"Chill ka lang, Jazzie," I talked to myself.
Ilang beses akong nagpakawala ng hininga habang nakatitig sa parisukat na pregnancy test. Kasalukuyan akong nasa loob ng banyo at hinihintay na lumabas ang resulta sa aking hawak na gamit.
Nakagat ko ang ibaba kong labi nang lumitaw na ang pulang marka. Wala sa sarili akong napatukod sa lababo at napatitig sa repleksyon ko sa salamin.
What should I do?
Hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong maramdaman sa mga oras na ito. Nalilito ako, naguguluhan at kinakabahan.
"Hindi ka pa ba tapos diyan?" rinig kong wika ni Valjerome sa labas ng cr.
Mariin kong hinahawakan ang pregnancy test at saka naglakad patungo sa pintuan. Mabagal kong pinihit ang hawakan ng pinto hanggang sa nagtama ang paningin namin ng asawa ko nang buksan ko iyon. He's sitting on my bed. Magkakrus ang braso habang walang emosyon na nakatingin sa akin.
Nakaramdam ako ng kirot sa aking dibdib dahil hindi ko man lang siy
Naalimpungatan ako sa isang marahan na haplos sa aking pisngi. Nanatili man akong nakapikit ay alam kong presensya ni Valjerome ang nasa gilid ko base pa lang sa pinaghalong amoy ng alak at pabango na mula sa kanya.He didn't speak. He just kept stroking my face as if he's memorizing every part of it.Gustuhin ko man na magalit sa kanya ay mas kinakain ako ng panghihina.Ano ba'ng magagawa ng galit ko?I stiffened when I felt him crouched on my belly. Ipinatong niya ang kanyang ulo ro'n saka marahan na hinaplos ang aking tiyan. Pasimple kong kinagat ang dila ko at pilit na pinigilan ang nagbabadya kong luha.Gusto kong maniwala na nakukunsensya siya. Gusto kong maniwala sa ikinikilos niya ngayon.Pero alam ko na sarili ko lang ang niloloko ko.Nanatili si Valjerome sa kanyang posisyon sa loob ng ilang minuto hanggang sa mabagal siyang lumayo sa akin. Naramdaman ko ang kanyang pagtayo at saka niya ako maingat na kinarga
"Jazzie," our supervisor called.Mabilis kong binitawan ang hawak kong pamunas at lumapit sa kanya."Yes po, Ma'am?" magalang na wika ko habang nakayuko ng kaunti."Nag-check out na ang guest sa suite six, pumunta ka na ro'n at ayusin ang silid para maibigay sa darating na guest," mataray na utos niya at inabot sa akin ang keycard para sa tinutukoy niyang kwarto."Sige po," tipid na tugon ko at nagmadaling umalis kasama ang mga gamit na kakailanganin ko sa paglilinis."Jazzie, tulungan na kita," wika sa 'kin ni Ken nang salubungin niya ako sa hallway.Isa si Ken sa mga katrabaho ko, kasalukuyan akong housekeeper sa isang five star hotel. Ito ang naging trabaho ko sa halos limang taon.Tipid akong ngumiti at hinayaan siya na alalayan ako sa 'king dala. "Salamat," ani ko."Ano ka ba? Simpleng bagay lang ito," sambit niya.Ngumiti na lang ako ulit at sinabayan ang paglalakad niya. Ilang minuto ang lumipas ay nakarating na k
"Bakit hindi ka na lang sa kumpanya ko magtrabaho?" Chaos uttered.Inirapan ko siya at saka ipinagpatuloy ang paghaplos sa buhok ng anak ko na mahimbing na natutulog sa 'king hita."Okay na ako sa trabaho ko, Chaos," tugon ko.Kasalukuyan kaming nasa condo ko ngayon. Inuwi ko ang anak ko matapos ko siyang sunduin kanina sa bahay niya."Bakit hindi mo na lang tanggapin ang offer ng dati mong manager? Masyado mong pinapagod ang sarili mo sa trabaho na iyan, Jazzie," he said.My lips twisted. Binalingan ko siya ng tingin sa kabilang parte ng sofa."May anak na ako, Chaos," pagpapaalala ko rito."And?"I sighed and shook my head. "Ang pagiging model ay para ding artista. Maraming titingin at maghahalikwat sa personal mong buhay. Kapag bumalik ako ay paniguradong uusisain nila kung bakit ako biglang nawala noon," pagpapaliwanag ko."Ano naman ngayon kung malaman nila na may anak ka na?""He'll find out," malaman kong u
