Share

Chapter 2

Author: ROSENAV91
last update Last Updated: 2023-03-18 01:49:03

Chapter 2

"Anak! Ikaw na muna ang bahala dito sa bahay, aalis lang kami ng tatay mo papuntang bayan, ikaw na ang magpakain sa mga kapatid mo!" wika ni mama. 

"Sige po nanay," sagot ko habang inuunat ang katawan ko.

Alas singko palang ng umaga at kakagising ko lang, dahil laging maagang umaalis ang mga magulang ko para pumunta sa dalampasigan para pumalaot o di kaya pupunta ng bayan para magbenta ng mga nahuli nila na isda, ganito dito sa bayan namin maaga pa lang, gising na ang mga tao kaya siguro ganun din ako kaaga kahit wala naman akong lakad. Six o'clock palang ng gabi gumagayak na kami para matulog.

Ako kasi ang nag-aalaga ng mga kapatid ko kapag walang pasok, kapag meron naman, si nanay. Uuwi lang siya ng maaga bago mag alas syete ng maaga para ako naman ang aalis papuntang paaralan.

Dahil Sabado ngayon kaya wala akong pasok. Bumangon na ako para malock ang pinto pagkaalis nila. "Mag-iingat po kayo nanay at tatay doon, ako na po ang bahala sa mga kapatid ko." sabi ko habang nakasunod sa kanila palabas ng pintuan.

"Sige aalis na kami Mica, ang mga bata ha pakainin pagkagising," paalala ni tatay.

"Opo, huwag po kayong mag-alala, ako na po bahala sa kanila," panigurado ko.

"Sige anak, pa lock na ang pinto," nagmano ako sa kanila bago sila sumampa sa kanilang motor.

Kumaway ako pagkaalis nila. Dahil hindi na sila makita ng mga mata ko dahil sa malayo na sila kaya pumanhik na ako sa loob para matingnan ang mga natutulog ko na mga kapatid.

Nilock ko nang mabuti ang pinto at dahil alas-singko pa lang kaya babalik ako sa pagtulog katabi sa mga kapatid ko. 

Naalimpungatan ako dahil sa may mga kamay na pumipisil sa mga alaga ko esti mga kaaway ko na pimples. Dinilat ko ang mga mata ko para makita ang mga salarin.

"Bulaga!" nagulat kaya nagtatawanan sila dahil sa ginawa ko. Panay piglas nila dahil kinikiliti ko silang dalawa.

"Anong sabi ni ate? Anong sabi ha? Wag niyong galawin ang aking mga loyal na friends kasi kuntento na ako sa ganyang karami, ok? Kung pipisilin nyo sila dadami at kakalat ang mga alaga ko hanggang dito sa leeg ko, sige kayo. Pangit na nga si ate dadagdagan niyo pa," ginamitan ko sila ng sign language para maintindihan nila ng mabuti ang sinasabi ko.

Dalawang kapatid ko kasi na kambal ang special child, si Kimmy hindi nakakarinig samantalang si Keville hindi nakakapagsalita. Kaya ma swerte pa nga lang ako, tapos ako panay reklamo ko sa mga tigyawat  samantalang sila hindi ko man lang nga nakikita na nagrereklamo.

Dati kasi, akala namin na normal lang talaga ang mga kinikilos nila na hindi nakakapagsalita si Keville ginagamit niya lang kapag may kailangan ay sumesinyas lang ito, ganun din si Kimmy. Ilang beses na naming tinatawag hindi talaga kami naririnig kahit malapit lang kami. Kung kaharap lang kami at nababasa ang sinasabi ng mga bibig namin saka pa nila naiintindihan, kaya pina check-up nina nanay at tatay. Kaya iyon nga ang nangyari na tama kami ayon sa results ng dalawa.

Kahit ganyan sila, hindi nababawasan ang pagmamahal namin sa kanila. Kaya hindi dapat ako  magrereklamo kung bakit ako ang nag-aalaga sa kanila dahil kung tutuusin na mas maswerte pa rin ako. Paano naman sila? Kami tanggap namin ang kalagayan nila, pero yung iba? Kahit siguro alam na nila na may kapansanan ang tao sige pa rin sila ng sige na pinapahiya nila, tinatawanan at sinasabihan na hindi maganda.

"Magluluto lang si ate ng agahan bago at saka tayo kakain," sabay-sabay silang tumango dahil sa sinabi ko.

Nililigpit ko muna ang mga hinigaan namin at tumulong na rin sila para mapadali. Nasa five years old pa lamang sila. Kaya kailangan pang bantayan ang mga ito makukulit kasi minsan.

"Tao po! tao po!" may narinig ako na may tumatawag sa labas ng bahay at dahil familiar ito sa akin kaya lumabas na ako ng silid ng kwarto para pagbuksan ang panay sigaw ngayon. 

Pagkabukas ko ng pinto ay nakapamewang agad ako habang ang kanina pa panay tawag ay tumatawag pa rin. Nakikita na niya ako ayaw pang tumigil hangga't hindi ako sumasagot. "Ano naman ang sadya mo Tuko? Ang aga-aga nang boboysit ka!" pagalit ko na tanong. Sanay naman ito sa akin na lagi ko siyang nasisinghal dahil na rin sa ginagawa niya.

"Aba ang sungit natin ngayon ah, sa pangatlong linggo pa ang dalaw mo  advance mo naman masyado Tiki," saad nito habang papalapit sa akin. Hindi pa nga ako pumayag na pumasok siya sa loob ng bahay pero feel at home ang buang oh, iniwan lang ako dito sa labas. 

