1/? di ko sure kung ilan kaya ko hahaha pero I'll try to upload at least 2 chpaters for this day
Chapter 25: Denial“NO! Y-You're my Papa Yves. Did you forget about me, Papa?” Tuluyang bumuhos ang luha ni Yvette mula sa mga mata habang nakatitig pa rin kay Yves. Parang may sumuntok naman sa dibdíb ni Yves habang nakikitang umiiyak ang batang kaharap ngunit hindi niya alam ang dahilan. Siguro ay dahil hindi siya sanay makakita ng batang umiiyak lalo't siya ang dahilan kung bakit ito umiiyak ngayon. Yves knelt in front of the child and helped her get up. Pero nabigla na naman siya noong yumakap ito sa kanya. He almost pushed her away because he felt something was amiss. Hindi niya mapaliwanag ang nararamdaman at ayaw niya nang ganoong pakiramdam. Yves let the kid go and he stared at her. “I'm sorry but I think you mistook me for someone. I'm not your father. I have my son here.”Pagkatapos sabihin iyon ay hinatak niya si Yael na nasa tabi niya at pinakilala sa batang kaharap. “This is Yael, my son. So, you see, it's a mistake. Hindi kita kilala—”Suminghot si Yvette at mas lalong
Chapter 26: You seduced me! “ANONG sinasabi mo? What lies are you referring to?”Yves gazed at Hanni darkly. Siya naman ay nagtaka sa mapanghusga nitong tingin — halata ang inis sa mga mata nito, nababasa niya. “Are you desperate to cling to me that you lied to your daughter that I'm her father? Look, I already told you that I'm not your husband and I'm not her father. May sarili akong pamilya at hindi kayo iyon. Ano ba 'to, panibagong scheme ng mga manlolokong tulad mo? You even used your daughter for your lies!”Nasaktan si Hanni sa mga sinabi nito. Ngunit tinatagan niya ang loob. Alam niyang kaya lang naman ito sinasabi ni Yves ay dahil hindi siya nito naalala.“You're her father, Yves. Hindi ako nagsisinungaling. If only you listen to my explanations and I will show you the truth.”Pumalatak si Yves at umiling-iling. “Hindi ka mapapagkatiwalaang tao. Look, Miss, I don't even know why I'm here and still entertaining your thoughts. Pero nakikiusap ako, tigilan mo na ako. I'm happy
Chapter 27: Take good care of themYVES punched the wall repeatedly and cursed under his breath. Hindi niya matanggap ang nangyari sa kanila ng babaeng iyon. Yes, he would be honest, he felt it was right. But his conscience is whispering to him that what he did was wrong! He fúcking cheated on his wife and even if he was hit by remorse, he knew that that girl bewitched him and he's crazy for her! Hindi niya sigurado kung kaya niya pang panindigan ang bulong ng utak dahil kahit pinatitigas niya ang kalooban, labag sa loob niya ang mga ginagawi niya na hindi niya alam kung bakit! Nahahalina siya at nababaliw sa babaeng iyon kahit na may pamilya na siya at nagagalit siya sa sarili dahil sa nadarama! Simula noong makita ni Yves ang babaeng iyon, ito na ang laman ng isip niya sa tuwina. Pilit niyang nilalabanan ang nararamdaman dahil alam niyang mali iyon! He promised to himself that he won't do the same mistake. He will straighten himself. Kung kinakailangan na umiwas sa babaeng iyon,
