Share

Wild Beat of the Heart
Wild Beat of the Heart
Author: yvain3_

Simula

Author: yvain3_
last update Last Updated: 2023-01-01 18:13:09

The sunlight hit my face as I walk outside the airplane. It's 2 pm, kaya hindi na ko nagtaka kung bakit sobrang sikat ang araw. Hindi lang siguro ako nasanay dahil ilang taon din akong hindi nakabalik dito.

I sigh when I saw a families, friends or lovers waiting for their person who will come back to them. Napailing-iling na lang ako sa nakita ko. Hindi na dapat ako magtaka kung bakit walang naghihintay sakin.

"Inov!" rinig kong sigaw ng kung sino man.

Pagkalingon ko kung sino ang tumawag sakin. Nakita ko ang best friend ko na kumakaway habang ngiting ngiti sa akin. Dali-dali naman akong lumapit sa kaniya.

"Inov, namiss kita ng sobra!" then she hugs me tightly pagkalapit na pagkalapit ko sa kaniya.

"Hindi naman halata na namiss mo ko Kia," I chuckled after I said that.

Humiwalay na ko sa yakap namin at nakita ko na nakanguso siya sakin. Hindi ko maiwasan pitikin yung labi niya. Napahawak naman siya bigla sa labi niya at sinamaan ako ng tingin. Tumawa lang ako sa naging reaksiyon niya.

"Ang sama mo talaga!"

"Compliment ba yan?" I laugh after I said that. Masama pa rin ang tingin niya sa akin.

"Ilang taon ka lang nawala sumama na yung ugali mo. Sabihin mo sa 'kin sino nagturo sayo nan?" she raised her eyebrow and then point her finger at me.

Hindi ko siya sinagot. Hinawi ko ang kamay niya at inirapan siya. Hindi pa din talaga nagbabago.

"Btw, akala ko ba may gagawin ka ngayon kaya hindi mo ako masusundo?" I asked.

"Duh, siyempre pina-cancel ko lahat ng meeting ko. Nakakaawa ka kasi eh," she smirked at me.

Napailing na lang ako sa sinabi niya. Inaya ko na siyang lumabas dahil gusto ko ng umuwi at humiga sa kama ko.

Sumakay na kami ng kotse niya at nagkwentuhan ng mga nangyari sa akin at sa kaniya sa nakalipas na panahon. I missed her so much, although I never said that to her, I know she knows. She's the one who was there through my ups and downs until now, even though she has a family now. She's always there for me.

"Nga pala, may reunion tayo next Saturday. Hindi ka ba nakatanggap ng invitation sa e-mail mo?" biglang sabi niya sa akin.

I remembered that invitation that was sent to my e-mail. Hindi ko yun pinansin dahil wala naman akong balak dumalo tsaka baka makita ko pa siya doon.

"Huwag mong sabihin sa akin hindi ka dadalo?" she asked suddenly.

"Are you a mind reader?" I asked.

"Gaga. Halata sa mukha. Hindi pwede, kailangan mong sumama at final na yon," she said. Pala-desisyon talaga.

"Ano ka nanay ko para magdesisyon para sa akin? Tsaka I have a lot of things to do, wala yan sa isip ko."

"Kakauwi mo lang, magta-trabaho ka agad? Kung hindi ko lang alam may iniiwasan ka doon kaya ayaw mong pumunta eh," she said with a teasing smile on her lips.

"Wala akong iniiwasan kaya tumigil ka sa ngiti mong yan," she laughed at me while driving to my condo.

"Hays, Sinovia Amora, ang defensive mo naman. Huwag ka mag-alala wala siya doon kaya pwedeng pwede kang pumunta doon," hindi pa din nawala ang mapanloko niyang ngiti sa kaniyang labi.

I just rolled my eyes at her and looked out the window of her car. I saw a lot of buildings. Nothing changed ganon pa din simula noong umalis ako.

Nakarating na kami sa condo ko. Nakita ko na malinis at walang pinagbago. I always make sure na nalilinisan ito kahit umalis ako ng bansa kasi ayaw ko ng madumi. Dumiretso sa kusina si Kia at nilapag doon ang binili niyang pagkain habang naghihintay sa akin.

