GUIECO CLAN SERIES #1
WILDEST NIGHT WITH MY STRANGER
Your Kugtong Writes is telling you this...
'Read it responsibly.'
Chapter 6
KENYA GUIECO
Excited akong tumatakbo papuntang office ni Kuya Ashmer. Nakatanggap kasi ako ng text from him na bibigyan niya na ako ng misyon.
Nakita ko pa si Marci na mukhang nagpapaka nerd na naman at may bitbit na naman na libro. Basta ko na lang kinawit ang kamay ko sa braso niya at kinaladkad siya.Bahagya pa siyang nagulat.
"Kens, ano ba? Trip mo?"
Bukod nga pala kay Stranger na Ken ang tawag sakin ay may isang supladita rin na ginawang plural ang name ko. Kens daw eh. Napakahaduf talaga ng Marci na ito.
"Samahan mo ako kay Kuya Ash," pabebe kong saad.
"Alam niyo, hindi na ako natutuwa. Kung hindi si Percy ang kakaladkad sakin ay ikaw naman!" nanggigil niyang pinalo ako sa braso.
"Oouccch!" exaggerated kong daing pero sinamaan lang ako ng tingin.
"Fine, sorry na ha? Love ka lang namin," ani ko at huminto na kami sa office ni Kuya.
Linggo nga pala ngayon kaya nasa camp lang din kami.
"Pakipindot ng alarm please," pakiusap ko pa. Napipilitan niya namang pinagpipindot iyon.Padarag na binuksan ng kuya ko ang pinto at awtom na kay Marci ang tingin.
"What?" asik nito. Halos mapatakip ako sa tenga pero parang wala lang kay Marci. Tinaasan pa nga ng kilay si Kuya eh.
Kaya paborito naming ipain ito sa kuya kong asungot dahil siya lang ang nakakatagal sa kuya ko.
"Ako ba? Ang kapatid mo na ito oh!" asik niya rin.
Mukhang kumalma naman si Kuya.
"Come in." Pumasok na ako at diretsang upo sa upuan ni kuya. Nanatiling nakatayo si Marci sa labas.
"Pasok na."
Wait? Minamaligno ba ako o totoong mahinahon ang pakikipag-usap ni Kuya kay Marci?
"Ayoko, dito na lang ako."
At gano'n din si Marci? Oh my God! Oh my God!
Pero 'yong totoo rin, mas bet ko si Marciella kaysa kay Percy for my kuya eh. Pero wala tayong magagawa, tadhana ang magtatakda.
"El papasok o kakaladkadkarin din kita?"
El or Ella talaga tawag ni Kuya kay Marci. From MarciELla.
Tamad kasi 'yan si Kuya sa mahahabang pangalan kaya pinapaikli. Ako nga bunso or sis eh.
"Oo na. Nakakainis kayo," maktol pa ng dalaga namin at pumasok na.
Napailing na lang ako na natatawa sa kanila. Dahil ako ang nasa upuan ni Kuya Ash, sila ang nakaupo ng magkatabi sa harapan ko.
May kinuha si Kuya ng folder. It's pink. It means sakin ang misyon na laman nun. Color coding kasi kami.Like Marciella ay green, Gabriella ay yellow, Crystal ay peach, Jeannie ay silver, lavender kay Kenshane, Orange kay Percy, pink kay Kendra, white kay Lite at black kay Nite.
Si Nite and Lite pala ay kambal din pero mga celebrity sila kaya hindi din namin nakakasama araw-araw. Lalaki si Nite baka akalain niyong babae. Talagang hindi lang kami sanay na ipaghiwalay ang Nite sa Lite, zsss! Kambal toko pa nga kasi ang dalawang iyon. Mas bata rin kaysa sa amin.
"Ito ang mission mo. Kailangan mong bantayan ito dahil bagong heiress siya ng bigating persona. Sa ngayon wala pa namang threats pero naninigurado lang ang kanyang lolo kaya kinuha nila ang service natin."
"So, magiging security guard ako?" nakataas-kilay kong saad.
"Parang gano'n na nga."
"Okay."
"Magiging long term mission ito Kenya."
"How long?"
"Depende kung kailan ipapatigil ng client natin ang service natin sa apo niya."
"Zsss! Bakit? Gano'n na ka bobo ang apo niya para bantayan ng matagal?" asik ko.
"He's vulnerable because of his position."
"Ah, okay," tipid kong saad. Inabot niya sakin ang folder.
"Buksan ko na ba?" usisa ko.
"Ikaw."
"Wag na mamaya na sa flat ko. Wait, Marci, where's Percy ba?"
"Nasa isang photo shoot."
"Ah, kaya pala hindi ko nakita. Kamusta kayo Kuya?"
"Fine," tipid niyang saad.
"Eh? Ikaw Marci?" may halong tudyo kong tanong.
"Anong ako?"
"Kamusta ka?"
"Adik ka ba Kens?"
"May love life ka na ba?" Natigilan naman siya. Mukhang interesado din si Kuya sa magiging sagot niya.
