''nasaan ako ?" balikwas agad si Amelia pagkagising .Nasa maayos siyang lugar .Pero hindi parin siya pasigurado na wala na siya sa panganib . Naisip niya agad pumunta sa pintuan at nagbakasaling hindi ito naka lock at laking pasalamat niya dahil hindi nga . ''maam saan po kayo pupunta '' napahawak siya ng dibdib dahil sa gulat dahil bigla biglang nagsalita ang babaeng naka itim sa likuran niya .Tinitigan niya ang babae at nahuhulaan niyang dalaga pa ito . '' nasaan ako ?" tanong nito .Napapaisip siya kung bihag siya bakit hindi man lang naka lock ang pintuan at bakit maam ang tawag sa kanya ng babae . ''nandito ka po sa hide out ni madam ma'am.Pumasok muna kayo sa inyong kwarto at tawagin ko lang si madam'' nakatulala siyang iniwan ng babae .Bumalik nga siya sa kwarto na pinanggalingan niya kanina .''madam sino ?" tanong nito sa sarili . Nahihiwagahan siya sa kung sino ang tinutukoy ng babae . ''gising na pala kayo '' napalingon siya sa babaeng nagsalita .''Celine ikaw ba yan ?
continue FLASH BACK..''ako ang dating nobyo ng ina mo .Naudlot ang pagtanan namin dahil ginipit siya ng ina ni Jerry. Pinapatay nila ako ngunit sa hindi sila nagwagi dahil nailigtas ako ng mga taong ito .Dahil marami akong alam tungkol sa batas ako ang tinalagang leader nila nung namatay sa sakit ang kanilang leader na siyang nagligtas sa akin at tinuring akong anak . " "kung ganon kayo po ang aking ama?" kahit wala ng DNA na maganap alam niyang anak niya ang nasa harapan nito . "ramdam ko at kitang kita ko ang patunay na mag ama po tayo " "paano ka makasiguro?" tanong nito "ayan oh parehas tayo ng balat sa siko .Ito po may ganito ako " tinanggal niya ang jacket nito at pinakita ang balat nito sa siko . "anak nga kita !" naluluhang niyakap ni William ang babaeng nasa harapan niya ."mga kasama anak ko itong niligtas natin .Talagang ang buti ng panginoon dahil gumawa siya ng tadhana dahil pinayagan pa niyang magkita kami " naluluha niyang niyakap ito at natuwa ang mga kasamahan n
''tama ka anak hindi ka tunay na galing kay Jerry .Akala ko noon tanggap niya pero hindi pala .Pero ano dahilan bakit tinago mong buhay ka .Alam mo bang labis labis ang pangungulila ko sayo '' ''kung alam niyang buhay ako mama hindi niya ako tantanan .Mabuti nalang at nagawa niya yon dahil nakilala ko ang tunay kong ama sa kabundukan siya ang nagligtas sa akin sa kamatayan '' Kinewento lahat ni Cepline ang buong nangyari sa kanya at sa tunay nitong ama . ''o my gosh bakit hindi nagpakita sa akin si William noon '' naiiyak niyang tinakpan ang mga labi dahil sa pag iyak nito .Buong puso niyang nilahad ang tungkol sa ama niya at sa nakaraan nila ng kanyang ina na siyang inamin ng kanyang ama na kaya hindi siya nag asawa dahil kay sa ina niya na mahal na mahal niya ito .''tama si William magtatanan na sana kami ngunit tinakot ako ng ina ni Jerry na kung hindi ako magpapakasal sa anak niya ikakalat niyang gumagami* ako ng masamang gamo* .Nagrerebeld ako that time dahil walang paki alam
