Share

Chapter 03:

last update Last Updated: 2021-09-13 12:38:17

WWYM03

When I was in high school lagi akong na e-excite kapag iniisip ko na malapit na ako mag college, kasi ang ibig sabihin noon ay titira na ako mag isa. You know, independent life. Isa talaga yun sa mga nilo-look forward ko sa college kaya gustong gusto ko na maka graduate agad.

Kaso sa umpisa lang pala iyon masaya, nakaka lungkot din pala mag isa. Iyong wala kang maaabutan na maingay pag uwi mo.

Mabuti nalang nakilala ko si Tams. I met her last year, during the first year of college. Nakita ko sya sa labas ng building tapos chinika nya ako and surprisingly, sya pala iyong magiging kasama ko sa kuwarto.

"Wala kang pasok?" tumango ako.

"Ikaw?"

"Meron e, may make up class din ako. At baka may lakad pa ako after." sabi nya habang nag sisintas ng sapatos.

"Ingat ka." sabi ko nalang.

"Try mo kaya lumabas minsan, hindi ka ba nabo-boring dito?"

"Ayos lang ako, kailangan ko ng tulog."

"Bahala ka. Basta text me kung gusto mong gumala ha? Samahan kita kapag free ako. Sige, bye na." sabi nya, tumayo naman ako para ihatid sya sa may pintuan.

"Lock the door always." bilin nya bago umalis.

There are times na super naho-home sick ako at gusto ko na lang umuwi sa amin. E kaso may pasok at halos apat na oras ang biyahe pa uwi sa amin. Kaya minsan, naiiyak na lang ako. Pero iniisip ko na lang na ginusto ko naman 'to. Choice ko naman na sa malayong school mag aral ng college.

Gusto ko kasi ng bagong environment, gusto kong makakita ng mga bagong mukha. Pakiramdam ko hindi ako mag g-grow as a person kung buong buhay ko ay sa iisang lugar lang ako mananatili. I need to experience starting a new life with a new environment and new people. Hindi rin naman ako pinigilan nina Mama at Papa dahil nakapasa naman ako sa halos lahat ng school na kinuhaan ko ng CET. 

And I'm really thankful I have this kind of privilege.

Kurt Alonzo:

We're partners on the activity, and we're going to museums. You free today?

Ako:

Oo nga pala! I'm free today. What time?

Kurt Alonzo:

Whatever time is convenient for you, tell me. 

Ako:

Sige, saang museum ba? I'll just meet you there.

Kurt Alonzo :

I'm around your place rn, I'll just fetch you. 

Ako :

Oh, okay. I'll be ready in 10 minutes.

Agad na akong nag ayos, nag dress lang ako na kulay beige at brown flats. Nakakahiya naman kung pag hihintayin ko pa si Cortis. Mabuti na lang full charged iyong iPad ko, iyon na lang ang dadalhin ko pang take notes.

Kurt Alonzo :

I'm outside of your building.

Lumabas na ako at bumaba, two story building lang naman itong dorm with 16 rooms. At nasa third room kami sa second floor.

"Sundo mo ba iyong nasa labas? Ang pogi ah! May date ka?" sabi ni Lindy nang makasalubong ko sya palabas ng dorm.

"Pakisabi na lang kay Mamita aalis ako ha? Bye!" sabi ko sakanya bago lumabas.

Nakita ko na ang kotse ni Cortis kaya agad akong kumatok nang marahan sa may salamin. 

"Seat here in front. I'm not your driver." seryoso nyang sabi kaya sinara ko agad iyong pintuan sa likod. 

Nakakatakot naman 'tong isang 'to!

"Your seatbelt please," sabi nya kaya naman sinuot ko agad ang seat belt.

Ka-block ko na si Cortis simula first year college pero hindi naman kami close. Hindi naman kasi sya sociable, para syang laging may sariling mundo. Handsome weird nga ang tawag sakanya sa ng mga blockmates namin. Ngayon pa lang ang unang beses na naka partner ko sya sa activity. At noong nakaraang linggo pa kami nag usap na ngayon kami gagawa. At muntik ko nang makalimutan yun, buti na lang nag message sya.

Parehas kaming tahimik, nakakabingi na nga e. Mag e-earphones sana ako kaso naiwan ko yata dahil wala sa bag ko. Binuksan ko na lang ang Procreate sa iPad at nag umpisang mag sketch doon.

