Naging matulin ang paglipas ng panahon, Siyam na buwan na ngayon ang tiyan ni Devine, at ano mang oras ay manganganak na siya. Sa loob ng walong buwan ay wala man lang siyang naging balita na hinahanap siya ni Garrett.
Napa-hugot siya ng malalim na hininga kasabay ng paghaplos niya sa kanyang tiyan, dahil sa biglaang paggalaw ng bata sa sinapupunan niya.
Nasa balcony siya ngayon at inaaliw ang sarili sa panunood sa hardin. May tatlong buwan nang dalawa lang sila ng katulong ang nasa bahay ni Sam, dahil bumalik na ito sa New York.Madalas din namang dumadalaw sa kanya si Sage. Pero nitong nakaraang dalawang linggo ay dalawang beses lang dahil naging mahigpit daw ang amo ni Sage sa Kumpanyang pinagtatrabahuhan niya, ayon kay Sage ay dahil nagpalit sila ng CEO.
Ilang sandali pa ay naagaw ang atensyon niya sa pagdating ng itim na Mercedes G63. Mula sa kinauupuan ay matatanaw niya ang tao sa labas. Tumayo siya upang lalo pang makilala kung sino ang dumati
It wasn't always easy to forget someone that once broke your heart into pieces. Pero minsan kung gaano kasakit ang ginawa sa iyo ng isang tao. Ganoon din kalaki ang maidudulot na kaligayahan at biyaya. Sometimes pain makes us be firm and realize our worth... at ang tao na iyon ang dahilan.Halos hindi makapagsalita si Devine sa saya. Noong marinig niya ang iyak ng anak niya. She may regretted loving the first man in her life, but not the blessing and angel from God above, na bunga ng maling desisyon at pagmamahal niya."Wow! Ang gwapong bata!""Oh, kay lusog-lusog naman iyang baby na iyan e,"Napapangiti si Hope, kasabay ng mga luhang tumatakas sa mga mata niya. Habang pinapakinggan ang mga nurse na nag-aasikaso sa anak niya. Sobrang worth it ang sakit na pinagdaanan niya kanina. Lalo na noong mahawakan at mahagkan ang anak niya."Tears of joy?" nakangiting tanong sa kanya ng babaeng nurse. Kasabay ng pagpunas nito ng luhang kumaw
It wasn't always easy to forget someone that once broke your heart into pieces. Pero minsan kung gaano kasakit ang ginawa sa iyo ng isang tao. Ganoon din kalaki ang maidudulot na kaligayahan at biyaya. Sometimes pain makes us be firm and realize our worth... at ang tao na iyon ang dahilan. Halos hindi makapagsalita si Devine sa saya. Noong marinig niya ang iyak ng anak niya. She may regretted loving the first man in her life, but not the blessing and angel from God above, na bunga ng maling desisyon at pagmamahal niya. "Wow! Ang gwapong bata!" "Oh, kay lusog-lusog naman iyang baby na iyan e," Napapangiti si Hope, kasabay ng mga luhang tumatakas sa mga mata niya. Habang pinapakinggan ang mga nurse na nag-aasikaso sa anak niya. Sobrang worth it ang sakit na pinagdaanan niya kanina. Lalo na noong mahawakan at mahagkan ang anak niya. &n
Halo-halong emosyon ang naghahari kay Garrett sa pagkakataong ito. Gusto niyang mainis na lang dahil sa sementeryo siya dinala ni Sage. Pero mas nanaig sa kanya ang takot at kyuryosidad.Pabagsak niyang isinara ang pintuan ng kanyang sasakyang. At iritadong tinignan si Sage na nauna nang naglakad sa kanya. Nagpawewang siya. "What the hell we are doing here!" Mataas na boses niya.Inis na ngumiti si Sage. Bago nito nilingon si Garrett. "Hindi ba't gusto mong makita si Hope!?" Sigaw niya. Seryoso siya at wala man lang kahit anong duda sa sinabi niya. Pero hindi pa rin makumbinsi ni Garrett ang sarili niya."You! F*ck! Hindi ako nakikipaglokohan sa iyo!" Iritadong sigaw niya. Ngayon ay hindi na niya makontrol ang galit niya dahil sa akala niya ay pinagloloko siya ni Sage.Hinarap siya ni Sage at inis na nagpa-mewang. Tumaas din ang kilay niya. "Hindi din ako nakikipaglokohan sa iyo! Kung gusto mong malaman kong ano talaga ang nangyari kay Hope, sumunod
