CHAPTER 49 "WHEN A SINGLE MOM MEET THE HOT CEO"DEO's POV:HINDI sakit ang naramdaman ko nung dumampi ang palad ni Sandra sa aking pisngi. Bagkus, mas naudyok akong paglaruan ang babae.Umalis na ito sa harapan ko, kaya abot-tingin na lamang ako kay Sandra.But the way she looked at me, hindi pa ito kumbinsido sa inakto ko kanina. Halata ko kasi sa mata niya ang pagtatanong na tila nagdududa ito sa kilos ko. Siguro, hindi ko gaanong nagaya ang galawan ni David. Pero hindi na 'yon mahalaga dahil alam ko na si David pa rin ang akala niya."Minsan talaga, ang galing mo mag-timing Deo.", pagpupuri ko sa sarili.Pauwi na sana ako ng Condo eh, kaso naalala ko na may nakalimutan akong bilhin sa mall, kaya binalikan ko ito. At sa pagbalik ko, natyempuhan ko si Sandra na naglalakad-lakad sa loob.Iba talaga kapag siniswertehan ka.Buti na lang, lahat ng suot ni David, katulad ng suot ko. Kaya boses at galawan na lang ang ginagaya ko sa kanya.Binili ko na ang mga gagamitin at kailangan sa c
CHAPTER 50 "WHEN A SINGLE MOM MEET THE HOT CEO"SANDRA's POV:MAINIT ang ulo ko na umuwi sa mansion ni Derick. Pero nung nakita ko ang lalaki, I just act normal para hindi ito magtanong.Ayoko kasi na pakialaman niya ang bawat kilos ko kaya ililihim ko ang ginawa sa akin ni David.Hindi na 'yon importante pa dahil hindi na ako magpapaapekto sa kanya."Sandra, kumain ka na ba?", tanong ni Derick nang madaanan ko siya sa table na kumakain.Nag-iisa ito na tila hinihintay talaga ang pag-uwi ko."Hindi pa.", I replied. Hindi naman talaga ako kumakain pa dahil nga sa pesteng restaurant na pinuntahan namin.Ang daming nalalaman, may pa kiss scene pa para bumenta ang kainan nila.Bwisit!"Pinapagutom mo ang sarili mo, Sandra. Hays.", bigkas nito na tila nadisappoint sa sinabi ko."I'm not hungry.", pagsisinungaling ko. Kaso biglang kumalam ang aking sikmura dahilan para mapatawa si Derick.Ganitong-ganito siya nung kami pa.Mabait na tao ang lalaki at higit sa lahat maalalahanin lalo na ka
CHAPTER 51 (WHEN A SINGLE MOM MEET THE HOT CEO)____David's POV:UMIINOM ako ng alak nang tawagan ko si Sandra.Ito ang naisip kong paraan para magkaroon ng lakas at kapal ng mukha na humingi ng sorry sa kanya.Aaminin kong mali nga na hinalikan ko siya, pero ginusto ko 'yon eh.Nakakatawa mang isipin pero yung mata niya, katulad na katulad sa mata ni Kate.Hindi ko tuloy maiwasan na masaktan sa tuwing pinipilit kong buhay pa ang asawa ko.Nababaliw na yata ako.Kaya heto, nagawa kong ikumpara si Sandra sa babaeng minahal ko."Alam mo, naisip ko na sana ikaw na lang si Kate. Na sana ikaw na lang ang asawa ko.", saad ko rito.Tumatalab na siguro sa akin ang epekto ng alak kaya ganito ang lumalabas sa bibig ko."Hindi pa kita gaanong kilala, pero malakas ang impact mo sa akin Sandra. Kung ano ang naramdaman ko kay Kate noon, gano'n din ang naramdaman ko nung makita ko ang tulad mo.", patuloy ko muli dahilan para mapaluha ako.Bullshit! Nagiging mahina ako sa tuwing si Kate ang binaban