"We're here." sabi nya pagka lipas ng mahigit kinse minutos. 

Agad na akong bumaba at inayos ang damit ko. Ang goal lang naman namin ngayon ay tumingin ng anim na local paintings at isulat ang history nito.

Nagka sundo kami nag tig tatlo kaming paintings para mas madali kaming matapos. Naghiwalay na rin kami ng direksyon. Sya sa kaliwang parte ng museum at sa kanan ako.

I badly want to have a photo in this museum kaso wala namang kukuha ng litrato para sa akin at nakakahiya naman magpakuha sa hindi ko kakilala. Nakakahiya rin naman kay Kurt. Kaya nag selfie na lang ako.

"Miss, you dropped your pen." sabi nung lalaki at inabot sa akin iyong apple pencil ko na nahulog pala. Mabilis ko yung kinuha dahil kailangan ko nang makapag umpisa.

My God, sa dami ng puwedeng mahulog, ito pa talaga!

Nakahanap na ako ng painting kaso nakita kong nandoon din si Cortis.

"Cortis!" parang biglang nag bago iyong mood nya.

"Cortis, tapos ka na ba?" tanong ko, umiling sya.

"Pang ilan mo na?" tanong ko ulit, pinakita nya naman ang tatlong daliri nya. 

Grabe, hindi ba sya mag sasalita?!

"Oh okay, pangalawa ko sana 'to kaso nakuha mo na yata. Lipat na lang ako." sabi ko at agad nang tumalikod para pumunta sa kabilang side.

Kia:

teh, nanalo ako sa contest. Nag handa si Mama, sayang wala ka rito.

Napangiti ako nang mabasa ang text ng kapatid kaso napawi rin agad nang maiisip ko na wala ako roon para personal na i-congratulate sya.

Ako:

Congrats beh! Malapit na rin naman ang weekends kaya makaka uwi na ako jan.

Kia:

Tnx! Ibabalot ko yung paborito mo, sigurado namang aabot pa to ng weekends.

Ako:

 Okayyy HAHAHA ayusin mo baka mapanis.

Mabuti na lang ay nahanap ko agad si Cortis pagkatapos ko kaya hindi ko na sya kinailangan na i-text pa.

"Have you read the announcement on our group chat? They said we don't have classes 'til Friday, check it." sabi nya, chineck ko agad ang GC namin at nabasa iyong announcement. 

Na excitenaman ako dahil ibig sabihin ay puwede na akong umuwi ngayon sa amin.

Ang swerte ko naman!

Habang nasa biyahe pa uwi dahil ihahatid ako ni Cortis, busy akong kausap si Kia sa phone para magpa sundo dahil naibalita ko na sakanyang wala na akong pasok hanggang biyernes.

"Hindi papayag si Papa na mag-commute ako, alam mo naman iyon." sabi ko kay Kia, narinig ko naman ang buntong hininga nya. 

Wala iyong driver namin sa bahay kaya walang susundo sa akin.

"E paano 'yan? Edi hindi ka pa rin makaka uwi ngayon." huminga rin ako nang malalim.

"Bukas na lang siguro. Kaso sayang naman itong buong araw. Asan ba si Art?"

"Masakit ang katawan, nag training sila kahapon e. Mukhang hindi ka talaga makaka uwi ngayon, 'te." sabi ni Kia.

"Sige na, text na lang kita bukas. Bye na." sabi ko,

"Bye 'te, ingat." sabi nya bago ako binabaan ng linya. 

Hindi ko naman mapigilang hindi malungkot, sayang kasi talaga. Puwede naman akong mag commute, kaso papagalitan ako ni Papa pag nalaman nya. Ayaw nun na nagco-commute ako pa uwi sa amin, malayo kasi at matagal ang biyahe. 

"Are you okay?" tanong ni Cortis nang pababa na ako ng sasakyan nya dahil nasa harap na kami ng dorm building.

"Ah oo, medyo nakakalungkot lang. Hindi kasi ako makaka uwi ngayon, sayang dahil may celebration iyong kapatid ko sa bahay."

"Get your things."

"Ha?"

"Get your things, ihahatid kita sainyo." sabi nya kaya naman nabigla ako.

"Nako, 'wag na! Malayo iyon at lunch na rin, nakakahiya. Bukas na lang ako uuwi sa amin. Thank you sa pag hatid dito ha? Ingat ka pauwi." sabi ko sakanya bago sinara ang pintuan at agad na nag lakad paalis.

