"You cannot take our daughter away from us!" nanggagalaiti ngunit bakas boses na umiiyak ang kanyang inang si Bing.
"Please understand Bing. Inihabilin ko lang siya sa inyo when I was in the lowest point of my life. Alam ninyo yan. But when I was able to pick up the pieces of my life again, kayo naman ang nawala. Inilayo ninyo siya sa akin. Itinago nyo siya sa akin. That caused my life so empty and miserable." anang pamilyar sa kanyang tinig. Tinig ni Mr. Abalos.
"That's not true. Kinailangan lang talaga namin na umuwi dito sa Pilipinas noon because my Mom died. Sinubukan naming hanapin ka, ngunit ni anino mo hindi namin nakita. Nang iwan mo sa amin si Fritzene, ni hindi namin alam ang gagawin. Ang dami naming sakripisyo mabuhay lang siya. And now you have the guts to show up and claiming you are the rightful father of Fritze
Nangingilid sa luha ang mga mata ni Fritzene habang isa - isang tinitignan ang mga larawan nilang buong pamilya sa photo album. Kaya pala. Kaya naman pala wala kahit isang katangian ng mga magulang ang nakuha niya. Tuwid ang buhok ng mga magulang habang ang sa kanya ay may pagka natural wavy. Kayumanggi ang kulay ng mga ito habang may pagka mestisa naman siya. Parehong mataas ang height ng mga ito habang petite naman siya. Bakit ba hindi niya napagtuunan ng pansin ang mga bagay na iyon? Ang sabihing masakit ay kulang. Mula pagkabata hanggang sa nagkaisip, buo ang kanyang paniniwala sa kanyang pagkatao. She thought she had a perfect life. Ngunit ang lahat pala ay huwad lamang. She felt betrayed. She felt useless. She felt like a trash. Bakit ganoon? Ang daming katanungan sa kanyang isip na naghahanap ng kasagutan. "Fritzene
He could see those guys ogling on Fritzene. He could feel the tensions in his muscles. Mabilis niyang binistahan ang kanyang relo sa bisig. It's 8:45 in the evening! What the hell! Mabuti na lamang pala at sumama siya kina Clark, Mattias at Scott nang magyaya ang mga ito sa kanila ni Apollo sa bar. Hindi naman nakasama si Apollo dahil sa problemang kinakaharap ng pamilya nito ngayon. Ashley became hot topic and trending in national news today nang masangkot ito sa isang pangyayari sa Boss Cafe sa San Diego with Asias Teen Sensation Kristel Almabis. Hindi rin magkamayaw ang mga paparazzi sa kanilang lugar na laging nakaantabay sa paglabas ni Ashley upang makuha ang side nito sa isyu at relasyon nito kay Hugh Perez, isang singer actor and model. Bigla siyang napatayo sa harap ng counter ng bar kung saan sila nakaupong magkakaibigan nang makitang ikawit ng isa sa mga lalaki ang kamay sa beywang ni Fritzene. Napansin naman
"Where have you been?" sita kay Fritzene ng inang si Bing. Lalampasan na sana niya ito nang muli itong nagsalita. "Ganyan na lang ba Fritzene? Hindi mo na naman ako kikibuin? Hindi mo kami kikibuin ng iyong ama na parang mga hangin. Hindi ka man lang ba magsosorry na gabi ka na naman umuwi? Hindi ka man lang ba magsosorry na umalis ka nang hindi nagpapaalam? Pinilit niya ang sariling hindi lumuha sa harap nito. This is not her. Alam niyang may nabago sa kanya. She used to be the good girl her parents were proud of. Pero tao lang din siya. Nasasaktan, nagdaramdam, nalilito. Napabuntong hininga siya sa naisip. "I need to go to my room Mom." Nang mapadaan siya sa tabi nito ay napasinghap ang kanyang ina. "And now you're drunk? Kailan ka pa natutong maglasi
