Devine
''Minahal niyo po ba ako?'' deritsahan kong tanong kay Lolo. Dumaan ang matinding pagkabigla sa kanyang mukha. Napaawang rin ang labi niya. Ang mga mata niya. Nakatitig lang din sa akin. Matagal bago siya nakapagsalita.
''You are loved Iha...'' mabagal na sinabi niya.
Napakagat ako ng pang-ibabang labi ko. Sobra ang kirot sa dibdib ko.
''Then! Bakit niyo ako nagawang dusain sa hindi tamang paraan? Why you didn't even protect me when everybody torturing me? Bakit hindi mo ako ipinagtanggol noon? Bakit Lo? Bakit hindi mo tinupad ang pangako mo sa akin? Dahil ba mas mahalaga sina Madam Corry sa akin?'' Umiiyak na tanong ko.Mariin siyang umiling. Umiiyak din siya. Akala ko kaya ko nang tanggapin ang lahat hindi pa pala. Kahit pala sabihin ko na hindi ako umaasa sa sukli ng pagmamahal na ibinibigay ko. Masakit din pa lang marinig na sa mga panahon na kailangan ko sila ay wala silang naging pakialam sa akin. Sana namatay na lang talaga ko noon. San
DevineHindi ko alam kung dala lang ba ng pagkagulat ko ang dahilan ng mabilis na pagpintig ng puso ko.''Anong ginagawa mo dito?'' inis na tanong ko sa kanya. Umatras pa ako kaunti para makalayo sa kanya. Dahil sa lapit namin sa isa't-isa. Pero humakbang pa siya palapit sa akin para mapayungan ako.''I am here for you,'' Sagot niya sa mababang boses.Napaihip ako sa hangin at inirapan siya. Ramdam ko ang init na sumisingaw sa mga katawan namin. Kahit pa malakas ang ulan.''For meee??'' Inirapan ko siya.Tumango siya. ''Yup.''Mariin ko siyang tinitigan, nakipagtitigan rin siya sa akin. The way he look at me was intimidating. mariin din ang titig niya. Pero hindi ako nagpatalo sa kanya.''Alam mo. Umalis ka na, umuwi ka na sa inyo.'' Inis na utos ko sa kanya. Muli akong umatras. Naramdaman ko na lang sa likuran ko na nakasandal na pala ako sa sasakyan. Nabasa pa ang likod ko, bwisit!''Then, let's go home together.
Devine''Hindi ka gano'n kahalaga para magselos ako!'' gigil na sagot ko sa kanya. At padabog na tinalikuran siya.Agad akong dumiretso sa may banyo upang maglinis at makapagpalit na rin. Nabasa kasi ako kanina at hanggang ngayon ay hindi pa natutuyo ang aking damit. Basa din si Garrett. Basa siya hanggang ngayon. Napabuntonghininga ako. Uuwi kaya siyang gano'n? Hmft! Bahala siya sa buhay niya!Mabilis akong natapos. Nagsuot na lang ako ng maiksing short at spaghetti. Kami, kami lang naman nila Manang dito. Baka umuwi na rin iyong si Garrett. Wala naman siyang importanteng gagawin dito, saka hindi namin siya kailangan dito.''Manang si Rienver po tulog pa rin ba?'' tanong ko kay Manang Josie nang pababa ako ng hagdan. Agad naman niya akong nilingon. Nasa sala siya at nag-aayos ng kung anong dinala ni Garrett kanina. Nakita kong inilipat niya ang dalawang lata ng lactum sa mesa. Tig limang kilo ang bawat isa no'n. May huggies diaper din na dalawang malalak
DevineKabado ako nang lumabas sa kwarto. Hawak ang anak ko. Hindi ko akalain na gano'n ko kadaling sumuko. Nanlalamig ang mga kamay kong buhat-buhat si Rienver.Hinaplos ko ang ulo niya at hinalikan siya sa noo. Napansin kong medyo mainit siya. Kaya naman lalo akong kinabahan at nakaramdam ng konsensya. Dapat siya ang inuna ko kanina. Hindi ang ama niya.Hindi mapirmi ang kaba sa dibdib ko, nanginginig din ang tuhod ko. Habang umaakyat sa hagdan. Kapag ganitong nararamdaman kong may sakit ang anak ko. Sobrang natatakot ako. Iniisip ko pa lang ang sakit ng ulo na nararamdaman niya. Sobrang nasasaktan na ako.Marahan kong inilapag si Rienver sa aking kama. At agad na kinuha ang thermometer.''Namumula ka anak ah,'' bulong ko. Bago inilagay ang thermometer sa kanyang taenga. Sumisipa-sipa siya at sinisipsip ang kamay niya. Parang wala siyang lagnat kung titignan, ang yabang mana kay Daddy ah, baby.Marahas akong napabuntonghininga nang lumabas
