CHAPTER 60 DEO's POV:Ito na ang hinihintay ko. Ang kunin si Sandra sa pamamagitan ng pagpanggap ko bilang David.Talagang mautak ako dahil nagawa kong makapasok sa kompanya na hindi man lang nahalata ng mga tao.Kung sabagay, ginaya ko ulit ang pormahan at suot ng kapatid ko.Nakakatawang isipin na mabibilog ko sila ng gano'n kadali."So ano? Pumayag siya?", tanong ng isang lalaki nang lumabas ako sa office ni Sandra.Sinenyasan niya ako na pumasok, sa mismong opisina niya para doon kami mag-usap.Kaya sabay kaming naglakad patungo do'n at pina-upo niya ako."Yung tanong ko kanina, pumayag ba si Sandra na maka-date ka?", wika niya sa akin."Oo naman. Ako pa ba? Walang babae ang tumatanggi sa akin.", mayabang na sagot ko.Tiningnan ko si Derick na inaayos ang kanyang necktie.Oo, siya ang kausap ko. At alam niyang kambal ko si David.Makapangyarihan na tao si Derick dahil lahat ng kompanya sa Pilipinas, hawak niya na.Kaya nga nagtataka ako, kung bakit nilapitan niya ako para lang ma
CHAPTER 61 SANDRA's POV:"NAGKITA KAMI NI DEO KANINA. And guess what? Ninakaw niya ulit ang pagkatao mo. Hindi ko tuloy alam kung paano siya nakapasok dito habang nandito ka sa kompanya.", pagtuturan ko kay David.Pumasok siya sa opisina ko para i-abot ang papers na inassign ko sa kanya.Mabilis kong makilatis kung si David o Deo na ang kaharap ko.Sa mata ko tinitingnan at kinukumpara ang dalawa."Yeah, I know. Nakasabay ko siya sa elevator kanina. So are you okay? May ginawa ba siyang mali sayo? Binastos ka ba niya? Sabihin mo agad sa akin, para mapatulan ko na ang hayop na 'yon.", malutong na saad nito."Ayos lang ako. Hindi na sa akin bago ang gano'n na sitwasyon, kaya wala kang dapat na ipag-alala. Besides, I can protect myself.", tugon ko sa binata."Kahit na. Babae ka pa rin Sandra. Mas malakas at mapwersa pa rin ang lalaki kaysa sa mga babae.", pagsasambit niya."Hindi mo na ako kilala, David. Kaya huwag mo akong ikumpara sa mga babaeng mahina.", pahayag ko na may kainisan sa
CHAPTER 62SANDRA's POV:READY na ang lahat.Sa pagdating namin sa restaurant, nakahain na ang pagkain sa mesa na may kasamang wine.Ganitong set-up palang, kinutuban na ako sa pwedeng mangyari.So tinarget ko ng titig ang baso na may alak.Palagay ko, may mali sa wine na 'yon.If I'm not mistaken, may hinalo siyang gamot para ituloy ang plano laban sa akin.Kung ano man 'yon, I'll make sure na hindi siya magtatagumpay.Pautakan ang laban namin dito.Kaya kung sino ang matira sa amin, siya ang matibay."Ano pa ba ang hinihintay natin? Nagugutom na ako.", aniya ko sa binata.Hinaplos ko pa ng marahan ang braso niya para painitin ang katawan nito."Ako din naman, nagugutom na.", baling nito na may pagnanasa sa mukha."Kung gano'n, kumain na tayo. Parang handa na kasi ang foods natin.", sambit ko at itinuro ang table.Name kasi namin ang nakalagay kaya walang sino ang pwedeng pumwesto do'n."Yeah. Cinontact ko yung mga tao dito para gawin 'yan. Ayoko namang mapahiya sayo, kaya pinaghanda
CHAPTER 63SANDRA's POV:"SAAN natin dadalhin si Deo?", tanong ni David habang nagmamaneho siya.Nagawa na rin namin na igapos at lagyan ng tape ang bibig ng lalaki para hindi ito makawala at makasigaw.This is my plan. Ang sulungin ang butas para makapasok sa katotohanan.I know that there is a story behind this.May dahilan din ang lahat kung bakit umaakto si Deo bilang David.At ito ang gusto kong malaman."Ikaw ang bahala kung saan. Basta walang tao.", aniya ko bilang sagot."Okay. May alam akong lugar.", tugon niya at tinuon muli ang mata sa daan.Hindi ko maiwasan na sulyapan ng tingin si David.Simula nung umamin ako sa kanya na ako si Kate, bumalik ang sigla ng binata.Pero hindi maalis sa mata ni David na medyo nasasaktan pa siya sa mga nangyayari."Buti na lang matalino ka. Kasi kung nagkataon na ikaw ang nakainom ng wine na hinain niya, baka kung napano ka na.", wika ng lalaki bilang pagbubukas ng topic."Ilang beses ko ng sinabi sayo diba? I can handle myself. Kung pautaka