"Arthia!" lumingon ako sa pag tawag nya. Sinenyasan nya akong basahin iyong text nya.

Kurt Alonzo:

It's okay. I'll drive you home, I have no other plans today. Pack your things, I'll wait for you here.

Agad akong sumulyap sakanya at ngumiti.

Ako :

Sige huhu thank you so much. I'll be quick.

Mabilis akong umakyat papunta sa kuwarto para ayusin iyong mga gamit na iuuwi ko. Hindi naman masyadong hassle dahil naayos ko na iyon kahapon. Inayos ko muna iyong kama ko bago umalis at binunot iyong mga nakasaksak na appliances. Pagkatapos ay bumaba na rin ako ka agad.

"Mamita, uuwi muna ako sa amin. Wala na kaming pasok e. Babalik ako sa Sunday ng hapon." paalam ko sa may ari ng dormitoryo. 

"Okay, take care." sabi nya.

Naabutan kong naka sandal sa kotse si Cortis habang pinapa ikot-ikot sa daliri nya iyong key fob. Inabot nya rin iyong dala kong duffel bag at nilagay sa back seat. Umikot na rin sya at sumakay sa driver's seat at sumakay na rin ako. Sinabi ko sakanya kung taga saan ako at sabi nya ay alam nya raw ang daan papunta roon kaya hindi na kailangan ng navigation app. 

"Ayos lang ba talaga sayo? Pwede namang bukas na lang ako umuwi." nakakahiya kaya! 

Hindi naman kami close at baka naaabala ko sya. Kahit na sabi nya ay okay lang, nakakahiya pa rin!

Tanga, naka sakay ka na!

"I hate seeing sad people, especially when they're with me. It makes me feel responsible for it, so as long as I can do something about it, I won't hesitate. And don't worry, I don't have any other plans for the rest of the day. I also wanna have a long drive." sabi nya, nginitian ko naman sya.  

Grabe, mabait naman pala sya. Akala ko pagiging gwapong masungit na weird, na lang ang role nya sa mundo. Pero sa loob ng ilang minuto ay nalaman kong hindi naman pala, at ang bait nya pala. 

"Thank you." sabi ko na lang at ngumiti ulit kahit alam kong hindi nya naman makikita dahil nasa daan na ang atensyon nya. 

We went to a drive-thru first para bumili ng makakain along the way dahil lunch time na at parehas kaming nag desiyon na 'wag ng mag dine-in for lunch. Libre ko na as thank you sa pag hatid nya sa akin.

Ako:

I'm omw home, pakisabi nalang kay Mama.

Kia:

Nag commute ka?? Papagalitan ka ni Papa pero hindi ko nalang sasabihin.

Ako:

Hindi. May maghahatid na sa akin.

Kia:

da who???

Ako:

friend ko.

Kia:

Si Ate Tams??

Ako:

nope.

Kia:

Sinong kaibigan?? Si Ate Tams lang naman ang kaibigan mo dyan! OMG don't tell me, mag uuwi ka na ng boyfriend dito???

Ako:

Baliw hindi! May bago akong kaibigan, papakilala ko sayo mamaya. Basta sabihin mo na lang kay Mama pa uwi na ako.

Inaantok ako kaso ayaw kong matulog kasi nakakahiya naman kay Cortis kung tutulugan ko sya. Kaya sinubukan ko na lang labanan iyong antok ko. 

"Why did you study in a faraway school when it seems like you can't afford to be far away from your family for too long?" bigla nyang tanong kaya biglang nabuhayan iyong inaantok kong kaluluwa.

"Sawa na ako sa lugar namin, I mean, simula pagka bata ko nandoon na ako e. Gusto ko naman makakilala ng ibang tao at mas maraming opportunity sa lungsod."

"How do you deal with your homesickness, then?"

"I just don't think so much about home na lang para hindi ko lalong mamiss at hindi ako malungkot. Tapos minsan gumagala ako kasama iyong best friend ko para ma divert iyong atensyon ko." sagot ko sakanya, lagpas isang oras na kaming nasa biyahe. Buti na lang at wala namang traffic dito sa daanan pauwi sa amin.

"The mataray girl is your best friend, right? I always see you two sa hallway. She's a BA student, right?" sabi nya, medyo nagulat ako dahil may alam sya.