CHAPTER 52 (When a Single Mom meet the HOT CEO)____SANDRA's POV:"GOODMORNING SELF!", masiglang bati ko sa sarili.I stretched my arms at nag-exercise ng ilang minuto.Ang ganda ng mood ko ngayon dahil siguro natulugan ko si David.Isa itong achievement sa akin na magmukha siyang tanga sa kakahintay.Ano kaya ang naging reaksyon niya nung nalaman nito na wala akong pakialam sa pagdadrama niya?Tsk. Para siyang bakla.Acting like a victim pero ang totoo suspect siya sa pagpatay kay Michael.Pinili niyang magpakasarap kasama si Katrina habang buntis ako. At ngayon, umaarte siya na walang kasalanan?I'm sorry dahil hindi ako ganyan katanga para maniwala sa mga sabi-sabi niya."Hi Ma'am Sandra, nakaready na po ang breakfast niyo sa baba.", saad ng maid nang pumasok sa kwarto ko para tawagin ako."Thank you. By the way, nando'n ba si Derick?", tanong ko sa katulong."Wala po Ma'am. Maaga po siyang umalis kanina. At siya nga 'tong nagsabi na huwag ka ng gisingin para hindi raw mabitin ang
CHAPTER 53 SANDRA's POV:"MASUNURIN ka naman pala.", nakangiting wika ko sa Ginang. Marahan kong hinaplos ang buhok niya habang nakaluhod ito sa akin."Okay na ba? Baka pwede mo ng pirmahan ang kontrata?", sakrastikong turan nito."Sure. Dahil kagaya ng sinabi ko, madali akong kausap. So give it to me now.", saad ko rito.Agad siyang tumayo at kinuha sa bag ang kontrata. Binigay niya rin sa akin ang ballpen na tila handang-handa ito.So I signed it now dahil para siyang aso na walang makain."Okay na ba? Baka pwede na akong umalis.", wika ko sa kanya."Aalis ka na? Hindi pa nga dumadating ang order natin. And besides, gusto kong magbonding tayo.", masayang pahayag nito.Mapang-asar ako na tumawa at muli siyang tinitigan."Bonding? Sorry, baka kasi kulangin ang pera mo kapag ako ang kasama mo. Nakakahiya naman sayo. Baka umutang ka bigla sa bangko.", "Miss Sandra, I can afford the things that you want. Kaya huwag mo akong yabangan ng pera. Kasi feeling ko, may galit ka sa akin.", sam
Chapter 54Sandra's POV:"ANYWAY, bakit mo ba sinasabi 'yan sa akin? I don't care about your problem.", pakunwaring taray ko sa lalaki.Ayokong ipakita sa kanya na interesado ako sa buhay nito dahil kailangan kong itago ang pagkatao ko. But to be honest, gustong-gusto ko siya tanungin dahil pakiramdam ko, malapit na ako sa katotohanan.Sumagi kasi sa isip ko na baka set-up ang nangyari kay David. Pero hindi pa rin sapat 'yon dahil malinaw sa mata ko ang ginawa niya. Malinaw pa rin sa tainga ko ang mga sinabi ng tauhan niya."Because I need you, Sandra. I need you today, tomorrow and the following days.", saad nito sa mahinang boses."Kailangan mo ako? David, pinirmahan ko na ang kontrata mo. Magpartner na tayo sa business. Kaya wala ng rason para habulin mo ako.", pagwiwika ko."Pinirmahan mo?", kunot-noong bigkas niya."Yes. Nakausap ko ang mother mo. Nakumbinsi niya ako. That's why I signed the contract.", turan ko bilang sagot."Si mama. Shit. Bakit ka agad pumayag do'n?", asar na
CHAPTER 55 DAVID's POV:HINDI ako makatulog ngayon habang iniisip ang sinabi ni Sandra.Ano ba ang dapat kong malaman sa kanya?Matapos niyang bigkasin ang katagang 'yon, hindi na mapakali ang utak ko."David.", saad ni Katrina sa pangalan ko.Pumasok siya sa guest room namin at dito muna ako natulog.Ayokong makatabi ang babae dahil mainit ang dugo ko rito."Ano bang ginagawa mo? I told you to stay away from me. Kaya nga lumipat na ako ng kwarto diba? Because I don't want to see your face!", inis kong wika."Asawa mo ako, David. Kaya natural lang na tumabi tayo sa iisang kama. That's why I'm here.", aniya ni Katrina."Nagtitimpi lang ako sayo, Kat. Kaya habang maaga pa, umalis ka na at huwag na huwag mo akong kakausapin.", pagalit na pahayag ko.Hindi pa sana ito aalis, pero binigyan ko siya ng nakakatakot na tingin dahilan para lumabas ito ng kwarto.TANGINA!Kapag nakahiram ako ng pera kay Sandra, isasama ko sa pag-asikaso ang annulment. Gusto ko ng makalaya sa kamay niya. Dahil h