"Yes," nanlaki naman ang mata ko.
"Really?"
"Who?" usisa ni Kuya.
Blangko ang expression ng mukha nila pareho habang nagkatitigan.Pasimple ko pa ngang kinuhanan sila ng pic.
Pang-blackmail lang.
"I'm in a relationship with my works. That's it. Tsaka mind your own life. Nakakasakit kayo ng bagang." Akmang tatayo siya ng pinigilan siya ni Kuya.Naaaliw ko silang pinagmasdan."Ash, masisipa na talaga kita!"
"Sipain mo," panghahamon pa ng kuya kong haduf.
"Ash," may bantang saad ni Marci ng hindi pa rin binibitawan ni Kuya ang kamay niya.
May kalandian din pala ang Kuya ko aba! Mana-mana lang pala eh.
"Isa," ani Marci.
"Dalawa," dugtong ni Kuya.
"Tatlo." Pare-pareho kaming napatayo ng pumasok si Percy na sa camera niya naman ang tingin.
"Percy!" masiglang bati ko.
"Enya! Wait, may counting ba? Pang-tatlo ako ah?"
Mabuti na lang talaga at medyo slow itong si Perc sa mga ganitong bagay eh.
"Oo pang tatlo ka na sa death list ko," biro ko pa. Nanlaki naman ang mata niya.
"Ayaw ko na pala. Kayo na lang," bawi niya. Natawa naman ako.
"Bye na nga. Marci, go les!"
"Eh? Paiwan ka na Marci," ungot ni Percy.
"Bagang ko, ewan ko rito," mataray na asik ng isa at nagpatiuna na. Kumaway na lang ako sa couple at lumabas na rin.
"Marci!"
"Ano?"
"Wala lang. Salamat sa pagsama."
"Yeah, whatever. As if may choice ako lagi ano? Zsss!"
"Double meaning ba iyon?"
"Hindi. Triple"
"Wavyow Marciella," asar ko sa kanya.
"Mukha mo!" asik niya at nilayasan na ako.
Pumasok na ako sa flat ko at pabagsak na humiga sa kama. Napatingin ako sa hawak kong folder. Ipinatong ko iyon sa mesa. Kinuha ko ang phone ko at dinial ang number ni Stranger.Dalawang ring lang at sinagot niya.
"Stranger!" sigaw ko.
"Oh?" aniya. Napanguso naman ako.
"Sungit! Ang aga-aga nakakabad vibes 'yang ka-sweetan mo sa katawan!" maktol ko.
"What is it sweetie?" malambing niya pang tanong.
"Sweetie? Nasabi ko na ba sayo na endearment namin 'yan ni..."
"Jelo? Nasabi ko na rin ba sayo na wala akong pakialam kung anong meron sa inyo? Me is me Ken. Don't compare me with your ex." Medyo nasupalpal niya ako roon.
"Ito naman oh! Ang aga ang hot! Pa kiss nga ako?"
Ito naman oh, ang aga ang landi mo Kenya. Oo malandi ako pero patago.
"Kita tayo sa Novotel."
"Ha? Gagawin natin doon?"
"Have a SWM."
"Haduf ka bro!" natatawa kong saad.
"Don't call me bro!"
"Fine. Anyway, DM bar tayo mamaya."
Abat ako pa ang nag aya ha? Wew! Well, sanayan lang yan. Tsaka pagdating nga kasi sa kanya ay wala akong hiya. Ano pa ba ikakahiya ko?
"Sige. Be prepared."
"Aba! Landi ah? Stranger iba na 'yan!"
"Paanong iba?"
"Basta, secret lang."
"Kita tayo please?"
"Aba! Ibang level ah? Magkikita naman tayo mamaya."
"Ngayon na lang."
"Adik ka ba?"
"Sayo."
Ayyy! Bakit parang kinikiliti tiyan ko? Daming paro-paro sa paligid ko oh. Puro pink ang kulay.
"Stranger!"
"Hmmm?" Napangiwi naman ako.
"Wag mo nga akong sagutin ng ganyan," reklamo ko.Para kasing moan eh.
"Bakit?"
"Basta."
"Bakit nga, 'yong una mong sasabihin."
"Daming paro-paro sa loob ng kwarto ko, lahat ay pink," tuwang-tuwa ko pang saad.
I know, he's smiling right now.
"Ikaw ba nagpadala nito?" usisa ko pa.
"Gaano ba karami?"
"Marami parang bawat tibok ng puso ko ay isang paro-paro ang katumbas. Do you know how fast the beat of my heart is?"
"Nope."
"Tulad kung gaano kami nag-break at kung gaano kabilis... Kita pinapasok sa buhay ko." At pinatay ko ang linya.
Nakangiting nakatingala lang ako sa kisame. Puro butterfly yata ang nakikita ko aba.
Tumayo ako at binuklat ang folder.Halos lumuwa ang mata ko sa nabasa.Wait...Foral ba ito?Di ba ako namamaligno? As in si...