"anong nangyari bakit hindi niyo nakuha si Amelia" gustong manapak ng mukha si Veronica dahil sa palpak ang mga inutusan nito .Hindi alam ni Jerry ang kanyang plano gusto na niya mawala agad si Amelia para malaya na silang dalawa ."hindi ko alam maam pero totoong may kumuha sa kanya at parang dinukot din " napahilamos nalang siya ng mukha dahil sa inis ."anong itsura yan mama?" kararating lang ni Nesline galing sa kinaroroonan ng kambal nito . "sino ang hindi mabwibwisit palpak ang plano ''inis na sagot nito .''anong plano na naman ba yan .Nagiging demonyo na kayo dahil dyan sa kalaguyo niyo ''isang malakas na sampal ang dumapo sa pisngi nito .''wag na wag mong sabihin yan sa sarili mong ama Nesline kung wala siya! wala kayo rito sa mundo ni Coline '' dinuro niya at galit na galit ang itsura .''really ??? so maging proud ako dahil ama namin siya ganon !!" alam ni Nesline ang katotohanan na hindi na ang totoong ama nila ay ang asawa ng gobenadora. (flash back) ''ano yung nakita
Pagkarating nila Jerry at Veronica sa bahay na pinagkulungan nila kay Coline ay nadatnan nilang naka bukas ito at ang kotse lang ng Nesline ang naroon at ang mga maleta na dala niya kahapon .Masaya siya dahil alam na nilang siya ang ama nila kaya balak niyang magpakilala at makausap ang mga ito tungkol sa kanilang plano .Pero walang Nesline at Coline na nadatnan nila . ''nandito siya kagabi sir sinundan pa nga namin siya at nakita naming bumaba bitbit ang maleta .Wala naman kaming nakita na lumabas '' napakamot ng ulo si Jerry dahil mukhang naisahan sila ng mga anak nila .''nasaan ang mga anak mo ?" galit na galit si Jerry ng malaman na wala na sa kanilang bansa ang kambal .''nalaman na nilang ikaw ang ama nila kaya hindi matanggap ni Nesline ang katotohanan dahil mas mahal nila ang ama nila kaya galit sila sa akin '' ''wala kang kwenta '' isang malakas na sampal ang natikman nito sa kamay ni Jerry . ''alam mo bang sila nalang ang pag asa ko para malaman kung nasaan si Zaira .Per
''papa ano ginagawa ni Haris dito ?'' nagtatakang tanong ni Clarissa sa byenan nito . ''ano masama na nandito ang anak ko Clarissa?" natahimik at yumuko bigla ito dahil napahiya siya sa mismong harap ni Haris .Hanggang ngayon galit parin siya dahil sa panloloko nito sa kanya . ''nandito ako para makausap ang papa .Bakit pala nandito ka ngayon sawa kana ba sa probinsya ?" hindi nila minahal ang isat isa .Tulad kay Kyler muntik na siyang napunta sa babaeng hindi niya mahal . ''wala na miss ko lang mga anak ko !'' pa irap nitong sagot . ''wala sila dito nasa bahay si Jasmine at si Kyler nasa bakasyon '' masama ang loob nito dahil sa dinami daming naging babae niya ay ang isa pang doktora na siyang naging Ob nito noong nabuntis siya kay Jasmine .Laking pasalamat niya dahil wala na ito at naging maayos ulit ang kanilang relasyon pero noong pinanganak niya si Jasmine ay nawala bigla ang sweet nito at hindi na siya sinundan pa sa probinsya .Nag hiwalay sila pero hindi pa annul ang k
(continue flash back)''buntis kaba Clarissa ?" tanong ni Haris sa kanya .Nasa banyo siya ngayon dahil kanina pa siya sukang suka pero wala siyang nailalabas kundi tubig lang . ''hindi ko alam '' sagot nito .Patayo na sana siya ng bigla itong nawalan ng malay .Dali daling sinugod siya sa hospital dahil ilang minuto na itong hindi nagkamalay . ''over fatigue ang dahilan ng kanyang pagkahilo at sinamahan pa ng kanyang pagbubuntis .Ang asawa mo Harisay buntis ng apat na linggo .Pwede niyo na siyang iuwi mamaya kung magkamalay na siya .Ang reseta ng asawa mo ay ibibigay ko mamaya '' gulat na tumingin si Haris sa doktor .Alam niyang sa kanya na ang bata dahil may mga nangyayari na sa kanila ni Clarissa .Masayang masaya si Clarissa sa nalaman nitong buntis na siya at totoong galing na kay Haris . Binalita nilang lahat ang tungkol sa pagdadalang tao nito lahat ay masaya sa nalaman . Masayang nag uusap sina Haris at Clarissa tungkol sa gender ng kanilang magiging anak .Laking pasalamat n