MATAMAN na pinapanood ni Devine, ang kaibigang si Sam. Sinasayaw at hene-hele kasi nito si Reinver. Dalawang araw na sila ngayon sa Hospital.Hindi niya namamalayang tumulo ang luha niya, nang sandaling maisip ang sitwasyon nila ng anak niya. Kung hindi ba siya umalis sa piling ni Garrett, aalagaan ba niya sila? Tulad sa pag-aalaga sa kanila ni Sam? Kung nanatili ba siya sa piling ni Garrett? Mamahalin at tatanggapin kaya niya ang anak nila? Matamlay siyang bumuntonghininga. Bumigat din ang dibdib niya nang sandaling sumagi si Garrett sa isip niya.Though it's been a long time... long burden, pain and calvary. Naroon pa rin ang puso niya.Siguro ganoon talaga. You can change everything in you: The way you think, the way you speak, the way you act, your name at buo mong pagkatao. Pero kahit anong gawin mo, hindi mo kayang baguhin ang tinitibok ng puso mo. Lalo pa't mas makapangyarihan ang puso kaysa sa utak ng tao. Puso ang pinaka traidor na parte ng katawan nati
"Dalawang araw ka nang hindi pumapasok sa opisina Garrett," si Don Fernando. May pag-aalala sa sinabi niya.Kung dati ay sukdulan ang galit nito sa Apo dahil sa pag-alis ni Hope. Ngayon ay natanggap na niya ang lahat. Wala din siyang magagawa para itama pa ang maling desisyong pamimilit sa apo na mag pakasal kay Hope."May problema ka ba?" tanong muli ng Don. Humakbang pa ito palapit kay Garrett.Mariing napalunok si Garrett at humigpit ang hawak niya sa kanyang baso, na may alak. Balisa, malayo ang tanaw at hindi mawari kung saan ba ang tingin. Kung sa malawak na damuhan o sa kawalan.Nasa balcony sila ngayon, sa ikalawang palapag ng bahay ni Don Fernando.Pinuno niya ng hangin ang kanyang dibdib, pag kuwan ay nagpakawala rin. "Bakit kailangang magdusa ako ng ganito?" malumbay at wala sa sariling tanong niya.Kasabay ng pagbagsak ng kanyang luha... luhang pait at galit ang pinapahiwatig sa tuwina.Kumunot ang noo ng Don
MATAPOS puntahan ni Don Fernando si Carmelita ay tumungo ito sa mansyon ng mga Valdez."Napadalaw ka Amigo?" Pagsalubong ni Don Romulo kay Don Fernando. Niyakap niya ito at tinapik sa likod. Iginiya niya si Don Fernando sa malawak na sala ng mansyon.Sa pagpasok nila'y sinuyod ni Don Fernando ang kabuan ng malaking bahay. Kulay Puti at yellow ang tema ng bahay. Ganoon din ang kagamitan sa loob. Pero mas cheap itong tignan kung ikukumpara sa mansyon na pag-aari ni Don Fernando. Valdez's wealth is nothing compared to Del Valle's. Nag-umpisa iyon nang si Garrett ang namahala sa kumpanya nila."Mag-isa mo lang ba dito Amigo?" Si Don Fernando, humawak pa ito sa mga tuhod niya paupo sa sofa."The others are upstair," Sinundan ng tingin ang hagdan paakyat.Huminga ng malalim si Don Fernando. "I came to your house, but I didn't find you there. Sabi ng katulong mo ay dito raw kita makikita.""As usual. Amigo," Humalakhak pa ito ng mahina.
