Wildest Night With My Stranger
Kenya Guieco
At dahil sa commotion kagabi ay nabulabog ang buong clan. Halos lahat kami ay walang maayos na tulog dahil sa nangyari sa magkapatid na Fretzel at Knacks.
Junior agents kasi sila at medyo napurnada ang kanilang misyon. Sa ngayon ay under observation pa si Knacks and sad to say ay nasa kritikal na kondisyon pa rin si Fretzel.
Lahat kami ay apektado at nanlumo sa nangyari. Lalo na nong makita namin kung paano humagohol ang ina ng dalawa.
Nakakadurog puso talaga ang eksenang iyon. Buong laboratory team naman ay nagtulong-tulong na para mailigtas ang dalagita. Sana nga ay magawan agad nila ng paraan para bumuti na ang kalagayan ni Zel pati na si Knacks.
Feel like wala akong kwentang heiress kasi umaasa lang ako sa mga agents. Kahit naman si Kuya ang pinaka boss dito but still, pantay pa rin kami ng obligasyon.
Wildest Night With My Stranger Kenya Guieco Pasado alas kwatro ng umaga ay gising na ako. Madami kasi kaming gingawa sa school eh. Tapos na ang exam and computing of grades na naman. Naligo na agad at nag-ayos ng sarili. inihanda ko na rin ang mga dadalhin ko sa school at lumabas na muna ng flat. Dumiretso na ako sa dining namin at mukhang kompleto na rin ang mga kasamahan ko sa MHIS. "Psstt!" sitsit pa ni Lovimer kay Crystal pero hindi man lang siya nilingon ng isa. Napadapo ang tingin ko kay Jeannie na ngayon ay wala ng emosyong mababasa sa mukha. My cousin Lovimer' is Jeannie's ex-boyfriend who happened to be Crystal ex-besfriend also. Noong mga panahong mag on pa ang dalawa ay si Crystal ang naging sumbungan ng pinsan ko kapag nagkakaproblema sila ni Jeannie. Kaya hindi ko lang talaga matantsa kun
Wildest Night With My Stranger Kenya Guieco Napabalikwas ako ng bangon ng maramdaman ang sikat ng araw na tumatama sa mukha ko mula sa open window ng flat ko. It's only mean one thing, tanghaling tapat na pero tulog pa rin ang diwa ko. Kinabahan ako dahil kabilin-bilinan pa naman ng Director ng school na si Zacharie sa amin kahapon na 'wag papa-late ngayon. At kung ano ang rason ay di ko alam. Napatingin ako sa wall clock. Almost seven a.m na for heaven's sake! Nagkukumahog ako na pumasok sa bathroom and naligo. Ang isang oras kong paligo ay minuto na lang siguro, kung pwede ngang seconds lang ay ginawa ko na. Paglabas ko ay dinampot ko agad ang suklay at sinuklay ang buhok ko habang naghahalungkat ng uniform sa closet ko. Okay Kenya, multitasker ang peg mo ngayon. Napasarap kasi ang tulog ko eh. The fact na mga 8:00 p.m palang kagab
Wildest Night With My Stranger Kenya Guieco "Kenya!" Isang matinis na sigaw ang pumaimbabaw sa loob ng flat ko pero nanatili akong nakahilata. Imbes na bumangon ay tinakpan ko ng unan ang tenga ko. "Kenya ano ba? Late ka na naman mamaya!" bulyaw ni Kenshane sakin. Pasimple kong inimulat ang mata ko at isiniring iyon sa open window ko. Susme! Nababaliw ako sa kanila. Ang dilim-dilim pa eh! Paano ako mali-late? Bakit? Alas-tres ng madaling araw na ba ang pasok ngayon? "Hmm... Antok pa po ako eh," ungot ko. "Po?" maang saad nito sabay tawa. "Haduf ka, bwiset! Tumayo ka diyan at maligo! Si Stranger mo nasa labas..." Agad naman na napabalikwas ako ng bangon. Tapos kasabay no'n ay ang sabay-sabay na hagalpakan. Hindi lang pala si Kenshane ang nandito kundi maging si Marci, Gab at Shines
Kenya Guieco Tahimik na naglalakad lang ako sa campus. Paikot-ikot lang naman ako sa Open Field habang nag-iiisip na naman. Hindi ko din alam bakit kanina pa kusang ang play sa utak ko 'yong kanta ni Sarah G na 'How could you say you love me'. Tapos kapag nawala naman na 'yon, papalit yong kanta naman ni Angeline Quinto na 'Nag-iisa lang'. Hindi ko alam kong nababaliw na ba talaga ako o sadyang nababaliw na talaga. Zsss! Ako pa lang yata ang nakakaalam na fiancée siya si Dean Havana eh. O baka nga wala talaga silang balak ipaalam sa lahat. Eh paano yong kasal? Secret marriage, ganon? Romeo and Juliet lang? Well, sana nga ganon ng wala rin silang happy ending. Ilang araw din akong umiwas sa kanila. Iyong isang kilometro pa ang layo nila sakin ay lumilihis agad ako ng landas. Tapos kapag signing up naman sa attendance, nas