CHAPTER 56DAVID's POV:"David, ako si Kate. Ako ang asawa mo.", "David, ako si Kate. Ako ang asawa mo.","David, ako si Kate. Ako ang asawa mo.", Ito ang patuloy na bumubulong sa aking tenga.Wala akong masabi dahil pakiramdam ko, naubos ang lakas ko nang sabihin niya 'to."Si Sandra at si Kate ay iisa.", she said again.This time, tuluyan ko ng inangat ang tingin ko sa kanya. Hinihintay ko na bawiin niya 'to dahil baka gino-goodtime lang ako ng babae. Pero walang biro at tawa ang reaksyon nito, bagkus kitang-kita ko ang pagkaseryoso sa mukha niya."Hindi ako patay. Buhay ako, David. Buhay na buhay ako.", madiin niyang wika."A-are you joking? Kasi ang sakit na eh. Kaya kung binibiro mo ako, pwede bang 'wag mong idamay ang pangalan ng asawa ko. She's dead. Payapa na siya sa langit habang kasama ang anak namin.", litanya ko na tila ayokong paniwalaan si Sandra.And I hate it. Pinaka-ayoko sa lahat yung nadadamay si Kate."Hindi ko pipilitin na maniwala ka. Dahil gano'n talaga ang g
EPILOGUE KATE's POV:TODAY is our wedding day.Annulled na ang kasal nila David at Katrina, kaya tinuloy na ulit namin ang kasal na pinangarap naming dalawa.Ang daming nangyari sa love story namin ng lalaki.But still, kami pa rin hanggang dulo.Marami man ang sumira sa amin.Pero kaakibat no'n, lahat sila nagbago.Si Derick, he contiue his passion.Pinalago niya ang kompanya kahit siya lang mag-isa. Hindi ko naman pinagdamot sa kanya si Michael dahil may karapatan siya sa bata.Si Edward naman, nagpapagaling pa siya sa hospital.Nagpapasalamat din ako sa kanya dahil maayos ang trato niya sa anak ko, nung wala ako sa tabi nito.May mabuting kalooban din pala ang binata na ngayon ay kapatid na rin ang turing ko.So here I am, walking in the red carpet patungo sa mismong altar.Suot ko ang mahabang gown habang hawak ko ang bulaklak.Hindi ko mapigilan ang luha na pumapatak mula sa aking mata.This is the tears of joy na sinasabi nila.At legit nga na ganito ang mararamdaman mo kapag i
CHAPTER 70 KATE's POV: SINABI na sa amin ni Katrina kung saan na location nagtatago si Edward habang kasama si Michael.Edward is also my brother.Pero hindi talaga kami magkadugo dahil anak ito ng asawa ni papa sa ibang lalaki.In short, single mom na talaga yung pinalit ni papa sa mama ko.Naging klarado na sa akin ang lahat dahil mismong si Katrina ang nagsabi nito.She cleared everything to us. At humingi na rin ito ng tawad sa harapan namin ni David.So at this point, patungo na kami sa hide out para kunin si Michael.Gusto ko ng makita ang anak ko.Gusto ko na siyang pupugin ng halik gaya ng ginagawa ko noon sa kanya."Ikanan mo ang kotse.", pagtuturo ni Kat.Sinama namin siya para hindi kami maligaw at hindi matagalan ang paghanap namin.Sinunod naman ni David ang winika ng babae kaya agad niyang iniliko sa kanan ang sasakyan.Medyo liblib nga ang lugar. Pero sobrang ganda at mahangin sa kalooban dala ng mga puno.The car stopped in front of the gate."Teka, bakit bukas?", sa
