Hindi siya papayag na yurakan ni Jasper at mga kaibigan nito ang kanyang dangal nang ganoon na lamang. Hindi maaari! Sa oras na ito parang gusto niyang maglaho nang parang bula sa harap ng mga ito lalong lalo na sa harap ni Jasper. Mabilis niyang nilingon ang kanyang likuran at tinantiya ang kanyang kilos. May kataasan ang kanyang kinaroroonan ngunit wala siyang ibang pagpipilian kaya't iyon na lamang ang kanyang paraan upang makatakas sa mga ito. Bahala na!
Bago pa man siya tuluyang mahawakan ni Jasper ay nakatalon na siya.
"Fritzene!" malakas na sigaw ni Jasper ang narinig niya.
Nagpagulong gulong siya at ramdam niya ang bulbog at sakit ng katawan. Pinilit niyang makatayo kahit hirap ay inilakad niya ang mga paa. Hila ang isang paa ay lakad - takbo ang kanyang ginaw
Hindi alintana ni Zeus ang pagod at gutom nang mga oras na iyon. Wala na siyang pakialam sa paligid. Ang tanging tumatakbo sa isip niya ay kung paano maililigtas si Fritzene mula sa kamay ni Jasper Harvey. Masama talaga ang kutob niya. Noon pa man ay mabigat ang loob niya dito. Batid niya ang matinding pagnanais nito na mapabagsak siya sa anumang larangan. Nagsimula ang rivalry nila, pero kung tutuusin ito lang naman ang tumuturing sa kanyang karibal nang lumapit sa kanya nang minsan ang nobya nitong si Alessandra. Nasa aktong humalik sa kanya si Alessandra na ikinagulat pa niya nang dumating ang grupo ni Jasper Harvey. Nagkainitan sila at muntik nang magpang - abot. Mabuti na lamang at dumating ang kanilang professor na si Sir Aniano kasama ang asawa nito, ang kanilang Guidance Counselor na si Mrs. Sheena. Napigilan ng mga ito ang riot na sanang mangyayari. Hindi doon nagtapos ang lahat. Batid niya ang ginagawa n
Hindi maiwasang mapabuntunghininga ni Martin habang iyak nang iyak naman sa kanyang tabi ang kanyang asawang si Athena. Napamura siya nang hindi nila abutan sa abandonadong gusali sina Zeus at Fritzene. Tanging bakas ng patak ng dugo ang nakita nila sa sahig. Matindi ang kanilang pag - aalala sa kanilang bunsong anak. Sa katapat naman nilang upuan, naroroon ang mag - asawang Bing at Cezar. Katulad nila, nag - aalala rin ang mga ito. Katabi ng mga ito ang tunay na ama ni Fritzene na si Timothy. "Wala ba talaga tayong puwedeng gawin?" umiiyak na tanong ni Bing kay Cezar. Umiling - iling naman ito sa asawa. "No Bing. Ginagawa na ng awtoridad ang lahat ng kanilang magagawa. Pero we'll never stop until we find them. Okay lang ba na maiwan namin kayo dito?" Hindi naman nagawang tumugon ni Bing na patuloy lang sa p
Nanlalaki ang mata sa sindak si Fritzene sa lahat ng kanyang narinig kay Jasper Harvey. Ibang - iba ito sa pagkakilala niya dito. Bang! Binaril nito si Zeus at nakita niyang ininda ng binata ang sakit nang patamaan ni Jasper ang kabilang bisig ng binata. Nagsimula na ring kumalat sa puting polo nito ang kulay ng dugo. "Zeus!" Napasigaw siya nang makita ang nangyari sa binata. Napatutop siya sa sariling bibig. Gusto niyang daluhan ang binata ngunit pigil - pigil siya ng mga alipores ni Jasper. Mabilis na binalingan siya ni Jasper. "Watch me Zeus!" Hinawakan siya nito sa kanyang buhok at sinimulang halikan sa labi. Nahihindik at kinalibutan siya sa ginagawa ni Jasper. Ang sabihing nandidiri ay kulang. Nagsitayuan ang b