CHAPTER 64 SANDRA's POV:I already know the truth. Si Derick, pinaikot niya ako. Nagkunwaring mabait sa akin para mahalin ko ulit siya.Masyado siyang plastik sa mga ginawa niya.Pero mabuti na lang, hindi ko siya minahal.I'm done with him.Kaya pala hindi ko agad mahanap ang hustisya dahil siya mismo, alam ang totoong nangyari.Naging sangkot siya sa mga naranasan ko noon.How can he do this to me?Pati sarili niyang anak, nagawa niyang patayin. Hindi ko maiwasan na magalit sa kanya.Kahit hindi man nila sabihin ni Deo, malakas ang hula ko na may kasalanan sila sa pagkamatay ni Michael."Calm down. Walang madudulot ang galit. Kaya i-relax mo ang sarili mo, Kate.", mahinang wika ni David.Tinawag niya ako sa totoo kong pangalan.Kaya medyo lumambot ang puso ko."Wala akong nagawa noon sa inyo, kaya hayaan mong ako naman ang kumilos ngayon. Ayoko ng mapahamak ka.", muli niyang saad.Bahagya kong inangat ang mukha ko at napatitig ulit ako sa binata.Kaso sa hindi sinasadya, napunta
CHAPTER 65SANDRA's POV:Hindi pwede! Hindi maaari!Niloloko lang ako ni Deo para linlangin ang isipan ko! Hindi niya na ako mapapaikot pa dahil kilala ko na ang ugali niya.Tama! Hindi ko dapat hayaan na magpadala sa sinasabi ng lalaki.Magkamukha lang kami pero hindi kami magkadugo ng babaeng 'yon.NAPAILING ako ng mariin habang kinukumbinsi ko ang sarili na huwag paniwalaan ang binata.Halos ilang minuto ko 'tong pinag-isipan at inisa-isa ang bawat salitang binigkas ni Mama bago siya pumanaw.She told me that I don't have a sibling. So in short, Ktrina is not my sister. And most of all, she's not my twin.Kahit kailan, hindi ko pinangarap ang magkaroon ng kapatid na katulad niya.Kaya hindi ako naniniwala sa sinasabi ni Deo.He's a liar!"Ikulong mo ng mabuti 'yan, David. Hindi dapat makatakas ang demonyo na 'yan hangga't hindi pa tayo nakakakuha ng hustisya.", utos ko rito.Akma na sana akong aalis ng building, pero may pahabol na tanong ang lalaki."Saan ka ba pupunta?","I hav
CHAPTER 66 SANDRA's POV:"I WANT DNA TEST.", madiin na turan ko sa isang lalaki na kausap ko ngayon sa phone.Panibagong araw kaya panibagong plano ang gagawin ko sa araw na 'to.Gusto kong matuklasan kung totoo nga ba ang lahat tungkol sa amin ni Katrina.Wala naman sigurong mali kung susubukan ko ang DNA diba?Kaya oo, ito ang ginawa ko. Kumuha ako ng isang tao para magnakaw ng buhok o kahit anong gamit ni Katrina."10,000 pesos. Siguro naman, sapat na 'yan para magawa mo ng tama ang ini-utos ko.", turan ko sa binata sabay labas ko ng pera."Opo Ma'am, akong bahala. Hindi ko kayo bibiguin.", magalang na tugon niya at kinuha ang pera sa kamay ko.Sinara ko na ang salamin ng kotse bago ko pinaandar ang sasakyan.Wala akong tulog kagabi dahil sa mga kaguluhan sa isipan ko.Hindi rin muna ako umuwi sa mansion ni Derick kasi ayoko na siyang makita at makausap pa.Umalis na rin ako sa pagiging CEO ng kompanya dahil ayokong makipagplastikan sa kanya.For almost one month, napamahal na ri
CHAPTER 67DAVID's POV:ALAM kong galit na galit kahapon si Sandra dahil sa biglaang desisyon ko.I trust my brother again. And gave him another chance, para patunayan sa akin na wala siyang kinalaman sa pagpatay kay Michael.--FLASHBACK:"Sa tingin mo ba, kaya kong pumatay? Gago ako at babaero, pero hindi ako pumapatay ng tao.", bigkas nito habang nakaupo ako sa gilid.Tahimik kaming dalawa kanina.Walang sino man ang gustong magsalita, pero sa huli, siya ang unang kumausap sa akin.Gabing-gabi na at pinapapak na rin ako ng lamok. Tinitiis ko lang dahil gusto kong sundin ang utos ni Sandra.I really feel the pain that she's suffering right now. Lalo pa't sinabi ni Deo na kapatid ni Kate si Katrina.Maging ako, nagulat ng husto nang ibulgar niya ito.I can't imagine na magkadugo silang dalawa."Kung aalisin mo ang tali sa kamay at paa ko, matutulungan kita na ituro sayo ang kasabwat ni Katrina.", aniya ng kambal ko.Umiigting na ang aking panga dahil sa mga sinasabi nito."Shut the f