Chapter 28: Yvette is pitiful“HANNI, what's bothering you?”Napakurap si Hanni mula sa pagkatulala sa basong nasa harapan niya at nalipat ang tingin niya kay Serena na nasa kabilang side ng table na pumapagitan sa kanila. Nasa bahay siya ngayon ng mag-asawang sila Serena at Kevin dahil dito siya dumiretso pagkatapos ng nangyari sa kanila ni Yves. Narito rin kasi si Yvette. Sa mag-asawa niya iniwan ang anak dahil alam niyang komportable si Yvette kila Serena. Nilayo na nila ang mga bata sa HQ dahil bumitiw na sila sa kanilang tungkulin. Kaya kung kinakailangan na may bantay ng mga bata, kila Serena niya iniiwan ang anak. “Ayos lang ako, bebs,” sagot niya para hindi ito mag-alala.Hangga't maaari ayaw iparating ni Hanni ang bigat na nararamdaman niya noong iwanan siya ni Yves kanina dahil mag-iisip lang si Serena. Alam niyang hanggang ngayon ay iniisip nito na nagkulang ito dahil nakuha ni Don Juan si Yves sa kanila. “Nakausap mo na ba si Yves? Napaliwanag mo na ang totoo? Isang tao
Chapter 29: You're stupid so I hate you! DUMATING din si Yves at Yael sa kindergarten school at mabuti na lang may twenty minutes pa bago magsimula ang klase nila Yael. Nag-stay doon si Yves para samahan sandali si Yael. Masayang nagkukwentuhan si Yael at Yves nang nakita ni Yves na may pumaradang sasakyan. Bumaba roon ang batang babae na pamilyar sa kanya.Si Yvette iyon at may lalaking bumuhat dito. Kumunot ang noo ni Yves sa nakita. Hindi niya kilala ang lalaki ngunit nang makita ito, mabigat na kaagad ang loob ni Yves sa lalaking ito. “Is that Yvette's father, Daddy? Then I don't have to share you with her?” nagtatakang ani Yael. Hindi nakapagsalita si Yves dahil ang mga mata niya ay nakapako rin pa rin kay Yvette na buhat ng lalaki. Naka-shades ito at may suot na windbreaker. Mukhang mayabang, tss. Tingin ni Yves ay kasingtakad niya rin ang lalaki.Nairita si Yves sa lalaki at hindi niya malaman kung gusto niya bang puntahan si Yvette at agawin ito sa lalaking may karga dito.
Chapter 30: Meds are running low“PAUBOS NA ang medicines ni Yves.” Binuhat ni Samantha ang canister ng gamot na binibigay nila kay Yves at nang itaas niya iyon, nakita niya ang anino ng iilang pirasong gamot. Tatlo na lang ang naroon. Ibig sabihin noon ay tatlong araw na lang makakainom ng gamot si Yves at sa mga susunod na araw ay wala na siyang maibibigay rito. Hindi maaaring ganoon ang mangyari dahil magkakandaletse-letse ang lahat oras na hindi na nila kontrolado ang lahat. Hindi pwedeng makaalala si Yves. Oras na ganoon ang mangyari, saan sila ni Yael pupulutin? Maganda na ang kalagayan nilang mag-ina sa piling ni Yves at hindi hahayaan ni Samantha na maalis pa sila roon. Kung kinakailangan na habambuhay si Yves uminom ng gamot na ito, ganoon ang gagawin ni Samantha. Sa kanya lang si Yves. Asawa niya ito at ama ni Yael, wala nang iba. “What? He ran out of meds again? Kahihingi mo lang sa akin ng rasyon ng gamot noong nakaraang dalawang linggo, Sam.”Samantha gritted her tee
Chapter 31: She's your wife“THERE'S something sketchy about Yves' pretend wife.”Hanni was with Serena and Kevin once again. Nasa bahay siya ng mag-asawa dahil pakiramdam niya masu-suffocate siya sa bahay na walang kasama. Nababaliw siya sa tahimik na paligid at para malibang, dito siya sa bahay ng dalawa. Mabuti na lang din at accomodating sila Serena at Kevin dahil kahit paano, nalilibang siya. Mula sa pag-aayos ng bulaklak na pinitas nila ni Serena sa garden nito, nag-angat ng tingin si Hanni sa ginagawa at nalipat ang atensyon kay Kevin na nagsalita. Binaba niya ang mga tangkay ng rose na nalinis na at natuon ang buong atensyon dito. “Anong ibig mong sabihin, Kevin? May problema ba sa kanya?”Umupo si Kevin sa bakanteng upuan at saka tinuloy ang sasabihin nito. “I found out that she's been close to Yves' father. Siya ang matagal nang pinagkakasundo ni Don Juan kay Yves at nang mawala si Yves, lumitaw si Samantha Mirabeles sa tabi ni Yves.”“Ibig mong sabihin, kasabwat siya ng