'Hinanap ang sarili?' 'Naaksidente?' What the hell? Iyon ang sinabi sa kanya ng totoong ama na si Mr. Timothy Abalos nang makorner siya nito kanina sa may gate ng BISU. Malayo pa lang siya ay natanaw na niya ito. Hindi niya maintindihan kung didiretso ba siya o ano. Ngunit sa huli ay pinili niyang dumiretso sa may gate ng BISU. Lalampasan sana niya ito ngunit tinawag nito ang kanyang pangalan at pinigilan siya sa kamay. Nakiusap itong paglaanan niya ito ng kaunting oras upang maipaliwanag nito ang dahilan ng kanilang pagkakalayo. 'Yeah right.' Pagod na rin naman siyang umiwas sa sitwasyon. Siguro tama rin lang na pakinggan niya ito. Everyone has the rights to be heard. Isa pa marami siyang mga katanungan na naghahanap ng kasagutan. W
"Ahhhhhhhhhhh! I hate this life!" malakas na sigaw niya kasabay ng pagbalong ng luha sa kanyang pisngi. Sabog ang emosyon niya nang mga sandaling ito. Sana magising na siya sa matinding pagkabangungot. Sana. Maraming Sana. Ibinuhos niya lahat ng sama ng loob at sakit na nararamdaman sa pag - iyak. Dala ng labis na pagod, hindi na namalayan ni Fritzene nang siya ay makatulog. Naalimpungatan na lamang siya nang makarinig ng papalakas nang papalakas na boses na wari'y palapit nang palapit sa kanyang kinaroroonan. "Woah.. pare.. may bisita yata tayo. Tamang tama matagal na akong diet." anang isang tinig. Agad siyang napabalikwas sa kanyang pagkakahiga at laking gulat nang makita ang grupo nina Jasper Harvey na papalapit sa kanyang kinaroroonan.
Hindi siya papayag na yurakan ni Jasper at mga kaibigan nito ang kanyang dangal nang ganoon na lamang. Hindi maaari! Sa oras na ito parang gusto niyang maglaho nang parang bula sa harap ng mga ito lalong lalo na sa harap ni Jasper.Mabilis niyang nilingon ang kanyang likuran at tinantiya ang kanyang kilos. May kataasan ang kanyang kinaroroonan ngunit wala siyang ibang pagpipilian kaya't iyon na lamang ang kanyang paraan upang makatakas sa mga ito. Bahala na! Bago pa man siya tuluyang mahawakan ni Jasper ay nakatalon na siya. "Fritzene!" malakas na sigaw ni Jasper ang narinig niya. Nagpagulong gulong siya at ramdam niya ang bulbog at sakit ng katawan. Pinilit niyang makatayo kahit hirap ay inilakad niya ang mga paa. Hila ang isang paa ay lakad - takbo ang kanyang ginaw
Hindi alintana ni Zeus ang pagod at gutom nang mga oras na iyon. Wala na siyang pakialam sa paligid. Ang tanging tumatakbo sa isip niya ay kung paano maililigtas si Fritzene mula sa kamay ni Jasper Harvey. Masama talaga ang kutob niya. Noon pa man ay mabigat ang loob niya dito. Batid niya ang matinding pagnanais nito na mapabagsak siya sa anumang larangan. Nagsimula ang rivalry nila, pero kung tutuusin ito lang naman ang tumuturing sa kanyang karibal nang lumapit sa kanya nang minsan ang nobya nitong si Alessandra. Nasa aktong humalik sa kanya si Alessandra na ikinagulat pa niya nang dumating ang grupo ni Jasper Harvey. Nagkainitan sila at muntik nang magpang - abot. Mabuti na lamang at dumating ang kanilang professor na si Sir Aniano kasama ang asawa nito, ang kanilang Guidance Counselor na si Mrs. Sheena. Napigilan ng mga ito ang riot na sanang mangyayari. Hindi doon nagtapos ang lahat. Batid niya ang ginagawa n
Hindi maiwasang mapabuntunghininga ni Martin habang iyak nang iyak naman sa kanyang tabi ang kanyang asawang si Athena. Napamura siya nang hindi nila abutan sa abandonadong gusali sina Zeus at Fritzene. Tanging bakas ng patak ng dugo ang nakita nila sa sahig. Matindi ang kanilang pag - aalala sa kanilang bunsong anak. Sa katapat naman nilang upuan, naroroon ang mag - asawang Bing at Cezar. Katulad nila, nag - aalala rin ang mga ito. Katabi ng mga ito ang tunay na ama ni Fritzene na si Timothy. "Wala ba talaga tayong puwedeng gawin?" umiiyak na tanong ni Bing kay Cezar. Umiling - iling naman ito sa asawa. "No Bing. Ginagawa na ng awtoridad ang lahat ng kanilang magagawa. Pero we'll never stop until we find them. Okay lang ba na maiwan namin kayo dito?" Hindi naman nagawang tumugon ni Bing na patuloy lang sa p