"Wala pa sa akin ngayon, naiinis ako sa'yo dahil panay sigaw mo. Ang aga-aga pa. Baka mamaya yan magising lahat na langgam at ipis dahil sa lakas mong sumigaw," saad ko. Kababata ko itong nilalang na ito dahil inaanak siya ni nanay. Simula pagkabata hanggang nagdadalaga at binatilyo na kami ay may alam na kami sa isa't-isa kung ano ang mga ayaw namin at hindi pa gusto.

Kaya ang Tuko na pangalan niya ay ako ang nagbigay sa kanya dahil habang naglalaro kami noong mga bata pa kami ay may narinig kami na tumatawag na Tuko at itong lalaking ito panay namang sabi na nandito si Tuko, ako si Tuko kaya ayan naging tuko na ang tawag ko sa kanya at tawag naman niya sakin ay tiki para hindi siya nag-iisa.

Kaya noong nag-aaral kami pinagtawanan ba naman kami ng mga estudyante dahil ganoon pa rin ang tawagan namin. Doon ko lang nalaman na pangit pala kapag ganyan ang pinangalan sayo ng mga magulang mo. Pero ako kapag kami  lang mag-isa o kahit nandito ang mga magulang ko o sa kanya ganyan pa rin ang tawag ko, siya kapag nang-iinis na lang sa akin saka niya pa ako tatawaging tiki.

"Sorry na, ito dinalhan ko kayo ng pandesal, meron pa kayong palaman?" 

"Sus pumunta ka lang dito para may palaman ang tinapay mo. Bakit hindi mo na lang yan isawsaw sa kape para malasa kahit may lasa naman ang pandesal,'' sabi ko. Taong bahay lang ah. Pinaupo niya lang kaming magkakapatid sa upuan tapos siya na ang kumuha ng mga pinggan at tasa para sa kape, ang mga bata ay gatas. 

Binuksan niya ang sachet ng kape para sa aming dalawa samantalang ang mga bata naman, hinati lang ang isang sachet ng gatas para sa dalawahang maliit na tasa. Minsan kasi hindi nila nauubos kaya sa maliit lang na tasa sila.

Naglagay na rin ako ng palaman na peanut butter sa mga pandesal at yung iba naman ay tinabi ko muna baka hindi maubos.

"Binawasan mo na naman ang pera mo galing sa pagtatabas ng mga damo Tuko baka mamaya niyan wala ka ng pambaon o di kaya para sa mga projects sa school," sabi ko dahil halos araw-araw dumadaan dito sa bahay para magbigay ng pandesal, alam niya kasi na paborito ito ng mga bata at malapit lang sa kanilang bahay ang bakery shop kaya madali lang sa kanya na dalhin dito, kaya minsan sabay na kaming  pumapasok  sa paaralan.

"Meron pa naman marami pa gusto mo ipakita ko pa sa'yo ang pitaka ko,"

"Yabang nito!"

"Nagsasabi naman ako ng totoo na marami pa, mabigat nga siya eh, alam mo ba kung bakit?"

"Bakit?" curious sa sinabi niya. Siguro mas marami siyang nagawang trabaho kaya malaki ang sahod.

"Puro barya," ngumuso ito habang naglalagay ng palaman sa kanyang pandesal.

"Ano? Bakit naman?" natatawa kong tanong, mali pala yung hula ko kanina.

"Paanong hindi eh puro barya ang binigay sa akin dahil wala ng papel. Sino ba naman ako para tanggihan yun na pera naman ang mga iyon ano, kaya sobrang bigat tuloy sa bulsa kapag dinadala ko. Mas mabuting gastusin ko na lang yung iba keysa hayaan na lang mabutas yun sa pitaka. Kawawa naman." paliwanag nito habang natatawa na lang talaga ako.

"Eh di sana pinalitan mo na lang sa mga tindahan o di kaya gasoline station, meron naman siguro niyan." saad ko.

"Hindi ko na ginawa dahil ganyan naman din na gagastusin ko siya," sabagay tama naman siya.

"Yung iba din ibibigay ko sa mga bata para may mailagay sila na pera sa kanilang mga alkansya," tiningnan ko siya sa mukha. Kahit kailan talaga maalaga ito sa mga kapatid ko.

"Huwag mong ibigay lahat ha, magtira ka rin para sayo," saad ko at tinaasan niya lang ako ng kilay dahil may idea na ako na hindi na niyan gagawin.

Inabotan ko pa ng pandesal na may palaman  ang mga bata. Magana silang kumakain ngayon dahil may tinapay na naman sila na pasalubong galing sa  kanilang bestfriend.

Hindi naman nagtagal si Tuko dito dahil may gagawin pa raw ito ngayong umaga at may tatapusin na naman mamayang hapon. See! Pumunta lang dito para makipag share ng kanyang blessings tapos ako naman itong panay reklamo, tinatanggap naman. Tsk.

Ginawa ko na ang mga gawaing bahay bago pa dumating ang mga magulang ko. Pagbabantay at pag-asikaso ng mga kapatid at linis-linis sa  bahay ang ginagawa ko para may maitulong.

Kinabukasan naman ay sabay-sabay kaming nagsisimba at depende kung pagkatapos sa simbahan ay kung ano pa ang susunod na gagawin ang pumunta ng dalampasigan para maligo o sa bahay lang at magpahinga. Ganito na ang routine namin every Sunday. Minsan kapag malaki ang bentahan ng mga isda kaya makakapunta kami ng siyudad ng Dumaguete para mamasyal sa Rizal Boulevard. Uuwi kapag malapit na ang gabi.