Chapter 32: This is an illegal drúgMATINDI PA rin ang kirot ng ulo ni Yves at ilang sandali pa bago iyon humupa. Hindi naman siya iniwan ni Kevin hanggat hindi nito nasisiguro na hindi maayos ang lagay niya. Nang kaya na ni Yves tumayo nang diretso, gumilid na si Kevin at hindi na siya inalalayan pa. “Are you feeling alright? If you're okay, then I'm going to leave…”Bago pa ito makaalis, hinawakan ni Yves ang braso ni Kevin at nakakunot ang noo na nagsalita. “You took away my medicine. Give it back.”“Oh.”Humugot si Kevin sa bulsa nito ngunit walang laman ang nakalahad nitong palad noong buksan sa harap niya. “I think I dropped it when I grabbed it from you.”Napailing na lang si Yves at dahil wala na siyang lakas makipagtalo at ipagpilit na kuhanin ang gamot, nagpaalam na siya rito. Ang hindi alam ni Yves ay nakamasid pala sa kanya si Kevin. Pinanood siya nitong umalis at nang hindi na matanaw si Yves, kunot ang noo na nilabas ni Kevin ang tinagong gamot na nasa bulsa naman talag
Nang marinig ni Chester ang iyak ng ina niya, mas lalo siyang nagwala. Tinulak niya ito at sumigaw, “Bakit ka umiiyak?! Sino nagsabing wala na akong silbi?! Tumawag ka ng mga babae! Patutunayan ko sa inyong lahat na hindi ako inutil! Hahaha! Hindi ako inutil!”Halos matumba ang ina sa pagkakatulak. Pagkatayo niya, di na siya muling umiyak. Alam niyang mas lalo lang magagalit si Chester.Mayamaya, napansin ni Chester si Paris na nagtatago sa likod ng mga tao at ayaw lumapit.Bigla siyang sumigaw. “Paris! Lumapit ka rito! Bilis!”Nang marinig ang pangalan niya, halos manginig si Paris… Parang demonyo si Chester! Lahat ng lumapit sa kanya, parang kinakain ng buo!Pero wala siyang magawa… Andami ng matatandang miyembro ng pamilya Beltran sa paligid. Kahit kunwari lang, kailangan niyang lumapit.Kaya pinisil niya ang sarili niya nang malakas para lumabas ang luha, at lumapit sa kama habang umiiyak: “Bakit ganito ang nangyari… Bakit ganito… Master Chester, masakit ba…?”Pero imbes na maawa,
Chapter 68ISANG bungkos ng mga gulay na mukhang walang lasa ang nakahain sa tanghalian. Pagkakita pa lang ni Chastain, parang sumakit agad ang tiyan niya at nawalan siya ng gana.Si Patricia naman, kalmado lang sa pagkain. Alam niya kasing ang may-ari ng karinderyang ito ay mahilig magdagdag ng tubig habang nagluluto at matipid sa mantika, kaya ang “ginisa” ay parang pinakuluan lang.Ganito rin talaga ang kain niya dahil iniisip pa rin niyang magpapayat, at sinabihan din siya ng doktor na iwasan ang matatabang at maaanghang na pagkain. Mas okay na raw ang mga masustansyang gulay.Pero si Chastain ay normal na tao! Paano naman siya gaganahang kumain ng ganitong luto na parang nilaga lang? Kaya dalawang subo lang ng kanin ang nakain niya, sumuko na agad.Nakita ni Patricia ang itsura niyang parang mamamatay na sa gutom, kaya napabuntong-hininga ito at itinuro ang kabinet sa kusina gamit ang kanyang kutsara. “Naalala ko may bote ng chili oil d'yan. Kung sobrang wala talagang lasa sa'yo,