 Akala ko kasi wala syang pakialam sa ibang tao.

At oo, mataray talaga ang first impression ng mga tao kay Tams dahil iyon talaga ang sinasabi ng mukha nya. Pero mabait yung loka loka na yun. 

"Yep. Her name is Thamia, she's not mataray naman...medyo lang, lalo na 'pag nakilala mo na. Mabait kaya iyon. " sabi ko, Tams should be proud of me for this

"Mabait?" ulit nya at bahagyang natawa, tumango ako. What's funny?

"She publicly rejected my cousin last year." sabi nya kaya nagulat ako.

"Hala. Sino?!"

"Pao. But I guess she just doesn't like him, I don't like him either though. She did the right thing." sabi ni Cortis.

Kapag alam ni Tams na hindi makakabuti sakanya ang isang tao ay ni-rereject nya ito agad. Ni hindi nya nga nabanggit sa akin itong si Pao, kaya siguradong ayaw nya talaga roon.

Lumipas ang oras na puro pag ku-kuwento lang ang ginawa ko. Para hindi ako antukin, nakikinig naman si Cortis. Pakiramdam ko nga friends na kami e.

"Ate! Naka uwi ka!" salubong ni Kia sa akin at agad na nabaling ang tingin nya sa likod ko kung nasaan si Cortis at bitbit iyong duffel bag.

"Kia si Kurt, block mate ko. Kurt si Kia, bunso kong kapatid." pakilala ko sakanila, ayaw pala ni Kurt na tinatawag syang Cortis kaya pala nag iiba ang mood nya pag tinatawag ko sya noon.

"Pasok ka muna Kuya, nabanggit kong may kasamang kaibigan si Ate. Kaya gusto kang makilala nina Mama, pauwi na rin si Papa." sabi ni Kia, ngumiti naman si Kurt.

"You didn't tell me you live in a mansion. You're rich." mahinang sabi ni Kurt, 

"Nako hindi naman! Minana pa ni Papa itong bahay galing sa parents nya, sya kasi ang bunsong anak." paliwanag ko.

Hindi naman kami mayaman. Sabi ni Papa, oo siguro raw ay kaya naming bilhin agad kung anong mga kailangan namin pero hindi ibig sabihin noon ay mayaman kami.

"Mama!" sabi ko at yumakap sakanya, naka headband pa sya, siguro ay katatapos pa lang mag zumba.

"Mabuti naman naka uwi kang safe." tumingin sya kay Kurt, "Who is this handsome man?" seryoso nyang tanong sa akin, 

"Mama, si Kurt po. Block mate at bagong kaibigan ko po, gumawa kasi kami ng activity pagkatapos ay nag insist na rin syang ihatid ako dito dahil nabanggit kong gusto kong umuwi pero walang sususndo sa akin." paliwanag ko nang malinaw bago pa iba ang isipin nya.

She's so obsessed with getting me a boyfriend. Lagi nya akong nire-reto sa mga anak ng amiga nya. 

"Nice to meet you, Hijo. Call me Tita Kay na lang. Please feel at home, dito ka na mag hapunan dahil pauwi na rin naman ang asawa ko. Kung okay lang naman sayo." nakangiti na sabi nya. Naka hinga ako nang maluwag, akala ko may follow up questions pa sya.

"Nice to meet you po, Tita Kay. And sure po, no problem." sabi ni Kurt, mukha namang magaan ang loob ni Mama sakanya. 

Malapit na raw si Papa sabi ni Mama, mag aala cinco na rin. Gagabihin na si Kurt sa daan mamaya.

"Nako Hijo, hindi papayag ang Papa ni Av na bumiyahe ka pa ng ganitong mukhang lalakas ang ulan. Ayos lang ba sayong magpa lipas ng gabi rito?" sabi ni Mama, nanlaki naman ang mata ko. 

"We have a house somewhere here po, doon na lang po ako tutuloy." nagulat si Mama sa sinabi nya pati rin ako. 

May bahay sila rito? At di man lang nya nabanggit? Kaya siguro ayos lang din sakanya na ihatid ako rito. At kaya pala alam nya yung daan! 

"Talaga? May bahay kayo rito?" gulat tanong ni Mama.

"Yes po, near the town. My grandparents lives there," sabi ni Kurt, minatahan ko naman sya dahil hindi nya sa akin binanggit iyon kanina.