Chairman Dailann Mhinn ang mission ko? Oh no! Bakit siya? Napakasama talaga ng tadhana, aba!
Tahimik na nakamasid lang ako sa mga haduf na nagsasayawan sa dancefloor ng bar na kinaroroonan ko ngayon.
Wala pa si Stranger eh. Pero ayos lang, advance lang talaga ang dating ko dito. Mas okay kasi yong nauuna ka kaysa sa huli diba?
Well, sa case ni Rheanne mas mabuti yong nahuhuli kaysa sa nauna, zsss.
Napapitlag ako ng may nagtakip ng mata ko. Kahit naman hindi ko pa nakikita ay alam ko na kung sino, sa amoy palang kabisado ko na.
"Stranger!"
"Alam na alam ha?"
"Malamang! Ikaw pa ba? Lakas ka sakin eh," nakangisi kong sambit. Umupo naman siya sa bandang harapan ko at tumitig sakin.
"Oh? Bakit?" maang tanong ko.
"Hindi ka pa umiinom?"
"Abat! Gusto mo bang pagdating mo rito ay lasing na ako?" supladita kong tanong.
"Hindi naman. Noong huling kita natin dito ay nadadatnan kitang umiinom na eh."
"Dati 'yon, nagsawa na ako sa alak."
"Mabilis ka naman palang magsawa."
"Pero matagal akong magmove-on."
"Kaya pala 'di mo pa rin siya nakakalimutan 'no?"
"Walang taong nakakalimot, Dail. Kung may amnesia pa ay pwede pa."
"Literal na nakalimot naman 'yon."
"Eh? Iyon na nga."
"Ayaw mong uminom?"
"Ayaw ko. Nandito ako para sayo, hindi para sa alak." Mukhang natigilan naman siya sa sinabi ko. "Tsaka gusto ko lang ng may kausap ng hindi ako nag-iisip..."
"Nang hindi mo siya naiisip?"
"G-ano'n na nga." Sabay pa kaming napasinghap.
"Hindi ka iinom, hindi rin ako iinom, tara, date na lang tayo sa ibang lugar," aniya.
"Sure Stranger! Tara go les!" Tumayo na kami pareho. Ikinawit ko ang kamay ko sa braso niya at lumabas na kami.
As usual, wala akong dalang car. Nag-grab lang ako dahil baka mapansin na naman ng kuya kong masungit ang pag-alis ko.
"Saan tayo?" tanong ko ng makapasok na kami pareho sa sasakyan niya.
"Sa lugar kung saan tayo lang dalawa."
"Sos! Napaka-echos mo ha?" Napangiti na lang ako dahil alam ko namang ngumiti siya.
Hinayaan ko na lang siya kung saang lupalop ng pinas niya ako dadalhin. May tiwala naman ako sa kanya eh.
Mga more than 20 minutes din siguro bago kami nakarating sa destinsayon namin.Bumaba na nga kami.
Bree's Garden. Iyon ang nakasulat. Sobrang lapad at taas ng gate. Halatang daming pakulo sa loob.
"Kanino 'to? Ngayon ko lang ito nakita ah?"
"Sa lola ko. Ipinagawa talaga ito ng Chairman Mhinn para sa lola ko. She just passed away last year."
Halata ang lungkot sa boses niya.
Nabalitaan nga rin namin 'yon. Nakiramay ang buong MHIS sa pagkawala ng asawa ng dating chairman.
"Ah, matagal na ba ito?"
"Hmmm. Bata pa lang ako Bree's Garden na ito, pero isang beses palang ako nakarating dito dahil nong nasa 15 na ako ay sa Korea na ako nag-stay, doon na rin ako nag-aral. Tara, pasok na tayo."
Pumasok na nga kami. Sobrang ganda nga sa loob. Pero isa lang ang umagaw sa attention ko, yong parang mataas na tore. Halos pa zigzag na nga ang hagdan kung titingnan mo dahil sa taas. Paniguradong hihingalin ka kapag inakyat mo iyon.
Bukod sa parang umaga lang din dito dahil sa mga ilaw na nagkalat ay maliwanag din ang buwan at walang ulap ang kalangitan.
"Wow. Just wow," usal ko.
"Ideya 'yan ni Grandmie Bree. Ang ganda, diba?"
"Yes, sobra. Filipina ba ang Lola mo?"
"Filipina-Korean. Si Chairman Mhinn naman ay Korean talaga pero mas matagal siyang nag stay dito sa pinas kaysa sa korea. Mas safe kasi siya rito."
Bigla tuloy sumagi sa isip ko ang misyon. Sa yaman ng pamilya nila, hindi nga nakapagtataka na maraming magtangka sa buhay nila.
"How about you?" baling na tanong niya sakin.
"Pure Filipino si Dad. Filipina-Korean din si Mom. Pero nasa 1/4 lang ang korean blood ni Mom, so I guess nasa 1/8 lang 'yong amin ni Kuya Ash."