''kaarawan ngayon ni Don .Ocampo '' nagpasya si Celine na umattend ang ina nito para biglahin si Jerry .Pero may mga ipapasama siyang mga tauhan para bantayan ang ina dahil hanggat nakakalaya palang si Jerry ay magiging delikado ang buhay ng ina . ''inayos kona lahat mama kailangan niyong magpakita sigurado ako naroon ang dalawa ngayon '' sumang ayon si Amelia sa plano ng anak gusto niyang ipakita sa dalawa na nagkamali sila ng nakalaban .''dont worry ma! nasa tabi mo lang ako '' tumango lang siya at bumaba na ng kotse .Naroon na loob ang mga lihim na tauhan ni Celine para bantayan sina Zaira at ina nito .Kailangan niyang maging maingat dahil pag oras naisapakamay nila ang dalawa masisira lahat ng kanilang plano at mapapahamak ang anak nito at ina . Sila nalang ang tanging naiwan sa kanya .Hindi na rin siya umaasa na magkabalikan sila ng ama ni Zaira dahil noon pa niya pinagsisihan ang pakikipagrelasyon nito. (flash back)''tita buntis ako " naluluha nitong salita sa asawa ng tito
'' dad !'' gulat si Zaira sa nakikita niya magkasama ang ina at ama nito .Naiyak siya dahil finally kompleto na ang pamilyang meron siya . ''ayyyy sorry nahuli ako ng dating !'' kararating lang din ni Jasmine kasama si Arden . Lihim na sinundo ni Arden si Jasmine sa kanila .Alam ni Jasmine na si Arden ang kasama niya papunta sa kinaroroonan nila Zaira dahil hindi pa siya pwedeng magisa lalot laya parin ang kalaban ng kanyang pamilya . ''waiittt Who are these cute litte persons ?'' nakatingin sa kanya ang dalawang bata na parang pinagmamasdan siya ng mga ito . ''mga anak namin ng ate mo " napanganga siya sa sinabi ni Kyler at blankong tumingin kay Zaira . ''totoo ang narinig mo .Kapatid siya ng anak kong namatay . Triplets sana sila kaso silang dalawa lang ang nabuhay '' nagtitiling yumakap si Jasmine kay Zaira hindi nga siya nagkakamali noon na hindi lang isa ang nasa tyan nito dahil sa sobrang laki at bilog nito . ''dalawa na agad ang pamangkin ko wow !!'' masayang lumap
''bakit ganyan ang itsura mo Celine ayos ka lang ba ?" nakipagkita si Celine kay Haris .Alam niyang hindi na siya magtatagal .Kung tinanggap niya an chemo mahahalata sa kanyang katawan ang pagbagsak ng kanyang kalusugan .Pero dahil hindi niya tinanggap ay nanatili parin ang mga buhok niya at tanging immune system niya lang ang naapektuhan dahil sa sakit niyang colon cancer . ''hindi ako maayos Haris nakipagkita ako sayo dahil gusto kong sabihin sayo na alagaan mo si Zaira '' ''para ka namang nagpapaalam na sa lagay na yan '' tinitigan niya si Celine at halata niya sa dating kasintahan nito na may malubhang sakit ayaw niyang magtanong dahil gusto niya hintayin nalang niya na aminin ni Celine .''may cancer ako Haris at malapit na akong mamatay '' ''what my gosh Celine bakit di ka magpagamot ..ayos ka lang ba ..at bakit mo nasabi malapit kana mamatay ?" lumapit si Haris sa kanya at niyakap .Hindi siya makapaniwala na kung kailan malubha na ang sakit ni Celine ay doon palang magpapaki