PAULIT-ULIT ang paghingi ni Garrett ng kapatawaran. Habang umiiyak at hinahagkan ang lapida ni Hope. Malakas na ang ulan pero hindi pa rin siya tumitinag."Patawarin mo ako... Hope. Alam ko huli na ang lahat. Alam kong wala nang kabuluhan itong ginagawa ko. Kasi wala ka na at hindi mo na rin ako naririnig. Kung bibigyan lang ako ng kahit isang pagkakataon lang. Na isang araw na makita at makasama ka kahit kapalit pa noon ang tuluyan kong pagpanaw. Hindi ko sasayangin ang pagkakataon na iyon. Luluhod ako sa harap mo at paulit-ulit na hihingi ng tawad sayo..." malumbay na saad niya. Puno ng hinagpis ang puso niya.Pakiramdam niya'y wala nang mapaglagyan pa ang sakit na nararamdaman niya. Iyong pakiramdam na kinakain ka ng konsensya mo. Kung hindi lang siguro namatay si Hope ay baka madali na lang niyang tatanggapin ang lahat. Pero hindi eh. Patay na siya at wala siyang magagawa! Patay na siya at hindi na siya makakabawi pang muli! Hindi na niya masusuklian ang pagm
SANA ganoon lang kadaling gawin. Sana ganoon lang kadaling kalimutan ang taong minahal niya nang lubos. Gusto niyang manindigan na galit na lang ang natitira at wala na ang pagmamahal. Pero sa tuwing sinusubukan niya. Nasasaktan siya at mas nananaig ang pagmamahal at kagustuhan na balang araw magkita pa sila. Pero paano kung hindi na? Paano kung ang balang araw at isang tiyansa ay tulad na naman sa una nilang pagsasama ni Garrett. Paano kung malaman ni Garrett na may anak sila, kamumuhian ba niya siya ng lubusan. Lalo't isa siyang Kriminal sa paningin niya.Tumulo ang luha niya ng hindi niya namalayan."I thought, I did change."Kumunot ang noo ni Sam na nilingon siya."You thought... but I still see you the same. Gusto kitang tanungin pero ayokong masaktan ka, ayokong isipin mong wala akong tiwala sa iyo," puno ng pait na sambit niya.Tipid siyang ngumiti at umiling. Marahan niyang pinunas ang luha niya at muling tumingala sa kalangitan."N
Devine''Parang malalim ang iniisip mo ah?'' mahinang tanong ko kay Garrett. Humawak ako sa kanyang braso at sumandal sa kanyang balikat.Malungkot siyang bumuntonghininga at tumingala sa kalangitan. Nasa balcony kami ngayon ng mansyon, hindi na kami bumalik sa dating bahay na binigay ni Sam dahil hindi na gusto ni Lolo na iwan pa namin siya.''Matagal na panahon na hindi ko nagawang pagmasdan ang mga tala at buwan sa kalangitan. Sabi ni Dr. Fuentes ang buwan at mga tala daw ang talagang paborito ko. Hindi ang katahimikan sa dilim...'' Sagot niya sa akin. Ramdam na ramdam ko ang kalungkutan niya doon.''Simula noong naaksidente ako hindi ko na nagawa pang pagmasdan ang buwan at mga tala sa gabi. Ang gusto ko lang noon, magpakain sa dilim. Hanggang makita ko muli ang liwanag kinabukasan.'' Malungkot na dagdag niya.''Alam mo ba... Sa mga panahon na wala ka, lagi akong humihiling sa mga tala na ibalik ka na sa ak
Devine"Okay lang ba dito muna kayo nila Manang Josie? May bibilhin lang ako sandali. Babalik din ako agad." Si Sam. Hinaplos pa niya ako sa balikat. Nasa farm kami ngayon nila Zia. Hindi na sana ako sasama dahil maraming trabaho sa opisina ngayon. Pero sabi niya ay uuwi din kami bukas, gusto niya lang daw ipakita sa akin ang orchids farm nila.Tinanguan ko siya at tipid na nginitian. "Just relax your self..." Bilin pa niya. Malungkot akong tumango muli sa kanya. Hindi ko alam kung kailan ko ba kaya matatanggap na wala na talaga ang asawa ko. Ilang buwan na pero sariwa pa rin ang sakit. May mag pagkakataong nagiging malakas ako. Pero mas maraming pagkakataon ang nilalamon ako ng matinding kalungkutan. Miss na miss ko na si Garrett... Sobra. Kung pwede lang humiling ng kahit isang araw lang na mapuntahan ko siya sa langit gagawin ko."Welcome to Medina Farm! Late na kitang na greet!'' Tatawa-tawang saad ni Zia sa akin. Pinagsalikop pa niya ang d
