THIRD PERSON Mahigit kalahating oras na ang nakalipas simula noong lumabas sa kwarto si Izon at hindi pa din dinadalaw ng antok si Azalea. Lahat na yata ng paraan para makatulog ay ginawa na niya, pero hindi pa din tumalab. Tumambling sa kama, nagpagulong-gulong at nagbilang ng mga tupa habang nakatitig sa kisame, pero ni isa ay walang umobra. Inis niyang tinanggal ang pagkakatalukbong ng comforter, saka napabangon. “Mag-aalas kwatro na,” sambit niya pagka-check niya sa oras sa cellphone niyang naka-charge malapit sa bedside table. Nakaramdam siya ng pagkauhaw kaya tumayo siya at naglakad palabas ng kwarto. Dumiretso siya sa kusina at kinuha ang pitsel sa loob ng ref para magsalin ng tubig sa baso. Pagkatapos niyang uminom, napadako ang kanyang paningin sa sala. “Ba't gising ka pa?” tanong niya nang makita si Izon na kasalukuyang abala sa pagtitipa sa laptop. “I'm waiting for my secretary. I told him to pick up some stuff you’ll need while you’re staying here,” Mabagal ang mg
THIRD PERSON Dahan-dahang iminulat ni Azalea ang kanyang mga mata nang maramdaman niyang natatamaan siya ng sinag ng araw mula sa bintana ng kwarto. Nag-unat siya ng kanyang braso at sinamahan pa ng kaunting paghikab. Nang tuluyan na siyang magising, iginala niya ang kanyang paningin at napagtantong wala pala siya sa sarili nitong kwarto. Saka niya lang din naalala ang nangyari bago siya nilamon ng antok kaninang madaling araw. Napasilip siya sa ilalim ng comforter para i-check kung suot niya pa din ba ang damit, at parang nabunutan siya ng tinik sa lalamunan nang makitang pareho pa din ang damit na suot niya bago siya nakatulog. “Binuhat niya kaya ako?” napatanong siya sa kanyang sarili habang sapo-sapo ang noo. Nagtataka siya kung bakit nandito siya ngayon sa kama gayong sa sahig naman siya nakatulog kanina. Napabaling siya sa bedside table at nakita ang cellphone niya. Kaagad niya itong kinuha at tinignan ang oras. Mag-aalas dose na ng tanghali. Maya-maya’y nakarinig s
THIRD PERSON The last rays of sun slanted through the cafe windows, casting a warm glow on the worn wooden tables. “Now, what's your plan?” tanong ni Nixel habang hindi inaalis ang tingin sa tatlong bagay na nakapatong sa table nila. “Honesty, I haven't imagined to be in this kind of situation,” kagaya kay Nixel, tulala lang ding nakatingin si Azalea sa tinititigan ng kaibigan niya. F L A S H B A C K “Here's your key card para sa bago mong tutuluyan,” inabot ni Mister Nicolaus kay Azalea ang key card ng isa sa mga condo sa Imperial Suites, na pagmamay-ari ng pamilya nila. “I heard, na nangungupahan ka lang. Knowing this would greatly distress your grandfather at ayokong mangyari 'yon.” He added. Saglit na napabaling si Azalea sa kaibigan niya na nasa kabilang sofa, na ilang metro ang distansya nito sa kanila. Kitang-kita niya din dito ang pagkamangha and even Nixel couldn't believe sa nasasaksihan niya ngayon. “I also got your car ready,” sunod na ipinatong ni Mister N