"Kaya pala may korean feature ka rin. Anyway, akyat tayo ro'n." Itinuro niya pa ang tore.
"Eh? Di ba nakakatakot?"
"Takot ka ba sa matataas?" Kemeng ngumuti ako.
"Hindi naman pero kasi sobrang taas na niyan."
May trauma kamu ako sa matataas dahil iyon sa kapalpakan ko nong nasa training stage pa lang ako sa pagiging agent. Kaya nga din limited lang ang misyon na ibinibigay sakin eh. Yong walang eksenang talonan ng building, ganern. Sila Marci lang ang kayang gumawa ng gano'n, kahit pa nga patawirin sila building to building gamit ang cord ay gagawin nila.
"Nandito naman ako eh. Tara na." Hinawakan niya ang kamay ko.
Para bang naramdaman ko na naman ang kiliti sa tiyan ko. Sa kanya ko lang ito nararamdaman eh, kay Jelo ay hindi naman. Tapos naku! May mga pink na paro-paro na naman.
Enebe Kenya?
Umakyat na nga kami. Mas humigpit ang kapit niya sa kamay ko. Napahawak na din ako sa laylayan ng damit niya nong nasa kalagitnaan na kami.
"Wag kang tumingin sa baba," aniya. Tumango na lang ako.
"Dail?"
"Hmmm?"
"May nakikita ka bang paro-paro?"
"Paro-paro? As in butterfly?"
"Yeah."
"Wala naman."
Ehmegesh! Minamaligno na ba ako? Ang dami kaya, pink pa nga eh.
"Why?"
Dagdag tanong niya.
"Wala naman," ani ko at itinikom na ang bibig.Nakahinga ako nang maluwag ng nasa taas na kami.
"Whaaa! Ang ganda!" sigaw ko pa at idinipa ang mga kamay ko at nilanghap ng bongga ang sariwang hangin. Para akong nasa outer space, nagpapalutang-lutang habang pinagmamasdan ang ganap sa mundong earth.
Napapitlag ako ng yinakap ako ni Dail mula sa likuran at ipinatong ang panga niya sa balikat ko.
"Pwede bang maglabas ng hinaing dito?"
"Oo naman."
"Makinig ka ha? Maglelet go ako."
"Ha?"
"Basta. Just listen."
"Okay."
Okay na lang kahit hindi naman na gets. Zsss!
"Jelo! I hate you! So damn! Sa dinami-dami ng babae na pwedeng ipalit sakin, bakit ang kaibigan ko pa?" Naramdaman ko ang sakit sa dibdib ko pero binalewala ko iyon.Nararamdaman ko na kailangan ko itong gawin, sa oras na ito at sa lugar na ito.
"Bakit mo nagawa 'yon ha? Haduf ka! Dahil lang ba tinanggihan kita sa gusto mong mangyari ha? Dahil ba hindi ko sayo ibinigay ang virginity ko?"
"Damn!" rinig kong mura niya.
Tuluyang nagsikawala ang luha ko. Pero alam mo yon? Nasasaktan ako pero partly ay may sayang nararamdaman sa ginagawa kong ito. Na nailalabas ko orally ang sama ng loob ko na matagal kong kinimkim. Tapos nandito pa ang tanong nasandalan ko nong mga panahong lugmok ako.
Okay, 'yong paro-paro nga pala, nawala na muna sila. Nagsitago dahil baka ramdam nilang nasa in pain mode ako.
"Gags ka! Alam mo ba 'yon ha? Minahal kita diba? Alam kung hindi ako nagkulang sayo! Lahat ng oras ko ay ibinigay ko sayo tapos ano? Gagagohin mo ako? Apakagaling mong haduf ka! Tsaka pwede namang iba na lang, wag lang si Rheanne! Best friend ko siya eh! Best friend nga ba? Ha! Niloko niyo ako!"
"Sinaktan niyo ako! Pero ni sorry ay 'di ko narinig mula sa bibig ninyo! Araw-araw ipinapamukha ninyo na sinasadya niyo talagang gawin akong tanga! Sana masaya na kayo sa ginawa niyo!" Pinahid ko ang luha ko. Naramdaman ko ang paghigpit ng yakap ni Dailann sa bewang ko.
"Kasi ako, sinimulan ko ng tanggapin na wala na talaga tayong pag-asa pa! Masakit, oo! Sobra dahil first love nga kita diba? Pero baka nga hindi tayo ang para sa isa't-isa. Salamat sa sakit! Salamat sa lahat! Kung masaya kayo, eh di sige! Masaya na din naman ako ngayon ah?! Hindi ko nga lang alam kung paano at bakit pero totoong masaya ang puso ko ngayon!" Napangiti ako. Oo, masaya ako ngayon with my stranger.
"Simula sa gabing ito, hindi na kita mamahalin pa! Hindi na kita iisipin pa! Wala ng Jelo sa buhay ko! Wala na! Binubwiset niyo lang ang mga paro-paro ko! Nawala na tuloy sila!" may halong biro kong saad. Narinig ko naman ang mahinang tawa ni Dailann.