"Sana pala ang pageant ang sinalihan ko hindi itong track and field,"  reklamo ni Bianca. Nasa bench kami ngayong apat kasama si Lisa at Rosal dahil dito namin napili na gawin ang last projects namin nitong third  period bago ang intramurals sa school. 

"Bakit hindi ka nag parehistro noong tinanong kung sino pa ang gustong sumali?'' tanong naman ni Lisa.

"Nagdadalawang-isip pa kasi ako, akala ko kasi na wala akong time sa pag practice at alam niyo na sa track n field ako nakilala since ever na sumali ang batch natin kaya doon lang ang alam ko na sure ako na makakasali pero hay," buntong hininga nito.

"Kaya nga ano! Yan tuloy naunahan ka na ng ating maarte na classmates na si Eula! Sana naman sa taong ito gagalingan na niya at hindi pinapairal ang kaartehan gaya dati," napaiiling na lang kami dahil sa sinabi ni Rosal dahil sa totoo naman ito. Panalo na sana naging bato pa dahil nag back-out sa kalagitnaan ng practice tapos kinabukasan na ang totoong pageant. Si Bianca sana pwede that time kaso yun din ang araw ng kanilang track n field at hindi na niya kayang mag practice.

Sila lang naman ang pambato namin sa mga beauty pageant na mga yan. Nangarap din naman ako pero kahit kailan hanggang pangarap na lang sa akin ang mga ganyan dahil na rin sa palagay ko hindi ako tatanggapin dahil sa itsura ko na puro pimples. Hindi na ako nagtangka pa na magtanong kung pwede ako dahil pagtawanan lang ako ng mga kaklase ko paano pa kaya kung pilitin ko talaga na sasali ako baka pagtawanan din ako ng ibang mga estudyante sa ibang section. 

Mabuti na lang magtinda ng palamig sa mga sumasali sa events doon lang yata ako nababagay kaysa mag pageant. Hindi naman ako sobrang katangkaran pero parang pasado na sana itong heights ko. Tatangkad naman siguro ako kapag naka high heels pero hay buhay kahit pala pagsuot ng malalaking takong  hindi pala ako marunong, saklap nga naman talaga.

Wala talaga akong ka talent talent kahit ganda wala man lang akong maiambag.

"Tapos na ba? Pakilista na lang ang pangalan ko," singit ni Ignacio. Kasama rin pala namin ito sa groupings itong nilalang na ito. Para madali sa amin makahanap ng partner at hindi bias kaya pinabunot kami ng teacher sa tinupi niya na mga papel kung sino ang mga ka grupo namin kaya kaming lima ang napili.

"Ikaw? Bakit ngayon ka lang? Ngayong tapos na kami sa ginagawa namin  saka ka pa dumating!" singhal ni Lisa.

"Ito naman oh relax ang bp natin diyan. Don't worry may dala naman akong mga snacks at drinks natin dahil alam ko na mapapagod at magugutom kayo sa kakasagot kaya pinagod ko rin ang sarili ko na pumili at pumila sa mini store, you know," wika ni Ignacio na napabusangot sa mga kasamahan namin. Ako? Wala yata akong reaksyon lalo ngayon na sobrang lapit niya sa akin nakaupo, hindi ko alam kung humihinga pa ba ako ngayon.

Nilabas niya ang mga binili niya na chichirya at mga biscuits at soft drinks sa supot at kanya-kanya namang kuha ang mga kaklase ko.

"Sayo Rey! Ano ang gusto mo–"

"Ikaw!" wala sa sariling sagot ko.

"Huh? Hindi ako pagkain at inumin," natauhan lang ako ng tumawa sila dahil sa sinabi ko.

"I uhmm… ibig kong sabihin ikaw..ikaw na ang pumili kung ano ang ibibigay mo sa akin."  sabi ko na nauutal. Mica, umayos ka. Baka mahalata ka at pagtawanan ka lang na nagkacrush ka sa isang modelong nilalang na classmates mo tapos hindi ka naman na crushback, maktol ko sa sarili ko.

"Uyy si Michaella may something ata ito eh. Hindi ko alam kung namumula ang pisngi mo dahil sa tigyawat mo o sa ibang paraan. Ayiehh.." pang-aasar ni Bianca sa akin habang tinuro-turo ako sa tagiliran.

"Ano ba kayo pimples yan lalo at tirik na ang araw no!" paliwanag ko at sana maniwala.

"Wee…sige sabi mo yan ha..sabagay bagay naman kayong dalawa ni Ignacio," singit ni Rosal at bigla na lang bumaling si Ignacio sa gawi ko habang dino-double check niya ang mga gawa namin. Ganyan  kasi ang plano namin na kami ang gagawa at tatapos ng pinagawa na report ng teacher namin at si Ignacio naman ang magdodouble check kung pasado na ba at kailangan ng ipasa o hindi pa. May alam kasi siya sa ganito kaya easy na lang ito sa kanya. 

"Anong bagay? Hindi ah, h.hindi ko naman siya type noh!'' sagot ko para hindi na magalit si Ignacio sa akin dahil alam ko na hindi niya magugustuhan na malaman niya na nagugustuhan ko siya lalo ngayon na patay na patay siya kay Shemaia.

"Tsk!" narinig ko galing kay Ignacio habang kunot-noo na nakatitig pabalik sa mga papel. See ayaw niya talaga na may ibang nagkakagusto na iba sa kanya dapat si Shemaia lang.