Kenya Guieco Nakapangalumbaba lang ako habang nakaupo sa loob ng conference room. Iba naman itong conference room na ito kaysa doon sa another conference room kapag may bisita ang MHIS. Dito kasi may mahabang mesa kung saan maghaharap-harap kaming mga teacher tapos 'yong other Conference naman ay mga upuan lang tsaka may stage. Basta 'yon na iyon. Puro lang kami High School teachers and lecturers ang nandidito. Ewan, may ibibigay daw eh related sa celebration ng Valentines. Masyado na ngang late eh. Monday ngayon and sabado pa 'yong Valentines, sana Friday nila ibinigay diba? Para naman dama. Tsk. Kayo na nga lang bibigyan Kenya, puro reklamo ka pa. Isa pa, mukhang hindi ko na kailangang hulaan kung ano iyon dahil nagsisimula ng ibigay 'yong bouquet ng flowers sa mga babae at paper bag naman sa mga lalaki. Ang ganda ng
Kenya Guieco "Kens, kanina ka pa lutang diyan huh? Ano ba problem mo ha?" usisa sakin ni Marci. Nasa GaMa CS kami na nasa loob lang naman ng GC Mall at pagmamay-ari nila ni Gab. Ga is for Gab and Ma is for Marci. "Ano ba problem mo bebe? Money? Shelter? Food? O lalaki?" alaska pa sakin ni Gab "Mayaman 'yan kaya hindi niya kailangan 'yong three basic needs. Ang kailangan niya ay 'yong pang-apat na pangangailangan." Bunganga talaga ng Kenshane na ito oh. Lately, mukhang mas naging makulit siya kay Faller ah? "Kenya! Magsalita ka naman aba!" asik ni Jeannie. "Oo nga Miss Guieco!" dugtong ni Crys. Mga haduf. Parang ayaw talaga nila akong bigyan ng peace of mind ah? Porke't tahimik may problema na? Di ba pwedeng tinatamad lang ako magsalita dahil may iniisip lang na bagay pero hindi nam
Kenya Guieco Walang katok-katok na pumasok ako sa office ni Dailann. Ilang araw ko rin siyang hindi nakita. Ilang araw ko siyang iniwasan at tiniis na hindi makausap kahit panay ang tawag at text niya sa akin. I even blocked him. Pero alam mo 'yon? Kahit anong pilit kong isaksak sa kukuti ko na hindi ko siya dapat patuloy na mahalin dahil sa nagawa niyang kasamaan kay Havana. Dahil sa pagsinungaling niya. Dahil sa lahat lahat ng sakit na paulit-ulit kong nararamdaman dahil sa kanya. Nangingibabaw pa rin talaga siya sa puso ko. Mahal ko pa rin siya sa kabila ng kahadufan niya. Tsaka sinabi ko na hindi dapat si Havana ang ginantihan niya dahil hindi naman ang dalaga ang may kasalanan. Same as... Hindi rin ako dapat magalit sa kanya dahil hindi naman ako ang ginawan niya ng gano'n. Yong tungkol sa paggamit niya sa akin para masaktan 'yong isa... Well,
Kenya Guieco"Marci, my pwend!" sigaw ko bago pa ako tuluyang makapasok sa flat niya. Nakaawang kasi kaya naman naisipan ko na rin na dumaan."Jusko Marimar Kens! Aatakihin ako sayo sa puso eh," ungot niya. Nagpeace sign lang ako.Masyado ako ngayong hyper dahil wala lang. Masaya lang ako sa buhay ko ngayon."Ito naman. Ang laki nga talaga ng flat mo Madam ah? Mukhang pang-tatlohan na ito ah?""Sus, liit pa nga eh.""What? Jusko Marci, ang laki na neto oh. Di ka ba nabo-bore dito? Ang lawak tapos wala naman masyadong gamit.""Hindi naman. Mas boring kapag wala na ngang masyadong gamit pero ang sikip pa rin. Tsaka wait nga, himalang nagawi ka rito? Anong nakain mo?""Bakit? Masama ba ha? Masaya lang ako and nasa mood na gumala at manggulo. That's it my pwend.""Ah, sana all masaya at sana all