Sa wakas, luminga-linga si Chastain at tumigil ang tingin niya kay Patricia. “Kahit na parang ordinaryo at hindi kapansin-pansin ka sa paningin ng iba, para sa ’kin isa kang interesting na tao. Kaya handa akong maglaan ng oras para maging kaibigan ka. Kung tutulong ka man sa’kin sa hinaharap, nasa ‘yo na ‘yon.”Medyo natulala si Patricia.Ang salitang “kaibigan” ay parang isang luho para sa kanya. Ang buong buhay niya dati ay punong-puno ng mga taong minamaliit siya at gustong yurakan ang pagkatao niya.Ngayon lang siya nagsimulang magkaroon ng mga totoong kaibigan. Pero hindi rin siya sigurado kung totoo bang mabait sila sa kanya, o ginagamit lang siya para sa pansariling interes.Pero si Chastain yata ang unang nagsabi na gusto siyang maging kaibigan.Habang tulala pa si Patricia, hinawakan ni Chastain ang braso ni Patrick at binuhat ito sa likod niya. “Patricia, wag mo nang gawing komplikado pa ang pag-iisip sa’kin. Oo, may ambisyon ako, pero hindi ibig sabihin gusto kong agawin an
Chapter 67NGUMITI si Chastain ng bahagya. "Wala akong pakialam kung anong gulo meron kayo ng pamilya Alejandro. Basta, wala kang karapatan dito. Kung aalis ka, umalis ka na agad para hindi ka nakakaabala. Habang wala si Daemon, ako ang magpoprotekta sa babaeng 'to."Napakagat ng labi si Carmina sa inis, tinitigan si Chastain nang masama, at sa huli, napasipa siya sa lupa: "Hindi ko kalilimutan 'to!"Pagkatapos, tumalikod siya at naglakad papunta sa kanyang Maybach...Ang dalawa niyang tauhan ay napabagsak na ni Chastain, hindi man lang nakaporma o nakapalag.Sa huli, umalis si Carmina na halos nakakahiya, iniwan ang alikabok habang papalayo ang Maybach. Nakatingin pa rin si Patricia sa direksyong nilisan nito, tila tulala pa rin.Kahit na hindi talaga kaaya-aya si Carmina, totoo pa rin ang mga sinabi niya. Para bang tinamaan si Patricia sa pinakasensitibong parte ng damdamin niya.Tama... parang naging pabigat na lang talaga siya kay Daemon...Habang nag-iisip pa siya, bigla siyang t
Tahimik lang si Patricia, kagat labi. Paano niya malalaman?“Dahil hindi mo alam kung nasaan ka, at hindi mo alam ang lugar mo!” Sobrang linaw at diin ng bawat salitang binitiwan ng babae, parang gusto siyang durugin sa salita pa lang!Pero hindi umiwas ng tingin si Patricia, kalmado siyang tumingin pabalik: “sa labindalawang taon ng buhay ko, sobra na akong naging mabait. Ngayon naman, gusto ko na lang piliin sarili ko, hindi ba pwede iyon?”SLAP! Isa pang sampal mula sa kabila! Lalong naging matalim ang mga mata ng babae. “Akala mo ba may karapatan kang magsalita ng ganyan sa harap ko?!”Na-off guard si Patricia at nasampal ulit. Nainis na siya bigla. Ang babaeng ‘to bigla na lang sumulpot na parang baliw tapos nanampal pa nang walang dahilan. Pero alam ni Patricia na malakas ang koneksyon ng babaeng ‘to kaya pinilit na lang niyang pigilan ang inis niya, “Hindi ko alam kung sino ka, at hindi ko rin alam kung anong nagawa ko sa’yo, pero pwede bang kahit konti lang, igalang mo naman
Chapter 66HALATANG nabigla ang doktor sa sinabi ni Daemon, pero mabilis din nitong inayos ang sarili, hinila ang kwelyo ng kanyang polo at kalmadong nagsalita, “Walang magiging problema. Pwede mo na siyang iuwi bukas para makapagpahinga. Iwasan lang ang mga bawal kainin at uminom ng gamot sa tamang oras.”Hindi na nagsalita pa si Daemon sa doktor, tumingin na lang siya kay Patricia. “Sundin mo lang sinabi ng doktor. Gusto mo bang ma-ospital ka ulit?”Tahimik lang si Patricia… Bakit parang sinasabi ni Daemon na gusto pa niya mapunta sa ospital?Hinawakan ni Daemon ang ulo niya, parang pagod na pagod. “Hindi ko naman kayang bantayan ka palagi, kaya sana huwag ka nang gumawa ng kalokohan.”Napailing lang si Patricia sabay labas ng dila… Concern ba ‘to o pananakot?Pero sa huli, binawi ni Daemon ang kamay niya at tiningnan siya. “Pumasok ka na at magpahinga nang maaga.”Tumigil muna si Patricia, tapos tumango, “Sige.”Sa totoo lang, halata sa mga mata ni Daemon na parang ayaw pa niyang u