"Ano nga bang apelyido mo ulit, Kurt?" tanong ni Mama,

"Alonzo po." saglit napa isip si Mama.

"Are you related to Lucille Alonzo?" tanong ni nya, agad din akong napa isip.

Oo nga, Alonzo iyong apelyido ng napangasawa ng anak ni Don Lucio. 

"Yes po. He's my grandfather, and Lucille is my mother."

"Sabi ko na nga ba pamilyar ang mukha mo, anak ka pala ni Lucille!" nagulat ako sa nangyayari.

Ibig sabihin, si Kurt iyong nag iisag apo na lalaki ni Don Lucio?! Ibig sabihin mayaman sila! Kung anak sya ni Lucille Alonzo, edi kinakapatid ko sya dahil ninang ko yun! Madalas syang ikuwento sa akin ni Mama dati. 

"Are you friends with my Mom po?" nakangiting sabi ni Kurt,

"Noong highschool, classmates kami at magkaibigan din kaso sa ibang bansa na sya nag college at hindi narin naman sya umuuwi rito." sagot ni Mama,

"Si Vincente ba ang Papa mo?" maingat na tanong ni Mama,

"Opo." sagot ni Kurt.

"Sabi ko na nga ba't sila ang magkakatuluyan! Sabihan mo naman Mama mo na umuwi rito minsan dahil matagal na kaming hindi nag kikita." sabi ni Mama.

"Sige po. I'll tell her." sabi ni Kurt, mukhang sila lang ni Mama ang ang nagkakaintindihan. Dahil obviously hindi naman ako makasabay sakanilang dalawa.

"Kaya pala ang gaan ng loob ko sa'yo. Anak ka pala ni Lucille." sabi ni Mama.

Patuloy na sa pag tatanong si Mama tungkol sa Mama ni Kurt na si Auntie Lucy, na ninang ko at unica hija ni Don Lucio na mayaman dito sa amin. 

Parehas kaming gulat ni Kurt dahil ngayon lang din namin nalaman na magkakilala pala ang mga nanay namin.

Pag-uwi ni Papa ay nag kuwentuhan din sila dahil kakilala din pala ni Papa ang Papa nya na si Uncle Vincent, na ninong ni Arthur. I can't believe with all these revelations, kung hindi pa ako hinatid ni Kurt dito saamin ay hindi pa namin malalaman na magkakilala pala ang pamilya namin at kinakapatid ko pa sya.

"You didn't tell me you're an heir. Tagapag mana ka pala ng hacienda!"

"Now you know," he chuckled.

"Kung hindi mo pa ako hintaid, hindi rin natin malalaman." 

"You should thank me for insisting," biro nya, 

"Thank you for insisting, Cortis Ismael," 

"You're most welcome, Arthia Violette," sabi nya at for some reason ay parehas kaming natawa.

And that was the start of our weird, crazy friendship.

Related chapters

  • When Will You Marry    Chapter 04:

    WWYM04Mama insisted that we should visit Don Lucio the next day. Excited syang nag handa ng mga dadalhin na mga prutas para kay Don Lucio at sa asawa nitong si Donya Felicia. Hindi na rin muna naka balik ng lungsod si Kurt dahil napilitan syang doon muna habang walang pasok at weekend din naman. Pero sabay kaming naka balik ng lungsod nang Sunday morning."'Di ka man lang nag paramdam, akala ko na kidnap ka na!" sabi ni Tams, kauuwi nya lang galing sa simbahan at naabutan nya akong naka higa."Sa sobrang daming gustong gawin ni Mama, hindi ko na nahawakan masyado iyong phone ko— at saka ikaw ang most likely to get kidnap sa ating dalawa." sabi ko naman sakanya,"Gaga! Akala ko talaga na kidnap ka na, ang sabi lang naman s

    Last Updated : 2021-10-19
  • When Will You Marry    Chapter 05:

    WWYM05It's the last day of finals week and we're all busy studying, it's the day for the major subjects. Kaming tatlo din and magkakasamang nag aaral nitong mga nakaraang araw. Nangulit pa nga si Kurt na sa coffee shop daw kami para peaceful kaso ayaw ni Tams. Sigurado kasi syang hindi naman sya makakapag aral nang maayos dahil guguluhin lang sya ni Kurt."I fucking give up. Bahala na si batman." sabi nya bago isara nang padabog iyong laptop nya. Tiningnan ko naman sya nang masama, her laptop's so expensive! And it's new!"May warranty pa 'yan, don't worry." sabi nya, "Teka, asan na ba si Kurt? Bibili lang naman ng tubig iyon ah?" dagdag nya pa."I don't know." sabi ko at tinuloy ang pagbabasa. I still need to familiarize few things.