Devine.''She's the legal wife, Girl...''''He's just using her!''Kumunot nang husto ang noo ko, sa narinig mula sa kabilang mesa. There... I saw a girl, na makapal ang lipstick. Though she looks pretty. I hate her style. Mukhang intrimitidang kabet! Nakakainis talaga ang mga kabet!''Maritess?'' Tinapik ni Sage ang kamay ko.Sinamangutan ko siya. ''Paano kaya nakakatulog ang mga kabet sa gabi no? Hindi kaya nila naiisip na may nasasaktan din silang tao?'' inis sa sinabi ko kay Sage.Bumuntong hininga siya. "Haven't you move on? Hindi ba okay na kayo ni Garrett?''Malumbay akong bumuntonghininga.''Once you accepted a person who once did you wrong. You should forget what he had done...'' Dagdag pa niya.Ngumisi ako sa kanya. A smile with bitterness. Sana nga no? Ganoon kadaling kalimutan ang lahat. Akala ko din dati. Na once were okay, makakalimutan ko ang sakit. Hindi pa pala.Naramdaman ko ang mul
Devine ''Kung plano lang naman akong paikutin, umalis ka na lang.'' Tumayo ako at naglakad paalis doon. Sandali kong sinulayapn si Manang Josie na tila nabigla din sa sinabi ko dahil sa panlalaki ng mga mata nito. ''Hon, what are you talking?'' tanong niya. He opened his arms, kunot na kunot ang noo niya. Na tila hindi makuha ang ibig kong sabihin. Ganoon naman siya magaling sa drama, magaling magpanggap at magkunwari na totoo siya. Bumuntonghininga ako. Isang hakbang muna paakyat sa hagdan ang ginawa ko, bago ko siya sinagot. ''Huwag ka nang mag maang-maangan, I already know your plan. You want a divorse at the right time. Ginagamit mo lang ako. You wanted to hurt me again. Gaano ba kalaki ang kasalanan ko sa iyo, para ganituhin mo ako?!'' Sigaw ko, hindi ko napiglan na kumawala ang mga luha ko. Ang sakit sakit na. Umasa akong magiging maayos na ang lahat, na totoo lahat ang sinasabi niya. Iyon pala. Drama lang. Parte lang ito ng plano niya.
Pinaglaruan ko ang mga daliri ko habang nakaupo sa gilid ng kama. Katatapos ko lang iayos ang kumot ni Rienver. Kalalapag lang sa kanya ni Garrett, siya na kasi ang nagpatulog dahil naligo ako.Hinihila na ako ng antok. Pero hindi pa ako pwedeng matulog dahil basa pa ang buhok ko. May minsan itinataas-taas at winagwag ang buhok ko para sana madaling matuyo. Para makapagpahinga na rin ako ng maaga. May pasok na kasi ako bukas. Naging mabigat ang loob ko nang maalala si Sam. Bukas ay lalapag na sila dito sa Pilipinas, bagay na hindi man lang niya sinabi sa amin ni Sage. Dapat kami muna ang nakaka alam no´n bago ang ibang tao. Pakiramdam ko tuloy parang mas pinagkakatiwalaan pa niya ang ibang tao, kaysa kaming mga matalik niyang kaibigan. Hindi kaya may galit siya sa akin, kaya hindi niya sinabi sa akin na uuwi na siya sa Pilipinas? Ni hindi nga lang niya rin sinabi na may girl friend na pala siya at sa kanila pa sila tutuloy.Napabuntonghininga na lang ako ng
