Share

Chapter 38

Chapter 38

Tinitingnan palang ni Marion ang mga gawaing bahay na nadatnan niya pag-uwi ay tila naubos na ang lakas niya.

Tambak ang mga plato, kawali, kutsara at tinidor sa lababo. Naglalaro na ang ilang ipis at nagpipista na ang mga langgam doon dahil sa mga tira-tirang pagkain na nakalantad.

Minura niya ang mag-ina sa isip. Ang tatanda na pero ni hindi marunong maghugas ng mga pinaglamunan?

Sa lamesa naman ay may mga patak-patak din ng sarsa ng ulam at nandoon rin ang ilang plato at baso.

Kahit nandidiri ay sinumulan na niyang hugasan ang mga iyon. Isang araw lang siyang hindi nakatigil sa bahay ay ganito na kadumi ang inabutan niya.

Binugaw niya ang ipis at kumuha siya ng mask dahil mabaho ang amoy ng napanis na kanin at ulam sa kaldero at kawali.

Itinapon niya muna ang mga pagkaing tira saka siya naghugas.

Pinunasan niya rin ng malinis na basahan ang lamesang nangigigipalpal din sa dumi. Naglampaso din siya ng sahig na maalikabok na dahil magmula ng maging dishwasher siya ay nakak
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status