THIRD PERSONMABILIS NA TINUNGO ni Azalea ang condo ni Izon at wala pang halos kalahating oras nang marating niya ito. Hindi niya maintindihan ang sarili kung bakit siya nagmamadaling kitain ang binata na para bang nasasabik siya itong makita gayong kaninang umaga pa lang naman ang huli nilang pagkikita.Alam niya ang passcode sa condo ni Izon dahil pinagbigay alam nito sa kanya kanina, kaya kaagad siyang nakapasok at tumambad sa kanya ang mga nagkalat na bote ng alak sa sahig. Nang mapadako ang kanyang paningin sa sofa, doon niya nakitang payapang natutulog si Izon. Mukhang nakatulugan nito ang pag-inom sa alak.His dark suit, a symbol of his professional life, was now a crumpled testament to a day gone wrong. The jacket lay open, revealing a rumpled shirt and loosened tie, the formality of his attire is completely undone. His hair, normally meticulously styled, was disheveled, falling across his forehead. One shoe lay discarded on the floor, the other lost somewhere beneath him. He
THIRD PERSON Azalea slowly opened her eyes, the sun rays, warm and gentle, painting stripes across her face through the glass door. She stretched languidly, the crisp sheets whispering against her skin as she sat up. Iginala niya ang kaniyang paningin at napagtantong nandito na naman siya sa kwarto ni Izon. “Anong ginagawa ko dito?” napatanong na lang siya sa kaniyang sarili nang maalala na sa sofa siya nakatulog kagabi katabi si Izon. Possible bang binuhat siya nito kagabi? But he was drunk!? Kinukusot ang mga matang bumaba siya sa kama at lumabas ng kwarto. Dumiretso siya sa kusina sa pagbabasakaling makita niya si Izon at hindi nga siya nagkakamali dahil nakita niya itong abala sa paghahanda ng agahan. “Good morning,” masiglang bati nito sa kaniya. “Breakfast is ready,” dagdag pa nito at saktong patapos na din ito sa paglilinis ng mga pinanggamitan sa pagluluto. Nagtataka man, pero napaupo na lang din siya sa dining chair at hinintay na matapos si Izon. Hindi sila nagkausap n
THIRD PERSON“Call me as soon as your class ends. I’ll be fetching you,” paalala ni Izon kay Azalea at sinagot naman siya nito ng simpleng pagtango bago lumabas ng kotse.Sinundan siya ni Izon ng tingin hanggang sa tuluyan itong makapasok sa gate ng eskwelahan. Nang hindi na niya ito matanaw, kaagad niyang denial ang numero ng kanyang kapatid na si Izzah.[Hello? Where were you? Kanina pa kita hinihintay dito,] batid ang pagkabagot sa boses nito.“I’m coming. May dinaanan lang ako,” he then ended the call and started to maneuver the car.Makalipas ang ilang minuto, narating niya ang kanyang destinasyon. Malapit lang din naman ang coffee shop sa eskwelahan na pinapasukan ni Azalea.“Here!” tawag sa kanya ng kapatid niya pagkapasok niya sa loob. “You told me not to be late, pero ikaw naman ‘tong late,” pagmamaktol ng kapatid.Umupo siya sa kaharap nitong upuan at tinawag ang waitress. “Could you get me a Doppio Espresso Macchiato with hot milk on the side?” bumaling siya sa kapatid, “Wh
THIRD PERSON“Are you sure you’re not coming with me?” kanina pa pinipilit ni Izzah si Izon na sumama sa kanya at puntahan ang ama nila para kausapin, kaso makailang beses na ding umayaw si Izon.“Ivan will be here in a minute,” he said, declining her offer. “Just look after the company. Besides, I won’t be gone for too long. Gusto ko lang bigyan ng leksyon ang matandang ‘yon.” he added, referring to his Dad.“He’s still your Dad. Show some respect atleast,” suway ng kapatid pero umiwas lang siya ng tingin. “Feel free to give me a call if ever you need my help,” usal pa nito bago ito tuluyang nagpaalam.Izon just shook his head. Tingin talaga sa kanya ng kapatid niya ay parang batang laging may nakaalalay sa likod. They’re not that close though she’s always like that kahit pa noong mga bata pa lamang sila.“No need to worry about me. I’d handle this myself,” he mumbled before putting back his sister’s number in his blacklist.Sigurado siyang pagkatapos ng pag-uusap nila ngayon, mangun