I go to my room dala-dala ang aking maleta. Pagkabukas ko ng pinto bumungad sa akin ang dating itsura nito. Pumasok na ko at pinagmasdan ang bawat sulok ng kwarto. Iniwan ko ang aking maleta sa gilid ng kama at umupo dito. Napabuntong hininga na lang ako habang nagbabalik tanaw.

Tumayo na ko at inayos ang mga gamit ko. Konti lang naman ang mga gamit na dala ko dahil may mga gamit pa din naman ako dito. After ko mag ayos ng gamit. I changed my clothes to a comfortable one. After that lumabas na ko.

Nadatnan ko na kumakain na si Kia kaya umupo na ako at kumain na. We just talked about anything that happens in our life. We're laughing while we reminisce our unforgettable memory when her phone rang. Kinuha niya naman ito at sinagot habang pinagmamasdan ko naman siya.

"Hello, love, why did you call?" ani niya.

I just shook my head when I hear her voice become sweet. Sumimsim na lang ako ng tubig habang patuloy na nakikinig sa kaniya.

"Yes, pauwi na ko... Okay bye, I love you!" and she ended the call.

"You're going home na?" I asked.

"Yeah hinahanap na ko ng asawa ko," and smile sweetly at me.

"Okay, ingat ka," tumayo ako at hinatid siya sa pinto.

I hug her tight bago siya umalis.

"Thank you," I suddenly said to her.

She hugs me back.

"Thank you din. Thank you for coming back. I know it's hard for you but you came back for me," she said while sobbing. She's really a crybaby.

Yes, it's hard for me to come back but hindi ko pwedeng palagpasin yung pangalawang kasal niya. Alam kong alam niya na ayaw ko nang bumalik pa. Ayaw ko ng maalala ang nakaraan na tinakasan ko ng matagal na. But ayaw ko din palagpasin ang isa sa mahalagang araw na pinakahihintay niya. Alam ko kung gaano niya kagusto na pumunta ako sa espesyal na araw niya.

Kumalas ako sa yakap namin at pinunasan ang luhang tumutulo sa kaniyang mga mata.

"Stop crying na, iniintay ka na ng asawa mo," I smiled at her.

"Sorry dahil sa akin kaya bumalik ka dito," malungkot na sabi niya. Her nose is now red dahil sa pag-iyak niya.

"Ano ka ba! Huwag kang mag-sorry dahil ginusto ko din naman na bumalik dito. Ayaw ko naman mawala sa kasal mo. Umuwi ka na nga baka kanina pa naghihintay yung asawa mo," tinaboy ko na siya papuntang elevator. Wala na siyang nagawa kung hindi magpadala sa taboy ko.

We waved at each other while the elevator is closing. I sigh after it closed. Pumihit na ko sa direksyon ng condo ko. Pagkapunta ko sa harap ng condo ko. Lumingon ako sa harapan ng condo ko. Nandiyan ka pa kaya? I shook my head sa naisip ko at pumasok na ng condo.

Nilinis ko na ang pinagkainan namin at dumiretso sa kwarto. Pumunta na ko ng banyo para mag half bath. Ginawa ko lang ang night routine ko at dumiretso na sa kama.

I can't sleep. So, I check my phone if there's an important message. I check my e-mail and I saw the invitation that Kia and I talk about. I opened it and saw.

Batch 2021 Invites You To The Annual

REUNION

----- ----- ----- ----- ----- ----- ----- ----- -----

Come and join us with old schoolmates and share the memories while enjoying the party, food and drinks

.----- ----- ----- ----- ----- ----- ----- ----- -----

Where: B****, *******When: May 28, **** | 8 pm - onwards

----- ----- ----- ----- ----- ----- ----- ----- -----

HOPE YOU WILL COME!

It's a bar huh? I said in my mind.

The invitation looks good. But hindi yun yung nasa isip ko.

What if, he is there? Hindi malabong wala siya doon.

But Kia said he will not be there. Should I come? Hindi naman siguro masama kung pupunta ako doon diba? Tsaka ano naman kung nandoon siya? Hindi ko na naman siya gusto at alam kong wala na siyang epekto sa akin kung magkikita man kami.

Nabalik ako sa sarili ng narinig ko na nagriring ang phone ko. It's Kia.

I answered the call. "Hello, why did you call?"

