AZALEA
"Would you like me to walk you through your working place?"
Nakatungo ako habang naglalakad ngunit bigla na lamang akong napabaling kay Nizel nang tanungin niya ako. Napilitan akong ngumiti at nag-aalangang sumagot. That’s strange, knowing Nizel never asked to accompany me ever.
"Wow naman. Kina-career mo na ngayon ang pagiging instant boyfriend?" singit ni Nixel at saka hinaluan pa ng nakakalokang tawa.
Kaninang lunch, I told them about my plan na gawing boyfriend si Nizel if ever Izon suddenly appears. Medyo kinakabahan pa nga ako dahil baka ma-disappoint sakin si Nizel, but to my surprise, he agreed and told me that I can use him anytime I want for my own benefit. He also admitted that he hates seeing Izon around at para na din hindi na siya panay pangungulit sakin.
"Naku! Huwag na. Malapit lang naman dito ang pinagtatrabahuan ko.” Sagot ko sabay ngiti sa ka
AZALEA I was busy scrolling on my phone when I suddenly got a message from my friend Nixel. >Hey! Wanna hang out after your shift?< I rolled my eyes and didn’t bother to send her a reply. Hindi talaga nag-iisip ang babaeng ‘to. Restricted na nga ako sa parents niya, tapos may gana pa siyang yayain ako gumala. Yung totoo? Gusto niya ba talaga akong ipahamak sa parents niya. “I’ll order takeaways for dinner. Anong gusto mo?” Saglit akong napabaling sa gawi ni Izon na nasa dining area saka muling itinuon ang atensyon ko sa phone. “Kahit ano…” simpleng sagot ko. “Kahit ako?” Awtomatikong napakunot ako ng noo saka dahan-dahang umangat ng tingin. Isang matalim na titig ang ipinukol ko sa kanya ngunit hindi man lang nagpatinag ang loko at kumunot din ang noo kagaya ko na para bang inosente at hindi niya maintindihan ang klase
THIRD PERSON Kanina pa palinga-linga si Nizel sa kabuuan ng fastfood sa pag-aakalang makikita niya si Azalea, kaya’t nang mapadaan ang isang crew sa table niya, kaagad niya itong tinanong. “Miss, excuse me. I am looking for Azalea Mixz Allejo.” Saglit na napatitig sa kanya ang babae. Tila nahumaling sa taglay niyang kagwapuhan dahilan para hindi ito kaagad na makasagot. “Miss?” muling tawag niya sa crew at nang mahismasmasan ito mula sa pagkakahumaling sa kanya, kaagad siyang gumawad ng malapad na ngiti. “S-Si Lea po? Hindi po siya pumasok ngayong gabi. May sumundo sa kanya kaninang lalaki at nagpaalam siya kay boss kung pwede daw ba siyang lumiban ngayon.” Sagot ng kausap niya. Bahagyang napaisip si Nizel kung sinong lalaki ang sumundo sa kanya. Napakunot pa ang kanyang noo dahil maliban sa kanya, wala naman ibang kakilalang lalaki si Azalea, at kung meron man, sigurado siyang malalama
AZALEAMinadali ko ang pagpunta sa address na sinabi sakin ni Izon. Tanda ko pa ‘yon hanggang ngayon, dahil maliban sa matalas ang memorya na meron ako, malapit din ito sa school at madalas kong madaanan ang subdivision nila sa tuwing pumupuntang work.“Yung bag ko?” kaagad kong tanong pagkapasok ko sa main door ng mansion at nakita ko siyang nakaupo sa bandang counter table sa dining room. Kitang-kita mula dito ang dining room since it was just right next to the living area.Makailang beses din akong nag-door bell sa gate nila pero hindi man lang ako sinagot ng loko, kaya minabuti ko na lang ang dumiretso sa loob since hindi naman naka-kandado ang gate.Binalingan niya ako saglit. “The food just arrived on time. Kumain ka na.”“Yung bag ko?” pag-uulit ko dahil hindi man lang niya pinansin ang tanong ko. This time, naglakad ako palapit sa