CHAPTER 69 DAVID's POV:"SO WHAT'S YOUR NEXT PLAN, BRO?", tanong ni Deo sa akin.Nasa bar kami at kasalukuyan na umiinom ng wine.Umalis na kami sa bahay at dito namin ninais na pumunta."Kakasuhan ko siya, kung ayon ang nararapat.", turan ko sabay lapag ng alak sa mesa."Tama 'yan. I'll support you. Handa ako maging testigo laban sa kanya. At handa rin akong harapin ang mga kasalanan ko, kung sakali man na may nilabag ako.", wika nito at pilit na ngumiti.Medyo kampante na ako ngayon dahil tuluyan na ngang nagbago si Deo.Sa kabila ng ginawa niyang mali sa akin, handa siyang linisin ito para lang mabalik sa maayos ang lahat.For the last time, nilagok namin ang alak bago kami umuwi sa kanya-kanya naming bahay.Umuwi si Deo sa condo. Samantalang ako, balak kong silipin si Katrina. Halos hindi ko na kasi siya nakakausap pa, kaya titingnan ko kung okay lang ba ang kalagayan nito.Hindi pa rin mapawi sa isip ko ang tungkol sa kanilang dalawa ni Kate.Magkapatid sila at katulad namin ni
CHAPTER 68SANDRA's POV:NANLULUMO pa rin ako sa katotohanan.Pero walang patutunguhan ito kung hindi ako gumagalaw at naghahanap ng ebidensiya.I need to do something to know the whole story.Litong-lito ako sa mga nangyayari. Hindi ko na matanong pa si nanay dahil patay na ito.Yung papa ko rin, matagal na akong tinalikuran. Hindi ko nga siya kilala dahil tinakbuhan daw nito ang responsibilidad bilang ama sa akin.Kaya sa murang edad, nagtrabaho na ako.At dahil do'n, nakilala si Derick na binigyan akong Michael sa buhay ko.Kaso sa isang iglap, namatay ang anak ko.Namatay siya sa mismong kamay ni Katrina.All this time, kapatid ko pala ang may kagagawan."Shit! Bakit ba ang bagal mong mag-isip ngayon, Kate?!", I said.I'm facing the mirror while talking to myself.I don't know how to start my new plan.Plano ko kasing kausapin si Katrina at magpapanggap ako bilang si Sandra. Total, Sandra ang mukha na ginagamit ko ngayon dahil sa surgery."Bahala na!", sambit ko muli.Kinuha ko n
CHAPTER 67DAVID's POV:ALAM kong galit na galit kahapon si Sandra dahil sa biglaang desisyon ko.I trust my brother again. And gave him another chance, para patunayan sa akin na wala siyang kinalaman sa pagpatay kay Michael.--FLASHBACK:"Sa tingin mo ba, kaya kong pumatay? Gago ako at babaero, pero hindi ako pumapatay ng tao.", bigkas nito habang nakaupo ako sa gilid.Tahimik kaming dalawa kanina.Walang sino man ang gustong magsalita, pero sa huli, siya ang unang kumausap sa akin.Gabing-gabi na at pinapapak na rin ako ng lamok. Tinitiis ko lang dahil gusto kong sundin ang utos ni Sandra.I really feel the pain that she's suffering right now. Lalo pa't sinabi ni Deo na kapatid ni Kate si Katrina.Maging ako, nagulat ng husto nang ibulgar niya ito.I can't imagine na magkadugo silang dalawa."Kung aalisin mo ang tali sa kamay at paa ko, matutulungan kita na ituro sayo ang kasabwat ni Katrina.", aniya ng kambal ko.Umiigting na ang aking panga dahil sa mga sinasabi nito."Shut the f
CHAPTER 66 SANDRA's POV:"I WANT DNA TEST.", madiin na turan ko sa isang lalaki na kausap ko ngayon sa phone.Panibagong araw kaya panibagong plano ang gagawin ko sa araw na 'to.Gusto kong matuklasan kung totoo nga ba ang lahat tungkol sa amin ni Katrina.Wala naman sigurong mali kung susubukan ko ang DNA diba?Kaya oo, ito ang ginawa ko. Kumuha ako ng isang tao para magnakaw ng buhok o kahit anong gamit ni Katrina."10,000 pesos. Siguro naman, sapat na 'yan para magawa mo ng tama ang ini-utos ko.", turan ko sa binata sabay labas ko ng pera."Opo Ma'am, akong bahala. Hindi ko kayo bibiguin.", magalang na tugon niya at kinuha ang pera sa kamay ko.Sinara ko na ang salamin ng kotse bago ko pinaandar ang sasakyan.Wala akong tulog kagabi dahil sa mga kaguluhan sa isipan ko.Hindi rin muna ako umuwi sa mansion ni Derick kasi ayoko na siyang makita at makausap pa.Umalis na rin ako sa pagiging CEO ng kompanya dahil ayokong makipagplastikan sa kanya.For almost one month, napamahal na ri