"Hey, sumama ka sa reunion ha? Kinukulit na ko nila bakla. Wala daw silang number mo. So ako yung kinocontact nila. Bibigay ko na talaga number mo sa kanila," she said.

I smirked. I feel that she's pouting right now because of that. Si Kia lang kasi nakakaalam ng phone number ko kaya hindi na ko magtataka na si Kia ang kinukulit nila.

"I know you are pouting, so stop it. Don't worry pupunta ako and sure give them my number."

"I'm not pouting!" she shouts at the phone.

Nailayo ko ng konti ang phone ko sa akin at tumawa.

"Sure you're not," I teasingly said to her.

"Bahala ka nga diyan," then she ended the call.

Napatawa na lang ako pagkakababa niya ng tawag. Makalipas lang ilang segundo may mga text na pumasok sa phone ko na unregistered. Hindi ko na lang pinansin dahil alam ko namang mga kaibigan ko lang yun. Binaba ko na ang phone ko at tuluyang humiga.

I close my eyes but I suddenly remembered how we met and how we ended up kaya napamulat ako ng mata. I know I moved on from him. And If our paths are cross again, I know hindi na ko mahuhuhulog sa kaniya ulit. Hinding hindi na. Never again. That words run through my mind as I close my eyes and fall deeply into sleep.

Related chapters

  • Wild Beat of the Heart   Kabanata 1

    "Tapos na class mo?"Napalingon ako sa nagsalita. Nakita ko na si Kia pala yun."Yeah, I'm just doing my assignments," I said to her then bumalik na ko sa ginagawa ko.Nakita ko sa gilid ng aking mata na umupo siya sa harap at kinuha ang kanyang cellphone upang iyon ang kanyang pagkaabalahan. Tinutok ko ang atensiyon sa ginagawa.We're here in library. Maaga pa kasi kaya hindi pa ako umuuwi. My whole attention is in my assignments until my phone rang.Napatingin naman sa akin ang lahat including the librarian. Nakita ko na ang sama sama ng tingin niya sa akin. Kaya dali-dali kong kinuha ang aking phone at tinignan kung sino ang tumawag.It's my Mom.Why would she call me anyway?Nabalik ako sa sarili ng narinig ko na sumigaw ang librarian. "Hindi mo ba sasagutin yan? Kung wala kang balak sagutin yan lumabas ka na dito at nakakaistorbo ka!" she madly said.I hurriedly press the end call at inaayos ang aking gamit upang makaalis na. Before going out to the library. I bow my head and ap

    Last Updated : 2023-01-01
  • Wild Beat of the Heart   Kabanata 2

    Nag-aayos ako dahil may usapan kami ni Kia na pupunta kaming Mall.Hindi ko alam kung ano naisipan niya at bigla niya ako niyaya mag-mall. Alam naman niyang hindi ako mahilig sa ganon. But I don't have a choice kung hindi sumama.Bakit ba kasi naging kaibigan ko yun?Kia and I met in our high school days. She's a transferee in our school at that time and we're in the same grade. I was seating in the back, not because of my surname but because I just wanted to. She took a seat next to me.She won't quit bothering me since she claims she doesn't have any friends and wants to be mine. So, once again, I have no choice except to agree with her.Since then until now we are friends and hindi man halata but I treasure her so much.My phone suddenly rang and I check who is calling. It's Kia.I picked up the phone and put it on speaker. "Hello. Why did you call?" at pinagpatuloy ang pag-aayos sa sarili."Hey bestie. Papunta na ko dyan sa house niyo.""What? I thought sa Mall na tayo magkikita?"

    Last Updated : 2023-01-01
  • Wild Beat of the Heart   Kabanata 3

    Nandito ako sa bahay at nagpa-paint. Wala kasi ako magawa kaya ito ang naisipan kong gawin.Yesterday, naging maayos naman ang pagma-mall namin ni Kia pwera na lang sa accident doon sa restaurant. Nag enjoy naman ako kahit papaano dahil kay Kia.His image suddenly appear on my mind. His handsome face, his voice that very great on him. Kailan ko kaya ulit siya makikita?Stop thinking about him Inov!Ginulo ko ang buhok ko sa pagka-irita. I think I'm having a crush on him. I should stop thinking about him. Pinagpatuloy ko na lang ang pagpa-paint ko kaysa patuloy na isipin yung lalaking yun.My all attention is focus on what I am doing, until there's someone knock on my door."Inov? Are you there?" then my door opened.I heard Mom's voice kaya tumingin ako sa kaniya."Hi Mom. Do you need anything?" ako habang nagliligpit ng gamit ko."Oh, you still paint," she flatly said."Ah yeah Mom. Uhm hobby ko na lang po. Wala po kasi akong ginagawa ngayon." Habang patuloy pa din na nag-aayos ng ga