"Erom," malambing na paggising ko sa 'king anak.Isang ungot ang kanyang pinakawalan saka mabagal na nagmulat ang kanyang munting mata. I automatically greeted him with a smile."Bangon na, anak. Magre-ready na tayo for school," saad ko habang hinahaplos ang kanyang buhok.Limang taon na si Erom kaya naman kasalukuyan na siyang pumapasok sa Kindergarten.Itinaas ng anak ko ang kanyang mga kamay sa ere. "Hug, Mommy," aniya.I chuckled and pinched his tiny nose. "Naglalambing na naman ang baby ko," saad ko saka ako yumuko para yakapin siya."Good morning, my most beautiful mom," he greeted.Tila tinunaw ang puso ko sa simpleng pagpuri ng anak ko. Noon pa man ay nakakatanggap na ako ng mga magagandang kritisismo mula sa mga taong humahanga sa akin. Ngunit iba pala talaga kapag anak mo ang pumuri sa 'yo.I broke our hug and looked at him. "Hmm. Ano kaya ang kailangan ng prinsipe ko?"He giggled and rose up from the bed. Muli
"Hindi nga kasi pwede, Jazzie. Alam mo naman na mapapagalitan tayong pareho ni Stacey," ani Ken."Please. Kahit three days lang," pakiusap ko habang hinahatak ang braso niya.Siguro naman nakapag-check out na siya niyon.Nandito kami sa staff's room kung saan pupwede kaming tumambay o mamahinga."Ano ba kasing mayroon at ayaw mong tanggapin ang toka mo ngayon?" kunot-noo niyang usisa.Natigilan naman ako at napaiwas ng tingin. Halos sampung minuto na akong nakikiusap kay Ken na siya muna ang umasikaso sa room na ibinigay sa akin ng supervisor namin."Masama lang talaga pakiramdam ko. Kailangan ko muna 'atang um-absent ng ilang araw," palusot ko."Mukha ka namang okay, ah?" agad na sambit ni Ken saka sinipat ang noo ko.Wala sa sarili akong tumakad at parang bata na kumapit sa braso niya. "Please?"He sighed and disheveled his hair. "Isang araw lang, Jazzie. Hindi pwedeng ako pa rin bukas. Malalagot talaga tayo k
"Wala ka pong work, Mommy?" usisa ni Erom sa kalagitnaan nang panunuod namin ng cartoons.Tipid akong ngumiti sa kanya saka marahan na hinaplos ang munti niyang mukha. "I took a leave," I answered.Ito ang pangalawang araw na hindi ako pumasok ng trabaho. Agad akong nagsabi ng sick leave sa head manager namin no'ng nakaraan pagkatapos kong silipin ang record ni Valjerome sa logbook. Dalawang araw ang nakalagay na check in days niya sa hotel kaya nasisigurado kong wala na siya bukas na bukas din."Mom," Erom called that caught my attention."Yes, my prince?"Ang kanina niyang paningin na nakatuon sa akin ay unti-unting naglikot. "Can I stay with you during weekends, Mom?" pahina niyang sambit.Natigilan naman ako at hindi agad nakaimik. Nakatitig lang ako sa anak ko na tila hindi makatingin sa akin nang maayos."May problema ba, anak? Ayaw mo ba sa kumpanya ni Papa mo?" mahinahon kong usisa at umusod ng upo palapit sa kanya.He