    Last Updated : 2021-10-19
  • When Will You Marry    Chapter 06:

    WWYM06Tams was serious when she said that she'll take care of my love life, sa loob ng isang linggo nasa apat na yata iyong pinakilala nya sa akin pero wala pa akong ine-entertain. I don't know. I justcan'tfeel it. Didn't felt it when I met them."Eto last na 'to kapag wala pa talaga, aba ewan ko na lang talaga sa 'yo, Av." sabi nya sa akin habang abala sa pag so-scroll sa cellphone nya.May pinakita syang picture sa akin, "He replied on my story, the one with your picture." sabi nya, pinopost nya ako sa stories nya kasi baka daw may magka interest. Para akong item na binebenta sa facebook market place sa ginagawa nya e."Blockmate ko 'yan, hmm... medyo matalino, mabait din siguro? Ewan 'di naman kami close." sab

    Last Updated : 2021-10-19
  • When Will You Marry    Chapter 07:

    WWYM07Came weekend and I was asked to go home.Mama wanted me to come home because she needed me to help her prepare for Sunday night's dinner. And fortunately, there are no important school stuffs lined up for my weekend."Why are we preparing so much?" tanong ko kay Mama, nasa kusina kami para mag finalize ng mga lulutuin na pagkain bukas ng gabi."Unang beses bibisita rito iyong team ng Papa mo, kaya gusto nya maayos ang lahat." sagot nya habang nagli-lista ng ingredients sa maliit na papel."Sina Don Lucio ang nagpagawa nung school 'di ba? Pupunta rin ba sila rito?"Hindi umuwi si Kurt dito ngayon at wala rin syang nabanggit kung uuwi ba sya."Yep, but they're gonna have a separate dinner next time in the mansion. Ang Papa mo lang at ang iba nyang ka trabaho ang dadalo bukas." sabi ni Mama.Tumunog ang cellphone ko at nakitang tumatawag si Tams kaya nagpaalam muna ako kay Mama na sasagutin ko iyon."He—"

    Last Updated : 2021-10-25
  • When Will You Marry    Chapter 08:

    WWYM08Hindi ko alam kung anong ginagawa nya rito at kung bakit sabi nya iuuwi nya raw ako, wait no, no, that sounded wrong! I meant, iuuwi nya ako sa amin. Agad na akong nag paalam sa mga kaibigan ko at sinabing mag kikita na lang kami ulit next time.Nauna syang nag lakad habang naka sunod ako. Tatawagan ko sana si Kia para tanungin kung itong lalaki ba na 'to talaga ang sinasabi nyang susundo sa akin kaso 5% na lang ang phone ko at mukhang sasabog na anytime dahil maiinit na, naiwan ko pa na naka bukas ang camera at naka full brightness nang ibalik ko yun sa bag after namin mag groufie kanina.Hindi ko rin alam kung bakit sumama ako sakanya pero pakiramdam ko naman ay sya talaga iyong susundo sa akin.At hindi ko rin al

    Last Updated : 2021-10-25
  • When Will You Marry    Chapter 09:

    WWYM09Like any other normal free time at school, I was sitting in the cafeteria with Kurt beside me and Tams in front of us. Kurt and I are both busy with our plates, while Tams has all the time in the world to relax. She just finished doing all her requirements and just waiting for theChristmasholiday announcement."Anong gusto mo mahal na hari?" tanong ni Tams kay Kurt dahil aalis sya para bumili ng pagkain, ulit. Puro lamon lang ang ginagawa namin sa nakalipas na isang oras."Hindi ka ba nabubusog? Kasi ako, oo." sabi ni Kurt. Tumawa nalang ako.Mabait si Tams kay Kurt nitong mga nakaraang linggo dahil pinasalubungan sya ngChanel No. 5na pabango galing sa London. At ako naman, I got the Hermés drawing paper refills. Sobrang galante si Kurt as a friend, hindi ko tuloy alam kung anong ireregalo sakanya kapag birthday nya or kapag may special occasion. Baka kahit house and lot, hindi enough e. Parang ang s