    Last Updated : 2023-01-01
  • Wild Beat of the Heart   Kabanata 4

    Mga nag-gagandahang baro ang nasa aking paningin. Kay gandang pagmasdan ang kanilang pagkinang sa tuwing nasisikatan ng kahit kaunting liwanag. Napakalambot nito sa balat sa tuwing ito'y dumadapo ngunit may makati din na hindi mo kayang tiisin na hubarin kapag ito'y sinuot.I'm here in the boutique shop of my Mom's friend which is a fashion designer. Si Mom ang nakikipag-usap sa kaniya habang ako ay nililibot ko ang aking mga mata sa mga gown na nandito. Dapat si Mom lang pupunta ngunit dahil wala akong ginagawa ay sumama ako tutal ako naman ang may birthday siguro ka-kailanganin din ako. Kahit may sukat na si Mom sa akin, mas mabuti pa ding sumama ako.The reason why I came along with my Mom? I just want to spend time with her and have the best birthday ever. It's not just because it's my debut but because I will celebrate it with my parents. I just want it to be flawless, like my childhood dream of having a birthday that was always happy and perfect. I think every kids always imagin

    Last Updated : 2023-01-18
  • Wild Beat of the Heart   Kabanata 5

    Maaga akong pumuntang school para sa event na gaganapin sa school. It's valentines today. Araw ng mga puso. Araw din ng mga may lovers. Bakit pa kasi yan cinecelebrate? Paano naman kaming mga walang partner diba? Unfair talaga ng mundo. Sinabay na din ng school ang pagcelebrate ng valentines day sa foundation day which is madaming booths na nakapaligid sa buong school. Yung booth na napunta sa amin ay cafe booth. Dapat sa amin talaga yung jail booth kaya lang ang daming hindi sumang-ayon lalo na ang mga babae sa amin. Ang dahilan nila ay mapapagod daw sila kakatakbo kaya ibang booth na lang ang napunta sa amin. Sa akin naman, wala akong pake kung anong booth ang mapunta sa section namin. Lahat naman nakakapagod gawin kaya hindi na lang ako nakialam nung mga oras na yun. Si Kia naman mas gusto ng jail booth dahil mas masaya daw. Pinagmasdan ko ang mga booth na nadadaanan ko. Napansin ko na mas pinaghandaan nila yung taon na ito kaysa sa mga nakaraang taon. Ang alam ko kasi pwedeng ma

    Last Updated : 2023-01-19
  • Wild Beat of the Heart   Kabanata 6

    "Hoy okay ka lang ba?"Napatingin ako kay Kia ng bigla niya akong tinawag. Hindi ko namalayan na natitigan ko na pala itong pagkain na kinakain ko."A-ah oo okay lang ako. May naisip lang." Pag-aalinlangan kong sabi sa kaniya.Tinignan niya ako ng may pagtataka sa kaniyang mukha. Biglang nagbago ito at nasaksihan ko kung paano biglang nag alala ang mukha niya."Is there someting wrong?" Hinawakan niya ko sa kamay at hinaplos ito. "May nangyari ba sa bahay niyo?" Patuloy pa din siya sa paghaplos sa akin."Walang nangyari sa akin. Don't worry sasabihin ko naman sayo kung meron." I smile at her to assure her."Okay. Don't be shy to call me okay? You know that nandito lang ako if anything happens." Binawi niya na ang kamay niya na nasa kamay ko at pinagtuonan na ng pansin ang hindi pa nauubos na pagkain.I suddenly remember what's happening in our house. I'm still uncomfortable but happy that they are staying here, staying where I am. Meron pa ding bumabagabag sa akin kung bakit sila nand