"What do you want?" seryosong wika ko nang nakalabas kami ng opisina.Wala na akong nagawa pa no'ng may-ari na mismo ng hotel ang nagdesisyon para sa akin. Hindi naman ako makatanggi dahil ayaw ko na ring palakihin ang lahat.Bakit ba nagpapaapekto ako? I could act civil for Pete's sake.Sino ba siya sa buhay ko? He's just my ex-husband.He stood up straight and lazily scanned me from head to toe. "You've changed a lot, huh?" he said mockingly.Pakiramdam ko ay ang posisyon ko ang tinutukoy niyang nagbago."What do you want? And wait, sinusundan mo ba ako?" Bahagya akong kinabahan nang pumasok sa 'king isip ang ideyang iyon.He scoffed. "I did not follow you," he answered and licked his lower lip. "Aren't you happy to see me?" His side lips rose."Bakit naman ako matutuwa na makita ka?" agad kong balik.He shrugged and put his hand on his pocket. "Maybe... you miss me," I heard him murmured before he st
Wala sa sarili akong naglalakad pabalik sa inuukupang silid ng dati kong asawa habang bitbit ang kapeng hiningi niya nang sumalubong sa 'kin si Stacey."Oh!" padaskol na abot niya ng keycards dahilan para mabigla ako at matapunan nang kaunting kape.Napangiwi na lang ako at mabilis na tinanggap ang tatlong keycards na ibinigay niya.Pinahihirapan na naman ako ng impakta na ito."Siguraduhin mo na hindi ka na papalpak, Jazzie." Pinanlakhan niya ako ng mga mata bilang pagbabanta."No need for that."Pareho kaming natigilan nang may nagsalita sa bandang likuran niya. We both looked at Valjerome who's sternly watching us."Sir," agad na sambit ni Stacey at bahagyang yumuko bilang pagbibigay galang, ako naman ay nanatiling nakatayo dahil sa bitbit kong kape.Nagsimulang maglakad si Valjerome palapit sa direksyon ko at saka inilahad ang kanyang palad sa harapan ko. "Give me the cards," he said.I raised an eyebrow, bu
"Gift for your wife?" Jaime, one of my trusted men, casually spoke while driving the car.Tipid akong tumango at muling tumitig sa hawak kong kwintas. "For our wedding anniversary," I said lowly and forced a smile.And she'll never know..."You will confess?" he asked again.I chuckled emptily and put back the infinity necklace on its box. "Alam mong hindi ko magagawa iyan sa ngayon," saad ko.Hindi na naman siya umimik pa at itinuon na lang ang atensyon sa pagmamaneho. I looked outside the car window and smiled sadly.A day from now, it's already our third year anniversary, my wife.***IT'S almost 12midnight when we reached my parents' party. I automatically snaked my arms around her, marking my wife at everyone's eyes as we took our way in.She's mine.I am always thankful every time we need to show up at my parents'. It's the only moment I could freely touch her, the split
"You are wasting your time by calling him in your mind, Jazzie. Nalinlang ko na ang grupo ng dati mong asawa sa ibang lugar. Kung sakali man na mahanap niya kayo rito, isa na lamang kayong mga bangkay," Chaos spoke coldly."Why?" namamaos kong tanong at saka tumingin sa kanya. "I trusted you, Chaos," I said weakly.He smirked. "That's the plan, Jazzie. Ang pagkatiwalaan mo ako," aniya.Marahan akong umiling at pagak na nagpakawala ng tawa. "Is this necessary, Chaos? Kailangan ba talagang idamay ang anak ko sa paghihiganting gusto mo? Niyo ng pamilya mo?""My sister died in front of me, Jazzie. She shot herself," he stated."She killed herself. Your sister was the one who took her life, Chaos. Not me, not my son, not Valjerome either!" I snapped out of frustration.Chaos clenched his jaw. Hindi rin nakaligtas sa aking paningin ang muling pag-angat ng baril ng matandang Hevion patungo sa direksyon ko. Pinigilan lang iyon ng asawa niya at sinen