"Ayy kawawang singkit hindi type ni Mica," pang-aasar ni Lisa. Bumaling ulit si Ignacio sa gawi namin lalo na sa akin at tinititigan ng ilang segundo at binalik ulit ang mga mata sa papel

"Well…the same rin naman ako sa kanya. Hindi ko rin siya type," hindi ko alam na ganun pala yun kasakit na marinig mo sa crush mo mismo ang katagang yan na para sa akin mismo, harap-harapan. Yung buo ang puso ko kanina na kinakausap niya ako sa classroom palang, ngayon biglang nag crack agad yung puso ko dahil sa sinabi niya. 

Ayos lang sa kanya kasi wala naman siyang naramdaman o crush niya ako pero ako na may kahulugan ang lahat na pinapakita ko. Masakit pala kaya hindi na dapat ako umasa na magustuhan ko siya sa malapitan, gugustuhin at tatanawin ko na lang pala siya sa malayo at hanggang doon lang yun.

"Ok na ba yan Ignacio? Para makapag lunch na tayo ng totoong pagkain at maipasa natin yan sa teacher natin?" tanong ni Bianca habang nagliligpit ng mga gamit.

"Yeah! Pasado na yan for sure, signatures niyo na lang ang kulang, sinulatan ko na yung sa akin," wika nito at nagtangka ng tumayo.

"Ayy taray ikaw pa ang naunang mag perma, pasalamat ka marami itong chichiryang binili mo, nakabawi kana sa groupings." si Bianca.

Dahil nakuntento na sa ginawa namin na projects kaya kanya -kanya na kaming ligpit ng mga gamit. Nauna ng umalis si Ignacio dahil pupuntahan pa raw niya ang mga barkada niya.

Bumuntonghininga ako at talagang ngayon ko lang na pakawalan ang paghinga ko. Bakit ba kasi kapag nasa malapitan ko na siya ang hirap huminga feeling ko maririnig niya ang tambol ng puso ko kapag patuloy akong humihinga kapag nandyan siya. 

"Derecho na tayo sa canteen, medyo mainit na dito kung saan tayo," suggestion ni Rosal at tumango naman kami sa pagsang-ayon.

Pagkarating namin sa canteen, padami ng padami na ang mga estudyante na pumipila para bumili ng kanilang kakainin. May ulam naman ako dito pero gusto kong bumili ng gulay na may gata at tubig nakalimutan ko kasing magbaon kanina ng tubig, may inihanda na ako at nilagay ko muna sa malapit sa container pero hindi ko pala nailagay sa bag ko kasama ang baunan dahil sa pagmamadali. Si Tuko kasi may practice ng volleyball na sasalihan niya sa intrams kaya nagmamadali kaming umalis. 

Sinusundo niya kasi ako ng maaga sa bahay dala ang kanyang habal-habal at may dala na naman siya na pandesal para sa mga bata kaya ayun timing naman na gising na ang mga kambal kaya tuwang-tuwa sa pasalubong.

Ako na ang next na nakapila para bumili ng ulam dahil nabasa ko sa menu na may ginataang langka na binebenta kaya dito ang punta ko na carinderia. Ang mga kasamahan ko nasa iba naka linya at ang iba naman nasa lamesa na nahanap nila at doon na rin ako pupunta.

"Magkano po lahat?" tanong ko sa tindira.

"45 pesos lang lahat Ineng," binuksan ko ang wallet ko at kumuha ng barya na galing pa mismo kay Tuko. Inabotan niya ako kahit ayaw ko, hanggang natalo ako sa tulakan ng kamay dahil sa pilit niya ibigay sa akin. Sa isang kamao niya nakalagay ang mga barya at isiningit agad niya sa bulsa ng bag ko na walang zipper.

Pagkatapos magbayad at magpasalamat, naglalakad na ako para mapuntahan ang mga kaklase ko. Hindi kami masyadong close dati pero ngayon unti-unti na silang nakikipagkaibigan sa akin kaya ganun din ako sa kanila.

Nahagip ng tingin ko si Ignacio kasama ang kanyang mga barkada sa kabilang table. Hindi ko na sila binalingan nung nakita ko na titingnan ako ni Ignacio.Luh asa ka Mica na sayo titingin baka nasa tabi ko lang pala si Shemaia at iyon ang sinusundan niya ng tingin.

Malapit na ako kung nasaan nakaupo ang kaklase na may bumangga sa balikat ko gamit din ang balikat na kung sino man. Nakita ko na si Eula iyon at masaklap.

"Ahhh..shit.." nadapa ako dahil may pares ng sapatos na humarang kung saan sana ako liliko dahil sa ginawa ni Eula.

Kaya tuloy pati pagkain ko natapon na sa sahig.

Related chapters

  • YOU CAN HIDE BUT YOU CAN'T ESCAPE (COLD BILLIONAIRE SERIES 1   Chapter 3

    Chapter 3 "Oops sorry! Ang lampa mo kasi!" pinigilan ko ang sarili ko dahil sa sinabi ni Eula. Sa nanginginig na mga tuhod lumuhod ako para pulutin ang natapon sa sahig, wala namang nabasag dahil plastic bowl naman nakalagay ang ginataang langka at tubig.Nag-angat ako ng tingin at yun na lang ang paglaki ng mga mata namin, ako at ang ibang estudyante na dinambahan ng suntok ni Ignacio ang lalaking estudyante kung bakit ako ngayon natalisod."Gago!" "Mas gago ka! Nakita ko yun huwag ka ng nagmamaang maangan pa!" galit na sabi ni Ignacio sa lalaki na hindi ko malaman kung ano ang relasyon nila ni Eula dahil minsan ko silang nakita na magkasama."Do not touch that Mica," binalingan ko siya dahil sa narinig na pangalan. Nakatingin ito sa akin kaya hindi niya napansin ang estudyante na sinuntok niya kanina na kumuha ng tray at ihahampas na sana kay Ignacio, bigla akong tumayo para sa akin mapunta ang gusto niyang ihampas kaysa taong gusto lang akong tulungan.Kaya sa akin nahampas ang