Para akong binuhusan ng yelo nang marinig ang sinabi ni Garrett. Pakiramdam ko ay biglang naputol ang paghinga ko. Wala sa sarili akong napayakap sa sarili ko habang marahan na umuupo. Ito ba ang dahilan kung bakit hindi ko makontak si sage kagabi? Sobrang kinakabahan na ako. Hindi ko alam kung saan ko siya uumpisahan na hanapin. Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Paano kung may masamang nangyari sa kanya?``Calm down... honey, kilala ko si Owen. I know hinding-hindi niya pababayaan si Sage...'' malumanay na sinabi sa akin ni Garrett.Lumuhod siya at niyakap niya. ``Paano kung siya mismo ang gumawa ng masama sa kaibigan ko?'' Tuluyang kumawala ang mga luha sa mga mata ko. Sising sisi ako bakit ko pa kasi siya pinayagan na sumama. Kaya ba mabigat ang pakiramdam niyang sumama noon? I thought she might enjoy their trip. Pero ito lang pala ang mangyayari sa kanya.Narinig ko ang pagbuntonghininga ni Garrett. ``Pinapahanap na sila sa mga coastguard ng Isla. Huwag k
Three days had passed pero hindi pa namin nahanap sina Sage. Uuwi na sana kami kahapon pero humirit pa ako ng kahit isang araw pa kay Garrett na agad din naman niyang pinayagan.``What!? Sige pupunta na kami agad diyan.''Napalingon ako kay Garrett. Dahil sa sinabi niya sa tawag. Hindi ko alam bakit bigla akong kinabahan ng husto. Halos mabitawan ko na rin ang hawak kong baso dahil sa panginginig ng aking mga kamay.Napansin ko ang pag-igting ng kanyang panga. Ganoon din ang galit na gumuhit sa kanyang mga mata. Halos wala nang pagitan ang kanyang mga kilay dahil sa pagsasalubong ng mga ito.``A---anong nangyari?'' Paos na tanong ko sa kanya nang makalapit siya sa akin.''We have to go honey. Nakita na sina Owen at Sage.''''A--ano... Ku--kumusta ang kaibigan ko?'' Puno ng kabang tanong ko sa kanya.''She's fine...'' malumanay na sinabi niya. Kaya naman gumaan ang pakiramdam ko. Sobrang excited na akong makita siya. Hindi niya lang al
Devine''Parang malalim ang iniisip mo ah?'' mahinang tanong ko kay Garrett. Humawak ako sa kanyang braso at sumandal sa kanyang balikat.Malungkot siyang bumuntonghininga at tumingala sa kalangitan. Nasa balcony kami ngayon ng mansyon, hindi na kami bumalik sa dating bahay na binigay ni Sam dahil hindi na gusto ni Lolo na iwan pa namin siya.''Matagal na panahon na hindi ko nagawang pagmasdan ang mga tala at buwan sa kalangitan. Sabi ni Dr. Fuentes ang buwan at mga tala daw ang talagang paborito ko. Hindi ang katahimikan sa dilim...'' Sagot niya sa akin. Ramdam na ramdam ko ang kalungkutan niya doon.''Simula noong naaksidente ako hindi ko na nagawa pang pagmasdan ang buwan at mga tala sa gabi. Ang gusto ko lang noon, magpakain sa dilim. Hanggang makita ko muli ang liwanag kinabukasan.'' Malungkot na dagdag niya.''Alam mo ba... Sa mga panahon na wala ka, lagi akong humihiling sa mga tala na ibalik ka na sa ak
Devine"Okay lang ba dito muna kayo nila Manang Josie? May bibilhin lang ako sandali. Babalik din ako agad." Si Sam. Hinaplos pa niya ako sa balikat. Nasa farm kami ngayon nila Zia. Hindi na sana ako sasama dahil maraming trabaho sa opisina ngayon. Pero sabi niya ay uuwi din kami bukas, gusto niya lang daw ipakita sa akin ang orchids farm nila.Tinanguan ko siya at tipid na nginitian. "Just relax your self..." Bilin pa niya. Malungkot akong tumango muli sa kanya. Hindi ko alam kung kailan ko ba kaya matatanggap na wala na talaga ang asawa ko. Ilang buwan na pero sariwa pa rin ang sakit. May mag pagkakataong nagiging malakas ako. Pero mas maraming pagkakataon ang nilalamon ako ng matinding kalungkutan. Miss na miss ko na si Garrett... Sobra. Kung pwede lang humiling ng kahit isang araw lang na mapuntahan ko siya sa langit gagawin ko."Welcome to Medina Farm! Late na kitang na greet!'' Tatawa-tawang saad ni Zia sa akin. Pinagsalikop pa niya ang d