AZALEA“Kanina ka pa ba naghihintay?” tanong ni Izon pagkaupo ko sa passenger’s seat.“Hindi naman,” pagsisinungaling ko habang inaayos ang seatbelt.Sa totoo lang, kanina pa ‘ko naghihintay sa waiting shed sa labas ng campus, kaso ayoko namang sabihin ‘yon sa kanya dahil baka maguilty siya.“Gusto mo bang kumain muna tayo bago umuwi sa condo?” tanong pa niya dahilan para bigla akong mamula.Bago umuwi sa condo? Para lang ‘yan sa mga mag-asawa e. Hindi ko alam kung kinikilig ba ako o ewan. Basta, kung pwede lang tumili, baka kanina pa kami nabingi dito dahil sa boses ko.Hindi ko mapigilang kagatin ang ibabang bahagi ng labi ko saka bumaling ng tingin sa labas ng bintana.“Hey? Ayaw mo ba?” pukaw niya sa atensyon ko at bahagya naman akong napatingin sa kanya. Nagsisimula na din siyang magdrive. “What’s wrong? Ayos lang ba ang pakiramdam mo?” sunod niyang tanong na ikinakunot ng noo ko. “Namumula ka. May masakit ba sayo?”Napatampal ako sa sariling noo saka napapikit nang mariin. Masya
THIRD PERSONWalang salitang namutawi mula sa labi ni Azalea habang sakay sila ng itim na SUV na dumaan sa isang pribadong daan papunta sa Villa Magallon.Sa buong biyahe, naroon lang siya sa sulok ng likurang upuan, nakatingin sa bintana, tahimik na pinagmamasdan ang mga taniman, punong kahoy, at mga bakod na tila palatandaan ng limitadong mundo ng mga taong may kapangyarihan.Hindi pa din siya makapaniwala na nangyayari ito ngayon sa kanya. Dati lang ay hirap na hirap siyang maka-survive sa pang-araw araw, pero ngayon… tila ba’y nasa isang magandang panaginip siya.Pagdating nila sa harap ng gate, awtomatikong bumukas ito. May mga tauhang nakaitim na uniporme ang nagbigay-galang habang dahan-dahang pumapasok ang sasakyan sa mahabang driveway.“You okay?” tanong ni Mister Nicolaus mula sa passenger seat.Tumango siya, kahit hindi siya sigurado kung totoo.Pagbaba ng kotse, tila bumigat ang hangin sa paligid. Ang Villa ay mas malaki kaysa sa na-imagine niya—isang mansyon na tila kinop
THIRD PERSONDAPIT-HAPON na nang maihatid ni Izon si Azalea sa Imperial Suites. Tahimik ang buong byahe nila at walang gustong umimik. Tila ba’y sapat na ang pag-uusap nila kanina para bigyan ng katahimikan ang isa’t isa.Napalapit na ang loob ni Azalea kay Izon—mas higit pa sa inaasahan niya. Pero alam nilang pareho na sa puntong ito, wala na silang magagawa. May hangganan ang papel ni Izon sa buhay niya. At sa mga oras na ‘to, tanggap niya.“I promise to contact you if everything goes according to plan,” paninigurado ni Izon. Nandito sila ngayon sa labas ng unit ni Azalea.She gave him a faint, bittersweet smile while slowly shaking her head. “You don’t have to.”Tumindig siya ng tuwid, kahit nanlalambot na ang loob. “I’ll be okay, Izon.”Tinalikuran niya ang binata saka pumasok sa unit. “Safe drive,” she muttered, barely audible, bago isinara ang pinto at sinandalan ito saglit.Sinabi sa kanya ni Izon kanina na may plano silang dalawa ni Samantha para hindi matuloy ang kasal. Hindi