    Last Updated : 2023-01-20
  • Wild Beat of the Heart   Kabanata 7

    Lumabas ako ng cr to see Kia looking at her nails, checking if there's something wrong. Dumiretso ako sa faucet to wash my hands. Nakatungo ako doon at hindi pinansin si Kia. I looked at her after washing my hands and signaled with my eyes that we needed to leave. Ngunit tinaasan lang nito ng kilay. "Wala ka bang balak umalis?" Naiinip kong tanong sa kaniya. "Do you think na aalis ako pagkatapos mong hindi sabihin kung ano yung nangyari kanina?" "Oh gosh Kia. I said it's nothing okay? Nabangga ko siya, kinuha niya yung cell phone ko then we exchanged apologies and that was the end of it. Can you please stop talking about it?" Naiirita kong aniya. "Oo na. Galit agad hindi pwedeng na curious lang?" I just rolled my eyes at her and nauna ng lumabas. Buti na lang talaga walang tao sa comfort room na yan. Madalang lang kasi puntahan and madami din kasing comfort room dito sa school. Naglalakad kami papuntang ibang booth. Hindi ko lang alam kung saan yun dahil sumusunod lang naman ako

    Last Updated : 2023-01-21
  • Wild Beat of the Heart   Kabanata 8

    Lumipas ang ilang linggo. Naging busy kami sa pag aasikaso ng school works. March na at malapit na ang graduation and debut ko. My Mom is so busy handling my debut party. Ni hindi man lang sila umalis ng bansa. Hindi ko alam if I should be thankful for that or what. Busy pa din naman sila sa business namin dahil naririnig ko sila kapag pinag uusapan kapag kumakain kami. But I don't know if it just me na may hindi mangyayari na magugustuhan ko. Narinig ko kasi sila isang beses na nag aaway. Hindi ko masyado itong pinakinggan because I respect their privacy. Nandito lang ako sa bahay namin. Gusto ko na talagang magka condo because this home doesn't feel home to me. Siguro pag naging 18 na ko magpapa alam ako kina Mom and Dad. Lumabas ako ng kwarto ko dahil wala naman akong magawa. Habang pababa ay may narinig akong nag-uusap sa sala dahil doon nanggagaling ang mga boses. I walked slowly to see who is our guest. I saw a beautiful lady beside Mom. I stop walking down to see clearly the

    Last Updated : 2023-01-28

Latest chapter

  • Wild Beat of the Heart   Kabanata 17

    Nandito na ulit ako sa room ko dahil dito muna ako maghihintay hanggang sa mag-umpisa ang programa. My grandparents will be here in any minute. Kia will also go here because she said that she wanna see me first. Dahil nga wala akong pinsan puro mga business man ang imbitado. Hindi ko yun mga kilala ngunit kailangan ko silang pakisamahan dahil nga yun ang gusto ni Dad. I heard someone knock at the door. Tatayo na sana ako kaya lang tumayo na yung assistant secretary ni Mom. She's here because Mom wants to me have someone who will accompany me while she's busy at the event. She said that she will be the one who will welcome the guest. Pumasok sa silid si Kia kasama ang grandparents ko. Nagkasabay ata sila. Kia is closely associated with my grandparents in the same way as my grandparents are associated with Kia.. Tinuturing din nilang apo si Kia dahil malapit na ang loob nila sa isa't isa. When they all see me their smile automatically visible on their faces. Lumapit sila na inaasahan

  • Wild Beat of the Heart   Kabanata 16

    Napamulat ako dahil sa tumatamang sinag ng araw sa akin. Sinandal ko ang sarili ko sa headboard ng kama ko. Nakatulala ako ng ilang minuto dahil sa iniisip ko ang maaring mangyari mamaya. Today is my birthday. My debut. I don't if I should be happy with that or... whatever. I should be happy even though my feelings are so empty. I should be grateful dahil kahit papaano nandito sila. Engagement. Yes, today ay ipapaalam na sa lahat na ipagkakasundo kami ni Kayden sa isa't isa. Sa mismong isa sa importanteng araw para sa akin. Yun ang naisip nila at wala kaming nagawa doon. Alam ko na tutol na tutol si Kayden dahil may girlfriend siya. Pero bakit hindi siya tumututol? Bakit hindi siya magreklamo? Alam ko namang papakinggan siya nila Tito and Tita. Bakit wala siyang ginagawa? Hindi ko siya maintindihan. I don't know if Amelia knows this. But if she knows, alam kong tutol siya dahil sino ba namang matinong partner ang hahayan na makasal ang partner sa iba? Tumayo na ako para gawin ang