    Last Updated : 2021-11-10
  • When Will You Marry    Chapter 10:

    WWYM10Maaga kaming ginising para sabay sabay mag breakfast. Last day ng mga kamag-anak namin ngayon dito, uuwi na sila mamaya bago mag tanghali. Ngayon din yung araw ng ribbon cutting sa bagong school na pinatayo ni Don Lucio, at ibig sabihin din ay ngayon ang dating nila Kurt rito. Nag message sya sa akin bago bago ang departure nila kahapon.Nag message rin si Tams na pupunta sya ngayong araw para dalhin ang mga regalo nya sa amin. Speaking of gifts, I received a lot of art stuffs, as usual."We'll visit again kapag hindi busy." sabi ni Ayen, nandito kami sa kuwarto ko at magkakatabi na nakahiga."May date kami ng jowa ko, anong oras kaya tayo makaka alis?" sabi naman ni Lani, kagabi nya pa bukang bibig 'yan. Nagbulungan naman sina

    Last Updated : 2021-12-05
  • When Will You Marry    Chapter 11:

    WWYM11Magkikita kami nila Kyla ngayon para ibigay sakanila iyong pinapaabot na reagalo ni Tams, nag ayos kasi sya ng mga gamit and she has no one to give her pre-loved designer bags and shoes, hindi rin naman parehas ang shoe size at taste namin. She separated some for selling and the profit will go to the charity she's been helping. And then the other bags that she doesn't wanna sell will be the ones I'd be handling to Kyla and friends."Maghapon kang mawawala?" tanong ni Mama, umiling naman ako."Hindi po, baka bago mag tanghali ay nakauwi na ako. Iaabot ko lang 'to kila Ky." sabi ko, tiningnan nya naman iyong mga paper bags na dala ko."Oh okay, ingat ka. Mag text 'pag may kailangan." sabi ni Mama bago ako iwan sa labas, sumakay n

    Last Updated : 2021-12-05

Latest chapter

  • When Will You Marry    Chapter 25:

    WWYM25Antonio Nicholas Ojales via Instagram: She said, 'Okay, sige, I'll marry you.' and I'd take that as a Yes. @arthiavioletta *white heart emoji*Under his post were lots of comments. And some of them are from our crazy friends.@thamiaisobe

  • When Will You Marry    Chapter 24:

    WWYM24Days rolled in and out so fast.Vienna and I just finished our OJT last Friday. It went well. Akala ko mahihirapan kami pero hindi naman pala, nakakapagod nga lang talaga. I won't tell how it goes but overall, it was a great experience.It's Sunday today, and we just stayed at home watching another day of Thamia Isobel distracting herself until she finally realizes that she needs to let it out."Gaga, sige na umiyak ka na. 'Wag ka ng mahiya, kami lang 'to," sabi ko sakanya,"You know I never cry for boys," sabi nya tapos uminom ng tubig, sinungaling! Akala nya 'di namin sya narinig ni Vienna na umiiyak sa kwarto.

  • When Will You Marry    Chapter 23:

    WWYM23Kinabukasan, tanghali na akong nagising, kung hindi pa ako pinuntahan ni Kia sa kuwarto ko ay hindi pa ako lalabas. Gusto ko pa sanang matulog kaso 10 am na, bi-biyahe pa ako mamaya. Iniisip ko nga na 'wag na lang munang umalis ngayon, kaso syempre may pasok sa iskwela."Morning, Ma," bati ko kay Mama at humalik sa pisngi nya, abala syang nagliligpit sa hapag."Si Papa po?""Maagang lumabas kasama sina Arthur at Nick, magba-basketball yata, hindi pa nakakabalik." sabi nya. Huminga ako nang malalim. Dito nga pala natulog si Nick.Iniisip ko yung nangyari kagabi, ano kayang mangyayari ngayon?"Ayos ka

  • When Will You Marry    Chapter 21:

    WWYM21The following day I woke up early for school. I just finished a cup of milk for my breakfast. And catch up on the latest episode of the current series I'm watching."Aga mo naman, 5 am palang e." sabi ni Viens, nagising ko siguro sya nang tumunog yung toaster. Naghanda kasi ako ng almusal para sakanila ni Tams."Sorry, maaga rin kasi akong nakatulog kagabi.""Hindi ka pala kumain kagabi, hinahanap ka ni Tams. Sinilip ka namin kaso mahimbing na ang tulog mo." sabi nya habang nagtitimpla ng kape."Antok lang talaga ako," sabi ko sakanya.