Nakahinga ako nang maluwag. Para bang mawala ang sagabal sa paghinga ko at tila ba nabunutan ako ng daan-daang tinik sa dibdib.
Isang nakakabinging katahimikan ang namayani sa pagitan namin. Pareho kaming nakikiramdam. Siguro ay hindi niya din alam kung paano ako kakausapin after ng let-go scene ko.
"Dail."
"Ken?"
"Salamat."
"For?"
"Sa lahat-lahat."
"Basta napapasaya kita, ayos na sakin iyon." Napngiti ako at hinarap siya.
"Higit pa sa saya ang naibibigay mo sakin Dail. Kung hindi dahil sayo ay baka tuluyan na akong naglaslas." Dinutdot niya naman ang noo ko.
"Silly, anong laslas? Hindi iyon solusyon sa problema."
"Pero ending ng problem..."
Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko ng hinalikan niya na lang ako bigla. Dahil likas na nga sakin ang kalandian kahit patago lang ay tinugunan ko iyon.
Paatras kaming naglakad papunta sa upuan na nasa gitna ng kinaroroonan namin na ngayon ko lang din napansin. Umupo kami, no... nakakalong na nga pala ako sa kanya. Narinig ko ang pagbukas ng zipper ng pants niya pero distracted ako sa nakakalasing niyang halik.
Tumayo siya na buhat-buhat pa rin ako habang hindi busy pa rin ang bunganga naming pareho. Napahigpit na ang kawit ko sa leeg niya.
Lumaglag na lang sa sahig ang pang ibabang saplot ko at umupo ulit siya.
"S-trange-r," I whispered.
"Move," utos niya sakin.
"H-ow?" nahihiya ko pang tanong.
"Tsk. Up and down silly cat." At iginiya pa ako.
"Faster Miss."
Napakalandi Kenya ha? Well, ayos lang, patago naman eh. Our first meeting was we shared a wild night but I think, this is the wildest one indeed.
Yong paro-paro, andiyan na naman sila oh. Nanggugulo na naman.
"Stranger."
"Hmm?"
Stay with me please?
"Thanks." Kinintilan niya lang ako ng halik.
A random feelings hits me. Happy ako dahil kasama ko siya sa gabing ito, in pain dahil alam ko namang hindi madaling mag let go ng past, pero...
Natatakot ako sa nga unknown feelings na nararamdaman ko para sa taong kasama ko ngayon.
What if...
Mahulog ang loob ko sa kaya? Sasalohin niya pa rin kaya ako? O baka naman...
No, erase, it can't be Kenya. Lumandi ka lang muna pero bawal ka pang...
Magmahal ulit.
.
Chapter 7 Kenya Guieco "Kens!" "Yup?" nakangiti kong tugon kay Marci. Nasa FR lang kami now. Actually, these past days ay nagmumokmok lang ako lagi dito lalo kapag wala akong session. Hindi ko na rin nilalandi ang Chairman. Hiyang-hiya na ako sa kalandian ko. Alam mo 'yon? Iyong one day, mauupo ka sa isang sulok ng kwarto mo at mag-iisip. Tapos maiisip mo bigla yong mga pinagagawa mo nitong mga nakaraan tapos mapapatampal ka na lang sa noo mo dahil sa kahihiyan. Tsaka mo palang mare-realized kung ano ba ang pinaggagawa mo, like mapapasabi ka na lang din na... Damn! That was not so me! Minaligno lang ako sa mga panahong iyon kaya nagawa ko ang mga bagay na hindi ko dapat ginawa. Pero partly, nasasabi ko din naman na kung hindi ko iyon ginawa a
Chapter 8 Kenya Guieco "Ano nga ulit yong three general purposes kung bakit tayo nagbabasa?" tanong ni Marci kay Kendra. Ang Grade-11 na kapatid ni Lovimer na pinsan ko din. Kinuha yata na tutor si Marci ng isang ito. Pero minsan lang naman kapag malapit na ang exam. At kapag ganitong weekend. Nasa GC CS lang pala kami now. "To be informed, to be entertained and to be inspired. Am I correct?" "Yes. Very good. You must remember that some of the various types of reading are defined and classified according to purpose. According to this textbook, there are four types of reading..." "Wait, kanina purpose 'yon diba? Tapos ngayon ay Types? Kaibahan nun Ate?" See? Ito ang rason bakit kailangan ng batang ito ng guide kapag nagrereview. Hindi naman sa kulelat siya o utak alimasag pero m