Minsan, ni si Daemon mismo, hindi na alam kung alin ang totoo at alin ang hindi, o kung sino ba talaga siya.Masyado nang komplikado ang mundo niya para unawain. Kahit ilang palapag lang ang inakyat nila, parang ang tagal nilang naglakad.Pagdating nila sa pinto, kinuha ni Patricia ang susi sa bag niya at binuksan ang pinto. Madilim sa loob, at tulog na ang tatay niya.Pagkalabas ni Patricia mula ospital, tinawagan niya ang tatay niya para sabihing may dinner siyang pupuntahan at huwag na siyang hintayin sa ospital—umuwi na lang at magpahinga.Tahimik siyang pumasok para 'di magising ang tatay niya. Pero nakita niyang natutulog pa rin ito sa reclining chair sa sala. Maayos ang bahay, malinis.Napansin din 'yon ni Daemon kaya medyo kumunot ang noo niya.Naalala niya nung pumunta siya sa ospital para bisitahin si Patricia. Pagkatapos no’n, nagdesisyon siyang huwag guluhin ang normal na buhay nito kaya pumayag muna siya sa alok ni Chastain—pansamantalang pakikisama para mapakalma si Mr.
Chapter 65HINDI talaga inakala ni Patricia na dadalhin siya ni Daemon dito… Diba sa mga nobela at palabas sa TV, dapat ang mga eksena ay sa magagandang lugar, may romantic setup, at maraming nakakakilig na linya?O kaya naman ay sa isang private na lugar kung saan madalas pumunta ang bida, tapos doon niya ibabahagi ang mga sikreto niya sa babae…Pero kabaligtaran ang ginawa ni Daemon.Dinala siya sa pinaka-pamilyar niyang lugar. Inisip pa nga niya na ihahatid lang siya nito pauwi sa apartment at aalis na. Pero kung iisipin, pinaalala ni Zaldy na kailangan siyang ibalik sa ospital… baka naman hindi niya nakalimutan, ‘no?Hindi bumaba ng kotse si Patricia, tumingin lang siya kay Daemon na parang nagtatanong gamit ang kanyang mga mata.Hindi rin bumaba si Daemon. Kinuha lang niya ang sigarilyo sa bulsa at sinindihan. Tumingin siya sa mga gusaling naaninag lang sa dilim. Ang dim na ilaw ng streetlamp ay tumama sa mukha niya, at doon nakita ang lungkot at parang pagod na pagod siyang tao…
Napansin ni Patricia na nakatitig sa kanya si Daemon habang wala sa sarili, kaya umiwas siya ng tingin, medyo nahihiya. Tapos, mahina niyang tinanong, halos hindi niya na marinig ang sarili niya, “Ahm… okay lang ba talaga ‘yung sagot-sagot mo sa lolo mo?”Ngumiti si Daemon, “Ano sa tingin mo?”Hindi nakaimik si Patricia. Habang tinitingnan ang ngiti ni Daemon, pakiramdam niya mas lalong may masamang mangyayari kapag kinontra mo siya.Alam ni Daemon na wala siyang maisasagot, kaya tinaasan niya ng balikat. “Wala ka rin namang magagawa sa mga ‘to. Mas mabuti pa, magpalit ka muna ng damit.”Nang marinig niya ‘yun, doon lang niya naramdaman na nilalamig pala siya. Napahatsing siya bigla.Tumawag si Daemon at pumasok si Zaldy. Pagkakita niya kay Patricia na parang basang sisiw at kay Daemon na mukhang pagod na pagod, nagulat siya. “Wala ba talagang nangyari sa inyo?”Tumawa si Daemon. “Ano sa tingin mo dapat ang nangyari?”Agad na iniba ni Zaldy ang ekspresyon niya, tapos ngumiti ng parang