GUIECO CLAN SERIES #1 WILDEST NIGHT WITH MY STRANGER #WNWMS #KENDAIL "Bakit nga pala kailangan nasa yate tayo?" nakangusong tanong ko kay Dail. Bahagya niya lang akong nilingon at ibinalik ang tingin sa malawak na karagatan. "Marunong ka bang lumangoy?" usisa niya rin. "Slight lang, bakit?" "Wala, tama nga sila Marci, wala ka ngang takas kung magkataon." Mas napabusangot ako. Pinagtutulungan nga ako ng mga haduf, zsss! Di ko alam kung ako ba ang katropa nila o ang stranger na ito. Mukha kasing siya ang kakampi nila eh. "Marci ka ng Marci, close na ba kayo?" Napasiring naman ulit siya ng tingin sakin. "Selos ka?" nang-aasar ang tono niya. "May dapat ba akong ikaselos?" "Wala." Kibit-balikat niyang sagot. "Wala nama
GUIECO CLAN SERIES #1WILDEST NIGHT WITH MY STRANGER#WNWMS#KENDAIL"Kenya!" tili ni Lacey. Napabalikwas naman ako ng bangon.Hindi kami pumasok kahapon dahil birthday niya at treat ko. Diba? Baliktad pero ayos lang naman sa akin. Pasalamat ko na rin iyon dahil sa tulong na naibigay niya sa akin. Sobrang natuwa rin siya sa regalo ko sa kanya."Ano ba 'yon?"Mukhang worried talaga siya ah? Nakakakaba tuloy. Babaeng talagang ito oh!"Remember, nag picture tayo kahapon?" panimula niya. Tumango naman ako. Wala naman akong amnesia para hindi maalala ang ganap namin kahapon eh."Pinost ko yon sa ig ko." Napataas-kilay naman ako. Sa dami ng followers niya malamang ay maraming na reached out ng post niya.May dapat ba akong ikabahala? Base sa ekspresyon ng mukha niya ay tila meron nga. Ano naman kaya?&nbs
GUIECO CLAN SERIES #1 WILDEST NIGHT WITH MY STRANGER #WNWMS #KENDAIL "Ma'am Lacey ito po pala si Handy, baguhan din po. Handy si Ma'am Lacey and Kenya," pakilala ni Charlotte sa babaeng katamtaman lang din naman ang tangkad, maganda ang hubog ng katawan at cute. Sa tingin ko ay nasa 19 or 20 palang ito. Ngumiti siya sa amin. "Hello po Ma'am Lacey, Ma'am Kenya." Natawa naman ako. "I'm sorry Handy pero hindi mo dapat ako mina-ma'am ah? Magkatrabaho lang tayo," ani ko. Mukhang hindi naman ito kumbinsido. "Hi Handy, first time mo ba sa work?" "Yes po." "Ah, sige Cha, ikaw na muna bahala sa kanya ah? Turuan mo na lang siya sa mga dapat niyang gawin." "Sige po Ma'am." "By the way, mauna na muna ako sa kitchen at mukhang ang daming pending na order, tutulungan ko na sila Chief Ga
GUIECO CLAN SERIES #1WILDEST NIGHT WITH MY STRANGER#WNWMS#KENDAIL"Alam mo, pwede ka pang magback-out, sa tingin ko kasi hindi mo talaga kakayanin ang trabaho roon," nag-aalalang saad ni Lacey.Kagabi hanggang kaninang umaga pa niya ako kinukumbinsi na 'wag ng magtrabaho pa sa pinagtatrabahuhan niya dahil nagwo-worry siya.Night shift siya kaya sabi ko i-night shift na lang din ako para naman magkasabay kami since hindi pa ako sanay sa ganito."Ano ka ba Lacey, kaya nga ita-try ko diba? Chill ka lang, pwede?" ntatawa kong saad dahil mukhang iwan na ang mukha niya."Eh? Paano kung malaman ng parents mo na ipinasok kita sa ganong trabaho? Baka makulong ako.""Kulong agad? Di ba pwedeng hearing muna? Well, trust me, kaya ko, kung hindi eh di umalis at maghanap ng ibang job. Actually, naka'restore pala lahat ng papers ko sa isang sys
GUIECO CLAN SERIES #1WILDEST NIGHT WITH MY STRANGER#WNWMS"Good news Kenya, tapos na namin ang lunas para tuluyang mawala ang lason sa katawan ng chairman. Though, halos kami ay nangarag at napuyat kagabi ay worth it naman," balita sakin ni Xandria. Tila ba lumukso ang puso ko sa aking narinig. Nasa dining ako ngayon with Kuya Ash and Percy.Hindi na muna ako pumasok sa school dahil lutang pa rin ang sistema ko. Hindi rin ako pinayagan ng Mom at Dad. Sila na raw ang bahalang magsabi sa pamilya ni Dail.Tungkol sa may pakana ng lahat ay pinipilit pa rin nilang pagsalitain ang mga bihag namin pero ayaw daw talaga pang magsalita. Mapapaamin ko rin sila. Hindi pwedeng hindi."Really? So, magiging okay na ba siya? Magigising na siya after niyong iturok sa kanya ang gamot na sinasabi mo?" Nag-iba naman ang timpla ng mukha niya. Kinabahan na naman ako."No.
