Kinabukasan ay nagising akong wala si Jaxon sa tabi ko. Weird mang sabihin ngunit wala akong maramdamang kaba nang magising akong wala siya sa tabi ko pagkatapos na may mangyari sa amin kagabi. Mabilis akong bumangon at nag-ayos ng sarili. Paalis na sana ako nang makita ko ang isang sticky note na nakapatong sa ibabaw ng may kaliitang table sa tabi ng kama. Kinuha ko iyon at nakitang galing kay Jaxon ang note.'Good morning, hon. Sorry. I didn't wake you up. Got a news from one of my engineer. Something happened on one of our site. I'll see you later. I love you, Mrs. Dela Vega." Yours always, Mr. Dela VegaNapangiti ako matapos mabasa ang nakalagay sa note. Ang sarap lang sa pakiramdam na paunti-unti ay nagiging maayos na ang lahat sa amin. Pero akala ko lang pala iyon.Lumipas ang dalawang araw mula ng huli kong makita si Jaxon. Hindi ko alam kung sobrang abala ba siya o ano. Pero nabalitaan ko na lang na nagpunta siya sa Greece para sa isang business meetin
-Hapon na nang makarating kami sa bahay. Nasa loob ng bahay si Sebastian kasama ng mga anak ko. Alam na rin niya ang tungkol sa pagpayag kong ipakilala na si Jaxon sa mga bata. Nakausap ko siya bago ko sabihin kay Jaxon ang pasya ko. At alam kong natuwa siya nang malaman ang bagay na 'yon. Sebastian is really a good friend. "Ngayon lang ako kinabahan ng ganito sa buong buhay ko," saad ni Jaxon habang papasok kami sa loob ng bahay. "Mababait ang mga anak natin." "Alam ko naman. Nagmana sila sa'yo." "Huwag kang mambola," sagot ko at tuluyan nang pumasok sa bahay. Pagtapak pa lamang ng mga paa ko sa loob ay patakbong sumalubong sa akin si Malik. "Mommy!" Si Margaux."Miss kita mommy!" Si Malik na agad lumapit sa amin ni Jaxon habang si Margaux ay nanatiling naglaro."Tito Jaxon! Are you visiting us?" Tinuro ni Malik si Jaxon kaya lumuhod ang huli at niyakap ang anak ko at umiyak muli."Why are you crying, Tito Jaxon? May bad guys po bang umaway sa inyo?" inosenteng tanong ni Malik
-Nagising ako ng eksaktong alas-otso ng umaga. Sikat na ang araw paggising ko. At kasalanan lahat ito ni Jaxon dahil hindi ako nakatulog nang maayos. Pupungas-pungas akong lumabas at tinungo ang kwarto ng mga bata pero nagtaka ako nang wala sila roon at maayos na ang kama nila.Patakbo akong bumaba dahil ito ang unang beses na magising akong wala sila sa kwarto nila. Wala pa man ako sa ibaba nang marinig ko ang malakas na tawa ng mga bata. At bakit may mga maleta rito? At sinong kalaro nila ng ganitong oras?"Don't do that-Margaux!""Hahahaha! Daddy your face!"Jaxon? Anong ginagawa niya nang ganito kaaga? Hinanap ko agad silang tatlo at natagpuan ko naman sa kusina. Hindi ko alam kung magagalit ako o matatawa sa itsura ng mga anak ko. "Anong nangyari dito?" takang tanong ko. Napakakalat ng kusina. Literal na naligo sa harina ang kambal lalo na si Margaux. Ang maliit niyang mukha ay nabalot ng harina."Good morning Mommy!" Humalik naman sa pisngi ko ang dalawa kahit puno ng harin
-Dalawang linggo ang lumipas simula nang maging ayos sa amin ni Jaxon ang lahat. Sa bahay na rin siya namamalagi kasama ng mga bata at siyempre kasama ko. Maraming nagbago sa aming dalawa simula nang maging malinaw sa akin ang lahat. At mas lalong ibang Jaxon ang nakakasama ko. He became more sweet at maalaga sa aming tatlo ng mga bata. Hindi na rin niya ako pinatuloy na magtrabaho sa LSDJV na pwersahang resign ang ginawa niya sa akin. Ang LSJDV na initial ng pangalan naming dalawa. Lhaurizeth Santillan at Jaxon Dela Vega. At kung natatandaan niyo pa ang painting na nakita ko noon sa isang exhibit kung saan nakaukit ang initial na LSJDV, iyon ang painting na si Jaxon mismo ang gumawa. Iniregalo niya ito sa akin at ngayon ay nakasabit sa loob ng kwarto naming dalawa. "Good morning misis," bati niya sa akin sabay halik sa pisngi ko pagkatapos ay isiniksik ang katawan sa akin. "Hmm. Good morning din." Mahigpit niya akong niyakap na parang ayaw akong pakawalan. Nakaunan ang ulo ko sa b