Nalaman niyang parehong binabantayan ni Tito Cezar sina Fritzene at Tita Bing sa isang hospital suite. Hindi kinaya ni Tita Bing ang nangyari kay Fritzene. She collapsed seeing Fritzene in a terrible state. Naroon din umano si Mr. Timothy Abalos, ang tunay na ama ni Fritzene upang magbantay sa dalaga. Ang kanyang ama naman ay naging abala sa pagsampa ng kaso sa ngayon ay naka detain na sina Jasper at mga alipores nito. Maging ang Vice - Governor ay nakakulong din sa presinto nang sa galit ay barilin ang kanyang ama. Mabuti na lamang at daplis lamang ang tama nito. Sinubukan mang pabulaanan ng Vice - Governor ang ginawa ay hindi ito nakalusot. Marami sa nakasaksi ang tumestigo sa totoong nangyari. "Mom.." Mabilis na lumapit sa kanya ang kanyang ina. "Yes anak?" Hinagod pa ng kamay nito ang
"Jasper, No! Please no!" agad na napabalikwas si Fritzene mula sa kanyang pagkakahiga. Naramdaman ang pagtulo ng luha mula sa kanyang mga mata. Hanggang sa panaginip ay dinadalaw pa rin siya ni Jasper. Hanggang sa panaginip hindi siya makatakas sa tanikala ng binata. Paulit - ulit na lang itong naglalaro sa kanyang diwa. Ganoon katindi ang trauma na dulot sa kanya ng mga kahayupang ginawa nito sa kanya. Pakiramdam niya ang dumi - dumi niya. Isa na siyang basura ngayon. Isang patapon. Malinaw pang lahat sa kanyang alaala. Nang balikan siya ng malay ay hindi na niya nakita pa si Zeus. Nagtatanong ang matang tumingin siya kay Jasper. "Hinahanap mo si Zeus?" nakangising tanong nito sa kanya. Kung noon, nakakahalinang tignan ang maamong mukha nito, ngayon nakakarimarim na itong tignan. Sumusulak talaga ang dugo niya sa pagmumukha nito. Ngunit kahit anong iw
Zeus once again tried to visit Fritzene. Napilit niyang muli ang kanyang ate Ynah na samahan siya sa silid ni Fritzene. There he saw Fritzene. She was sleeping like an angel. He could see the trace of tears on her face. Bakas sa magandang mukha nito ang pinagdaraanan. He knew very well that they share the same agony and pain. Nanginginig ang kamay na hinawakan niya ang kamay ni Fritzene. He's crying. Again. Only Fritzene could make him feel different emotions. Marahan niyang hinaplos haplos ang bisig ng dalaga. Bakas sa makinis na kutis nito ang mga pasa at sugat na gawa ng grupo ni Jasper. "I'm so sorry. Wala akong nagawa. I love you Fritzene..so much. Nag - aaway man tayo noon pero defense mechanism ko lang yun not to show how I really feel for you." Bahagyang umibo ang mga daliri ni Fritzene sa mga
He never heard from Fritzene. What he just know about her ay nag o online class na lang muna ito base sa agreement ng BISU at mga magulang ni Fritzene. Iyon ang napag usapan nila ni Ninia noong nakaraang buwan. He could feel Ninia is hiding something from him. Hindi ito papasang artista. Maging ang mga tao sa bahay nila ay walang bumabanggit sa pangalan ng dalaga. Parang iwas na iwas na mabanggit ang pangalan kapag kaharap siya. There were times na nag - uusap usap sila nang pabulong and when they noticed he's around magpapatay - malisya ang mga ito. He's not dumb. He knew something is wrong. And that he is going to discover. Hindi na siya dumalo ng panghapong klase. Maaga siyang umuwi mula sa paaralan at ipinarada ang sasakyan sa tapat ng tahanan ng mga Tengco. May ilang oras din siyang naghintay. Aalis na sana niya nang mamataan niya ang
They are watching a late night show on TV ngunit wala naman dito ang pansin ng mga magulang. As usual, they're murmuring to each other again. As if naman hindi pa niya alam ang totoo. Nang hindi makatiis ay tinawag niya ang ama. "Dad.." agad na lumingon sa kanya ang ama. "Can I talk to you?" "Sure son." "Alone?" dugtong pa niya. Nagtatakang nakatingin sa kanya ang ama. Nilingon ng nito ang kanyang ina at nakakaunawang tumango naman ito. Marahil ay naramdaman nito na napakahalaga ng kanilang pag - uusapan. "Let's go to study room then. Umuna ka na susunod na lang ako." Gaya ng bilin ng ama ay umuna na nga siya. Upon entering the room, napansin niya ang ilang nagkalat na papeles na nawala sa pagkakasalansan kaya inayos niya ito a