Dahil wala naman sa pagkain ang pansin ay hindi na siya kumuha ng mga ito. Agad siyang nagdiretso sa puwesto ng kanyang asawa. Narinig at naramdaman niyang napasinghap ang kanyang asawa nang okupahin niya ang upuan sa kaliwang tabi nito. Magiliw naman siyang binati ng mga kasama nito sa table. "Excuse me. Punta lang ako sa powder room." agad na paalam ni Fritzene sa mga kasama. Nakakaunawang tumango naman si Ashley. Sinundan niya ito ng tingin. "Zeus, kumuha ka na rin ng pagkain mo at sabayan mo kami rito." sabi ni Zach. Umiling - iling siya habang nakalingon pa rin sa daang tinahak ni Fritzene. "I'm not in the mood to eat." Nagkibit - balikat na lamang si Zach. Ilang sandali pa ay hindi pa rin bum
"Fritzene, anak.." mula sa pinto ng silid ay sumungaw ang kanyang ina. Mababakas sa mukha nito ang matinding simpatya sa kanya habang siya ay nanatiling nakahiga lamang sa kanyang kama. Pumasok ito sa loob sa kanyang silid at isinarado ang pinto. Narinig niya ang pagbuntung hininga nito. 'Hindi mo na naman hinarap si Zeus. Hindi ka ba naaawa sa asawa mo?" How she wished she could tell her Mom what she heard. Ayaw niyang magbago ang pagtingin ng mga ito sa asawa. "Don't worry Mom. I just needed some more time for myself.. some space. For the meantime, hayaan nyo muna po ako. Sana po maintindihan ninyo." nagsusumamong sabi niya sa kanyang ina. "Ano pa nga ba? Basta make sure, you make the right decisions and huwag mo nang patagalin ito anak."
Nagpipigil ng kanyang emosyon si Zeus nang makita sina Jasper Harvey at Miller. They both suffer from severe physical damages mula sa engkuwentro. Hindi niya malaman kung mamumuhi o maaawa siya sa kalagayan ng mga ito. Jasper Harvey lost his both legs. Kailanman ay hindi na siya makalakad. Habang si Miller naman ay ang mga mata ang talagang naapektuhan. He is now blind. Mabuti na lamang at nasa gitnang bahagi ng sasakyan ang asawa. Kung nagkataon, baka hindi niya kakayanin ang magiging kalagayan ng asawa. Sa ngayon tuluyan na rin itong nakalabas ng hospital ngunit hindi ito sa kanilang tahanan nagpahatid. Ayaw rin siyang makasama nito. Hindi niya maintindihan ang aktuwasyon ni Fritzene ngunit kailangan niya munang unawain ito. "Kumusta ka na Jasper? Masaya ka na ba? Ito ba ang buhay na gusto mo?" may pait sa kanyang tinig. Hindi it
Tunog ng ring tone mula sa kanyang cellphone ang gumising sa kanya mula sa kanyang pagkaka idlip. Napilitan siyang umuwi sandali sa kanilang tahanan nang halos magmakaawa sa kanya ang kanyang ina na umuwi muna siya at magpahinga. He couldn't leave Fritzene but he just couldn't bear seeing his Mom crying and begging for him to take a nap and rest for a while. Gayundin ang matigas na bilin ng ama. Nangako ang mga ito na tatawagan siya once gumising mula sa pagkakahimbing si Fritzene. Tinignan niya sa screen ang caller. It was his Dad. He tapped receive call button. "Zeus, anak, gising na siya." Upon hearing those words from his Dad, agad siyang napabalikwas sa kama. "Yes Dad. I'll be right there." He immediately went to the bathroom to fres