Kenya Guieco"Stranger!" malakas na tili ko. As usual nasa tambayan ng mga umaasa kahit wala namang ng pag-asa ako.You know, at Narra.Naglalabas lang naman ako ng hinaing now. Bakit? Hindi ko rin alam. Ilang araw na kasi kaming di nagkikita and inaamin kong namimiss ko siya.Hindi kaharutan yon ah? Ewan. I just miss him. That's it."Pakita ka na!" sigaw ko ulit.Para na nga akong baliw eh.Puntahan ko kaya siya sa office niya? Eh? Nakakahiya naman. Di na nga ako pinapansin diba?Ewan! Nakakabaliw.Nakakagutom ding maging praning!At dahil nagutom ako, naglakad na lang akong papuntang canteen. Para na akong zombing naglalakad ah? Yong bang kahit sinong bumangga ay kakagatin ko kahit mukha namang lutang sa ere ang diwa.Hindi pa man ako tuluyan
Wildest Night With My Stranger Kenya Guieco "Damihan mo pa at lilipad ka sa ere Dail," bulong ko rito sa katabi ko. Nasa canteen kami as usual. Matapos kaming nag-usap ng masinsinan nong isang araw ay lagi na siyang nagpapakita sakin at hindi na rin siya umiiwas. Pero 'yon nga lang feeling ko kami ang talk of the town dahil nga lagi kaming magkasama rito at feeling sweet ang stranger na ito. Kagaya ngayon, siya naglalagay ng pagkain sa plato ko pero di ako natutuwa dahil parang bibitayin na ako maya-maya dahil sa dami. "Pumapayat ka na." "Sexy naman talaga ako." Napapalatak na naman siya. "Ehem!" untag sa amin ng haduf na Rheanne. Speaking of haduf, buong tropa ko ay kasama namin ngayon kaya nga nagbubulungan mode lang kami. "Bukod sa pagiging chairma
Wildest Night With My StrangerKenya Guieco"Kenya!" untag sakin ni Kenshane. Siniringan ko lang siya ng tingin at napabuntong-hininga.Baka mangulit na naman ang isang ito, wala pa naman ako sa mood. Actually, kanina pang umaga.Sinong magkakaroon ng mood kung ang haduf na stranger ay inanunsiyo sa buong MHIS ang panliligaw ek-ek niya sakin tapos makikita ko lang sila ni Lysine sa parking lot na kulang na lang langgamin dahil sa sobrang sweet. Tapos mukhang isang sasakyan lang din ang gamit nila.Ang galing. Napakagaling. Nakita nila ako kanina pero binalewala ko lang sila. Sakto naman kasi na may mga kasabayan kami kaya ayon, hindi na rin kami nagkausap pa.The fact na halos ilang araw din kaming hindi nagkaka matched ng schedule kaya hindi rin kami nagkakasama.Ewan, sobrang gulo ng set-up namin. Nakakawalang gana.
Kenya GuiecoAt dahil weekend, inaya ako ni Dail na makipagdate sa kanya.And then again dahil sa likas na sakin ang kalandian ay pumayag naman na ako. Tsaka isa pa, mission ko siya kaya may excuse din ako sa Kuya kong nag memenopause sakaling mahuli niya na naman kaming magkasama ni Dail. Maliit lang ang mundo kaya di tayo secured sa mga kakilala natin.Perfect timing kasi yon para mas makilala ko pa siya diba?Gumala lang naman kami. Kumain at nagliwaliw na naman. Nag kwentuhan din kami magdamag.Napag-alaman ko na five years na din pala siyang registered nurse sa South Korea and yong family nila ay pangalawa sa mayayamang pamilya doon.Oh diba? Bongga. Kaya naman ganun ka vulnerable ang mga Mhinn. Na kahit hanggang dito sa Pilipinas ay may humahabol pa rin sa kanila.Nalaman ko rin na hindi naman pala talaga blood r
Wildest Night With My StrangerKenya GuiecoAt dahil sa commotion kagabi ay nabulabog ang buong clan. Halos lahat kami ay walang maayos na tulog dahil sa nangyari sa magkapatid na Fretzel at Knacks.Junior agents kasi sila at medyo napurnada ang kanilang misyon. Sa ngayon ay under observation pa si Knacks and sad to say ay nasa kritikal na kondisyon pa rin si Fretzel.Lahat kami ay apektado at nanlumo sa nangyari. Lalo na nong makita namin kung paano humagohol ang ina ng dalawa.Nakakadurog puso talaga ang eksenang iyon. Buong laboratory team naman ay nagtulong-tulong na para mailigtas ang dalagita. Sana nga ay magawan agad nila ng paraan para bumuti na ang kalagayan ni Zel pati na si Knacks.Feel like wala akong kwentang heiress kasi umaasa lang ako sa mga agents. Kahit naman si Kuya ang pinaka boss dito but still, pantay pa rin kami ng obligasyon.