  • When Will You Marry    Chapter 22:

    WWYM22It was Thursday night when Kia asked If I was coming home for the weekend, and I said yes, that's why they fetched me during Friday night.Nick and I are okay. I just told him that I was really drunk that night. That's why I said those things. I don't know if he actually believes it. But it made him think what made me hate him when I'm drunk, though.Vienna and Tams already stopped bugging me about it. I was glad no one tried to ask questions anymore. I don't want to think about it.I choose not to think about it anymore.May tiwala ako kay Nick at mas gusto kong magtiwala sakanya. Kung pinili nyang 'wag sabihin sa akin, then okay, maybe he has his reaso

  • When Will You Marry    Chapter 20

    WWYM20Nick and I celebrated our 1st anniversary and 2nd valentines day together in Elyu, nagtalo pa nga kami dahil ang unang plano ay aakyat kami ng Sagada. But in the end, we just went to Elyu.A lot has happened in our first year together, and I'd gladly spend another year with him and the coming years, hopefully."Ayan na, aalis na ako. Masaya ka na ba?" sabi ko kay Tams habang inaayos yung gamit ko,"Tangina ka, mag sama kayo ni Nicholas." sabi nya sa akin.Dito pa rin nakatira si Vienna sa amin, pero wala sya ngayon dahil nasa probinsya pa sya. Nag aayos ako ng gamit dahil doon ako matutulog kay Nick ngayong gabi.

  • When Will You Marry    Chapter 19:

    Hindi ako aware namag cha-chopper pala kami papunta roon sa lugar kung saan may medical mission, nagulat na lang ako nang tumawag si Tita Leonore para sabihan ako na umakyat sa rooftop sa may helipad ng condominium. Grabe talaga 'tong pamilya ni Nick."The smell of fresh air," sabi ni Tita Leonore, kararating lang namin sa tanggapan ng bisita, sa may baranggay. Payapa at malayo sa kabihasnan.Naiwan si Nick kasama ang mga staffs para bitbitin ang mga gamit. Magkahiwalay rin ang chopper na sinakyan namin."Are you ready Hija? I'm sure you'll have fun, there's going to be a lot of kids here." nakangiting sabi ni Tita Leonore, tumango naman ako."Let's go," sabi nya at naglakad na, papunta na yata kami sa multi-purpose

  • When Will You Marry    Chapter 18:

    "Shuta hassle, sixth-floor tayo tapos balita ko madalas raw traffic dito." tinawanan ko si Tams, wala na yata syang ibang reklamo kung hindi 'yan simula nung makarating kami rito sa condo kanina.Halos tapos na kaming mag ayos ng mga gamit, nagpadala rin kasi ng katulong dito ang mommy nya para tulungan kami. Isang araw bago ang huling gabi namin sa dorm ay nag handa ng salo-salo si Mamita para sa amin."Ang isipin mo na lang, walang curfew dito." pang cheer up ko sakanya.At least hindi na sya ulit masasarhan sa labas kapag lagpas 10:00pm na tapos 'di pa sya nakaka uwi."And we have better places for your paintings, you can paint more now." sabi nya, patong patong yung paintings ko sa may sulok. Sya na raw bahala m

  • When Will You Marry    Chapter 17:

    "'Wag mo na akong alalahanin, may sasakyan na ako papuntang school." sabi ni Tams,Napuyat kami sa pag uusap kagabi tungkol sa nangyari pagkatapos ng dinner kina Nick. Hindi rin sya makapaniwala sa mga sinabi ni Tita Leonore—I'm so glad that I can call her Tita now."Akala ko nga sasabihin nya; ito sampung milyon, layuan mo ang anak ko! Yung mga ganon, 'di ba uso yun. Sayang naman, edi sana may 10 million na tayo ngayon."sabi ni Tams kagabi. Loka loka talaga."Next week pa uuwi si Kurt, ayaw mo naman sumabay sa amin ni Nick.""Thank you na lang 'te, ayaw kong maging third wheel. Ang harot nyo pa naman, para nyong tinatapakan ang dignidad ko." sabi nya habang pababa kami ng dorm.

DMCA.com Protection Status