"Out of the way!" malakas na sigaw ni Zeus sa pasilyo ng hospital. Maagap naman silang sinalubong ng resident doctor at nurses. Mabilis na nakuha mula sa kanya ng mga ito ang asawa at naihiga sa stretcher. Marahang tumapik sa kanya ang doktor nang mapansin na hindi niya binibitawan ang asawa. "We'll take care of this Sir. We'll do everything to save her." anang doktor bago tuluyang ipinasok ng Medical Team ang asawa sa Operating Room. Napatiim bagang na tumango na lamang siya. "Zeus, si Fritz? Anong nangyari sa kanya?" There came rushing his in-laws. Followed by his parent. Tito Jerson and Tita Miles were also there to check on Apollo. He saw his Dad scanned all over his body ngunit hindi nakatiis at mabilis na nakalapit sa kanya ang ina upang tignan kung may sugat o tama siya ng baril. Narinig niyang nakahinga ito nang maluw
Agad na naalarma si Zeus nang makitang patalilis na ang grupo ni Jasper. He just couldn't let them slipped away without seeing her wife. "Dude!" Hindi na niya nagawang lingunin si Apollo. Narinig niyang napamura si Apollo. He runs as fast as he could to follow the group. Nakita niya sa loob ng patalilis na sasakyan si Fritzene. "Fritz!.." He shouted at the top of his lungs. Nakita niyang lumingon sa kanya ang asawa. She's crying for Pete's sake! He couldn't bear another heartbreak this time. By hook or by crook, he'll get back Fritzene. He's going to save her! Sa tuwing halos malapit na siya sa sasakyan ay mabilis naman itong napapalayo sa kanya. What the hell! He's running as fast as he could! Nang halos mawalan na siya ng pag - asa na mahabol ang dalag
It's been what? It's been three days, damn it simula nang mawala si Fritzene at mapasakamay ni Jasper. Halos mabaliw - baliw na siya sa paghahanap sa posibleng kinaroroonan ng mga ito. Bawat tunog ng telepono ay kaagad niyang sinasagot. Palagi rin siyang nakabantay sa kanyang cellphone. Gaya ngayon, halos hindi niya lubayan ng tingin ang cellphone na nakapatong sa table. Kagagaling lamang nila ni Apollo sa kabilang bayan sa pagbabasakali na may nakapansin sa asawa. When he heard his phone's message alert tone, he immediately grabbed it on the top of the table. '5 pm sharp sa lumang gusali. Huwag kang magkakamaling magsama ng pulis o kahit sino or else you know what will happen to your wife.' 'Damn it!' Tuso talaga si Jaspe
'Damn!' He'd been to Pluma Publishing Incorporation ngunit ni anino ni Fritzene ay hindi nakita ng mga staff doon. When he asked about the cctv footage, nagkataon namang malfunction ang cctv. Halos kare request pa lang ng management for repair/ installation ng bagong unit. Hindi talaga siya mapalagay hangga't hindi nila natatagpuan ang asawa. Tumawag na rin siya sa kanyang ama at sa magulang ni Fritzene. Nakita niya ang papasok na sasakyan ni Daddy Tim. Kasunod nito ang sasakyan nina Daddy Cezar at ng Daddy niya. "Dad.." Mabilis na lumapit at yumakap sa kanya ang ama. Nanatili namang nakatayo ang mga biyenan habang nakatingin sa kanila. "Don't you worry son. We'll do everything para mah
'Damn! Bakit nakatakas sa kanya ang impormasyong ito?' Napasabunot sa sarili si Zeus nang mabalitaan mula sa isang College Friend na nakatakas pala ang grupo nina Jasper Harvey mula sa kulungan. Bakit hindi sila nainform? Agad na tumawag siya sa bahay upang ipaalam ito sa asawa at magbilin na huwag na huwag itong aalis. "Hello. Tengco - De Villa Residence. Sino po sila?" magalang na sabi ni Yaya Rosie. "Yaya.. Pakitawag nyo nga po si Fritzene. May mahalaga lang po akong sasabihin." pakikisuyo niya kay Yaya Rosie. "Naku Zeus, anak, wala siya rito. Kaaalis lang. Kukuha raw ng cheque sa Pluma." Sa narinig ay matinding kaba ang lumukob sa kanya. "Yaya, anong oras po sakto siya umalis diyan?" &nb