Ilang putok ang ginawa ng mga armadong mga kalalakihan habang pinagbabaril ang driver kung saan nakasakay si Jerry .Ililipat nila ito sa masikip na kulungan sana pero nakatimbre ang iba nilang tauhan kaya nagplano sila kung paano makuha ang kanilang boss . Hindi naka handa ang mga pulis sa pagsalakay ng mga armadong kalalakihan kaya namatay ang mga nasa bantay ng mga ililipat na preso .Natangay nila ang sasakyan kaya nakipag habulan sila ngunit may nag abang din palang ibang grupo .Halos hindi sila makapaniwala sa naganap dahil isang iglap lang namatay ang ibang bantay .Iniwan nila ang sasakyan ng preso at wala ng laman kundi ang mga naiwan ay mga pulis na may mga tama ng baril kaya agad silang tumawag ngrescue para sa kanila . "shit !!" pinagtatadyak ni Arden ang gulong ng kanyang kotse matapos malaman na nakatakas si Jerry ang masaklap maraming autoridad nawalan ng buhay dahil malakas ang pwersa ng mga armado at talagang pinagplanuhan . "Arden nasaan ka ...tama ba yong narinig
Pagbalik ni Arnold sa loob matapos makatanggap siya ng dalaw.Medyo nag alinlangan siyang sabihin sa amo nila ang tungkol sa sinabi ng asawa ni Boyet na siyang inutusan niya maghatid ng balita sa kanila . "boss wag kayong mabibigla ." abala ito sa pagbabasa ng newspaper at may nagmamasahe sa likod nito .Kahit nasa loob ay siya parin ang sinusunod ng kanyang mga tauhan . "sabi ng asawa ni Boyet nalaman niyang patay na ang isa mong anak" " ano sabi mo ...namatay ang isa kong anak dahil kay Veronica?" "opo yon ang sinabi boss" kinewento niya ang ibang sinabi ng kanyang dalaw .Hindi makapaniwala si Jerry sa mga narinig . " ayon sa asawa ni Boyet kalilibing lang kanina ang anak niyo . " pinagsusuntok ni Jerry ang pader at tahimik na umiiyak .Hindi matanggap na hindi pa niya nakakapiling ang mga anak tapos mamatay lang dahil sa hindi nagiisip na ina nila .Naikwento rin ng tauhan niya na sinangga ng isa niyang anak ang sarili para protektahan si Celine . "bakit hindi nag iisip si
"Nesline..Coline " kahit anong sigaw ni Veronica wala parin tao sa sinabing lugar kung saan sila magkikita . Nilibot niya ang buong paningin ni isang kaluskos wala siyang narinig .Kinilabutan siya dahil parang niloko lang siya ni Celine .Bigla siyang nakaramdam ng takot para sa kanyang sarili .Hindi niya maintindihan ang pagkagulat ng biglang may tumawag sa kanyang selpon .Agad niya itong sinagot at nanggagalaiti siyang nagtanong nasaan na sila . "nandito na ako Celine ipakita muna ang mga anak ko " "relax Veronica dyan ka muna namnamin mo muna ang magisa sa kagubatan " bigla siyang natakot sa biglang kaluskos mula sa kanyang likuran .Iniisip niya na baka may mga ahas na malapit sa kanya . "sira na talaga ang utak mo Celine bakit dito naman sa kasukalan mo ipapakita ang mga anak ko " tumawa lang si Celine at pinatay na agad ang tawag . "pwede naba kami magpakita bakit pinapahirapan mo pa si mama" kitang kita nila sa monitor kung paano naglilikot ang paningin ng kanilang ina . Al
"ma'am may sulat !" nagmamadaling pumasok si Goryo sa loob pagkapulot niya sa sulat na nakalagay malapit sa pintuan ng kanilang pinagtataguan . "hah paanong nagkaroon ng sulat alam ba nila kung saan tayo nagtatago?" umiling si Goryo sa kanya dahil wala naman siyang nakitang kakaiba na umaaligid sa bahay . Nagtataka lang siya kaninang pagpasok niya galing sa bayan para bumili ng kanilang kakainin ng may nakita siyang sulat sa may pinto na wala naman kaninang lumabas siya .Ilang minuto lang siya nawala dahil malapit lang naman ang bayan sa kanila . "delikado na tayo ngayon ma'am kailangan na natin makaalis ngayon din !" nataranta si Veronica sa sinabi ni Goryo. Kung kailan nakahanap siya ng mas maayos na pagtataguan dahil kahit hindi muna siya maglabas labas ay may uutusan siya ngunit palpak na naman dahil mukhang may nakakaalam kung saan siya ngayon. Kilala niya si Goryo dahil isa ito sa mga tauhan ng kanyang asawa at nagpanggap siyang hinahanap ng mga pulis dahil sangkot siya sa