GUIECO CLAN SERIES #1WILDEST NIGHT WITH MY STRANGERKenya GuiecoWhile on the way to Mhinn's mansion ay abot-abot rin ang kabang naramdaman ko. Kung maaga ko bang nalaman ang hidden part ng death threat na iyon hindi manganganib si Dail ngayon?Malamang sa malamang ay oo. Mas mapaghahandaan namin ang pagkakataong ito. Pero wala eh, sadyang ipinanganak at lumaki akong tanga at walang kwenta sa mundong ito!8:57 PM ang eksaktong dating namin. Three minutes left. Halos tumalon ako pababa ng sasakyan ko ng makarating ako sa harap ng mansiyon ng Mhinn."Be careful and watch out Kenya," sabay-sabay nilang paalala sa akin. Halos sabay-sabay din kami nina Marci at Gab na nakarating."Sigurado ba kayo sa speculation niyo? Mukhang ang tahimik naman at walang kakaiba," tanong ni Shines."Yes. Sigurado kami. Tsaka hindi lahat ng kalaban
Kenya Guieco "Good afternoon, Chairman!" bati ng lahat sa lalaking kakapasok palang sa FR. Bahagya pa akong napaangat ng tingin. Anong ginagawa ng haduf na ito rito. Manggugulo na naman? Kaya wala ako laging peace of mind dahil sa kanya. Laging naka buntot. "Good afternoon," tipid niyang saad tsaka dumiretso sa kinaroroonan ko. Narinig ko pa ang 'ayie' ng mga kasamahan ko pero binalewala ko lang. Ka-text ko kasi si Percy. "Good afternoon sweetie," bulong niya sakin at umupo sa harapan ko mismo. Di ko na alam kung saan niya nahigit ang upuan na inuupuan niya. "Good afternoon," tipid kong saad na hindi man lang siya siniringan ng tingin. Hindi naman sa nagsasawa ako sa mukha niya pero kasi lately naging makulit na siya. Lumalabas na ang kahadufan niya sa katawan. Minsan nakakainis siya na na
Kenya Guieco"Marci! My God Marci!" nate-tense ko pang saad at buti na lang at pinuntahan ako nina Marci and Rheanne Taylor.Yes, imbitado siya sa dinner namin with Stranger and his family. Basta sobrang kaba ang nararamdaman ko ngayon. Though, alam ko naman na mabait si Pres. Dawn and gano'n din ang mga parent ko at may chance na magkakasundo sila.First encounter lang din nila ito kung magkataon. Wala pa akong nababanggit kina Mom tungkol sa family ni Dail eh."Relax, okay? Breathe in, breathe out," natatawa pang saad ni Taylor."Eh sa kinakabahan ako eh," ungot ko."Kinakabahan ka ba talaga?" paninigurado pa ni Marci."Oo nga.""Eh 'di wag kang sumipot," binatukan ko naman siya."Aray! Makabatok, wagas ah?""Hindi ka kasi nakakatulong pwend eh! Alam mo 'yon?"
Kenya GuiecoMasaya ako dahil buong puso namang tinanggap ni Dail kung anong klaseng mundo talaga meron ako at ang pamilya ko. Masaya ako dahil buong ako ko ay magkakaroon oa muna ng dramahan bago niya matanggap iyon pero nagkamali ako ng iniisip.Nasabi niya sa akin na may kakaiba na rin daw talaga siyang naramdaman about me mula nong iligtas ko siya sa parking lot. Bukod doon ay napaka-private at limitado lang din daw ng mga information na nakukuha niya sa system ng MHIS patungkol sa amin.Kaya hindi na siya nagulat nang sabihin ng Kuya ko ang tungkol sa GC. Yes, si Kuya kong malandi rin naman ang nangbuking sa sekreto namin kay Dail.Pero imbes na magalit ay nagpasalamat pa nga ako dahil isa lang ang ibig sabihin niyon, may tiwala sila kay Dailann. Si Jelo nga ay hanggang ngayon ay wala pa rin siyang alam eh.Tahimik lang ako na bumaba sa sasakyan ko. Nasa parkin