Third Person's POV'sGulong-gulo si Garrett noong makita ang ginawa ng nagpakilalang Mama ni Janine kay Janine. Napatulala siya dahil galit nitong sinalubong ng sampal si Janine. Hindi malinaw sa kanya ang dahilan ng babae. Gusto niyang ipagtanggol sana si Janine subalit alam niyang wala siyang karapatan. And besides he respect that old woman...Lalo pang nagpagulo sa isip niya ang sinabi ng babae na may ibang pamilya na siya. Ganoon pa man kahit gulon-gulo na siya. Pinilit niya pa ring aninagin ang pinag-uuspan ng mag-ina. They were fighting kaya kahit mahina iyon ay naaaninagan niya dahil mataas ang boses nila sa isa't-isa.Hindi man niya maunawaan kung bakit ganoon ang pinagsasabi ng matanda kay Janine. Nakaramdam pa rin ito ng malaking duda. Noong napansin niyang lalong lumalala ang tensiyon sa dalawa ay minabuti niyang umalis na lang doon."Garrett…!" Tawag sa kanya ni J
Janine"Sa bahay mo na lang ako magkakape.""No!" Sigaw ko. Halong takot at inis ang naramdaman ko. Ano bang pumasok sa isip niya at kailangan na yayahin pa niya akong magkape.Narinig ko ang pagbuntonghininga niya sa linya. "Ooookay..." Mahabang saad niya sa akin.Nakahinga ako nang malalim. Nilingon ko si Garrett na ngayon ay mataman na nakatitig sa akin. Parang nagtatanong ang kanyang mga mata. Kunot din ang kanyang noo."Is someone bothering you?" Tanong niya. Kinuha pa niya ang unan na nasa pagitan namin. Inilapag niya iyon sa kanyang likuran tapos ay dahan-dahan siyang lumapit sa akin.Tipid akong ngumiti sa kanya saka umiling. "Wala... Iyong si Kris. Nakakainis, kasi ang kulit niya gusto niyang lumabas na naman kami. It was my day off and I don't want to go anywhere. Mag-isa mo lang dito kaya kailangan ay samahan kita.Nagtaas siya ng kanyang dalawang makakapal na kilay sinabayan niya iyon ng malalim na buntonghininga. "Sasamah
Janine''What?! How come you can't approve his visa? You should do something! Mga bwesit kayo!'' Galit na bulyaw ko sa kausap ko ngayon sa agency. They must approve his visa sa lalong madaling panahon. Hindi kami pwedeng manatili dito sa Pilipinas. It's been Six months since nag-apply ako. And there's nothing happened.Mariing napailing ang matabang lalaking kaharap ko ngayon. Hinilot rin niya ang kanyang sintido.''Ma'am... Hindi po pumasa sa evaluation si Sir.'' mahinahong pakiusap niya.Napagitgit ako ng aking mga ngipin. Malakas kong hinampas ang mesa. Dahilan para mapaiktad siya.''You f**king tell me the reason! Ilang buwan na akong naghihintay. Ilang milyon ba ang dapat isuhol sa iyo? Mukhang pera ka!'' Galit na sigaw ko.''I don't need your money. If you have a millions I have that too... Don't you dare be littling me. You may go, or else you will be scourted by the guards.''Mariin kong ikinuyom ang aking mga kamay. ''F**k yo