''who are you" alam ni Nesline na kapwa nila pinoy ang kumatok sa pintuan ng pintuan ng apartment na tinitirhan nila . Isang babae ang nasa harapan niya at may kasama itong dalawang lalaki . ''hindi mo ba kami papasukin iha ?'' halatang gulat ang dalaga ng magsalita siya sa wikang pilipino .Nasa ibang bansa sila kaya bihira lang ang mga ito makakita ng kapwa nila pinoy . ''Why would I do that? Do I know you?'' inis na sagot nito sa babae .Hindi niya kilala ang mga ito at baka mga masasamang tao .Mabilis niyang sinara ang pintuan dahil naisip niya baka tauhan ng mga magulang ang tatlo na nasa labas .Pero nagtataka siya dahil isang desenteng babae ang nagsalita kanina at halatang mayaman . ''nandito kami para makausap ka Nesline '' kunot noo siya habang nakasandal sa likod ng pintuan .Hindi makapaniwala na kilala siya ng babae .Kaya binuksan niya ulit ito at hinarap. Pinaalis muna ni Celine ang dalawa niyang tauhan dahil baka natakot nila kanina ang dalaga . ''bakit mo ako kilal
Nagkalat ang mga pulis sa paligid ng isang park kung saan magkikita ang dalawa .Ang akala ni Jerry ay mga tao parin na namamasyak gayong gabi na .Ang mga ibang pulis ay kunwaring nagdadate at ang mga iba ay kunwaring nag zuzumba ang mga ito .Sa kalayuan ng kanilang kinaroroonan ay naroon si Arden na nanonood hindi siya lumabas kasama ng mga kasamahan niya sa presinto nila dahil baka makilala sila ni Jerry . ''dala mo ba ang sinabi ko sayo pare '' nakajacket at naka sumbrero si Jerry habang nakasuot ng facemask sa mukha . ''oo dala ko pare. Bakit pala hindi kana susuko ?'' alam niyang walang plano si Jerry sumuko pero kunwaring tanong lang niya para malibang ito .Hindi man lang nagtaka ito na ang bilis niyang dumating gayong may kalayuan ang kinaroonan nila . ''sinong sira ang susuko .Hindi ako tang* na magpabulok sa kulungan .Bigay mo nalang ang pera pare wala ng madaming satsat .Bayad kana sa utang mo '' inilahad ang palad nito sa harap ni Smith at tinignan sa mata .Wa
'' Nes ... look This isn't true, is it? Why did they do this?" pinakita ni Coline sa kakambal nito ang litrato ng mga magulang nilang pinaghahanap ng autoridad sa kanilang bansa . Tulalang napatingin si Nesline sa kapatid niya dahil hindi siya makapaniwala sa nakikita .Mabuti nalang at umalis na sila sa kanilang bansa .Kahihiyan ang nagawa ng kanilang mga magulang . ''Coline makinig ka wag na wag kang tatanggap ng kahit anong tawag galing sa ating bansa .Maayos na tayo dito at hindi nila mahahanap ang kinaroroonan natin .Tahimik ang buhay natin dito kaya yang social media mo you better de activate ..okey '' naiiyak na tumango si Coline sa sinabi ng kambal niya .Naawa siya sa kapatid niya dahil ito ang nagtatrabaho para sa kanilang dalawa . Hindi siya pwedeng magtrabaho dahil mahina ang katawan niya sa malamig kaya bihira lang siya lumalabas. Iniwan muna ni Nesline ang kapatid niya sa kwarto nito .May sakit ang kakambal niya at malala na ito kaya kahit hindi siya sanay sa pagtatra