AZALEANag-early dismissal 'yong professor namin sa last period this morning dahil may biglaang emergency daw siya. Ibig sabihin, maaga din kaming makakapag-lunch ngayon at pasado alas-diyes pa lang ng umaga.“So, anong plano mo next week? U-week na,” Napatingin ako kay Nixel nang magsalita siya. Napakibit balikat na lang ako saka sinimulang iligpit ang mga gamit.“Maghahanap ng extra jobs. Finals na din next month e. Tas pag iipunan ko din yung tuition ko para sa next semester,” sagot ko sa kanya.Well, for some students, university-week was their most awaited event para magsaya sa magaganap na mga school activities, but for me? Nah, I only took it for granted para maghanap ng part time jobs dahil walang pasok. “Ang boring naman. Kailan ka ba matatapos sa kakaipon? Pwede bang for once, pag-enjoy-en mo naman sarili mo?” pagmamaktol ng kaibigan ko.“You'll never understand me. Wala naman kasi akong magulang para magbayad sa pag-aaral ko.” giit ko.That's the saddest thing about being
AZALEA“Pansin ko, kanina pa panay order ng lalaking 'yan sa bandang dulo." dinig kong bulong ng isang crewmate ko sa katabi niya. "Mauubos niya ba lahat 'yan?" dagdag pa niya."Baka kasi ipapamigay niya sa mga batang kalye lahat ng inorder niya. Wala naman sa hitsura niya ang kumain sa mga ganitong klaseng fastfood." usal naman ng isa.Napabuntong hininga na lamang ako for the ninth time. Pang-siyam na order na din kasi 'to ng lalaking tinutukoy nila. "Here's your order, sir. Enjoy your meal." I placed his order on his table at kaagad siyang tinalikuran. "Don't you have an extra spoon for this?" Napahigpit ang hawak ko sa tray, pilit na pinipigilan ang inis. Kahit iritable ay pinilit ko pa ding ngumiti bago muling humarap sa kanya. "May ibang kailangan pa po ba kayo maliban sa spoon na hinihingi niyo?" "No. That would be all." He responded, giving me his serious look while crossing his arms. This guy is getting into my nerves. Wala ba siyang ibang magawa maliban sa bantayan a
IZON “So, how's life? Is Dad still giving you a hard time?” Saglit akong napabaling kay Izzah, kapatid ko, at kaagad ding umiwas ng tingin bago sumagot. “You know him very well,” I simply said and start to maneuver the car. It was past 10 in the evening nang makarating ako dito sa airport para sunduin siya. I offered her our family driver to fetch her pero tumanggi siya at talagang ako ang gusto niyang sumundo sa kanya. “Gosh! I missed Manila,” dinig kong bulong niya habang ang mga mata niya ay abala sa kakagala sa mga nadadaan namin. She left and went to Canada four years ago at ngayon lang ulit nakabalik dito. Plano niya nga sanang umuwi dito noong birthday ni Mom, but something happened kaya hindi siya natuloy. “Sigurado ka bang hindi mo sinabi kay Mom na uuwi ako?” tinapik niya ako sa braso para agawin ang atensyon ko. “I'm busy and I don't have time to update her with your sudden arrival,” sagot ko na lang at hindi siya binalingan ng tingin. “Besides, wala nama
AZALEA“Sigurado ka bang kaya mong magtrabaho ngayon? Namumutla ka.” nag-aalalang tanong ni Jenny sakin, katrabaho ko sa fast food. “Kaya ko pa naman.” tugon ko. Nandito kami ngayon sa isang engrandeng okasyon bilang taga-silbi sa mga bisita. Limang oras lang naman kaya sayang din kung hindi ko papatulan. “Kapag ikaw biglang nahimatay dito, hays ewan ko na lang,” Medyo masama nga 'yong pakiramdam ko pero kaya pa naman. Kulang lang siguro sa pahinga dahil halos dalawang oras lang ang tulog ko kagabi. Maaga akong nagising kanina para gawin ang 'book review' ng mga schoolmates kong nagbayad sakin. Yeah. They're paying to have their book review done. Sounds illegal, pero kailangan. Hindi din naman ako namimilit, at saka para lang naman ito sa mga estudyanteng tamad at ayaw gumawa. After doing the book review, etong event naman ang sumunod. Si Jenny ang nagpapasok sakin dito kasi alam niyang naghahanap ako ng extrang income. Wala kaming pasok sa isang buong linggo dahil university-we