Wildest Night With My Stranger Kenya Guieco Pasado alas kwatro ng umaga ay gising na ako. Madami kasi kaming gingawa sa school eh. Tapos na ang exam and computing of grades na naman. Naligo na agad at nag-ayos ng sarili. inihanda ko na rin ang mga dadalhin ko sa school at lumabas na muna ng flat. Dumiretso na ako sa dining namin at mukhang kompleto na rin ang mga kasamahan ko sa MHIS. "Psstt!" sitsit pa ni Lovimer kay Crystal pero hindi man lang siya nilingon ng isa. Napadapo ang tingin ko kay Jeannie na ngayon ay wala ng emosyong mababasa sa mukha. My cousin Lovimer' is Jeannie's ex-boyfriend who happened to be Crystal ex-besfriend also. Noong mga panahong mag on pa ang dalawa ay si Crystal ang naging sumbungan ng pinsan ko kapag nagkakaproblema sila ni Jeannie. Kaya hindi ko lang talaga matantsa kun
GUIECO CLAN SERIES #1 WILDEST NIGHT WITH MY STRANGER #WNWMS #KENDAIL "Bakit nga pala kailangan nasa yate tayo?" nakangusong tanong ko kay Dail. Bahagya niya lang akong nilingon at ibinalik ang tingin sa malawak na karagatan. "Marunong ka bang lumangoy?" usisa niya rin. "Slight lang, bakit?" "Wala, tama nga sila Marci, wala ka ngang takas kung magkataon." Mas napabusangot ako. Pinagtutulungan nga ako ng mga haduf, zsss! Di ko alam kung ako ba ang katropa nila o ang stranger na ito. Mukha kasing siya ang kakampi nila eh. "Marci ka ng Marci, close na ba kayo?" Napasiring naman ulit siya ng tingin sakin. "Selos ka?" nang-aasar ang tono niya. "May dapat ba akong ikaselos?" "Wala." Kibit-balikat niyang sagot. "Wala nama
GUIECO CLAN SERIES #1WILDEST NIGHT WITH MY STRANGER#WNWMS#KENDAIL"Kenya!" tili ni Lacey. Napabalikwas naman ako ng bangon.Hindi kami pumasok kahapon dahil birthday niya at treat ko. Diba? Baliktad pero ayos lang naman sa akin. Pasalamat ko na rin iyon dahil sa tulong na naibigay niya sa akin. Sobrang natuwa rin siya sa regalo ko sa kanya."Ano ba 'yon?"Mukhang worried talaga siya ah? Nakakakaba tuloy. Babaeng talagang ito oh!"Remember, nag picture tayo kahapon?" panimula niya. Tumango naman ako. Wala naman akong amnesia para hindi maalala ang ganap namin kahapon eh."Pinost ko yon sa ig ko." Napataas-kilay naman ako. Sa dami ng followers niya malamang ay maraming na reached out ng post niya.May dapat ba akong ikabahala? Base sa ekspresyon ng mukha niya ay tila meron nga. Ano naman kaya?&nbs
GUIECO CLAN SERIES #1 WILDEST NIGHT WITH MY STRANGER #WNWMS #KENDAIL "Ma'am Lacey ito po pala si Handy, baguhan din po. Handy si Ma'am Lacey and Kenya," pakilala ni Charlotte sa babaeng katamtaman lang din naman ang tangkad, maganda ang hubog ng katawan at cute. Sa tingin ko ay nasa 19 or 20 palang ito. Ngumiti siya sa amin. "Hello po Ma'am Lacey, Ma'am Kenya." Natawa naman ako. "I'm sorry Handy pero hindi mo dapat ako mina-ma'am ah? Magkatrabaho lang tayo," ani ko. Mukhang hindi naman ito kumbinsido. "Hi Handy, first time mo ba sa work?" "Yes po." "Ah, sige Cha, ikaw na muna bahala sa kanya ah? Turuan mo na lang siya sa mga dapat niyang gawin." "Sige po Ma'am." "By the way, mauna na muna ako sa kitchen at mukhang ang daming pending na order, tutulungan ko na sila Chief Ga
GUIECO CLAN SERIES #1WILDEST NIGHT WITH MY STRANGER#WNWMS#KENDAIL"Alam mo, pwede ka pang magback-out, sa tingin ko kasi hindi mo talaga kakayanin ang trabaho roon," nag-aalalang saad ni Lacey.Kagabi hanggang kaninang umaga pa niya ako kinukumbinsi na 'wag ng magtrabaho pa sa pinagtatrabahuhan niya dahil nagwo-worry siya.Night shift siya kaya sabi ko i-night shift na lang din ako para naman magkasabay kami since hindi pa ako sanay sa ganito."Ano ka ba Lacey, kaya nga ita-try ko diba? Chill ka lang, pwede?" ntatawa kong saad dahil mukhang iwan na ang mukha niya."Eh? Paano kung malaman ng parents mo na ipinasok kita sa ganong trabaho? Baka makulong ako.""Kulong agad? Di ba pwedeng hearing muna? Well, trust me, kaya ko, kung hindi eh di umalis at maghanap ng ibang job. Actually, naka'restore pala lahat ng papers ko sa isang sys
GUIECO CLAN SERIES #1WILDEST NIGHT WITH MY STRANGER#WNWMS"Good news Kenya, tapos na namin ang lunas para tuluyang mawala ang lason sa katawan ng chairman. Though, halos kami ay nangarag at napuyat kagabi ay worth it naman," balita sakin ni Xandria. Tila ba lumukso ang puso ko sa aking narinig. Nasa dining ako ngayon with Kuya Ash and Percy.Hindi na muna ako pumasok sa school dahil lutang pa rin ang sistema ko. Hindi rin ako pinayagan ng Mom at Dad. Sila na raw ang bahalang magsabi sa pamilya ni Dail.Tungkol sa may pakana ng lahat ay pinipilit pa rin nilang pagsalitain ang mga bihag namin pero ayaw daw talaga pang magsalita. Mapapaamin ko rin sila. Hindi pwedeng hindi."Really? So, magiging okay na ba siya? Magigising na siya after niyong iturok sa kanya ang gamot na sinasabi mo?" Nag-iba naman ang timpla ng mukha niya. Kinabahan na naman ako."No.