  • Wild Beat of the Heart   Kabanata 15

    Today is my graduation day and sa isang araw ay debut ko na. Sa nakalipas na araw ay wala naman masyadong nangyari. Nag-asikaso lang ng preparation sa debut. Tita Eloise sometimes comes to our house, helping my Mom with the preparation for my debut. I'm doing my make-up. Hindi ko kinapalan kasi hindi naman ako sanay na madaming kolorete sa mukha. Kapag inaayusan lang naman ako, nagiging makapal ang make-up ko. Matapos maayusan ang sarili ay bumaba na ko dahil baka naghihintay na si Mom sa akin. Yes, only Mom will accompany me because Dad said that he will do something important today. Mas importante pa pala yung gagawin niyang yun than seeing his daughter receiving her diploma and awards because finally, she is graduated from senior high school. When I know that hindi na lang ako nagtaka. Oo may kirot sa puso ngunit binalewala ko na lang yun dahil sa nakalipas na taon, gawain niya naman yun kaya wala na dapat ipagtaka. Naabutan ko nga doon si Mom na mukhang kakaupo lang. She's just

  • Wild Beat of the Heart   Kabanata 14

    We arrived at our house. Hindi ko hinintay na pagbuksan pa ko ni Kayden ng pinto dahil alam ko naman na hindi niya gagawin yun. Wala nga ata siyang taglay na pagka-gentle man sa katawan eh. Naramdaman ko naman na sumunod siya sa akin kaya hindi ko na pinuna dahil nandito ata yung parents niya. Nakita ko kasi yung car na ginamit nung parents niya dito so I supposed that they are here. Nakarating na nga kami sa sala at doon nadatnan namin sila na may pinag-uusapan. I go straight to them to greet them. "Good afternoon po." Simpleng bati ko sa kanila. Nag-angat sila ng tingin sa at tumayo upang makipag-beso. "Good afternoon hija. It's great that you are both here." Then looked at my back to see Kayden. Naramdaman ko ang pag-lakad papalapit sa amin ni Kayden kaya umisod ako pakanan upang makadaan siya. Biglang may humawak ng balikat ko upang alalayan ako. Natigilan ako dahil sa paghawak niya sa balikat ko. My heart pounded fast because of that. Hindi ko namalayan na inalis niya na pala

  • Wild Beat of the Heart   Kabanata 13

    After class nga ay pumunta na akong parking lot ng college department. He said kasi na doon ako hintayin kaya I have no choice kung hindi doon maghintay. Actually, I have a choice na hindi pumunta kaya lang ayoko naman palakihin pa yung gulo sa pagitan namin. Nakarating na ko sa college department na pinagtitinginan ng tao. Ikaw ba naman na nakasoot ng pang senior high school na uniform tapos pupunta kang college, madami talaga magtataka. Dumiretso na lang akong parking lot at binaliwala na lang ang tingin na nakukua ko. Pagkadating ko doon ay mukhang hindi pa dismissal ni Kayden kaya umupo muna ako sa mga benches para maghintay sa kaniya. Kinuha ko ang phone ko pampalipas oras. Hindi din nagtagal ay natanaw ko na sa kalayuan si Kayden kasama yung girlfriend niya at ilan niyang mga kaibigan. Tumayo na ko para makita niya. Mukhang napansin niya naman ako dahil binalingan niya ako ng saglit na tingin. Nakatayo lang ako habang hinihintay na lumapit sila. "Hi!" Biglang sabi nung girlfr