AZALEA“Panay ka nangingialam. Ilang beses ko na sinabi sayo na hindi ko kailangan ang pera mo,” pasigaw kong sambit kay Izon saka ininom ang gamot na nilapag niya sa mesa. Kanina pa niya pinipilit na gamitin ko 'yong pera na diniposit niya sa bank account ko, ako naman 'tong panay tanggi kung kaya't hindi ako masyadong nakakain nang maayos. “You'll not gonna survive if papairalin mo 'yang pride mo. Ano naman kung gamitin mo 'yong perang binigay ko? I gave you my offer with sincerity and genuine concern, hoping to alleviate the challenges you face when juggling responsibilities and pursuing financial stability. Is it that hard for you to accept the assistance I'm extending?" Ayan na naman siya. Bakit ayaw na lang niya tumigil dahil kahit anong gawin niya, hindi kapani-paniwala na seryoso siyang tulungan ako financially without asking something in return. Napatayo ako at hinarap siya. “So what's the deal? You'll gonna use me? My body? Then strip away my dignity and pride? You rich f
THIRD PERSONPASADO ALAS DOSE na ng tanghali. Dahan-dahang iminulat ni Azalea ang mga mata, at unang bumungad sa kanya ang kisame. Tahimik at walang kahit na anong ingay ang buong silid.Iginala niya ang kanyang pangingin, ngunit walang katao-tao ang loob ng kwarto maliban sa kanya. Ultimong bakas ng lalaking nagdala dito sa kanya kagabi at nagbantay sa kanya buong magdamag ay wala din.Muling nag-flashback sa kanya ang nangyari kagabi. Takot na takot siya at hindi alam ang gagawin sa mga oras na ‘yon. Akala niya ay tuluyan na siyang mapapahamak matapos siyang ipagbenta ng kapatid niya, at hindi niya inaakalang magtatagpo muli ang landas nila ni Izon at ito pa ang nagligtas sa kanya.Napapikit siya nang mariin saka marahang bumaba ng kama. Hinanap ng mga mata niya ang bathroom para makapaghilamos. Binuksan niya ito at bumungad sa kanya ang salaming kaharap ng sink. Lumapit siya dito at pinakatitigan ang sarili.May kaunting galos siya sa kanang pisngi na natamo niya kahapon sa matanda
PAPASIKAT NA ANG ARAW ngunit hindi pa rin nakakatulog si Izon. Buong gabi siyang nakaupo lang sa gilid ng kama, binabantayan ang mahimbing na natutulog na si Azalea. Pagkatapos ng nangyari kagabi, parang ayaw na nitong mawaglit sa paningin niya si Azalea. Ayaw niyang may masamang mangyari na naman dito.Dito na din sila nagpalipas ng gabi sa isang kwarto ng building kung saan ginanap ang bachelor’s party kagabi dahil pagkatapos humagulhol sa iyak si Azalea, ilang oras din bago ito nakatulog.Nasa kalagitnaan siya ng pagbabantay nang biglang tumunog ang kanyang telepono, hudyat na may tumawatawag dito. “Speak,” malamig niyang tugon sa kabilang linya pagkasagot niya sa tawag.[Nahanap na po namin ang pinapahanap niyo,] boses ni Ivan na sekretarya niya ang nasa kabila.“Where is he now?”[Nasa warehouse 12, hawak namin. What do you want us to do?]Saglit na napatahimik si Izon saka napahigpit ang hawak niya sa telepono. Makikitang nag-aapoy na ngayon ang mga mata niya sa galit.“I’m on m