Dahil wala naman sa pagkain ang pansin ay hindi na siya kumuha ng mga ito. Agad siyang nagdiretso sa puwesto ng kanyang asawa. Narinig at naramdaman niyang napasinghap ang kanyang asawa nang okupahin niya ang upuan sa kaliwang tabi nito. Magiliw naman siyang binati ng mga kasama nito sa table. "Excuse me. Punta lang ako sa powder room." agad na paalam ni Fritzene sa mga kasama. Nakakaunawang tumango naman si Ashley. Sinundan niya ito ng tingin. "Zeus, kumuha ka na rin ng pagkain mo at sabayan mo kami rito." sabi ni Zach. Umiling - iling siya habang nakalingon pa rin sa daang tinahak ni Fritzene. "I'm not in the mood to eat." Nagkibit - balikat na lamang si Zach. Ilang sandali pa ay hindi pa rin bum
"Fritzene, anak.." mula sa pinto ng silid ay sumungaw ang kanyang ina. Mababakas sa mukha nito ang matinding simpatya sa kanya habang siya ay nanatiling nakahiga lamang sa kanyang kama. Pumasok ito sa loob sa kanyang silid at isinarado ang pinto. Narinig niya ang pagbuntung hininga nito. 'Hindi mo na naman hinarap si Zeus. Hindi ka ba naaawa sa asawa mo?" How she wished she could tell her Mom what she heard. Ayaw niyang magbago ang pagtingin ng mga ito sa asawa. "Don't worry Mom. I just needed some more time for myself.. some space. For the meantime, hayaan nyo muna po ako. Sana po maintindihan ninyo." nagsusumamong sabi niya sa kanyang ina. "Ano pa nga ba? Basta make sure, you make the right decisions and huwag mo nang patagalin ito anak."
Nagpipigil ng kanyang emosyon si Zeus nang makita sina Jasper Harvey at Miller. They both suffer from severe physical damages mula sa engkuwentro. Hindi niya malaman kung mamumuhi o maaawa siya sa kalagayan ng mga ito. Jasper Harvey lost his both legs. Kailanman ay hindi na siya makalakad. Habang si Miller naman ay ang mga mata ang talagang naapektuhan. He is now blind. Mabuti na lamang at nasa gitnang bahagi ng sasakyan ang asawa. Kung nagkataon, baka hindi niya kakayanin ang magiging kalagayan ng asawa. Sa ngayon tuluyan na rin itong nakalabas ng hospital ngunit hindi ito sa kanilang tahanan nagpahatid. Ayaw rin siyang makasama nito. Hindi niya maintindihan ang aktuwasyon ni Fritzene ngunit kailangan niya munang unawain ito. "Kumusta ka na Jasper? Masaya ka na ba? Ito ba ang buhay na gusto mo?" may pait sa kanyang tinig. Hindi it
Tunog ng ring tone mula sa kanyang cellphone ang gumising sa kanya mula sa kanyang pagkaka idlip. Napilitan siyang umuwi sandali sa kanilang tahanan nang halos magmakaawa sa kanya ang kanyang ina na umuwi muna siya at magpahinga. He couldn't leave Fritzene but he just couldn't bear seeing his Mom crying and begging for him to take a nap and rest for a while. Gayundin ang matigas na bilin ng ama. Nangako ang mga ito na tatawagan siya once gumising mula sa pagkakahimbing si Fritzene. Tinignan niya sa screen ang caller. It was his Dad. He tapped receive call button. "Zeus, anak, gising na siya." Upon hearing those words from his Dad, agad siyang napabalikwas sa kama. "Yes Dad. I'll be right there." He immediately went to the bathroom to fres