Janine''Sino ka? At nasaan ako?'' Hindi mapakaling tanong ni Garrett noong tuluyan na siyang magkaroon ng malay. Napakuyom pa ito ng kanyang kamay at mariing napakagat sa pang-ibaba niyang labi. Marahil dahil sa iniinda niyang sakit sa kanyang likuran.Lumapit ako sa kanya, itinaas ko ang dalawa kong palad para pigilan siyang gumalaw. Hindi iyon nakakabubuti sa kanya. Baka kung ano pa ang mangyari sa kanya.''Love... Calm down,'' Pag-aalo ko sa kanya.Pansin na pansin ko ang malakas na pagtaas baba ng kanyang baga.''Nasaan ako? Sino ka?'' Ulit niyang muli.Nanginginig ang mga kamay kong hinaplos ang kanyang magkabilang pisngi.''Tumingin ka sa akin...'' malunay na pakiusap ko. ''Wala ka ba talagang naalala?'' Tanong ko.Marahan siyang umiling. Napangiwi pa siya, marahil ay sumakit ang kanyang ulo.''Love... Ako si Janine... At asawa mo ako. Hindi mo ba naalala?'' malungkot na tanong ko sa kanya. I even fake to cry para
Devine"How's your day?" Nakangiti at patango-tango na tanong ni Sam sa akin.Katatapos ko lang ng trabaho ko sa opisina. Medyo mahirap pa para sa akin ang lahat dahil naninibago pa lang ako. Mula kasi noong mamatay si Garrett ako na ang nagpatakbo ng kumpanya niya. It was hard and so tiring. Mabuti na lang at nandiyan si Sam na umaalalay sa akin. Kung wala siya ewan ko na."Mabuti naman..." Sagot ko. Saka ako ngumiti ng tipid sa kanya.Nginitian niya rin ako matagal bago iyon nawala. Tapos iyong titig niya parang may ibig sabihin."Bakit?" Halos sumimangot na ako sa tanong ko.Bahagya siyang humalakhak. "I am just happy seeing you smiling again. Ang tagal kasing walang gumuhit na ngiti sa iyong labi." Nakangiti niyang sabi sa akin, tapos ay tumalikod.Sumandal siya sa aking mesa. Saka pinag- Cross ang kanyang mga braso sa dibdib. Tumingala din siya sa kisame na akala mo ay may kung ano siyang pinapanuod doon.Narinig ko
JanineMahinang ungol ni Garrett ang gumising sa akin. Nakatulugan ko na pala ang pagbabantay ko sa kanya. Marahan akong nag-angat ng tingin at sandaling hinawi ang aking buhok na tumakip sa aking mukha. I just slept beside him dito sa upuan. Medyo nahilo pa ako dala ng bigla kong pagtayo upang tignan siya.Nakapikit naman siya pero ang itsura niya ay tila nasasaktan siya. Dahil nakakunot ng husto ang kanyang noo. Marahan kong hinaplos ang noo niya. Saka yumuko ako at hinalikan iyon.''May masakit ba Love?'' Mahinang tanong ko sa kanya. Marahan at maingat kong hinaplos ang balikat niya gamit ang aking hinlalaki.''Hmmm...mmmm...'' Ungol niyang muli. Parang nasasaktan siya.Napakagat ako ng pang-ibaba kong labi. Hindi ko alam kung saan ang hahawakan ko para maibsan kung ano man ang masakit sa kanya.''Shhhh...'' mahinang saad ko sa kanya. Kasabay ng maingat na paghaplos sa balikat niya. Marahil ay doon banda ang masakit dahil doon mismo
JanineAgad kong tinawagan si Dr. Fuentes nang magmulat nang mata si Garrett. Tulala siya ng ilang minuto, walang kahit anong imik.Muli kong hinaplos ang kanyang mukha at hinagkan ang kanyang noo. ''Kumusta na ang pakiramdam mo Love?'' malambing na tanong ko. Hinihintay ko siyang magsalita pero wala akong narinig mula sa bibig niya. Ilang sandali ang lumipas bago siya muling pumikit.Naging emosyonal ako sa mga nangyayari. Swerte pa rin siya... Actually ako kasi kahit sobrang mapanganib ang naging sitwasyon niya ay nakaligtas pa rin siya. Makaraan ang ilang sandali ay may kumatok sa may pintuan. Mabilis akong tumayo at pinagbuksan iyon.''How is he now?'' malumanay na tanong sa akin ni Dr. Fuentes. Pagkabukas ko pa lang ng pinto.Bumuntonghininga ako at tipid na nginitian siya. ''Come... Check on him,'' Iginiya ko siya papalapit kay Garrett.Agad niyang hinawakan ang noo ni Garrett. Pagkuwan ay sinuri ang iba't-ibang bahagi ng kanyang kataw