Nanlalamig ang balat ni Azalea at amoy na amoy ang masangsang na amoy na dala ng hangin. Nakahandusay siya sa malamig na sahig habang nakapiring at nakagapos ang mga kamay at binti. Basang basa na din ng pawis ang kanyang batok dahil kanina niya pa sinusubukang tanggalin ang pagkakagapos sa kanya. “Na-nasaan ako…” bulong niya. Basag ang kanyang tinig at nanginginig ang mga kamay niyang pilit kumakawala. Mula sa di kalayuan, may narinig siyang boses ng dalawang lalaking nag-uusap. "Maayos 'yan at malinis. Sinisigurado kong hinding hindi ka magsisisi," Kilala niya ang boses na 'yon. Yung boses ng lalaking hindi na lang sana niya pinagkatiwalaan muli. Yung boses ng taong nagdala sa kanya sa ganitong sitwasyon. “Sigurado ka? Wala ’tong sabit?” sabat ng kausap nitong matanda. "Wala, Boss. Bayaran mo na lang ako para makauwi na 'ko" "Ito lang ang bayad. Huwag kang umasa na madadagdagan ko pa 'yan dahil ang laki ng utang mo sakin," inabot ng matanda ang iilang libo kay Jasper at
The sky bore a somber weight that afternoon—overcast and brooding, like a shadow long concealed behind every fragile smile Azalea had ever worn. Nasa labas sila ng campus, bitbit ang bag sa balikat, habang si Nixel ay busy sa katitipa ng cellphone nito. "Mauna ka na. May dadaanan lang ako sa may kanto," paalam niya kay Nixel dahilan para mapaangat ito ng tingin.“O sige, text mo ko ha pag pauwi ka na,” sagot ng kaibigan at saktong nakaparada na sa harap nila ang van na sumusundo dito. Sumakay dito sa Nixel at nag-wave pa sa kanya. Pagkaalis ng sinasakyan nito, saka lang nagsimulang maglakad si Azalea.Ilang araw na din ang nakalipas magmula noong malaman niyang ikakasal ni Izon sa ibang babae. After hearing that news, she decided to let him go, at kalimutan ang kung ano mang ugnayan meron sila. Ayaw na din naman niyang guluhin pa 'yon dahil wala siya sa lugar. Kasalukuyan siya ngayong naglalakad sa kanto habang dinadama ang haplos ng simoy ng hangin. Pasado alas sinko na din ng ha
THIRD PERSONIt had been raining non-stop buong maghapon. Nixel arrived home with wet sleeves, her tote bag soaked at the bottom. Hindi kasi siya nasundo ng family driver nila kaya minabuti na lang niya ang mag-commute, kaso hindi naman niya inaasahan na maaabutan siya ng ulan pauwi.Pagkapasok niya sa gate ng kanilang bahay, agad siyang sinalubong ng mabining tunog ng ulan sa bubong at ang mahinang pag-ikot ng ceiling fan sa veranda. “Ate Nilda!” tawag niya habang tinatanggal ang kanyang sapatos. “May dumating bang parcel para sakin?”Lumabas mula sa kusina ang kanilang kasambahay, may dalang tray ng tinapay at sa kabilang kamay naman ay isang sobre. “Wala naman po, Ma’am. Pero kani-kanina lang po, may inabot na sobre para sa Mommy niyo po.”“Sobre?” tanong niya habang pinupunasan ang kanyang basang braso. “Anong klaseng sobre?”“Hindi ko po alam, Ma’am. Kayo na lang po ang magbigay sa mommy niyo,”Nang inabot ni Ate Nilda ang sobre, nangunot ang noo ni Nixel habang tinitignan ang ka
AZALEAIT’S BEEN DAYS—ilang araw na din ang lumipas since huli kong makausap si Izon. No calls, no texts, not even a single seen sa messages na sini-sent ko sa kanya. At this point, I wasn’t just confused. I was bothered. Super bothered. At kahit gaano ko pa sinubukang i-distract ang sarili ko, hindi ko maiwasang mapatingin sa phone ko every five minutes, secretly hoping na baka ngayon na… baka ngayon na siya magparamdam. Pero wala. It was as if he vanished into thin air right after that night. That night. Hindi naman talaga siya nag-propose. He just asked. A simple question na parang hindi biro, pero hindi rin klaro. Like he was testing the waters or maybe throwing something out there just to see how I’d react. And me? I froze. I didn’t say no, but I didn’t say yes either. I wasn’t ready. I didn’t even know where we stood. Wala kaming label, wala kaming malinaw na usapan. So how was I supposed to answer something that big?Nasa cafeteria kami ngayon ni Nixel, sharing our usual spo