"Out of the way!" malakas na sigaw ni Zeus sa pasilyo ng hospital. Maagap naman silang sinalubong ng resident doctor at nurses. Mabilis na nakuha mula sa kanya ng mga ito ang asawa at naihiga sa stretcher. Marahang tumapik sa kanya ang doktor nang mapansin na hindi niya binibitawan ang asawa. "We'll take care of this Sir. We'll do everything to save her." anang doktor bago tuluyang ipinasok ng Medical Team ang asawa sa Operating Room. Napatiim bagang na tumango na lamang siya. "Zeus, si Fritz? Anong nangyari sa kanya?" There came rushing his in-laws. Followed by his parent. Tito Jerson and Tita Miles were also there to check on Apollo. He saw his Dad scanned all over his body ngunit hindi nakatiis at mabilis na nakalapit sa kanya ang ina upang tignan kung may sugat o tama siya ng baril. Narinig niyang nakahinga ito nang maluw
Agad na naalarma si Zeus nang makitang patalilis na ang grupo ni Jasper. He just couldn't let them slipped away without seeing her wife. "Dude!" Hindi na niya nagawang lingunin si Apollo. Narinig niyang napamura si Apollo. He runs as fast as he could to follow the group. Nakita niya sa loob ng patalilis na sasakyan si Fritzene. "Fritz!.." He shouted at the top of his lungs. Nakita niyang lumingon sa kanya ang asawa. She's crying for Pete's sake! He couldn't bear another heartbreak this time. By hook or by crook, he'll get back Fritzene. He's going to save her! Sa tuwing halos malapit na siya sa sasakyan ay mabilis naman itong napapalayo sa kanya. What the hell! He's running as fast as he could! Nang halos mawalan na siya ng pag - asa na mahabol ang dalag
It's been what? It's been three days, damn it simula nang mawala si Fritzene at mapasakamay ni Jasper. Halos mabaliw - baliw na siya sa paghahanap sa posibleng kinaroroonan ng mga ito. Bawat tunog ng telepono ay kaagad niyang sinasagot. Palagi rin siyang nakabantay sa kanyang cellphone. Gaya ngayon, halos hindi niya lubayan ng tingin ang cellphone na nakapatong sa table. Kagagaling lamang nila ni Apollo sa kabilang bayan sa pagbabasakali na may nakapansin sa asawa. When he heard his phone's message alert tone, he immediately grabbed it on the top of the table. '5 pm sharp sa lumang gusali. Huwag kang magkakamaling magsama ng pulis o kahit sino or else you know what will happen to your wife.' 'Damn it!' Tuso talaga si Jaspe
'Damn!' He'd been to Pluma Publishing Incorporation ngunit ni anino ni Fritzene ay hindi nakita ng mga staff doon. When he asked about the cctv footage, nagkataon namang malfunction ang cctv. Halos kare request pa lang ng management for repair/ installation ng bagong unit. Hindi talaga siya mapalagay hangga't hindi nila natatagpuan ang asawa. Tumawag na rin siya sa kanyang ama at sa magulang ni Fritzene. Nakita niya ang papasok na sasakyan ni Daddy Tim. Kasunod nito ang sasakyan nina Daddy Cezar at ng Daddy niya. "Dad.." Mabilis na lumapit at yumakap sa kanya ang ama. Nanatili namang nakatayo ang mga biyenan habang nakatingin sa kanila. "Don't you worry son. We'll do everything para mah
'Damn! Bakit nakatakas sa kanya ang impormasyong ito?' Napasabunot sa sarili si Zeus nang mabalitaan mula sa isang College Friend na nakatakas pala ang grupo nina Jasper Harvey mula sa kulungan. Bakit hindi sila nainform? Agad na tumawag siya sa bahay upang ipaalam ito sa asawa at magbilin na huwag na huwag itong aalis. "Hello. Tengco - De Villa Residence. Sino po sila?" magalang na sabi ni Yaya Rosie. "Yaya.. Pakitawag nyo nga po si Fritzene. May mahalaga lang po akong sasabihin." pakikisuyo niya kay Yaya Rosie. "Naku Zeus, anak, wala siya rito. Kaaalis lang. Kukuha raw ng cheque sa Pluma." Sa narinig ay matinding kaba ang lumukob sa kanya. "Yaya, anong oras po sakto siya umalis diyan?" &nb