THIRD PERSONPASADO ALAS DOSE na ng tanghali. Dahan-dahang iminulat ni Azalea ang mga mata, at unang bumungad sa kanya ang kisame. Tahimik at walang kahit na anong ingay ang buong silid.Iginala niya ang kanyang pangingin, ngunit walang katao-tao ang loob ng kwarto maliban sa kanya. Ultimong bakas ng lalaking nagdala dito sa kanya kagabi at nagbantay sa kanya buong magdamag ay wala din.Muling nag-flashback sa kanya ang nangyari kagabi. Takot na takot siya at hindi alam ang gagawin sa mga oras na ‘yon. Akala niya ay tuluyan na siyang mapapahamak matapos siyang ipagbenta ng kapatid niya, at hindi niya inaakalang magtatagpo muli ang landas nila ni Izon at ito pa ang nagligtas sa kanya.Napapikit siya nang mariin saka marahang bumaba ng kama. Hinanap ng mga mata niya ang bathroom para makapaghilamos. Binuksan niya ito at bumungad sa kanya ang salaming kaharap ng sink. Lumapit siya dito at pinakatitigan ang sarili.May kaunting galos siya sa kanang pisngi na natamo niya kahapon sa matanda
PAPASIKAT NA ANG ARAW ngunit hindi pa rin nakakatulog si Izon. Buong gabi siyang nakaupo lang sa gilid ng kama, binabantayan ang mahimbing na natutulog na si Azalea. Pagkatapos ng nangyari kagabi, parang ayaw na nitong mawaglit sa paningin niya si Azalea. Ayaw niyang may masamang mangyari na naman dito.Dito na din sila nagpalipas ng gabi sa isang kwarto ng building kung saan ginanap ang bachelor’s party kagabi dahil pagkatapos humagulhol sa iyak si Azalea, ilang oras din bago ito nakatulog.Nasa kalagitnaan siya ng pagbabantay nang biglang tumunog ang kanyang telepono, hudyat na may tumawatawag dito. “Speak,” malamig niyang tugon sa kabilang linya pagkasagot niya sa tawag.[Nahanap na po namin ang pinapahanap niyo,] boses ni Ivan na sekretarya niya ang nasa kabila.“Where is he now?”[Nasa warehouse 12, hawak namin. What do you want us to do?]Saglit na napatahimik si Izon saka napahigpit ang hawak niya sa telepono. Makikitang nag-aapoy na ngayon ang mga mata niya sa galit.“I’m on m
Nanlalamig ang balat ni Azalea at amoy na amoy ang masangsang na amoy na dala ng hangin. Nakahandusay siya sa malamig na sahig habang nakapiring at nakagapos ang mga kamay at binti. Basang basa na din ng pawis ang kanyang batok dahil kanina niya pa sinusubukang tanggalin ang pagkakagapos sa kanya. “Na-nasaan ako…” bulong niya. Basag ang kanyang tinig at nanginginig ang mga kamay niyang pilit kumakawala. Mula sa di kalayuan, may narinig siyang boses ng dalawang lalaking nag-uusap. "Maayos 'yan at malinis. Sinisigurado kong hinding hindi ka magsisisi," Kilala niya ang boses na 'yon. Yung boses ng lalaking hindi na lang sana niya pinagkatiwalaan muli. Yung boses ng taong nagdala sa kanya sa ganitong sitwasyon. “Sigurado ka? Wala ’tong sabit?” sabat ng kausap nitong matanda. "Wala, Boss. Bayaran mo na lang ako para makauwi na 'ko" "Ito lang ang bayad. Huwag kang umasa na madadagdagan ko pa 'yan dahil ang laki ng utang mo sakin," inabot ng matanda ang iilang libo kay Jasper at
The sky bore a somber weight that afternoon—overcast and brooding, like a shadow long concealed behind every fragile smile Azalea had ever worn. Nasa labas sila ng campus, bitbit ang bag sa balikat, habang si Nixel ay busy sa katitipa ng cellphone nito. "Mauna ka na. May dadaanan lang ako sa may kanto," paalam niya kay Nixel dahilan para mapaangat ito ng tingin.“O sige, text mo ko ha pag pauwi ka na,” sagot ng kaibigan at saktong nakaparada na sa harap nila ang van na sumusundo dito. Sumakay dito sa Nixel at nag-wave pa sa kanya. Pagkaalis ng sinasakyan nito, saka lang nagsimulang maglakad si Azalea.Ilang araw na din ang nakalipas magmula noong malaman niyang ikakasal ni Izon sa ibang babae. After hearing that news, she decided to let him go, at kalimutan ang kung ano mang ugnayan meron sila. Ayaw na din naman niyang guluhin pa 'yon dahil wala siya sa lugar. Kasalukuyan siya ngayong naglalakad sa kanto habang dinadama ang haplos ng simoy ng hangin. Pasado alas sinko na din ng ha