//revised version--Batangas. Karga ko si Margaux nang bumaba sa sasakyan pagdating namin ng Batangas. Samantalang na kay Jaxon si Malik na todo ang kapit sa leeg ng ama niya. Hindi na ako nagulat pa nang hawakan ni Jaxon ang kamay ko at sabay kaming tinungo ang cottage na tutuluyan namin. Nakita ko pang kumaway sa amin si Arianne kasama ang anak nito at si Hawk. Wala pa si Sebastian pagdaging namin. "Finally! Kumpleto ang buong Dela Vega. " Iyon agad ang bungad na wika ni Arianne pagkakita sa amin. Nagkatinginan pa kami ni Jaxon dahil doon. Hindi ko alam kung may ideya si Arianne sa mga nangyari sa buhay ko nitong mga nakaraang linggo simula nang bumalik si Jaxon. Pero siguradong may alam siya dahil hindi na siya nagulat pagkakita sa amin na kasama ang mga anak namin. "Kumusta ang biyahe?" tanong naman nang nanahimik na si Hawk. Napatingin ako sa kamay nito bigla."Ayos naman. Mukhang masaya ka pa sa buhay binata ah?" si Jaxon ang sumagot sa tanong ni Hawk. Katulad ko ay mukhang n
//revised version-"Nawawala si Malik."I almost lost my consciousness after I heard that my Malik is missing. Mabuti at nakaalalay si Jaxon. Nanghina ang mga tuhod ko at hindi ko napigilang maluha. Ito na ang araw na kinatatakutan ko. Ang idamay ni 'Apollo' ang mga anak ko. Hindi ko alam kung sino at ano ang kasalanan ko sa kanya. Kung si Margareth man ang taong nagtatago sa pangalang iyon ay hindi ko mapapalagpas ang ginawa niya. Nawawala ang anak ko dahil sa kanya. "Lhaurize! Are you okay?" Sino bang magiging okay kung ganitong nawawala ang sariling anak? At kagagawang lahat iyon ng taong nagtatago sa pangalang Apollo.Pinalis ko ang kamay ni Jaxon na nakaalalay sakin. Nanginginig man ay pinilit kong hindi magpakita ng kahinaan sa binalita ni Hawk. Alam kong nasa paligid ang 'Apollo' na iyon at naghihintay lang ng tamang oras na makita niya akong mahina sa harap niya. At iyon ang hindi ko maaaring payagan. Sapat na ang ilang beses na pananakot sa akin sa pamamagitan ng mga taon
Hello there! Una sa lahat maraming salamat sa pagbabasa at paghihintay sa kwentong ito. Medyo mabagal lang talaga ang update due to work and night shif life.Just a little request lang po lalo na sa mga sa mga readers po ng When She Cries dahil patapos na po ang kwento, ilang chapters na lang po actually, naiisip niyo na ba kung sino ang taong nagtatago sa pangalang Apollo? Comment po kayo kung sino ang naiisip niyo at kung sino ang makahula ng tama ay dedicated po sa kanya ang last chapters ng kwento. Thank you and happy reading! 🤎
//revised version-Flashback October 2012Lhaurizeth Santillan POV"Lhaurize! Pupunta ka ba sa school festival mamaya?" Arianne asked me while we're walking at Johnson Hallway inside our university. It was Friday and the last day of school. Finally, I'll be saying hello to weekend! We're trying to get the new books in the library as we still have some academic task left and we need to finish it before the end of the semester. Here's the semestral break! Nilingon ko si Arianne na abala sa pagbuklat ng librong hawak niya. Sinagot ko ang tanong niya sa akin. "I'm not sure. Kailangan kong matapos itong task na pinagawa ni Professor Amelia. Sayang din kung hindi ko maeenjoy ang semestral break.""Pwede naman sigurong ipasa iyan next week. Minsan lang itong festival dito sa university kaya um-attend ka na. Gusto mo bang ipagpaalam kita sa parents mo?" I shook my head and make a 'No' sign. "Huwag na. Ako ng bahala magpaalam kay Mommy. Papayagan naman niya siguro ako." "Really? Yes! Ma