Valjerome's men couldn't do anything when the van took me. Hindi sila makabaril ng basta dahil na rin nasa loob ako ng sasakyan."Dala na po namin siya," ani ng isa sa mga nakasakay habang hawak ang isang telepono.Nasisiguradong kong si Chaos ang kinakausap niya. Tahimik na lang ako na bumuntonghininga at saka sumandal sa upuan. Hindi ako nanlaban o gumawa ng kahit anong gulo. Bukod sa wala akong lakas para doon ay alam kong walang silbi kung gagawin ko pa ang mga iyon. In the first place, I chose this.Ramdam ko ang pagmamasid ng mga lalaking kasama ko, kung mabantayan nila ako ay para bang may kaya pa akong gawin sa mga oras na ito. I mentally shook my head and forced a smile.Isa lang naman ang kaya kong gawin ngayon, iyon ay ang ipaalam ang lokasyon ko kay Valjerome.I bit my lower lip when I felt my phone vibrated on my thigh. Nakatago iyon at sinigurado kong hindi mahahalata ng kung sinuman. Sa mga oras na ito, alam kong alam na ni Valjerome
"V-Val..." nanghihina at garalgal na tawag ko kay Valjerome nang pumasok ako sa mansyon.Agad niya naman akong sinalubong at niyakap. "It's okay, everything will be okay," pang-aalo niya habang hinahaplos nang marahan ang buhok ko.I shook my head. "Kasalanan ko... kasalanan ko," paulit-ulit kong sambit at sumubsob sa dibdib niya dulot nang panghihina.Tuluyan nang lumandas ang mga luha ko. Hindi ko mawari kung paano iyon nagawa ni Chaos sa akin, sa amin ng anak ko—sa batang itinuring siyang tunay na ama."D-Dapat ay hindi ko iniwan si Erom tulad nang nakasanayan ko," bulong na anas ko sa pagitan ng aking mga hikbi."Ssshh. Don't blame yourself, Jazzie," usal ni Valjerome.Muli akong umiling at saka mabagal kumalas mula sa yakap niya. Gamit ang nag-uulap kong paningin ay tinitigan ko siya."Hindi ko na kaya, Val. Hindi ko na kayang mawalan ulit ng anak," puno ng hinagpis kong wika.He looked at me softly and then pulled m
"Papa!" galak na pagtawag ni Erom kay Chaos pagkapasok namin ng opisina niya.He ran into Chaos and gave him a hug. Natawa naman si Chaos at yumakap pabalik kay Erom. Napangiti na lang din ako saka mabagal na naglakad palapit sa kanila.Damn, it hurts.That insatiable Mafia Boss!"Did you miss me?" tanong ni Chaos habang karga si Erom sa hita niya.Mabilis namang tumango si Erom bilang tugon at saka siya pinatakan ng isang halik sa pisngi."How are you po, Papa?" pangangamusta ng anak ko.I sat on the visitor's chair and watched them talked. Wala sa sarili akong napatitig kay Chaos nang naalala ko ang sinabi ni Valjerome kaninang madaling araw.Anak siya sa labas?Sa anim na taon na nagkasama kami ni Chaos, hindi niya kailanman nabanggit ang tungkol doon. Maski ang pamilya niya ay hindi niya rin palaging nakukwento sa akin. Minsan ko silang nakaharap noong nagkaroon ng salu-salo sa condo ni Cha