  • Wild Beat of the Heart   Kabanata 12

    Nag-aya si Kia na imbes na cafeteria kami kumain ay sa labas na kami kumain. Nagsasawa na daw kasi siya sa pagkain sa cafeteria. Dahil nga patapos na ang school year, hindi na masyado mahigpit at wala na din naman kaming ginagawa kaya pinapayagan na din kami.Mas tahimik ako ngayon kumpara noong mga nakaraang araw. Siguro dahil sa nangyari. Buti na lang at hindi nangungulit si Kia dahil wala talaga ako sa mood makipagkulitan sa kaniya.I also planning to tell Kia about my wedding. Sobrang bigat na kasi kaya siguro mas mabuting sabihin ko na lang kay Kia."Saan mo gusto kumain?" Tanong niya.Nag isip ako kung saan ko gustong kumain dahil sa tanong niya. "Ikaw na lang pumili." Walang gana kong ani sa kaniya. Tumango na lang siya.Akala ko sa isang fastfood kami kakain yun pala sa chicken wing food store. Hindi na lang ako umangal dahil gusto ko din naman. Pinaghanap na ko ng upuan ni Kia, samantalang siya ang umorder para sa amin.Buti na lang

  • Wild Beat of the Heart   Kabanata 11

    Ramdam ko ang hapdi ng mga mata ko pagmulat ko. I also feel my cheeks hurting due to last night. Bumangon na ko at dumiretso sa sariling banyo. Tinitigan ko ang sarili ko sa salamin. Nakita ko ang mata at pisnge kong namamaga. Hinawakan ko ang sariling pisnge. Naramdaman ko na nilagyan ito ng cold compress ni Manang kaya siguro hindi sobrang maga. Mabilis akong magkapasa, magkasugat at mamula ang aking balat. Dahil siguro sa aking kaputian. Madali ding mahalata kung ako ay umiyak dahil mabilis mamula ang aking mata at ilong. Sometimes I'm insecure because I want to have a morena skin but I tried it once ngunit hindi ito gumana sa akin na lessen lang ang aking kaputian ngunit hindi naging tan ang skin ko. Naghilamos ako at nag-ayos. Naglagay ako ng kauting make-up sa mukha ko para matakpan ang pamamaga. Lumabas na din ako pagkatapos. Nagdadalawang isip pa ko kung baba ako o hindi dahil baka nandoon pa si Dad at Mom. Ayoko lang magkasagutan ulit dahil sa nangyari kagabi. The wedding

  • Wild Beat of the Heart   Kabanata 10

    Pagkabalik ko sa table namin ay napansin kong wala na si Kayden. Mukhang umalis na pagkatapos akong pagbantaan kanina. Naglakad ako papaunta sa table namin ng tahimik. Napaangat sila ng tingin ng naramdaman nila ang presensiya ko. They suddenly became quiet when they felt my presence parang noong kaninang hindi pa 'ko dumadating may pinag-uusapan pa sila ngayon ay wala na. Tahimik akong umupo at tahimik din nilang pinagmasdan ang kilos ko. "Uh-uhm..." Pagbuka ko sa aking bibig. Ngunit walang lumalabas na salita mula sa aking bibig. Alam na alam ko sa isip ko ang sasabihin ko dahil pagtutol ang sasabihin, ngunit hindi ko alam ang nangyayari sa akin at hindi ko masabi ang gusto kong sabihin para sa kanila. "I'm so sorry if my son leaves early, may mga kailangan lang talaga siyang gawin." Tito Lucas apologetic said. "It's okay Lucas. It's good that your son is prioritizing his things. He grows up responsible." Dad assured Tito Lucas then praised Kayden. He praise him like his son. Why

  • Wild Beat of the Heart   Kabanata 9

    Nakaharap ako sa salamin at pinagmamasdan ang aking sarili. I'm wearing a casual evening dress. The color of my dress is red. Kinapa ko ang necklace ko na suot. Ito yung bigay ni Tita Eloise sa kahapon. Sinuot ko ito dahil sinabi niya. I'm not feeling well right now. I don't know but nung pagkagising ko ay para akong lalagnatin. Siguro dahil ngayon na nila sasabihin ang dapat nila sabihin. I'm so curious right now. If they don't tell me this this evening, I won't be able to take another day. I'm just looking at myself in the mirror when I heard a knock. Umawang ang pinto ko at nilabas non ay ang nakaayos na si Mom. She walked slowly to me while looking to me na parang huhusgahan niya ko. Pinagmasdan ko naman ang itsura niya she's also wearing a dress. The dress is hugging her body. Kahit na nasa 40's na si Mom maganda pa din ang katawan niya. Hindi nga siya napagkakamalan na nasa 40 na eh. "You're done?" "Yes Mom. Aalis na po ba tayo?" Aniya ko. "Oo Anak. Wait..." May inabot siya

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status