GUIECO CLAN SERIES #1WILDEST NIGHT WITH MY STRANGERKenya GuiecoWhile on the way to Mhinn's mansion ay abot-abot rin ang kabang naramdaman ko. Kung maaga ko bang nalaman ang hidden part ng death threat na iyon hindi manganganib si Dail ngayon?Malamang sa malamang ay oo. Mas mapaghahandaan namin ang pagkakataong ito. Pero wala eh, sadyang ipinanganak at lumaki akong tanga at walang kwenta sa mundong ito!8:57 PM ang eksaktong dating namin. Three minutes left. Halos tumalon ako pababa ng sasakyan ko ng makarating ako sa harap ng mansiyon ng Mhinn."Be careful and watch out Kenya," sabay-sabay nilang paalala sa akin. Halos sabay-sabay din kami nina Marci at Gab na nakarating."Sigurado ba kayo sa speculation niyo? Mukhang ang tahimik naman at walang kakaiba," tanong ni Shines."Yes. Sigurado kami. Tsaka hindi lahat ng kalaban
Kenya Guieco "Good afternoon, Chairman!" bati ng lahat sa lalaking kakapasok palang sa FR. Bahagya pa akong napaangat ng tingin. Anong ginagawa ng haduf na ito rito. Manggugulo na naman? Kaya wala ako laging peace of mind dahil sa kanya. Laging naka buntot. "Good afternoon," tipid niyang saad tsaka dumiretso sa kinaroroonan ko. Narinig ko pa ang 'ayie' ng mga kasamahan ko pero binalewala ko lang. Ka-text ko kasi si Percy. "Good afternoon sweetie," bulong niya sakin at umupo sa harapan ko mismo. Di ko na alam kung saan niya nahigit ang upuan na inuupuan niya. "Good afternoon," tipid kong saad na hindi man lang siya siniringan ng tingin. Hindi naman sa nagsasawa ako sa mukha niya pero kasi lately naging makulit na siya. Lumalabas na ang kahadufan niya sa katawan. Minsan nakakainis siya na na
Kenya Guieco"Marci! My God Marci!" nate-tense ko pang saad at buti na lang at pinuntahan ako nina Marci and Rheanne Taylor.Yes, imbitado siya sa dinner namin with Stranger and his family. Basta sobrang kaba ang nararamdaman ko ngayon. Though, alam ko naman na mabait si Pres. Dawn and gano'n din ang mga parent ko at may chance na magkakasundo sila.First encounter lang din nila ito kung magkataon. Wala pa akong nababanggit kina Mom tungkol sa family ni Dail eh."Relax, okay? Breathe in, breathe out," natatawa pang saad ni Taylor."Eh sa kinakabahan ako eh," ungot ko."Kinakabahan ka ba talaga?" paninigurado pa ni Marci."Oo nga.""Eh 'di wag kang sumipot," binatukan ko naman siya."Aray! Makabatok, wagas ah?""Hindi ka kasi nakakatulong pwend eh! Alam mo 'yon?"
Kenya GuiecoMasaya ako dahil buong puso namang tinanggap ni Dail kung anong klaseng mundo talaga meron ako at ang pamilya ko. Masaya ako dahil buong ako ko ay magkakaroon oa muna ng dramahan bago niya matanggap iyon pero nagkamali ako ng iniisip.Nasabi niya sa akin na may kakaiba na rin daw talaga siyang naramdaman about me mula nong iligtas ko siya sa parking lot. Bukod doon ay napaka-private at limitado lang din daw ng mga information na nakukuha niya sa system ng MHIS patungkol sa amin.Kaya hindi na siya nagulat nang sabihin ng Kuya ko ang tungkol sa GC. Yes, si Kuya kong malandi rin naman ang nangbuking sa sekreto namin kay Dail.Pero imbes na magalit ay nagpasalamat pa nga ako dahil isa lang ang ibig sabihin niyon, may tiwala sila kay Dailann. Si Jelo nga ay hanggang ngayon ay wala pa rin siyang alam eh.Tahimik lang ako na bumaba sa sasakyan ko. Nasa parkin