Third Person's POV'sGulong-gulo si Garrett noong makita ang ginawa ng nagpakilalang Mama ni Janine kay Janine. Napatulala siya dahil galit nitong sinalubong ng sampal si Janine. Hindi malinaw sa kanya ang dahilan ng babae. Gusto niyang ipagtanggol sana si Janine subalit alam niyang wala siyang karapatan. And besides he respect that old woman...Lalo pang nagpagulo sa isip niya ang sinabi ng babae na may ibang pamilya na siya. Ganoon pa man kahit gulon-gulo na siya. Pinilit niya pa ring aninagin ang pinag-uuspan ng mag-ina. They were fighting kaya kahit mahina iyon ay naaaninagan niya dahil mataas ang boses nila sa isa't-isa.Hindi man niya maunawaan kung bakit ganoon ang pinagsasabi ng matanda kay Janine. Nakaramdam pa rin ito ng malaking duda. Noong napansin niyang lalong lumalala ang tensiyon sa dalawa ay minabuti niyang umalis na lang doon."Garrett…!" Tawag sa kanya ni J
Janine"Sa bahay mo na lang ako magkakape.""No!" Sigaw ko. Halong takot at inis ang naramdaman ko. Ano bang pumasok sa isip niya at kailangan na yayahin pa niya akong magkape.Narinig ko ang pagbuntonghininga niya sa linya. "Ooookay..." Mahabang saad niya sa akin.Nakahinga ako nang malalim. Nilingon ko si Garrett na ngayon ay mataman na nakatitig sa akin. Parang nagtatanong ang kanyang mga mata. Kunot din ang kanyang noo."Is someone bothering you?" Tanong niya. Kinuha pa niya ang unan na nasa pagitan namin. Inilapag niya iyon sa kanyang likuran tapos ay dahan-dahan siyang lumapit sa akin.Tipid akong ngumiti sa kanya saka umiling. "Wala... Iyong si Kris. Nakakainis, kasi ang kulit niya gusto niyang lumabas na naman kami. It was my day off and I don't want to go anywhere. Mag-isa mo lang dito kaya kailangan ay samahan kita.Nagtaas siya ng kanyang dalawang makakapal na kilay sinabayan niya iyon ng malalim na buntonghininga. "Sasamah
Janine''What?! How come you can't approve his visa? You should do something! Mga bwesit kayo!'' Galit na bulyaw ko sa kausap ko ngayon sa agency. They must approve his visa sa lalong madaling panahon. Hindi kami pwedeng manatili dito sa Pilipinas. It's been Six months since nag-apply ako. And there's nothing happened.Mariing napailing ang matabang lalaking kaharap ko ngayon. Hinilot rin niya ang kanyang sintido.''Ma'am... Hindi po pumasa sa evaluation si Sir.'' mahinahong pakiusap niya.Napagitgit ako ng aking mga ngipin. Malakas kong hinampas ang mesa. Dahilan para mapaiktad siya.''You f**king tell me the reason! Ilang buwan na akong naghihintay. Ilang milyon ba ang dapat isuhol sa iyo? Mukhang pera ka!'' Galit na sigaw ko.''I don't need your money. If you have a millions I have that too... Don't you dare be littling me. You may go, or else you will be scourted by the guards.''Mariin kong ikinuyom ang aking mga kamay. ''F**k yo