THIRD PERSONIt had been raining non-stop buong maghapon. Nixel arrived home with wet sleeves, her tote bag soaked at the bottom. Hindi kasi siya nasundo ng family driver nila kaya minabuti na lang niya ang mag-commute, kaso hindi naman niya inaasahan na maaabutan siya ng ulan pauwi.Pagkapasok niya sa gate ng kanilang bahay, agad siyang sinalubong ng mabining tunog ng ulan sa bubong at ang mahinang pag-ikot ng ceiling fan sa veranda. “Ate Nilda!” tawag niya habang tinatanggal ang kanyang sapatos. “May dumating bang parcel para sakin?”Lumabas mula sa kusina ang kanilang kasambahay, may dalang tray ng tinapay at sa kabilang kamay naman ay isang sobre. “Wala naman po, Ma’am. Pero kani-kanina lang po, may inabot na sobre para sa Mommy niyo po.”“Sobre?” tanong niya habang pinupunasan ang kanyang basang braso. “Anong klaseng sobre?”“Hindi ko po alam, Ma’am. Kayo na lang po ang magbigay sa mommy niyo,”Nang inabot ni Ate Nilda ang sobre, nangunot ang noo ni Nixel habang tinitignan ang ka
AZALEAIT’S BEEN DAYS—ilang araw na din ang lumipas since huli kong makausap si Izon. No calls, no texts, not even a single seen sa messages na sini-sent ko sa kanya. At this point, I wasn’t just confused. I was bothered. Super bothered. At kahit gaano ko pa sinubukang i-distract ang sarili ko, hindi ko maiwasang mapatingin sa phone ko every five minutes, secretly hoping na baka ngayon na… baka ngayon na siya magparamdam. Pero wala. It was as if he vanished into thin air right after that night. That night. Hindi naman talaga siya nag-propose. He just asked. A simple question na parang hindi biro, pero hindi rin klaro. Like he was testing the waters or maybe throwing something out there just to see how I’d react. And me? I froze. I didn’t say no, but I didn’t say yes either. I wasn’t ready. I didn’t even know where we stood. Wala kaming label, wala kaming malinaw na usapan. So how was I supposed to answer something that big?Nasa cafeteria kami ngayon ni Nixel, sharing our usual spo
AZALEA"Eighty-six..."I shut the book without much thought, the quiet snap of its closing barely registering in my mind. My chin rested on my palms, as though they were the only things holding up the weight I hadn’t realized I was carrying. I felt drained—parang mawawalan ako ng gana.Another sigh escaped my lips."Eighty-seven..."Inis kong binalingan si Nixel na ngayon ay nagbabasa pa din sa libro. "What?" she asked, raising a brow.She must've noticed the glare I was giving her. "Are you seriously counting my sighs?""What’s so wrong with counting each of your sighs? And why do you keep sighing anyway? Don’t tell me na may problema ka pa din gayong nalaman mo na na isa kang anak mayaman with a handsome boyfriend to top it off?" sabat niya dahilan para mapairap ako."Minimize your voice, please." Suway ng isang estudyanteng napadaan sa table namin. Hindi ko na lang pinansin si Nixel at binaling na lang ang tingin sa kabilang side. Vacant time namin at nandito nga pala kami ngay