Alas tres na ng madaling araw pero gising pa rin kami ni Valjerome. Nakahiga ako sa balikat niya habang nakayapos naman ang kamay niya sa akin. Pareho kaming nakatitig sa kisame; nag-iisip, nakikiramdam."Hindi ka ba... nagsisisi?" aniya sa mahinang boses.Kunot-noo ko naman siyang tiningala. "Nagsisisi? Saan?"Malamlam siyang tumingin sa akin at saka banayad na pinalis ang aking takas na buhok gamit ang isa niyang kamay. "Sa nangyari sa atin... ngayon," tugon niya.Hindi ko naiwasan na irapan siya. "You already took me six times, Valjerome. Kung nagsisisi ako, sana sa pangalawang beses pa lang umayaw na ako."His lips curled up. "You counted it?" manghang tanong niya.Nag-init ang aking pisngi sa kahihiyan. "H-hindi ko binilang. Natatandaan ko lang," ani ko.He let out a soft chuckle and hugged me closer. "I love you," he said sincerely."I... love you too," nahihiyang pag-amin ko."I love you," ulit niya at hinalikan a
After scooping me from my seat, he carried me towards his room. Maingat niya akong inihiga sa kanyang kama saka namumungay na tinitigan."Are you sure about this?" he asked, voice in controlled.Pakiramdam ko ay nanuyo ang lalamunan ko para sumagot, hindi dahil sa kaba kundi dahil sa init na nararamdaman ko ngayon habang nakikita siyang nakatitig sa akin."Why? You don't want me anymore?" I did the reverse card.I saw him gritted his teeth. "You're manipulating me." He then slowly crouched on my top.Marahan akong napapikit nang palandasin ni Valjerome ang kanyang daliri sa pisngi ko, paibaba sa 'king leeg hanggang sa tuntunin niyon ang aking dibdib."Are you... coming back into my life?" namamaos na tanong niya at sinimulang tanggalin ang unang tipay ng suot kong pantulog.I groaned when the tip of his finger brushed on my skin. "Valjerome..." I called desperately, eyes closed.Daig ko pa ang sinusunog sa nararamdaman kong ini
It's already 11pm, yet I am still awake. Magdamag akong tulala, nagkukulong sa 'king silid. Nakatulog na ang anak ko sa paulit-ulit na pagtatanong sa akin kung maayos lang ako. I kept saying that I'm okay, but who am I fooling? Hindi ko rin hinarap si Valjerome nang minsan niya akong katukin sa silid para kumain, si Erom lang ang pinalabas ko para sumunod sa kanya.My mind was messy. I don't know what to think anymore. Daig ko pa ang nagpa-flashback ng mga memorya sa isip ko.Why, Valjerome?Isang buntonghininga ang pinakawalan ko saka nagdesisyong bumangon upang uminom ng alak sa ibaba. Walang nakakalat na tauhan sa paligid, ngunit gano'n pa man ay alam ko na palihim silang nagbabantay. Nagtungo ako sa mini bar at kumuha ng alak doon. Sunod akong pumunta sa ref para kumuha ng yelo, nang nakuha ko na ang lahat ng kailangan ko ay muli akong bumalik at naupo sa bar stool chair. Nagsimula akong magsalin ng alak at diretyo itong nilagok. Gumuhit ang pait sa
It's been an hour since we got home. Gano'n rin katagal na palihim kong pinanunuod si Valjerome at 'yong babae sa ibaba mula sa ikalawang palapag kung saan ako nakatayo. Jaime was also there. Kung pagbabasehan ang nakikita ko ay para bang malapit sa kanila ang babae.I bit my lower lip when Valjerome smiled at her, then lowered his gaze to her tummy. Malayo man ako ay kita ko ang banayad niyang paninitig doon. Pakiramdam ko ay may kung anong guwang iyong idinulot sa tiyan ko.Elle...That's her name. Noong ipinakilala siya sa akin ni Valjerome kanina ay hindi na agad ako mapakali. Aaminin kong naghintay ako ng iba niya pang sasabihin; kung kaibigan niya ba ito, katrabaho, karelasyon o... ina ng magiging anak niya. But that didn't come. Hindi rin ako sigurado kung makakaya ko bang marinig sakaling kumpirmahin niya ang hinala ko kaya naman namaalam agad ako na iaakyat ko si Erom sa kwarto para makapagpahinga.I let out a deep sigh and decided to go