    Last Updated : 2023-03-18
  • YOU CAN HIDE BUT YOU CAN'T ESCAPE (COLD BILLIONAIRE SERIES 1   Chapter 4

    Chapter 4"Nandito kami ngayong hapon sa gym dahil nanood ng basketball, huling practice para sa intramurals na gaganapin next week. Binihasa ko na rin ang sarili ko sa paglalaro ng chess dahil yun ang gusto ko na salihan. Pandagdag na rin sa puntos ng grades ko. Pangit naman kung mas marami at malalaki pa ang mga pimples ko kaysa sa mga grado ko.May kanya-kanya namang kinaabalahan at gustong salihan na activities ang ibang mag-aaral. Bata pa lang ako na mahilig na akong maglaro ng chess dahil ang tatay ko ay mahilig din maglaro ng ganyan at katunayan lagi siyang panalo sa mga sinasalihan niya noong kabataan niya. Sa kanya ko natutunan ang paglalaro dahil tinuturuan niya ako kapag may oras siya o pampalipas lang ng antok.Libangan ko lang naman dati hanggang iyon na lang ang naging pambato ko kapag may intrams kami sa school dahil mas madali na sa akin at hindi kapa mapapagod. Mabuti at available sa school namin kaya ng nabalitaan ko, nagmungkahi agad ako na ako na sa chess, nasa mg

    Last Updated : 2023-03-18
  • YOU CAN HIDE BUT YOU CAN'T ESCAPE (COLD BILLIONAIRE SERIES 1   Chapter 5

    Chapter 5Nasa locker room kami ng mga babae at naghahanda na para sa laro namin maya-maya lamang. Ngayon araw magsisimula ang intramurals namin kaya heto kami at todo practice pa ang iba at ako naman ay nag-aayos lang ng buhok na tuwid at mahaba at ginawa kong lang ay ponytail."Sana manalo tayo mamaya sa cheerdance at volleyball para naman malaki na grades ang matanggap natin," sabi ni Cathy kaya sumang-ayon kaming lahat sa sinabi niya kahit hindi naman ako kabilang dahil inaasam ko rin na manalo ako, lalo at ako lang sa mga kaklase namin ang sumali sa chess.Wala akong talent sa pagsasayaw, meron naman sa boses pero sakto lang. Sa chess lang yata ako pwede at taga cheer ng mga ka teammate."Goodluck sa laro mo mamayang hapon Mica, manunuod kami sa'yo. Kaya go go ka lang at magchecheer lang kami sayo." ani ni Sophia at nginitian ko siya."Salamat…kayo rin goodluck alam kong kaya niyo yan," sabi ko naman. Sino ba naman ang nagtutulong-tulungan kundi kami-kami rin.Nauna ng lumabas sa

    Last Updated : 2023-03-21
  • YOU CAN HIDE BUT YOU CAN'T ESCAPE (COLD BILLIONAIRE SERIES 1   Chapter 6

    Chapter 6Kay bilis naman ng panahon, hindi mo namamalayan nasa huling year ka na ng highschool journey mo. Tapos ngayon, kung gaano kabilis ang panahon, ganun din kabilis ang pangyayari na sa isang iglap naging boyfriend ko na ang katabi ko at girlfriend na niya ako. Sarap pala sa pakiramdam na ganito. Wala ng ligaw-ligaw, kami na agad ni Ignacio. For eleven months lagi kaming magkasama, hatid-sundo niya rin ako sa bahay. Sobrang sweet niya pala na klase na boyfriend. Mas clingy din kaysa sa akin.Higit sa lahat, binago ko ang sarili ko at naging mas maalaga. Kaya ang dating maraming loyal na friend sa mukha ko ay nag sisialisan na sila kasi mga fake friends sila. Meron pa naman pero hindi na gaano karami tulad ng dati. May ginagamit na sabon si Sophia sa akin dahil maganda raw yun sa balat, hindi naman siya pampaputi kundi pang-alis lang ng mga masasamang nilalang sa mga mukha natin. "Here... kumain kapa love, hindi pa nangangalahati ang pagkain mo." ani ni Ignacio."Busog na ako,

    Last Updated : 2023-03-24
  • YOU CAN HIDE BUT YOU CAN'T ESCAPE (COLD BILLIONAIRE SERIES 1   Chapter 07

    Chapter 7One month and a half na lang ang hihintayin namin at sa wakas patapos na kami sa high school life na ito. Nakakalungkot kasi iiwan na namin ang paaralan na naging tahanan na namin ng apat na taon at hindi lang iyon ito rin ang panahon na magkahiwalay kayo ng landas ng mga kaklase at kaibigan mo.Merong iba dito na makakapag-aral agad ng kolehiyo, meron naman kagaya ko na baka hihinto muna ako ng isang taon sa pag-aaral at magtatrabaho muna. Pero kapag natuloy ang sinabi ng Tita ko na nasa Maynila na paaaralin niya ako ay igagrab ko na talaga ang ganyang opportunity kasi sayang naman.May scholarship naman daw at ayun naman sa performance ng grado ko ay acceptable naman ako na maging scholar. Kakausapin pa ni papa ang kapatid niya para malaman kung tuloy pa ba? Two years pa kasi noong nabanggit niya na paaralin ako kaya hindi ko alam kung naalala pa kaya yon ngayon."Anong oras ka aalis anak?" tanong ni mama sa akin. Kakatapos ko lang mag laba ngayon at aalis ako mamayang h