CHAPTER 65SANDRA's POV:Hindi pwede! Hindi maaari!Niloloko lang ako ni Deo para linlangin ang isipan ko! Hindi niya na ako mapapaikot pa dahil kilala ko na ang ugali niya.Tama! Hindi ko dapat hayaan na magpadala sa sinasabi ng lalaki.Magkamukha lang kami pero hindi kami magkadugo ng babaeng 'yon.NAPAILING ako ng mariin habang kinukumbinsi ko ang sarili na huwag paniwalaan ang binata.Halos ilang minuto ko 'tong pinag-isipan at inisa-isa ang bawat salitang binigkas ni Mama bago siya pumanaw.She told me that I don't have a sibling. So in short, Ktrina is not my sister. And most of all, she's not my twin.Kahit kailan, hindi ko pinangarap ang magkaroon ng kapatid na katulad niya.Kaya hindi ako naniniwala sa sinasabi ni Deo.He's a liar!"Ikulong mo ng mabuti 'yan, David. Hindi dapat makatakas ang demonyo na 'yan hangga't hindi pa tayo nakakakuha ng hustisya.", utos ko rito.Akma na sana akong aalis ng building, pero may pahabol na tanong ang lalaki."Saan ka ba pupunta?","I hav
CHAPTER 64 SANDRA's POV:I already know the truth. Si Derick, pinaikot niya ako. Nagkunwaring mabait sa akin para mahalin ko ulit siya.Masyado siyang plastik sa mga ginawa niya.Pero mabuti na lang, hindi ko siya minahal.I'm done with him.Kaya pala hindi ko agad mahanap ang hustisya dahil siya mismo, alam ang totoong nangyari.Naging sangkot siya sa mga naranasan ko noon.How can he do this to me?Pati sarili niyang anak, nagawa niyang patayin. Hindi ko maiwasan na magalit sa kanya.Kahit hindi man nila sabihin ni Deo, malakas ang hula ko na may kasalanan sila sa pagkamatay ni Michael."Calm down. Walang madudulot ang galit. Kaya i-relax mo ang sarili mo, Kate.", mahinang wika ni David.Tinawag niya ako sa totoo kong pangalan.Kaya medyo lumambot ang puso ko."Wala akong nagawa noon sa inyo, kaya hayaan mong ako naman ang kumilos ngayon. Ayoko ng mapahamak ka.", muli niyang saad.Bahagya kong inangat ang mukha ko at napatitig ulit ako sa binata.Kaso sa hindi sinasadya, napunta
CHAPTER 63SANDRA's POV:"SAAN natin dadalhin si Deo?", tanong ni David habang nagmamaneho siya.Nagawa na rin namin na igapos at lagyan ng tape ang bibig ng lalaki para hindi ito makawala at makasigaw.This is my plan. Ang sulungin ang butas para makapasok sa katotohanan.I know that there is a story behind this.May dahilan din ang lahat kung bakit umaakto si Deo bilang David.At ito ang gusto kong malaman."Ikaw ang bahala kung saan. Basta walang tao.", aniya ko bilang sagot."Okay. May alam akong lugar.", tugon niya at tinuon muli ang mata sa daan.Hindi ko maiwasan na sulyapan ng tingin si David.Simula nung umamin ako sa kanya na ako si Kate, bumalik ang sigla ng binata.Pero hindi maalis sa mata ni David na medyo nasasaktan pa siya sa mga nangyayari."Buti na lang matalino ka. Kasi kung nagkataon na ikaw ang nakainom ng wine na hinain niya, baka kung napano ka na.", wika ng lalaki bilang pagbubukas ng topic."Ilang beses ko ng sinabi sayo diba? I can handle myself. Kung pautaka