AZALEA"Eighty-six..."I shut the book without much thought, the quiet snap of its closing barely registering in my mind. My chin rested on my palms, as though they were the only things holding up the weight I hadn’t realized I was carrying. I felt drained—parang mawawalan ako ng gana.Another sigh escaped my lips."Eighty-seven..."Inis kong binalingan si Nixel na ngayon ay nagbabasa pa din sa libro. "What?" she asked, raising a brow.She must've noticed the glare I was giving her. "Are you seriously counting my sighs?""What’s so wrong with counting each of your sighs? And why do you keep sighing anyway? Don’t tell me na may problema ka pa din gayong nalaman mo na na isa kang anak mayaman with a handsome boyfriend to top it off?" sabat niya dahilan para mapairap ako."Minimize your voice, please." Suway ng isang estudyanteng napadaan sa table namin. Hindi ko na lang pinansin si Nixel at binaling na lang ang tingin sa kabilang side. Vacant time namin at nandito nga pala kami ngay
THIRD PERSON PANG-WALUMPU'T LIMANG tawag na ang natanggap ni Azalea mula kay Izon at pang-walumpu't limang beses niya na din itong dinecline. She doesn’t want to hear anything from him dahil hanggang ngayon ay masama pa din ang loob niya. Halo-halo pa ang nararamdaman niya dahil sa nangyari kanina. Selos na selos siya kay Samantha at nagagalit na parang maiiyak naman kapag naalala niya ang nangyaring sagutan sa pagitan nila ni Izon. Hindi niya lubos akalain na maiisip ni Izon na magagawa niya ‘yon. Muli siyang napatalukbong sa comforter at ipinikit ang mga mata. Pasado alas diyes na ng gabi at kasalukuyan siya ngayong nasa Imperial Suites at dito nagmumukmok sa unit niya. Napagdesisyunan niyang dito na muna tumuloy pagkatapos niyang iwan si Izon. Ayaw niya din naman kasing gambalain pa ang kaibigan niyang si Nixel sa ganitong dis oras ng gabi. Nasa kalagitnaan siya ngayon sa pagmumukmok nang bigla siyang makarinig ng doorbell sa tinutuluyan niya. Nagtataka siyang tumayo at kahit pa
AZALEANAKATUKOD PA DIN ang ulo ko sa aking tuhod at medyo kalmado na din ang sariling galing lang sa pag-iyak. Pinunasan ko ang luha na nasa’king pisnge saka inayos ang buhok ko dahil ilang minuto din akong nakatungo dito, kakaiyak. Tumayo ako saka nagpakawala ng isang mabigat na hininga.Buo na ang loob ko at nakapagdesisyon.Nagsimula ulit akong maglakad pabalik sa unit ni Izon at binuksan iyon. Walang katao-tao ang bumungad sakin, at mukhang nakaalis na din ang bisita niya. Sa tagal ko ba namang nakatambay dun sa hagdan.Dumiretso ako sa kwarto ni Izon at hindi nga ako nagkakamali dahil nakita ko siya nandoon at halatang katatapos niya lang maligo dahil nakita ko siyang pinupunasan ngayon ang kanyang buhok habang nakatapis ng twalya ang pang-ibaba niya.He’s d-mn hot, pero hindi oras ngayon para pagpantasyahan siya. I need to talk to him.“Where have you been—What happened?” napalitan ng pag-aalala ang reaksyon niya nang makita niya ako.Pakiramdam ko magang-maga ang mga mata ko da