    Last Updated : 2023-03-26
  • YOU CAN HIDE BUT YOU CAN'T ESCAPE (COLD BILLIONAIRE SERIES 1   Chapter 8

    Chapter 8Nag-iisa akong naglakad ngayon papuntang school, maaga pa naman kaya ayos lang. Hindi kasi ako nasundo ni Ignacio dahil absent ito ngayong araw dahil nasa hospital ang kanyang mommy dahil bigla na lang daw itong nadulas sa banyo. Nasa Maynila si Ignacio at noong isang linggo pa naroon baka daw bukas ay pwede na siyang umuwi dahil stable na ang kanyang mommy. Hindi ako sure na gagawin yan ni Ignacio lalo at mommy niyan hindi niya kayang iwan. Gusto sanang pauwiin ni Ignacio sa probinsya ang kanyang ina pagka labas agad ng hospital ngunit ayaw naman niyang pumayag dahil may inaasikaso pa na business sa Maynila. Hindi naman daw kaya ng mom niya na iiwan ang kanyang asawa roon na mag-isa kaya sasabay na silang mag-asawa. Pero sure na uuwi sila sa darating na graduation namin, 3 weeks from now on. Tanaw ko na ngayon ang paaralan namin, kahit nag-iisa lang akong naglalakad ay hindi naman nakakabagot dahil marami namang estudyante na naglalakad kahit hindi nila ako kasama o kat

    Last Updated : 2023-03-29
  • YOU CAN HIDE BUT YOU CAN'T ESCAPE (COLD BILLIONAIRE SERIES 1   Chapter 9

    Chapter 9Kakatapos lang ng practice namin para sa graduation ceremony sa darating na Sabado. Last na namin ngayon at babalik na lang kami sa araw para tumanggap ng diploma. Hindi ko mararating ang ganito kundi dahil sa pamilya ko kaya sobrang saya ko na sa wakas malapit na akong makapagtapos. Masaya ang lahat dahil sa wakas malapit na kami sa finish line, isa na lang at ito ang college life. Lahat naman kami makapag graduate na sa wakas ng secondary. Thursday ngayon at nagkayayaan ang mga ka batch ko na magparty sa bahay nina Domingo. Kaklase namin. Doon ang napili nila na lugar na halos lahat ng mga kaklase ko ay sumang-ayon at ibang kaklase ko dati. Pumayag kami ni Ignacio at nakapag paalam na kami sa mga magulang namin. Advance reunion na raw namin ito dahil hindi namin alam kung kailan kami ulit magkikita after ng graduation. May kanya-kanyang buhay o landas na kasi kaming tatahakain. Ibang school, ibang kurso, ang iba hihinto muna raw dahil gusto munang maghanap ng trabaho ba

    Last Updated : 2023-03-31
  • YOU CAN HIDE BUT YOU CAN'T ESCAPE (COLD BILLIONAIRE SERIES 1   Chapter 10

    Chapter 10Mugto ang mga mata ko habang umaakyat sa stage dahil sa walang tigil ko na pag-iyak nitong nakaraang araw. Hanggang ngayon, hindi parin ako pinapansin ni Ignacio. Iniiwasan niya na ako. Ni sulyap wala man lang siyang ginawa para tumingin sa gawi ko. Gusto ko siyang lapitan kanina pero ang mga mata ng ibang kaklase ko na nakasaksi sa nangyari sa araw na yon ay alam kong hinuhusgahan na agad ako. After noong nangyari sa party at hinahabol ko siya sa kalsada ay hindi ko mapigilan ang emosyon ko. Bakit ayaw niyang makinig sa akin? Kahit ako nabigla sa pangyayari kung bakit yun ginawa ni Ronald sa akin.Habang nakaupo sa gitna ng kalsada at tinatawag ang pangalan niya kahit hindi ko na natatanaw ang sasakyan niya ay nadatnan ako nina Singko at ibang mga kaklase, pinasakay nila ako sa sasakyan niya para iuwi sa bahay namin. Pero tumanggi ako dahil pupuntahan ako sa bahay nina Ignacio. Ayaw man ng mga kaklase ko ay wala silang magagawa dahil panay iyak ko sa harapan nila.Per

    Last Updated : 2023-04-04

Latest chapter

  • YOU CAN HIDE BUT YOU CAN'T ESCAPE (COLD BILLIONAIRE SERIES 1   YOU CAN HIDE BUT YOU CAN'T ESCAPE (SPECIAL CHAPTER)

    YOU CAN HIDE BUT YOU CAN'T ESCAPE ( SPECIAL CHAPTER)Michaella Gomeza POV:Nakatingin ako sa notebook ko nung highschool na nawala ito sa akin. Panay ang hanap ko nito kasi nandito ang mga drawings ko lalo na sa mga alaala ko kay Ignacio. Naisipan ko kasi magligpit at baguhin ang ayos ng kwarto niya dito sa bahay ng mga magulang niya. Habang naglilinis ay nakita ko ito sa cabinet niya. Familiar sa akin kaya pinakialaman ko na. Sabi ni mommy nakita daw ito ni Ignacio sa sahig ng paaralan kaya pinulot niya at nakalimutan na ibalik sa may-ari at ako yon. Panay iyak ko dahil sa mga nababasa at nakikita ko sa loob nito noong nahanap ko.Narinig kong bumukas ang pinto."Iha! Ready kana? Nakahanda na ang sasakyan na dadalhin niyo ng mga anak mo papuntang cemetery. Yung anak mong si Saul excited ba namang pumunta, hay naku inuubos na niya ang mga pananim ko na bulaklak sa garden dahil panay pitas niya kahit pwede namang isang steam lang, gusto pa talaga kumpol-kumpol na bulaklak." natataw