Janine''Sino ka? At nasaan ako?'' Hindi mapakaling tanong ni Garrett noong tuluyan na siyang magkaroon ng malay. Napakuyom pa ito ng kanyang kamay at mariing napakagat sa pang-ibaba niyang labi. Marahil dahil sa iniinda niyang sakit sa kanyang likuran.Lumapit ako sa kanya, itinaas ko ang dalawa kong palad para pigilan siyang gumalaw. Hindi iyon nakakabubuti sa kanya. Baka kung ano pa ang mangyari sa kanya.''Love... Calm down,'' Pag-aalo ko sa kanya.Pansin na pansin ko ang malakas na pagtaas baba ng kanyang baga.''Nasaan ako? Sino ka?'' Ulit niyang muli.Nanginginig ang mga kamay kong hinaplos ang kanyang magkabilang pisngi.''Tumingin ka sa akin...'' malunay na pakiusap ko. ''Wala ka ba talagang naalala?'' Tanong ko.Marahan siyang umiling. Napangiwi pa siya, marahil ay sumakit ang kanyang ulo.''Love... Ako si Janine... At asawa mo ako. Hindi mo ba naalala?'' malungkot na tanong ko sa kanya. I even fake to cry para
Devine"How's your day?" Nakangiti at patango-tango na tanong ni Sam sa akin.Katatapos ko lang ng trabaho ko sa opisina. Medyo mahirap pa para sa akin ang lahat dahil naninibago pa lang ako. Mula kasi noong mamatay si Garrett ako na ang nagpatakbo ng kumpanya niya. It was hard and so tiring. Mabuti na lang at nandiyan si Sam na umaalalay sa akin. Kung wala siya ewan ko na."Mabuti naman..." Sagot ko. Saka ako ngumiti ng tipid sa kanya.Nginitian niya rin ako matagal bago iyon nawala. Tapos iyong titig niya parang may ibig sabihin."Bakit?" Halos sumimangot na ako sa tanong ko.Bahagya siyang humalakhak. "I am just happy seeing you smiling again. Ang tagal kasing walang gumuhit na ngiti sa iyong labi." Nakangiti niyang sabi sa akin, tapos ay tumalikod.Sumandal siya sa aking mesa. Saka pinag- Cross ang kanyang mga braso sa dibdib. Tumingala din siya sa kisame na akala mo ay may kung ano siyang pinapanuod doon.Narinig ko
JanineMahinang ungol ni Garrett ang gumising sa akin. Nakatulugan ko na pala ang pagbabantay ko sa kanya. Marahan akong nag-angat ng tingin at sandaling hinawi ang aking buhok na tumakip sa aking mukha. I just slept beside him dito sa upuan. Medyo nahilo pa ako dala ng bigla kong pagtayo upang tignan siya.Nakapikit naman siya pero ang itsura niya ay tila nasasaktan siya. Dahil nakakunot ng husto ang kanyang noo. Marahan kong hinaplos ang noo niya. Saka yumuko ako at hinalikan iyon.''May masakit ba Love?'' Mahinang tanong ko sa kanya. Marahan at maingat kong hinaplos ang balikat niya gamit ang aking hinlalaki.''Hmmm...mmmm...'' Ungol niyang muli. Parang nasasaktan siya.Napakagat ako ng pang-ibaba kong labi. Hindi ko alam kung saan ang hahawakan ko para maibsan kung ano man ang masakit sa kanya.''Shhhh...'' mahinang saad ko sa kanya. Kasabay ng maingat na paghaplos sa balikat niya. Marahil ay doon banda ang masakit dahil doon mismo
JanineAgad kong tinawagan si Dr. Fuentes nang magmulat nang mata si Garrett. Tulala siya ng ilang minuto, walang kahit anong imik.Muli kong hinaplos ang kanyang mukha at hinagkan ang kanyang noo. ''Kumusta na ang pakiramdam mo Love?'' malambing na tanong ko. Hinihintay ko siyang magsalita pero wala akong narinig mula sa bibig niya. Ilang sandali ang lumipas bago siya muling pumikit.Naging emosyonal ako sa mga nangyayari. Swerte pa rin siya... Actually ako kasi kahit sobrang mapanganib ang naging sitwasyon niya ay nakaligtas pa rin siya. Makaraan ang ilang sandali ay may kumatok sa may pintuan. Mabilis akong tumayo at pinagbuksan iyon.''How is he now?'' malumanay na tanong sa akin ni Dr. Fuentes. Pagkabukas ko pa lang ng pinto.Bumuntonghininga ako at tipid na nginitian siya. ''Come... Check on him,'' Iginiya ko siya papalapit kay Garrett.Agad niyang hinawakan ang noo ni Garrett. Pagkuwan ay sinuri ang iba't-ibang bahagi ng kanyang kataw