahal na mahal kita," bulong niya sa akin na nagdulot ng kiliti sa akin."Mahal na mahal din kita," tugon ko sa kan'ya.Ibinaba niya ako at muling nagpatuloy sa pagluluto.Halos mag-iisang buwan na rin kaming nagsasama kaya halos alam niya na rin lahat ng gusto ko at hindi. Nasa gitna ng kagubatan ang
Karina's pov: Curiosity killed the cat, totoo nga ang sinasabi nilang ito. Sinubukan ko lang naman halikan siya, kahit na mali. Pero hindi ko alam na mapapaso ako sa ginawa kong iyon. Hindi ko alam na katulad din "Akin ka na lang, p'wede ba?"Napapikit ako sa sinabi niyang iyon. God, it is tempting to believe so. Pero wala naman mawawala kung papayag ako, 'di ba?Natagpuan ko na lamang ang sariling nakasakay sa kan'yang kabayo habang nasa likod ko siya habang nakasiksik ang kan'yang baba sa aking leeg na wala man lang saplot na pang-itaas."Hinding-hindi mo pagsisisihan ang pagsama mo sa akin ngayon," nang-aakit niyang bulong sa tenga ko.The thought of what might have happened to us sent shivers down my spine.Hindi ko na namalayan na nakarating na kami sa kan'yang cabin. Halos manuyo ang aking lalamunan ng higitin niya ang aking kamay at dinala sa loob ng kan'yang cabin.Pinaupo niya ako sa kan'yang sofa na gawa sa maitim na kahoy at may malambot na pang-upuan na kutson. Maliit la
Airen Pov:Dinala ako ni Don Mariano sa hacienda nila upang ako ay pag-aralin. Ayaw nila akong pakilusin sa bahay. Ni minsan ay hindi nila ako tinuring na iba. Ngunit nahihiya naman ako na huwag kumilos kaya kung may maitutulong ako ay ginagawa ko. Ilang beses na din akong sinabihan na 'wag silang tawaging senyora at senyor. Ngunit hindi ko parin maiwasan. Sobrang nahihiya ako. Paaral at pakain na ako, hindi pa ba ako magbibigay galang? Kaya kung may nagtatanong kung ano ang papel ko sa bahay nito ay kaagad kong sinasabi na taga paglingkod ako kahit hindi naman. Ayoko masabihan ng kahit ano. Takot akong sabihan na ginagamit ko lamang sila sa pansarili kong kapakanan."Hindi pa ba tayo uuwi, senyorita? tanong ko kay Rina habang nakatayo sa kan'yang likod."Hindi pa! tsaka 'di ba sinabe ko na sa'yong 'wag mo akong tawaging senyorita dahil hindi ka naman namin taga paglingkod," nakairap niyang wika."E, senyorita...""Isa! malalagot ko na sa akin!" hamba niya pa.Hinawakan niya ang akin