  • YOU CAN HIDE BUT YOU CAN'T ESCAPE (COLD BILLIONAIRE SERIES 1   IGNACIO JOHN BALTIMOORE POV PART 02

    IGNACIO JOHN BALTIMOORE POV PART 02:Sa daming tao sa mundo na pwedeng gawing secretary ay ex ko pa talaga, mapaglaro nga naman ang tadhana. "Really? Meant to be kayo kung ganun Ignacio, ayeehh" pang-aasar ni Shemaia sa akin habang sinusundot ng daliri niya ang gilid ng bewang ko. Kaya matalim ang ipinukol ko na tingin sa kanya pero ang isang 'to, hinampas lang ako. Ang hilig nitong manghampas.Binisita ko ang fake ko na kapatid na ito sa Manila dahil sa ilang araw ng walang paramdam at ang sabi nagbabakasyon lang. Bakasyon my ass, tapos maya-maya ako na naman kukulitin ni mommy na hindi ko na pinuntahan at binisita itong kapatid ko raw."Sa tingin ko kayo talaga ang itinadhana na dalawa kapatid kaya ihanda mo na at ilabas ang mga kayamanan mo sa isang magarbong kasalan. Okay!" umirap ako at nakita niya yun kaya panay tawa ni Shemaia. Kung ito ang inaasar, ang lakas ng toyo."Sorry boss!" Hingi niya ng tawad pero bakit ako naiinis sa tinawag niya sa akin. Why Gomeza? "Next time, do

  • YOU CAN HIDE BUT YOU CAN'T ESCAPE (COLD BILLIONAIRE SERIES 1   Epilogue

    IGNACIO JOHN BALTIMOORE POV:Pagod galing sa studies at kakatapos lang ng photoshoot nitong gabi. Wala naman akong ibang pupuntahan kundi ang umuwi na ng maaga at makapag pahinga ng maaga. I have a lot of things to do tomorrow. Pagkarating sa bahay ay naabutan ko sa sala si mommy. For sure galing na naman si mom sa pag-iyak dahil sa nakikita kung umaapaw na ng maraming tissue ang trash bin.Nilapitan ko siya at hinagkan sa kanyang noo. "Good evening, mom!" I greeted her. Nasa trabaho pa si daddy at baka mamayang ten or eleven ng gabi siya makakarating ng bahay. We own one of the larger malls in this province. Kaya alam ko na kung anong kurso ang kukunin ko kapag nasa college na. Tumingala si mommy para makita niya ako, nginitian ko siya. "I'll go up first to change my clothes," paalam ko sa kanya. Tatalikuran ko na sana siya na pinigilan niya ako gamit sa paghawak sa aking siko."How's your school?" tanong ni mama habang umiinom ng wine sa kanyang wine glass. Nginitian ko siya.

  • YOU CAN HIDE BUT YOU CAN'T ESCAPE (COLD BILLIONAIRE SERIES 1   Chapter 32

    Chapter 32"Mama, Ikaw po ba yan?" mahinang tanong ng anak ko sa akin."Anak? Anak ko…nandito na si mama anak. Ano ang ginawa nila sa'yo ha, anak? Sinaktan ka ba nila? Saan ang masakit sa'yo? Saan baby?" sunod-sunod na tanong ko sa kanya.Binuksan ko ang flashlight sa aking cellphone at nakita ko ang anak ko na nasa gilid at nakayuko. May nakalatag na maliit na kumot doon. Meron din upuan at plato at plastic na baso.Agad ko siyang nilapitan at sinuri pero wala naman akong nakitang pasa sa katawan niya o hindi ko lang makita ngayon lalo at madilim pa."Mama…natatakot po ako. May mga kumuha po sa akin na mga lalaki. Ang sabi lang nila na huwag lang akong pumiglas at sumigaw para hindi nila ako patayin mama. Kaya sa sobrang takot ko, hindi po ako gumagawa ng ingay mama. Hindi rin po ako umiiyak at hindi rin po ako sumisigaw, dahil may mga baril po sila na dala mama!" sumbong ni Saul sa akin.Niyakap ko siya ng mahigpit, sobrang higpit, gusto kong maramdaman niya na nandito nga ako sa ka

  • YOU CAN HIDE BUT YOU CAN'T ESCAPE (COLD BILLIONAIRE SERIES 1   Chapter 31

    Chapter 31"Kakain ka na ba? Nagdala ng ulam si Bethy?" ani ni Claire sa akin."May dinala rin kami ng fruits ni Cloud Mica, gusto mo?" sabi naman ni Shemaia habang hinahaplos ang buhok ko.Nasa kwarto sina mama, Marie, Yana, Shemaia, Claire at Bethy na galing pa mismo ng Samar at pumunta lang dito sa Negros para mapuntahan ako.Hindi ako umimik, tulala habang nakatingin sa kisame, dahil pakiramdam ko kapag binuksan ko ang bibig ko ay iiyak lamang ako sa harapan nila. Ayokong makita nila ako na kawawang-kawawa, hindi ako ito. Malakas ako, matapang ako, matatag ako pero ngayon na wala pa rin sa piling ko ang anak ko para akong baliw sa kakaisip kung ano na ang nangyayari sa kanya sa mga oras na ito?Wala pa ring balita, ang bagal naman ng sistema nila.Wala si papa at Tuko dahil nasa presinto, yun ang narinig ko sa usapan nila kanina. Pero ang isang 'to nandito lang sa loob ng kwarto at walang ginagawa kundi palagi lang nakatutok sa cellphone niya. Maayos naman daw ang kalagayan ko

  • YOU CAN HIDE BUT YOU CAN'T ESCAPE (COLD BILLIONAIRE SERIES 1   Chapter 30

    Chapter 30Ang sakit ng ulo ko ng idilat ang mga mata ko. Agad akong bumangon galing sa pagkahiga dahil may naalala. Sa amoy pa lang ng kwarto alam ko na kung nasaan ako.Bumukas ang pinto at nakita ko ang mga magulang ko na nag-alala, ngayon lang siguro nalaman kaya ngayon lang nakarating."Mica… anak!" tawag ni mama sa akin at niyakap ako pagkalapit niya. Sa pagyakap niya pa lang bumuhos ang lahat ng emosyon ko. Umiyak agad ako. "M.. ma.. ma si Saul ma… kailangan kung iligtas ang anak ko mama. May kumidnap sa anak ko baka..baka hindi siya pinapakain..baka nauuhaw ang anak ko mama, tulong ma..papa…ang anak ko, " hagulhol ko sa kanila habang hinahaplos ni papa ang likuran ko."Anak huminahon ka anak!" Ani ni papa na mas lalong nagpahikbi sa akin. "Late na namin nabalitaan anak, wag kang mag-alala hinahanap na siya ng mga kapulisan. Humingi na rin kami ng tulong kay mayor para sa agarang pagligtas ni Saul. Tumulong na rin ang principal nung nalaman ang balita," sabi ni mama.Bababa

  • YOU CAN HIDE BUT YOU CAN'T ESCAPE (COLD BILLIONAIRE SERIES 1   Chapter 29

    CHAPTER 29Hanggang nakasakay kami ng sasakyan ay tulala pa rin ako sa nalaman ko. Buntis? Ako? Ang bilis naman kumalat ang ano niya sa akin.Ngayon ko lang din napansin na hanggang ngayon hindi ko pa pala nagagamit ang napkin ko na binili ko pa nung isang buwan. Wala sa isip ko. Wala rin akong nararamdaman sa katawan ko na kakaiba kundi ang takaw ko lang sa pagkain kahit ano pa yang klase na pagkain. Kaya siguro hindi na magkasya ang mga skirt ko dahil may baby na ako sa aking sinapupunan. "May gusto ka bang kainin bago tayo pumunta ng office o uuwi na tayo para makapagpahinga ka?" tanong ni Ignacio sa akin habang inaayos ang seatbelt ko. Umiling ako dahil hindi ko rin alam kung ano ang gusto ko sa mga oras na ito."Pupunta pa tayo ng office? O sa condo na tayo? You need to rest Mica. Yan ang sabi ng doctor at dapat nakainom ka ng mga gamot na ni resita ng doktora."Sa office tayo Ignacio, may tatapusin lang ako na project niyo na hindi ko pa natapos nung nakaraan. Ayokong tumatamb

  • YOU CAN HIDE BUT YOU CAN'T ESCAPE (COLD BILLIONAIRE SERIES 1   Chapter 28

    Chapter 28"Talaga! May anak kayo Mica?" tanong ni Eula sa akin. Nasa cafe shop kami ngayon at umiinom ng kape habang tinatapos ang proposal projects nila ni Ignacio sa Batangas at Makati sa Manila. Nag comfort room lang muna siya saglit kaya ako naiwan na kasama si Eula. Umirap na naman ako sa isipan ko dahil sa palagay ko ay mas mahaba na naman ang kanilang pagsasama kapag magsimula na ang business nila na isang mall din. Kalma Mica, remember? Wala na kayo ni Ignacio? Ni minsan hindi mo nadinig galing sa kanya na mahal ka pa niya at ganun ka rin sa kanya kaya wag ka nang umasa. "Oo, yung nangyari that time, hindi ko alam na may nabuo pala ako sa sinapupunan ko. Late ko na nalaman nung time na sobrang stress na ako." Ani ko sa kanya dahil gusto ko siyang sumbatan at ipaalala sa kanya na kung hindi dahil sa dalawang tao na ito ay hindi yun mangyayari sa akin . Trauma, stress and anxiety ang naramdaman ko sa mga panahon na yun. Tumango lang siya sa sinabi ko. Walang bahid ng simpat

  • YOU CAN HIDE BUT YOU CAN'T ESCAPE (COLD BILLIONAIRE SERIES 1   Chapter 27

    Chapter 27Nasa airport pa lang kami ay gusto ko ng bumalik agad sa Cebu dahil sa may naalala. Ayokong alalahanin pero kusa naman itong bumabalik sa isipan ko kung bakit o paano kami umalis sa tinagurian na naming unang tahanan, ang Negros.Binalingan ko si Ignacio na kinukuha ang maleta namin. Ano kayang nasa isip niya? Hanggang ngayon ba ay nagpapanggap pa rin siya na wala siyang ginawang masama sa akin. Siya ang dahilan kung bakit kamuntikan na akong napahamak dati.Pero ano bang nangyayari sa akin na kahit ilang beses man niya akong saktan ay ito parin ako, lalo ngayon, baliktarin ko man ang mundo, may anak kaming dalawa. Kahit hindi man sabihin ni Saul ay nakikita ko kung gaano siya kasabik sa isang ama. Paano siya nangungulila. Paano niya ipagsigawan na may papa siya na matatawag. Alam kong kasalanan ko na hindi ko binanggit sa kanya ang tungkol kay Ignacio dahil akala ko hindi na magkikita pa ang landas namin o ang anak ko pero mapaglaro ang tadhana dahil siya na ang gumawa ng

DMCA.com Protection Status